You are on page 1of 33

PAGBASA:

MGA SALALAYANG KAALAMAN


‘THE MAN WHO READS IS THE MAN
WHO LEADS’
Kung pakasusuriin naman kasi, talino ang
puhunan ng tao sa kanyang pakikipagsapalaran sa
buhay.

Samakatwid, mahalagang mahasa ang talino ng


bawat isa para na rin sa sariling kabutihan at
kaunlaran.
Kailangan ang masidhi at malawakang
pagbabasa na siyang magbubukas ng daan ng
lahat ng karunungan at disiplina tulad ng
agham panlipunan, syensya at matematika,
pilosopiya, sining at iba pa. (Bernales, et al.,
2001)
1.1.1 KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN

Ang pagbasa ay ang pagkilala at


pagkuha ng mga ideya at kaisipan
sa mga sagisag at kaisipan na
nakalimbag upang mabigkas
nang pasalita.
Ang pagbasa’y isang bahagi ng
pakikipagtalastasan na kahanay
ng pakikinig, pagsasalita at
pagsulat (Bernales, et al., 2001)
Ayon kay Goodman, ang pagbasa ay isang
psycholinguistic guessing game.
Sa depinisyong ito ni Goodman, binibigyang-
diin ang mga kasanayan sa paghula, paghahaka,
paghinuha at paggawa ng prediksyon sa
pagpapakahulugan ng tekstong binabasa.
1.1.2
PROSESO AT KATANGIAN:
Ang pagbabasa ay isang gawaing pangkaisipan

at ang gawaing ito ay mailalarawan bilang isang

proseso.
APAT NA HAKBANG NG
William Gray (Bernales, et al., 2001)
PAGBASA
a. Persepsyon- ito ang hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbulo at

maging sa pagbigkas nang wasto sa mga simbulong nababasa.

b. Komprehensyon- pagpoproseso ito ng mga impormasyon o kaisipang

ipinahahayag ng simbulong nakalimbag na binasa. Ang pagpoprosesong ito

ay nagaganap sa isipan.

Ang pag-unawa sa tekstong binasa ay nagaganap sa hakbang na ito.


c. Reaksyon- dito hinahatulan o pinagpapasyahan ang

kawastuhan, kahusayan at pagpapahalaga ng isang tekstong

binasa.

d. Asimilasyon/integrasyon- sa hakbang naman na ito

isinasama-sama at inuugnay-ugnay ang kaalamang nabasa sa

mga dati nang kaalaman.


 Upang mailarawan pa nang higit ang prosesong ito, pansinin natin ang ilan sa

mga paglalarawan sa pagbasa na inilahad ni Badayos (2000)

a. Ang pagbasa ay walang kahingiang imposible para hindi ito maisagawa ng

mambabasa.

b. Ang pagbasa ay isang proseso ng pag-iisip.

Utak ang ginagamit sa pagbabasa at hindi ang mga mata na tagahatid lamang ng

imahe o mensahe sa utak upang maiproseso.


c. Ang epektib na mambabasa ay interaktib na mambabasa. Sa pagbabasa, ang

mambabasa ay nakagagawa ng interaksyon sa awtor, sa teksto at sa kanyang sarili

mismo. Kung siya ay interaktib sa kanyang pagbabasa, epektib siyang mambabasa.

d. Maraming iba’t ibang hadlang sa pag-unawa, bukod pa sa hadlang sa pagbasa.

Hindi dapat ipagkamali ang isa’t isa.

Halimbawa, ang I.Q. ay maaaring maging hadlang sa pag-unawa, kahit pa nababasa ng

isang tao ang isang teksto.


e. Ang magaling na mambabasa ay sensitib sa

kayariang balangkas ng tekstong binabasa

f. Ang mabilis na pag-unawa sa teksto ay

nakapagpapabilis sa pagbasa.
1.1.3
MGA PANANAW O TEORYA SA
PAGBASA
 Teoryang Bottom –Up
 isang tradisyunal na pananaw sa pagbasa.
 ANG PAGBASA AY ANG PAGKILALA NG SERYE
NG MGA NAKASULAT NA SIMBULO UPANG
MAIBIGAY ANG KATUMBAS NITONG TUGON.
 ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugtu-yugtong pagkilala

sa salita, parirala at pangungusap ng teksto, bago pa man ang

pagpapakahulugan sa buong teksto.


 Ang mambabasa ay isang pasib na partisipant lamang.

 Ang proseso ng pag-unawa ay nagsisimula sa teksto (bottom) patungo

sa mambabasa (up) kaya nga tinawag itong bottom-up.


 Teoryang Top-Down
 bilang reaksyon sa naunang teorya, isinilang ang teoryang
top-down.
Napatunayan kasi ng maraming dalubhasa na ang pag-unawa
ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa (top)
tungo sa teksto
(down).
 Ayon sa proponent nito, ang mambabasa ay isang

napakaaktib na partisipant, siya ay may taglay na dating kaalaman

(prior knowledge)

 ang kahulugan o impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo

sa teksto.
 Teoryang Interaktib
 Hindi rin nakaligtas ang pangalawang teorya sa mga
pagbabatikos ng mga dalubhasa sa pagbasa at sikolohiya kaya
nagkaroon ng teoryang interaktib.
 AYON SA MGA PROPONENT NG TEORYANG ITO;
ANG TOP-DOWN AY MAAARING AKMA LAMANG SA
MGA
BIHASA NANG BUMASA AT HINDI MGA BAGUHAN
LAMANG.
 Higit na angkop daw ang kumbinasyon ng top-down

at bottom-up na nagpapahiwatig ng dalawang direksyon:

itaas-pababa at ibaba-pataas.

 Ang interaksyon kung gayon, ay may dalawang direksyon

o bi-directional.
 Teoryang Iskima
 Mahalaga ang tungkuling ginagampanan
sa pagbasa ng dating kaalaman ng
mambabasa.
BAGO PA MAN BASAHIN NG ISANG MAMBABASA ANG ISANG
TEKSTO, SIYA AY MAY TAGLAY NANG IDEYA SA NILALAMAN
NG TEKSTO MULA SA KANYANG ISKIMA SA PAKSA.
 Maaaring binabasa niya lamang ang teksto upang

patunayan kung ang hinuha o hula niya tungkol sa teksto

ay tama, kulang o dapat baguhin.


1.2
HULWARAN AT ORGANISASYON
NG TEKSTONG EKSPOSITORI
 TEKSTONG EKSPOSITORI

anumang teksto na nagpapaliwanag o


naglalahad ng mga kaalaman hinggil
sa anumang paksang saklaw ng
kaalaman ng tao.
MGA KATANGIAN:

a. obhetibong pagtalakay sa paksa


b. sapat na kaalamang inilalahad sa
teksto
c. malinaw na pagkakahanay ng ideya

at kaisipan
1. DEPINISYON – kapag nais bigyang kahulugan
ang isang di-pamilyar na termino o mga salitang
bago sa pandinig.

TATLONG BAHAGI:
a. Termino
b. Uri, class o specie
c. mga natatanging katangian
TATLONG PARAAN:
a. paggamit ng sinonim
b. intensib na pagbibigay ng
kahulugankahulugan – ginagamit
ang 3 bahagi
c. ekstensib na pagbibigay ng
kahulugan-
2. PAG-IISA-ISA O ENUMERASYON
1. Simple-pangunahing paksa
2. Komplikado- pamamaraang patalata

3. PAGSUSUNUD-SUNOD O ORDER
1. Sikwensyal- kung kinapapalooban ng
serye ng pangyayaring magkakaugnay sa isa’t isa na
humahantong sa isang pangyayari na siyang
pinakapaksa.
2. Kronolohikal- kung ang paksa ay tao o anumang bagay
na inilalahad sa isang paran batay sa isang baryabol.

4. PAGHAHAMBING AT PAGKOKONTRAST
nagbibigay diin sa pagkakaiba at pagkakatulad
5. PROBLEMA AT SOLUSYON
pagtalakay sa isa o ilang suliranin at paglalapat
ng kalutasan ang pokus nito.

6. SANHI AT BUNGA
tinatalakay ang mga kadahilanan at ang mga
epekto nito.

You might also like