You are on page 1of 9

Ang mga teorya sa pagbasa ay nagpapaliwanag kung paano matamo ang pag-unawa sa binasa.

Nagpapaliwanag
kung anong taglay na kakayahan ang mambabasa, anong mayroon sa tekstong binabasa tungo sa pagbasa at
higit sa lahat tinitingnan ang pagbasa bilang proseso. Ang mga kaisipang pinanghawakan kaisipan ng bawat
teorya ito ay nagsisilbing gabay upang mapamahalaan ang sarili sa gawaing pagbasa, lalong-lalo ang sinumang
estudyanteng kolehiyo.
Ang mga teoryang inilalahad sa bahaging ito ay mula sa mga pag-aaral na dayuhan at halaw sa mga panulat
nina Badayos,(199), ( Arrogante et al (2007:11-17) at Buendicho, 2007:64-68) matutunghayan ang mga
mahalagang impormasyon hinggil sa mga teorya ng pagbasa:
1. TEORYANG ISKEMA
Sa panulat ni John Locke(1690) na An Essay Concerning Human Understanding (Incarta Premium 2009) ,
ipinapalagay na sa pagsilang, ang isipan ng tao ay tabula raza o blank states. Nangangahulugang blanko ang
isipan, at ang blankong isipan ay unti-unting mapupunan ng mga impormasyon dahil sa mga karanasan ng tao.
Ang bawat natutunan ng tao ay maging iskema sa isipan. Sa teoryang ito, bawat bagong impormasyong
makukuha sa pagbasa ay naidagdag sa dati nang iskema. Ang iskema na ito ay ang mga nakaimbak na
kaalaman. Maaring makapanghuhula ang mambabasa sa tulong ng kanyang taglay na dating kaalaman.
Magawang basahin ang teksto upang mapatunayan ng mambabasa ang kanyang mga hinuha at hula.
Nagsisilbing “inputs” ang teksto. Hindi ang teksto ang iniikutan ng proseso ng pagbasa kundi ang konsepto o
kaisipang nabubuo sa isipan ng mambabasa. Inilalarawan ang prosesong ito bilang teoryang sikolohikal
sapagkat ang teksto ay nagbibigay lamang ng direksyon sa mambabasa kung paano mabuo ang
pagpapakahulugan.

2. TEORYANG BOTTOM-UP
Ang teoryang ito ay bunga sa tradisyonal na pananaw ng mga Behaviorist na nakapokus sa paglinang ng
komprehensyon ng pagbasa. Ang “bottom” ay nangangahulugang ang mismong teksto o materyal, at ang
“up” naman ay nangangahulugang mambabasa. Pinaghawakan sa teoryang ito na ang pag-unawa sa binasa ay
nag-umpisa sa pagkilala sa mga serye ng mga simbolong nakalimbag. Mula sa mga letra na nabubuo ang mga
salita, sa mga pinagsama-samang mga salita ay nabubuo ang mga parirala, at mula sa mga pinagdugtong-
dugtong na mga parirala ay nabubuo ang mga pahayag sa pagitan ng mga pangungusap. Sa kalagayang iyon,
ang pag-unawa sa mensahe ay mahalagang pangyayari, at ito’y matatawag na tugon o response mula sa mga
serye ng mga simbolo (graphical inputs) na siyang nagsisilbing panawag-pansin o stimulus . Ang pag-unawa ay
matamo payugto-yugto o limitado bago paman makukuha ang buong konsepto o mensahe. Ang modelo sa ibaba
ay nagpapakilala na ang ideyang Walang Kaunting naiipon na nakukulang, at walang maraming naiipon na
sumusubra” ay nalalaman ng mamababasa dahil sa teksto. At mula sa mensahe na iyon ay gumagana ang pag-
iisip ng mambabasa bilang pag-unawa nito. Ayon kay Leonard Bloomfield (1961) na isang lingguwista na
istrukturalista, ang unang task sa pagbasa ay ang pagkilala ng mga code at alphabetic principle. Sang-ayon sa
kaisipan ni Bloomfield, ang teoryang ito ay nagsasabi na ang sinumang mambabasa ay kailangang may
kakayahang unawain ang mga simbolong pangwika gaya ng mga letra, kahulugan ng bawat salita o kaisipan at
anupamang mga krokis na makikita at mga talababa upang pagsama-samahin ito hanggang maunawaan
mensaheng taglay nito. Kung walang mga simbolong pangwika hindi rin mangyari ang pag-unawa sa mga
mensahe. Sa kasong pagkakatuto, ang mga estudyante nasa kolehiyo ay may ganap na kakayahan sa pagkilala
ng mga serye ng simbolong wikang Filipino at English kaya walang puwang naman dito ang hindi
pagkakaunawa sa binasa.
3. TEORYANG TOP-DOWN
Sa impluwensiya ng Gestalt Psychology na naniniwala na ang pagbasa ay isang holistic na proseso, ang
teoryang ito ay nananalig na ang pagbasa ay nakasalalay sa kakayahan ng mambabasa. Ang mambabasa ay may
dating kaalaman at kakayahang pangwika. Aktibong kalahok ang mambabasa dahil siya ay may dating
kaalaman na magagamit upang iugnay sa mga bagong impormasyon upang atamo ang pag-unawa sa binasa.
Samantala, sa kakayahang pangwika na sumasaklaw sa iba’t ibang antas gaya ng sa graphical symbols,
phonemic, alphabetic and sound-spelling principle at sa mismong bokabularyo, sintaktik, semanteka, at sa
kabuuang diskurso ay siyang makatulong upang matitiyak ang pagpapakahulugan ng teksto ayon sa ibig
ipahiwatig ng awtor.
Ang Teoryang Top-Down matatawag ring Teoryang Kognitibo na naniniwalang ang pagbasa ay nagmula sa isip
ng mambabasa (up) patungo sa teksto. Sa mga pinanghawakang kaisipan, ang toerya na ito ay tinatawag ding
Inside-Out o Conceptuality Driven. Bilang proseso, ito ay sang-ayon sa pananaw ni Coady (?) sa pagpaplawak
niya sa kahulugan ng pagbasa mula kay Goodman (1976) na ang sa pagbasa ay kailangan ang kakayahang
pangkaisipan. Sa pangkalahatan, bilang aktibong kalahok/ partisipant, ang mambabasa , siya ay may
maituturing nag-angkin ng kakayahang pangkaisipan, dating kaalaman, at kakayahang pangwika na naging
kasangkapan upang matamo ang pag-unawa sa binasa.
Sa modelo, ang mambabasa ay nakapag-ugnay-ugnay ng kanyang maraming nalalaman tungo sa kanyang
binabasang teksto. Sa pag-uugnay-ugnay niya ay nagaganap sa pamamagitan ng mga tanong at hinuna niya.
4. TEORYANG INTERAKTIBO
Ito ay proseso na nagagamit ang lahat na dating kaalaman dahil sa pagbasa ng teksto . Ilan sa mga proponent ng
teoryang ito ay sina Rumelhart, D (1985), Barr, Sadow and Blachiwicz(1990) at Ruddell and Speaker (1985)na
pinaniniwalaang ang pagbasa kapwa prosesong bottom-up at top-down. Sa mga hiwa-hiwalay na pananaliksik
ang kalagayang ito ay naipapaliwanag na ang mambabasa ay makabuo ng kaisipan mula sa mga piling
impormasyon buhat sa kabuuang kahulugan,kaya ang teksto ay nagsisilbing input. Ganundin ang pagbabasa ay
nagsisilbing input sa pagkakataon nakipag-interaksyon sa teksto. Sa madaling salita dalawa ang maaring
daanan ng input—ang mga impormasyon mula sa teksto at ang pangalawa ay ang pag-unawa sa binasa. Ito ay
prosesong kung saan pinagsama-sama ang mga tekstwal na impormasyon na maibibigay ng mga mababasa sa
teksto. Ang mga tekstwal na impormasyon ay nagsisilbing ekstensyon patungo sa utak ng mambabasa, at dahil
dito nagkaroon ng aktibasyon ang utak ng mambabasa o parang diyalogo sa pagitan ng teksto at mambabasa sa
direksyong pabalik-balik.
Sa prosesong ito, may dalawang direksyon ang komprehensiyon ng pagbasa: ibaba-pataas, at itaas-pababa
(Badayos, 1999:205). Sa dalawang direksyon mangyari ang interaktibong proseso. Interaktibong proseso dahil
ang mambabasa ay hindi lamang nakabatay sa kung anong mayroon ang teksto ngunit ginagamit din niya ang
kanyang dating kaalaman at karanasan pati na ang kakayahang pangwika para matamo ang komprehensiyon ng
pagbasa. Mahalagang elemento dito ang wika (ginagamit sa pagsulat) at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa
nito (sa panig ng mambabasa), dito naganap ang interaksyon ng mambabasa at manunulat o awtor. Sa
pananaw na ito, naging maluwag ang pag-unawa tungo sa aspetong pagtuturo ng pagbasa (lalo na sa guro) na
ang bawat mambabasa ay may taglay kakayahan, isang hakbang upang produktibo at makabuluhan ang
pagbasa, at sa ganitong sitwasyon maunawaan din ng estudyante ang sariling kakayahan sa pagbasa.
Mamalayan niya ang angking mga kaalaman at ang kakayahan, pati na ang wala sa kanya.
Sa lawaran sa ibaba, ang pagbasa ay parang interaksyon ng dalawang panig, ang manunulat ay parang kaharap
ng mga mambabasa na may patuloy na tanong-sagot bilang interaksyon.
5. TEORYANG METAKOGNISYON
Sa teoryang ito, pinaghahawakan na ang mga katawagang pagkatuto at kognitibo ay may iisang kahulugan.
Itinuturing na isang kognitibo ang pagkakatuto dahil ang pagkakatuto ay may kinalaman sa paggamit ng pag-
iisip.
Ang kognisyon naman ay ang kapasidad ng tao na matuto. Sa ganitong punto, ang kamalayan sa sariling
kapasidad sa pag-iisip upang matuto ay mahalaga rin upang magabayan at mapamahalaan ang sarili tungo sa
mga gawaing pagkatuto gaya na lamang sa gawaing pagbasa.
Ang intelehensiya ay nangangahulugang pangkalahatang kapasidad ng pag-iisip (Spearman, 1904) at naging
salik ito kung paano malinang ng tao kanyang karunungan. Ang pagbasa ay isa sa mga paraan upang malinang
ang karunungan. Kung pag-usapan paano matutuo sa pagbasa, ang anumang taglay na kakayahang ng isang tao
na makatutulong sa kanya ay mga elemento sa metakognitibong pagabasa tulad ng mga sumusunod ayon kay
Steck–Vaughn(sa Alejo et al, 2008): pag-unawa, kahusayan, bokabularyo o talasalitaan, palabigkasan o
palatunugan, at pwede naman nating ipapabilang ang ating mga kakayahang kahawig sa mga nababanggit gaya
ng: pag-interpret at pagsusuri ng mga ideya, at pag-uugnay ng mga kaisipan mula sa binabasa.
Buhat sa mga nababanggit, masasabing ang teoryang metakognisyon nakatuon sa intelehensiya ng tao na
magagamit niya sa pagbasa.
Sa teoryang ito ay ipinapahayag na ang nakasalalay sa kapasidad ng pag-iisip ang pag-unawa ng pagbasa.
Maaring ang mahirap na teksto ay madaling unawain sa isang taong may matalas ang pag-iisip at mahirap
naman sa isang tao kung siya ay may mahinang kapasidad ng pag-iisip.
#classroomrules #classroomtips #ADD #attentioninclassroom #payingattention

Ano ang teorya sa pagbasa?

Ang teorya sa pagbasa ay pananaw ukol sa pagbasa. Ito ay nagtatangkang ipaliwanag sa mga
proseso at salik na kasangkot at may kaugnayan sa mga gawaing nararanasan sa akto ng pagbasa at ang
pag-unawa sa mga ito (Singer at Ruddell, 1985).

Napakahalagang kasanayan dapat na matutuhan ng mga estudyante ang isang matibay na pag-
unawa sa proseso ng pagbasa. May iba’t ibang paniniwala o pananaw na maaaring magamit sa pagtalakay sa
konsepto ng pagbasa.

Sa kasalukuyan, apat (4) ang popular na modelo, teorya o pananaw tungkol sa pagbasa. Tunghayan
ang mga paniniwala tungkol sa pagbasa batay sa mga modelong makikita sa tsart: (A)teoryang itaas-
pababa (top-down), (B)teoryang ibaba-pataas (bottom-up), (C)teoryang interaktibo, at (D)teoryang
iskema.
MGA TEORYA PALIWANAG

A. Teoryang Itaas – · Ang teoryang ito ay naniniwalang ang pag-unawa ay


Pababa nagmumula sa isipan ng mambabasa mayroon nang dating kaalaman
at karanasan.
(Top-Down)
· Ang daloy ng impormasyon sa teoryang ito ay nagsisimula sa
itaas (top) patungo sa ibaba (down) na ang ibig sabihin, ang pag-
unawa ay batay sa kabuuang kahulugan ng teksto.

· Ang impormasyon ay nagmumula sa dating kaalaman ng


mambabasa patungo sa teksto (Smith, 1994).

· Ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman


(prior knowledge) at mga kaalaman (schema) na nabubuo na sa
kanyang isipan batay sa kanyang mga karanasan at pananaw sa
paligid. Nakabubuo siya ng mga palagay at hinuha at ito ay iniuugnay
niya sa mga ideya na inilahad ng may-akda sa teksto.

· Ayon kay Goodman (1967), ang pagbasa ay isang


saykolinguwistikong larong pahulaan (psycholinguistic guessing game).
Sa larong ito, ang mambabasa ay nagsisilbing “taya” kung saan siya ay
bumubuo ng sariling hula, hinuha at ipotesis kaugnay ng tekstong
binasa. Sa teoryang ito, ang mambabasa ang sentro ng proseso ng
pagbasa sa halip na ang teksto dahil ang mambabasa ay madalas
nang may dating kaalaman o iskema tungkol sa paksa. Samakatuwid,
sa teoryang ito, ang mambabasa ay higit na nakapokus sa kung ano
ang alam niya upang maunawaan ang binabasa.

· Mga proponent ng · Ang teoryang ito ay tinatawag ding inside-out model, concept-
teorya: Kenneth S. Goodman driven model, at whole to part model (Goodman, 1985 at Smith 1994).
(1985) at Frank Smith (1994)

B. Teoryang Ibaba – · Ito ay salungat sa teoryang top-down.


Pataas · Ito ay pananaw sa pagbasa na naniniwalang ang pag-unawa
(Bottom-Up) sa teksto ay batay sa mga nakikita rito tulad ng salita, pangungusap,
larawan, diyagram o iba pang simbolo.

· Tinatawag itong teoryang ibaba-pataas o bottom-up na


nangangahulugang ang pag-unawa ng isang bagay ay nag-uumpisa sa
ibaba (bottom), ito ang teksto (reading text) at napupunta sa itaas (up),
sa utak ng mambabasa matapos maproseso sa tulong ng mata at utak
o isipan.

· Ang kaisipang ito ay batay sa teoryang behaviorist at sa


paniniwalang ang utak ay isang blangkong papel o tabula raza.

· Ayon kay Smith(1994), ang impormasyon ay hindi nagmumula


sa mambabasa kundi sa teksto.

· Ang teoryang ito ay tinatawag ding data-driven model o part to


whole model. Ibig sabihin, higit na umaasa ang mambabasa sa mga
impormasyong nasa teksto.

· Mga proponent ng
teorya: Rudolf Flesch (1955),
Philip B. Gough (1985), at David
La Berge at S. Jay Samuels
(1985)

C. Teoryang · Ito ang kombinasyon ng teoryang bottom-up at top-down


Interaktibo sapagkat ang proseso ng komprehensyon ay may dalawang direksyon
(McCormick, 1998).
· Sa paggamit ng dalawang paraan (bottom-up at top-down),
nagaganap ang interaksyon sa pagitan ng teksto at ng mambabasa.
Ito’y nabubuo mula sa kaalaman at ideya na dala ng mambabasa sa
pag-unawa sa teksto.
· Samakatuwid, nagkakaroon ng epektibong pag-unawa sa
teksto kapag ginagamit ng isang mambabasa ang kaalaman niya sa
estruktura ng wika at sa bokabularyo kasabay ang paggamit ng dating
kaalaman (schema) at mga pananaw.

· Mga proponent ng
teorya: David E. Rumelhart
(1985); Rebecca Barr, Marilyn
Sadow, Camille Blachowicz
(1990); at Robert Ruddell, Robert
Speaker (1985)

D. Teoryang Iskema · Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak sa


(Schema) ating isipan o memorya. Ito ay nagiging dating kaalaman (prior
knowledge). Ito’y nakakaimpluwensya nang malaki sa pag-unawa kung
ano ang alam na o hindi alam ng mambabasa.
· Mga proponent ng · Iskemata (schemata), ang sistema ng pag-iimbak ng
teorya: Richard Anderson at impormasyon sa utak ng tao (Anderson at Pearson, 1984).
David Pearson (1984) · Ang dating kaalaman (iskema) ang unang kailangan sa pag-
unawa sa binasa upang maunawaan ang binasang teksto.
· Ang iskema ay nararagdagan, nalilinang, nababago at
napauunlad.

Ayon sa dating pananaw, ang pagbasa ay ang pagbibigay ng ideya o kaisipang nasa teksto.sa kasalukuyang
pananaw naman, ang mambabasa ay may ideya nang nalalaman batay sa dati niyang kaalaman (iskema) sa paksa o
tekstong babasahin. Binabasa ang teksto upang patunayan kung ang mga hinuha o palagay ng mambabasa ay tama,
wato, kulang o may dapat baguhin. Samakatuwid, ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa ang sentrong iniikutan
ng pang-unawa at hindi ang teksto mismo. Dahil ditto, dapat bigyang pansin ang interaksyon ng mambabasa sapagkat ito
ang nilalaman ng kanyang isipan.

You might also like