Professional Documents
Culture Documents
A
Ang pagbasa ay nagtataglay ng maraming kahulugan, depende sa sitwasyon. Iba-iba ang
pagpapakahulugan nito batay sa mga manunulat at dalubhasa bagamat iisa ang kaisipang
nakapaloob dito. Narito ang ilan:
Ang pagbasa ay isa sa mga kasanayang pangwika na tulay ng mga estudyante upang mapahusay
at malinang ang kasanayan sa mabisang pag-unawa sa teksto. Ito ay may malaking kaugnayan sa
iba pang makrong kasanayang pakikinig, pagsasalita, pagsulat, at panonood ng isang tao dahil
nagkakaroon ng kakayahang makabuo ng mga kaisipan at makapagpahayag ng damdamin at
maayos na makipagkomunikasyon sa lahat ng disiplina o larangan. Ang mga kaisipang nakukuha
at nabubuo sa pamamagitan ng pagbasa, pakikinig, pagsasalita at panonood ay maaaring sulatin
upang maibahagi sa iba.
Ayon naman kay Baltazar (1977), ang pagbasa ay kasangkapan sa pagkatuto ng mga kabatiran
ukol sa iba’t ibang larangan ng pamumuhay. Sa katunayan, 90% sa napag-aralan ng tao ay mula
sa kanyang karanasan sa pagbasa.
"Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili
at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura."
Ang teorya sa pagbasa ay pananaw ukol sa pagbasa. Ito ay nagtatangkang ipaliwanag sa mga
proseso at salik na kasangkot at may kaugnayan sa mga gawaing nararanasan sa akto ng pagbasa
at ang pag-unawa sa mga ito (Singer at Ruddell, 1985).
Napakahalagang kasanayan dapat na matutuhan ng mga estudyante ang isang matibay na pag-
unawa sa proseso ng pagbasa. May iba’t ibang paniniwala o pananaw na maaaring magamit sa
pagtalakay sa konsepto ng pagbasa.
Sa kasalukuyan, apat (4) ang popular na modelo, teorya o pananaw tungkol sa pagbasa.
Tunghayan ang mga paniniwala tungkol sa pagbasa batay sa mga modelong makikita sa tsart:
(A) teoryang itaas-pababa (top-down), (B) teoryang ibaba-pataas (bottom-up), (C)teoryang
interaktibo, at (D) teoryang iskema.
Ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman (prior knowledge) at mga kaalaman
(schema) na nabubuo na sa kanyang isipan batay sa kanyang mga karanasan at pananaw sa
paligid. Nakabubuo siya ng mga palagay at hinuha at ito ay iniuugnay niya sa mga ideya na
inilahad ng may-akda sa teksto.
Ayon kay Goodman (1967), ang pagbasa ay isang saykolinguwistikong larong pahulaan
(psycholinguistic guessing game). Sa larong ito, ang mambabasa ay nagsisilbing “taya” kung
saan siya ay bumubuo ng sariling hula, hinuha at ipotesis kaugnay ng tekstong binasa. Sa
teoryang ito, ang mambabasa ang sentro ng proseso ng pagbasa sa halip na ang teksto dahil ang
mambabasa ay madalas nang may dating kaalaman o iskema tungkol sa paksa. Samakatuwid, sa
teoryang ito, ang mambabasa ay higit na nakapokus sa kung ano ang alam niya upang
maunawaan ang binabasa.
Ang teoryang ito ay tinatawag ding inside-out model, concept-driven model, at whole to part
model (Goodman, 1985 at Smith 1994).
Ito ay pananaw sa pagbasa na naniniwalang ang pag-unawa sa teksto ay batay sa mga nakikita
rito tulad ng salita, pangungusap, larawan, diyagram o iba pang simbolo.
Ang kaisipang ito ay batay sa teoryang behaviorist at sa paniniwalang ang utak ay isang
blangkong papel o tabula raza.
Ayon kay Smith (1994), ang impormasyon ay hindi nagmumula sa mambabasa kundi sa teksto.
Ang teoryang ito ay tinatawag ding data-driven model o part to whole model. Ibig sabihin, higit
na umaasa ang mambabasa sa mga impormasyong nasa teksto.
Rudolf Flesch (1955), Philip B. Gough (1985), at David La Berge at S. Jay Samuels (1985)
Teoryang Interaktibo
David E. Rumelhart (1985); Rebecca Barr, Marilyn Sadow, Camille Blachowicz (1990); at
Robert Ruddell, Robert Speaker (1985)
Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak sa ating isipan o memorya. Ito ay
nagiging dating kaalaman (prior knowledge). Ito’y nakakaimpluwensya nang malaki sa pag-
unawa kung ano ang alam na o hindi alam ng mambabasa.
Ang dating kaalaman (iskema) ang unang kailangan sa pag-unawa sa binasa upang maunawaan
ang binasang teksto.
Metakognisyon sa Pagbasa
Prosesong Metakognisyon
Ayon kay Graves, et al. (2007), ang isang metakognitibong mambabasa ay itinatanong sa sarili
ang sumusunod: naunawaan ko ba ang sinasabi ng awtor?; ano ang ginagawa ko kapag hindi ko
naunawaan ang aking binabasa?; ano ang maaari kong gawin upang lalong maunawaan ko ang
sinasabi ng awtor?; may magagawa ba ako upang mas lalong maalala ang binasang teksto?;
anong mga estratehiya sa pagbasa ang aking kailangang gamitin kaugnay ng teksto.
Mga Kasanayan sa Pagbasa
Ang mga kasanayan sa pagbasa ay nahahati sa dalawang malawak na pangkat o uri: (A)
Kasanayan sa Bilis at (B) Kasanayan sa Pang-unawa.
Kasanayan sa Bilis
Kasanayan sa Pang-unawa
- Paglilinang ng talasalitaan
- Pag-unawa ng talata
Ayon kay Lalunio (1985), ang bilis ay tumutukoy sa ikatatagal ng mambabasa sa pagbabasa ng
teksto. Ito ay ang bilang ng salitang nabasa sa loob ng isang minuto. Ang mambabasa na may
katamtamang bilis ay nakababasa ng 250 salita bawat minuto. Ang mahusay na mambabasa
nakababasa ng 500 – 600 salita bawat minuto. Ang napakahusay na mambabasa na may bilis ay
nakababasa ng 1,000 salita bawat minuto. Ang bilis sa pagbasa ay dapat mapag-iba-iba ayon sa
layunin ng mambabasa at kahirapan ng binabasa.
Wala ring kabuluhan ang mabilisang pagbasa kung hindi mauunawaan ang binabasa, kaya pang-
unawa ang siyang mahalagang bagay na isaalang-alang sa makabuluhang pagbasa. Ang pang-
unawa ay karaniwang inilalahad sa bahagdan kung ilang bahagdan ang pang-unawang natamo ng
mambabasa sa pagsusumikap niyang maunawaan nang husto ang binabasa. Ang isang mahusay
na mambabasa ay nakatatamo ng 70 – 90% na pag-unawa sa teksto at 90 – 95% sa mga tekstong
nasa malayang antas.
Upang maging mahusay na mambabasa, dapat na alamin kung bakit ka babasa at kung ano ang
gusto mong malaman. Kapag may tiyak ka nang layunin sa iyong pagbasa, dapat ding
magkaroon ka ng lubos na pagkakakilala sa babasahin at antas ng kahirapan nito. Ang kuwento,
editoryal, ang isang kolum; ang pagbasa sa pahayagan, sa panitikan, sa agham, matematika,
pilosopiya – ang bawat isa’y naglalahad ng iba’t ibang suliranin. Bukod pa riyan, ang manunulat
ay nagkakaiba ng estilo, talasalitaan at pamaraan ng paglalahad. Dahil dito, makabuluhan ang
pag-aakma ng bilis sa pagbasa sa uri ng teksto.
Ang isang mambabasa ay hindi lamang marunong kumilala ng mga salita. Ang isang mahusay na
mambabasa ay nakakakuha rin ng mas malawak na kahulugan ng salita; natatanto niya ang
gustong buuing konsepto ng isang tao; ang parirala, sugnay, pangungusap at kahit na ang
sanaysay, kabanata o ang mismong buong aklat.
Ang galaw ng mga mata sa pagbasa ay mahalaga rin. Nakapokus ang paningin sa unang bahagi
ng pangungusap. Titigil doon ng ilang saglit; pagkatapos ay magpapatuloy; titigil na naman sa
ibang bahagi ng pangungusap ng ilang saglit at saka uli magpapatuloy sa susunod pang mga
pangungusap o mga pahina. Ito ang karaniwang tinatawag na fixations. Ang pagbabalik sa
naunang bahagi ay tinatawag na regression. Sa paghinto ng mata nagkakaroon ng
pagpapakahulugan sa binabasa. Kung gaano ang pagtatagal ng pagtigil ng mata ay siya ring tagal
ng pagbibigay-kahulugan ng isipan sa binabasa. Habang gumagalaw ang mata, ang mga anino o
imahe ay Malabo at hindi mabibigyang-kahulugan ng isipan.