You are on page 1of 18

1

KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT ANG SANLIGAN NITO

PANIMULA

May malaking gampanin ang asignaturang Filipino sa bawat indibiduwal

partikular na sa mga mag-aaral. Naibabahagi nito ang kahalagahan ng mga wika maging

ang mga panitikan na sumasalamin sa iba’t-ibang kultura at tradisyon ng isang lugar.

Magsisilbing daan rin upang mas mapahusay ng mga kabataan ang kanilang angking

galing sa larangan ng komunikasyon, pagsulat ng iba’t-ibang literatura at maging sa

pagharap sa pang-araw-araw na pamumuhay. Dito rin matutuhan ng mga mag-aaral ang

wastong paggamit ng wika at angkop na pagbigkas nito gayundin ang ibat-ibang mga

pamamaraan sa pagsulat. Maging ang pagkakaroon ng kamalayan sa retorika at paggamit

ng mga angkop na salita at idyoma (Gutierrez, 2017).

Batay kina Abad at Ruedas (2010), masasabing ang asignaturang Filipino ay

mahalaga sapagkat nakapaloob dito ang wikang Filipino na ginagamit bilang panturo

gayundin sa anumang uri ng komunikasyon. Ito’y tumatalakay rin sa mga bagay-bagay

na may kaugnayan sa ating Wikang pambansa. Alinsunod sa inilabas ng Departamento

ng Edukasyon (2016), layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang kakayahang

komunikatibo gamit ang ating sariling wika, magkaroon ng replektibo o mapanuring pag-

iisip at pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga

babasahin o teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng pambansang pagkakakilanlan, kultural

na literasi, at patuloy na pagkatuto upang makaagapay sa mabilis na pagbabagong

nagaganap sa daigdig.
2

Ganun pa man, kahit mahalagang ituro ang asignaturang Filipino hindi maikakaila

na mayroong mga hamon din sa mga guro at mag-aaral na ituro o pag-aralan ito lalo na

ngayon sa ika-21 siglo. Batay sa pag-aaral na isinagawa ni Cabansag (2013), sinisiwalat

niya na karamihan sa mga mag-aaral ay marunong sa pagsulat ngunit hindi bihasa sa

wastong paggamit ng istraktura at balarila sa pagbuo nito. Ang pinakakaraniwang mga

pagkakamali na nagawa nila sa kanilang sulatin ay ang mga; paggamit ng mga pandiwa,

o ano mang bahagi ng pananalita at maging ang wastong paggamit ng malaking titik o

maliit na titik.

Ayon kay Daza (2021), kung minsan ay nagiging di pormal na ang kanilang

pagpapahayag dahil nahahaluan na ng salitang banyaga ang kanilang impormasyon na

ipinapahayag. Kung kaya’t nararapat na mas magkaroon ng mataas na antas ng pagkatuto

ang mga mag-aaral lalo na sa kasalukuyang panahon.

Sa puntong ito maaring nararanasan ng mga mag-aaral ang bagay na iyan

sapagkat nawawala ang kanilang interes sa ating sariling wika. Sinang-ayunan naman ito

ng pahayag ni Lopez (2021), “Ang mga mag-aaral ay nawawalan ng interes na matutunan

ang ating sariling wika sapakat para sa kanila ito’y walang kapakinabangan. Nakaragdag

pa ang pangkasalukuyang krisis sa kalusugan na kinakaharap din ng sektor ng edukasyon

kung paano maipagpapatuloy pa rin ang pag-aaral kahit nasa gitna ng pandemya.”

Lubhang nakalulugmok para sa damdamin ng isang guro na marinig ang pahayag na ito.
3

Ang pagbabagong pormat ng edukasyon sa ating bansa ngayon dulot ng

pandemya ay mayroong karagdagang hatid na suliranin para sa mga guro at mag-aaral.

Sapagkat laging sinasaisip nila kung paano magiging kapana-panabik ang pagtuturo ng

asignaturang Filipino. Sa pahayag ni Cabigao (2021), “Ang pagiging masaya sa serbisyo

bilang guro at ang pagiging masaya sa klase ng mga mag-aaral ay magbubunga ng

ibayong kahusayan sa pagkatututo.

Kung kaya’t kinakailangang ng mabisang estratehiya upang ang pagmamahal sa

pag-aaral ng sariling wika at sa panitikan ay maibalik o tumimo sa puso ng bawat mag-

aaral ang kahalagahan nito. Nararapat na ang pagmamahal ng mga kabataan sa ating

sariling wika at panitikan ay patuloy na lumiliyab sa kanilang mga puso.”

Kaya ang layunin ng pananaliksik na ito’y malaman ang mga hamon at

opurtunidad sa pagkatuto ng asignaturang Filipino ng mga mag-aaral sa ikaapat na

baitang ng Kolehiyo sa Edukasyong Pangkaguruan sa panahon ng ika-21 siglo.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito’y isasagawa upang malaman ang mga hamon at

benepisyo sa pagkatuto ng asignaturang Filipino sa ika-21 siglo ng mga mag-aaral.

Gayundin upang matulungan ang mga guro, magulang, administrasyon ng paaralan, at

mananaliksik sa hinaharap.

Sa Mga Mag-aaral sa Kolehiyo. Malaki ang maitutulong nito sa kanila upang

mas maipabatid sa guro ang mga hamon o kahirapang kanilang nararanasan sa pagkatuto

ng asignaturang Filipino.
4

Sa Mga Guro. Makatutulong ito upang magkaroon nang kaalaman o benepisyo

sa paggamit ng mga epektibong estratehiya sa pagtuturo ng asignaturang Filipino.

Sa Mga Magulang. Magkakaroon sila ng hamon upang matulungan nila ang

kanilang mga anak na matamo ang tagumpay sa pagkatuto ng asignaturang Filipino. Sa

pag-abot ng katagumpayan sa pagkatuto ng kanilang mga anak ay mainam na maihanda

nila ang mga ito upang mapalawak ang kaisipan na magiging sandigan sa kanilang

hinaharap at darating na hamon sa kanilang buhay.

Sa Administrasyon ng Paaralan. Magsisilbi itong gabay upang higit nilang

mabatid ang mga hamon at benepisyo ng mga mag-aaral sa pagkatuto ng asignaturang

Filipino sa ika-21 siglo.

Sa Mananaliksik sa Hinaharap. Ang pananaliksik na ito ay maaaring maging

batayan o gawing pamantayan ng mananaliksik sa hinaharap upang lalo pang mapabuti

ang paksa at upang mas higit na malawak o malinaw ang perspektibo tungkol sa hamon

at benepisyo sa pagkatuto ng asignaturang Filipino sa ika-21 siglo.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang mga hamon at benepisyo sa

pagkatuto ng asignaturang Filipino.

Sa kabuuan, ang pag-aaral na ito ay sinikap ng mananaliksik na matugunan ang

mga sumusunod na gabay na katanungan:

1. Anong mga pakinabangang makukuha sa pag-aaral ng asignaturang Filipino?


5

2. Anong mga problema o hamon ng mga mag-aaral sa pagkatuto ng asignaturang

Filipino?

3. Ano ang mga iminungkahing solusyon ng mga mag-aaral sa kanilang mga

kahirapan sa pagkatuto ng asignaturang Filipino?

4. Ano ang mga kaugnay na pananaw ng mga mag-aaral sa pagkatuto ng

asignaturang Filipino sa ika-21 siglo ng ating lipunan?

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito’y may hangaring malaman ang mga benepisyo at hamon ng

mga mag-aaral sa pagkatuto ng asignaturang Filipino. Minumungkahi din na

masolusyonan ang mga kahirapan o hamong nararanasan nila sa nasabing asignatura.

Gayundin, upang malaman ang kanilang pananaw rito.

Ang mga respondente sa pananaliksik na ito ay binubuo ng tatlumpung (30) mag-

aaral sa ikaapat na baitang mula sa Kolehiyo ng Edukasyong Pangkaguruan, President

Ramon Magsaysay State University- Iba, Campus.


6

KABANATA 2

BALANGKAS NG PAG-AARAL

Upang magkaroon nang lubos na pang-unawa sa pag-aaral at pagsisiyasat sa

paksang sinaliksik, ipinapakita sa bahaging ito ang mga kaugnay na pag-aaral at literatura

na ginamit ng mananaliksik.

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Wikang Filipino

Ayon kay Chureson (2013), maituturing na ang pambansang kayamanan natin ay

ang sarili linggwahe na Filipino. Sapagkat ito ang nagsisilbi nating tanging yaman sa

ating mga ninuno kung kaya’t nararapat na ito’y pahalagahan at pangalagaan upang

maisalin sa susunod na henerasyon. Sa tulong din ng yamang ito maari tayong

magkaroon ng pagkakalinlanan.

Sinasabi na ang wikang Filipino ay binubuo ng iba't ibang inang wika ng bansa.

Sapagkat malaking bahagdan sa populasyon ng Pilipino ang nakapagsasalita ng dalawa

hanggang tatlong magkakaibang wika (Ortigas, 2020).

Sa ikaanim na seksyon ng ikalabing-apat na artikulo ng Konsitusyon ng 1987, ang

wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Nararapat na ito’y malinang, payabungin at

pagyamanin sa salig na umiiral sa mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.

Alinsunod sa sinang-ayunan na batas, maaaring ipasya ng kongreso na magsagawa ng

mga hakbangin ang pamahalaan upang puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino
7

bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang

pang-edukasyon.

Kaugnayan ng Wikang Filipino

Ang wikang Filipino ay isang diwa ng pambansang pagkakakilanlan. Ang

pagtuturo sa mga bata ng pagmamahal at pagpapahalaga sa wikang pambansa ay

nakakatulong upang mas maiparamdam sa kanila na bahagi sila ng isang magandang

bagay sa mundong ating ginagalawan bilang sa pagiging isang Pilipino nila. Ngunit batay

kay Teves (2021), may ilan sa ating mga kababayan ang nakakaranas ng diskriminasyon

sa ating lipunan sapagkat sila’y minamaliit at kinukutya kapag sila’y nagsasalita ng

wikang Ingles na may lapat na punto ng Filipino. Dahil dito, ang pag-iisip ay humantong

sa paniwala na ang mga Pilipinong matatas sa pagsalita ng wikang Ingles ay mas

matalino kaysa sa iba.

Batay kay Conti (2019), masasabi din na napapabilang sa mga pagbabago ang

wikang Filipino batay sa nailalabas na mga bagong salita, kumbinasyon ng mga salita,

pagkilala sa mga salitang Filipino sa ibang bansa, at pagtuklas ng bagong wika tulad ng

gay lingo at jejemon. Tungkol naman sa usaping kahalagahan ng globalisasyon sa

pagtuturo ng wika sa ibang bansa, ang Filipino ay nakikilala sa buong mundo.

Maraming salik ang antas ng kahirapan o kahandaan ng mga guro sa pagtuturo ng

wika, may malaking impluwensya din ang pag-aaral ng wikang Filipino ang iba’t-ibang

karatig bansa. Gayundin, marapat na pataasin ang positibong motibasyon ng guro sa

pagtuturo ng Filipino dahil malaki ang impluwensya nito sa akademikong tagumpay ng

mag-aaral (Pariaso, 2020).


8

Isinasaad ni Cabaysa (2010), sa Pilipinas ang mga mag-aaral na Filipino ay

gumamit ng mga estratehiya sa upang matuto ng wika kapag hinihiling na gawin ang mga

gawain sa pagsasalita sa klase. Gayunpaman, may posibilidad silang kontrolin at

hawakan ang isang tiyak na diskarte.

Pag-aaral ng Filipino

Ayon kay Espiritu (2016), ang pagsama ng wikang Tagalog sa kurikulum ay

maituturing na isang positibong direksyon tungo sa mas mabisang pagtuturo at pagkatuto

dahil kung ikukumpara sa wikang Ingles, mas madaling gamitin bilang kasangkapan sa

pagkatuto ang wikang Tagalog. Ang makabuluhang hakbang na ito ay sinimulan sa

kritikal na proseso ng pagbuo ng pambansang wika at pagpapalaganap nito sa buong

bansa pangunahin sa pamamagitan ng mga paaralan.

Sa pag-aaral ng Filipino kasama ang mga alituntunin nito sa paggawa ng wastong

gramatikang pahayag ay lubhang mahirap. Dahil sa malaking pagkakaiba ng istilo, tono,

at konstruksyon sa pagitan ng akademikong Filipino at pakikipag-usap gamit ang wikang

Filipino. Nakikita na ang sarili ay nalilimitahan sa paggamit ng dating gawain sa

paaralan at iba pang mga gawain na nangangailangan ng paggamit ng pormal at teknikal

na tamang Filipino (Martinez, 2012).

Alinsunod kay Echavez (2018), ngunit ang pagtuturo ng Filipino at “Panitikan” ay

nananatiling isang pakikibaka sa karamihan ng mga mag-aaral. Bagama't madaling

matukoy at mauunawaan ng ilang estudyante ang mga salitang Ingles, ang pag-aaral ng

Filipino ay nagiging sanhi ng pagkabigo o pagsubok para sa iba.


9

Ang pag-aaral ng wikang Filipino ay masasabing talagang mahirap. Ito ay hindi

lamang dahil sa kahirapan ng wikang ito maging ang tamang tono nito. Mayroon kasing

mga salita sa Filipino na nagbabago ng kahulugan kapag ang diin o tono ng pagsasabi ng

salita ay binago, tinanggal, o sadyang inilagay (Paciente, 2021).

Tunay na ang wastong paggamit ng wikang filipino sa pakikipagtalastasan ay

mahalaga sapagkat, ito ay ginagamit sa ating pangaraw-araw na gawain, sa trabaho man o

sa paaralan. Marami din ang pwedeng mangyari kung hindi alam kung paano ang

wastong paggamit ng wika. Halimbawa, sa pakikipag talastasan, kapag naiba ang tono ng

salita na iyong ginamit, mag-iiba na rin ang ibig sabihin ng salitang iyon. Kaya dapat

alamin natin kung papaano baginagamit ng wasto ang wika. Mahalaga rin ang tamang

pagbigkas, ang tono at ang gramatika sa paggamit ng wikang Filipino sa

pakikipagtalaastasan upang mas maintindihan ang nais mong iparating na mensahe

(Ayon, 2019).

Mga Mag-aaral sa Ika-21 Siglo

Ayon kay Ronquillo (2015), ang teknolohiya ay isa sa malaking bahagi upang

mas maayos na maipakita natin ang mga aralin na itinuturo sa loob ng klase. Marami

nang mga naimbentong teknolohiya simula pa noong mga nakalipas na siglo. Sa loob

lamang ng ilang dekada, ang kompyuter naman ay naging pangunahing kagamitan para

sa pagtuturo sa ika-21 na siglo.

Kung mapapansin natin may positibo at negatibong epekto ang teknolohiya sa

larangan ng sosyalidad. Isinaad ni D. Chandler (2000), sa pakikipagkomunikasyon gamit

ang teknolohiya ay makabagong paraan upang mapadali ang ugnayan ng bawat isa.
10

Ngunit, ito ay nakakapagpababa din sa kakayahan ng isang katauhan upang malinang ang

kanyang personal na pakikipag komunikasyon sa kapwa.

Sa pag-aaral ni Coomes (2004), kanyang inilahad na "Ang kasaysayan at kultura

ay may malaking bahagi sa pagbuo ng paniniwala at kaugalian ng isang katauhan." Sa

paglipas ng panahon, nagiging iba na ang pag-uugali ng tao kaysa noon na wala pang

impluwensya ng teknolohiya.

Batay kay Howe (2003), ang disiplina o pag-uugali ng tao ay pinaghalong dulot

ng salik sa kapaligiran at sosyal tulad ng impluwensya ng pamilya, ng medya, ng

relihiyon, ng mga kaibigan, ng pag-aaral at ng politika. Ang disiplina ay mahalaga para

sa mga mag-aaral lalo na sa mga kolehiyo kung paano sila makitungo sa kaniliang

kapaligiran. Ngayon, ang mga mag-aaral ay mayroon ng makabagong teknolohiya gaya

ng cellphones, tablet, laptop at online social networks gaya ng facebook, twitter,

instagram. Ang mga ito lalo na sa panahon ngayon ay maaring kasangkapan sa

paghahatid ng karunungan sa mga mag-aaral. Nagkakaroon malaking impluwensya ito sa

kanilang akademikong pagsasagawa sa loob ng klase.

Konseptwal na Balangkas

Sa bahaging ito ipapakita ang mga kaugnayang pag-aaral sa asignaturang Filipino

sa ika-21 siglo. gayundin ang pagtuturo ng mga guro at ang mga kahirapang nararanasan

ng mga mag-aaral sa pagkatuto ng nasabing asignatura. Minumungkahi rin dito ang mga

solusyon upang malutas ang problema.

Ang pagkatuto sa ika-21 siglo ay gumagamit ng modernong teknolohiya at mga

kasangkapan para mas maging modernong ang paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral,

makakakuha ng higit pang mga kasanayan, makibahagi sa paglutas ng problema o


11

karanasan sinasapit, at mangangailangan ng mas mahusay na komunikasyon,

pakikipagtulungan, pagkamalikhain, at kritikal na pagsusuri ng mga impormasyon.

Kailanma’y hindi maitatanggi na mahalagang pag-aralan ang asignaturang

Filipino. Ito ang pundasyon ng mga mag-aaral upang malinang ang kanilang kaalaman.

Mahubog ang kanilang isip o talino sa paggamit ng wika, kultura, at panitikan na siyang

pagkakakilanlan ng ating bansa. (Acson, 2021)

Inilalarawan sa pigurang ito ang mga nararanasang hamon at benepisyo ng mga

mag-aaral sa pagkatuto ng asignaturang Filipino. Habang may pagkatutong nagaganap

nagkaroon rin ng mga mungkahing solusyon rito. Makikita na mayroong ugnayan sa

pagitan ng pagkatuto sa asignaturang Filipino at sa karunungan nito na nakakaapekto sa

mga mag-aaral sa ika-21 siglo.

Pigura 1. Paradigma ng Pag-aaral


12

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Ang mga sumusunod ay mga salitang ginamit sa pagtatalakay ay binigyang-

paliwanag upang lubos na maunawaan ang pananaliksik. Ang mga salitang binigyang

kahulugan ng mga mananaliksik ay batay sa kung paano ginamit sa pag-aaral na ito.

Ika-21 siglo ng pagkatuto. Ito ay tumutukoy sa makabagong pamamaraan ng

edukasyon sa kasalukuyan.

Kahirapan. Ito ay tumutukoy sa mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral

sa pagkatuto ng asignaturang Filipino.

Benepisyo. Ito ay tumutukoy sa mga kanais-nais na pangyayaring matatamo ng

mga mag-aaral sa pagkatuto ng asignaturang Filipino.

Pagkatuto sa Asignaturang Filipino. Ito ay tumutukoy sa interdisiplinaryong

pamamaraan na sinasagawa upang higit na maging maayos ang pag-unawa sa pag-aaral

ng asignaturang ito.

Karunungan sa Asignaturang Filipino. Ito ay tumutukoy sa kaalaman at pag-

unawa ng mga mag-aaral sa mga konsepto o prosesong kinakailangan ng indibidwal sa

paggawa ng desisyon, pakikibahagi sa mga gawaing pangkultura na sumasalamin sa

kahalagahan ng pagkatutoo sa asignaturang ito.


13

Kabanata 3

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Inilalahad sa kabanatang ito ang disenyo ng pananaliksik, lokal na pag-aaral,

pinagmulan ng datos, instrumentong gagamitin sa pag-aaral, pamamaraan ng pagkalap ng

mga datos at estatistikang gagamitin sa pagsusuri ng mga datos.

Disensyo ng Pananaliksik

Gagamit ang mananaliksik dito ng isang kwalitatibong pag-aaral, upang

mailarawan nang maayos, akyureyt, at obhektibo ang isang sitwasyon o penomena. Sang-

ayon kay Vizcara (2003), ang Qualitative research ay may kinalaman sa mga kundisyon

ng mga ugnayang nagaganap, mga pamumuhay, mga karanasan, mga pag-uugali, mga

emosyon at nararamdaman ng isang tao sa mga simulain, paniniwala, prosesong umiiral

pati sa epekto ng mga kalakarang nabubuo. Ang kwalitatibong pag-aaral ay bukas sa

impormasyong may kaugnay sa paksa.

Isang halimbawa ng nasabing pananaliksik ay ang disenyong pagsasalaysay na

pagtatanong, ito ang gagamitin ng mananaliksik upang makakalap ng datos na

kinakailangan sa pag-aaral. Ang layunin nito’y lipunin ang mga kwento bilang isang

paraan ng pag-unawa sa karanasan ng isang indibidwal sa pamamagitan ng parehong

pananaliksik at panitikan. (Savin-Baden at Niekerk, 2007)


14

Ayon kay Clandinin (2006), ang disenyong pagsasalaysay na pagtatanong ay

gumagamit ng mga kwento upang maunawaan ang mga ehemplar ng lipunan. Ang mga

kwento mula sa mga kalahok maging sa mga kwentong nilikha ng mananaliksik na galing

sa impormasyong kanilang nakolekta ay nasa puso ng pagsasalaysay na pagtatanong.

Maaring makakatulong ito upang mas malaman ang mga konsepto o pananaw ng isang

indibidwal sa paksang pinag-uusapan.

Sa tulong ng disensyong ito matutukoy ang mga kahirapan at benepisyo sa

pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Ang mananaliksik ay gagamit ng

talatanungan para sa pangangalap ng datos tungkol dito.

Ang mga Tagatugon at Lugar ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa mga mag-aaral sa ikaapat na baitang

mula sa Kolehiyo ng Edukasyong Pangkaguruan, President Ramon Magsaysay State

University- Iba, Campus.

Pigura 2
Mapa ng Lokal ng Pag-aaral
15

Tatlumpung (30) mga mag-aaral sa ikaapat na baitang mula sa Kolehiyo ng

Edukasyong Pangkaguruan, ang gagamitin na kalahok sa pananaliksik na ito.

Ang mga sumusunod ang magsisilbing krayterya sa pagpili ng mga respondente:

1. Tiglimang (5) mag-aaral sa bawat medyor ng Batsilyer sa Sekondaryang

Edukasyon.

2. Kabilang ang mga babae at lalaki sa mga pipiliing tagatugon.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang instrumentong gagamitin sa pag-aaral na ito ay isang binalangkas na

pakikipanayam na may gabay na katanungang binubuo ng mga sumusunod at sasagutin

ng mga tagatugon: 1. Anong mga pakinabangang makukuha sa pag-aaral ng asignaturang

Filipino? 2. Anong mga problema o hamon ng mga mag-aaral sa pagkatuto ng

asignaturang Filipino? 3. Ano ang mga iminungkahing solusyon ng mga mag-aaral sa

kanilang mga kahirapan sa pagkatuto ng asignaturang Filipino? 4. Ano ang mga kaugnay

na pananaw ng mga mag-aaral sa pagkatuto ng asignaturang Filipino sa ika-21 siglo ng

ating lipunan?

Etikal na Pagsasaalang-alang sa gaganaping pakikipanayam

Isasaalang- alang ng mananaliksik ang mga etikal na mga prinsipyo tulad ng pagiging

kompidensiyal at pagkubli sa pagkikilanlan ng mga kalahok. Sisiguraduhin ng

mananaliksik sa mga kalahok na ang anumang impormasyong magmumula sa kanila ay

gagamitin lamang sa kapakinabangan ng pananaliksik. Gayundin, ipapaliwanag ng

mananaliksik sa mga kalahok ang kabuuang layunin ng pananaliksik.


16

Pamamaraan ng Pagkalap ng mga Datos

Upang maisakatuparan ang ginawang pananaliksik isasagawa ang mga

sumusunod na hakbang:

Unang Yugto. Sisiguraduhin ng mananaliksik na hihingi ng pahintulot sa

dekana ng kolehiyo na isagawa ang nasabing pananaliksik sa pamamagitan ng

liham ng pag-eendorso. Nakasaad na tatlumpung (30) mag-aaral sa ikaapat na baitang

mula sa Kolehiyo ng Edukasyong Pangkaguruan lamang ang magsisilbing kalahok.

Matapos maaprubahan ang pahintulot maari ng na magsagawa ng panayam sa mga mag-

aaral.

Pagkatapos makahingi ng pahintulot ay ipapakita ng mananaliksik ang

“Endorsement Letter” sa maga respondente bilang katunayan sa pagsasagawa ng

pananaliksik. At buhat sa mga tugon sa mga talatanungan sisimulan ang pagpoproseso ng

mga datos.

Ikalawang Yugto. Pagsasagawa ng Panayam. Ang panayam ay isang

binalangkas na may gabay na katanungan. Binubuo ito ng apat na magkakaibang tanong

na sasagutin ng mga tagatugon at makakamit rito ang mga resulta ng pagnanais ng

mananaliksik. Isasaalang-alang din ng mananaliksik ang etikal na konsiderasyon sa

pamamagitan ng paghihingi ng pahintulot sa mga tagatugon. Bibigyan sila ng consent

form bago maganap ang pakikipanayam. Gagawing opsyunal ang mga pangalan ng

kalahok upang mapanatiling confidential ang kanilang pagkakakilanlan. Bago isagawa

ang pakikipanayam ay ipaliliwanag muna sa mga tagatugon ang layunin ng pag-aaral.

Kasunod nito ang pakikipanayam kung saan irerekord ang kanilang mga sagot gamit ang
17

Online Platform na Zoom o Google Meet sapagkat hindi pa pinapayagan ang Face to

Face dahil sa COVID 19 Outbreak. Matapos ang pakikipanayam ay magkakaroon ng

transkripsyon sa kanilang mga sagot. Bilang pagsiguro sa data privacy, matapos ang

buong transkripsyon ng online platform na Zoom o Google Meet ng mga tagatugon ay

buburahin ang mga ito

Ikatlong Yugto. Coding at Pagtatabula ng mga Tematikong Datos. Ang

sample code para sa mga kalahok ay ‘ES01', ay kumakatawan sa mula sa Kolehiyo ng

Edukasyong Pangkaguruan, sinundan ito ng numero sa coding na ibinigay ng

mananaliksik. Ilalarawan ng mananaliksik ang mga datos na kanyang nakalap mula sa

mga kalahok at isusunod ito sa mga alituntunin sa paggamit ng tematikong pag-aanalisa.

Ikaapat na Yugto. Pag-ulat ng resulta batay sa Tematikong Pag-aanalisa.

Ang mga resulta ay naglalaman ng pag-uugnay sa panitikan upang bigyang balidasyon

ang bawat tema, ipapaliwanag nang maayos ang mga maibibigay na halimbawang

pahayag ng mga mag-aaral.

Paggamit ng Tematikong Pag-aanalisa

Gagamit ng tematikong pag-aanalisa sa isasagawang pag-aaral. Ito ay isang

paraan para sa pagkilala, pagsusuri, at pag-uulat ng mga tema sa loob ng mga datos

(Braun & Clarke, 2006). Batay kina Braun at Clarke, may anim na hakbang na dapat

sundin sa tematikong pag-aanalisa: una ang pag-papamilyar sa iyong datos; ikalawa ay

ang pagbuo ng mga paunang code; ikatlo ang paghahanap ng mga tema; ikaapat ang

pagsusuri ng mga tema; ikalima ang pagtutukoy at pagbibigay ng pangalan sa mga tema,

at ikalima ang paggawa ng ulat. Ang mga datos ay binigyang kahulugan gamit ang

tematikong pag-aanalisa at ang bawat tanong sa talatanungan ay hahanapan ng mga tema.


18

You might also like