You are on page 1of 1

MGA KOMENTO/PUNA SA PAGPAPAKITANG TURO

MAJOR 19 MAIKLING KWENTO AT NOBELA

NIEDO, JOSHUA

1. Mahusay ang pagkakagawa ng Banghay Aralin. Lahat ng layunin ay “swak” sa


pagpapakitang turo.
2. Magbigay ng iba pang estratehiya sa pagpapangkat.
3. Sa pagpapakita ng mga larawan, kinakailangan nakikita ito ng mga mag-aaral
maaaring gumamit ng powerpoint presentation sa pagpapakita ng larawan.
4. Mahusay ang ginawang paghawan ng sagabal sapagkat ang bawat malalalim na
salita ay nagawan ng pangungusap.
5. Tawagin sa pangalan mismo ang mga mag-aaral sa “recitation”. Bilang
estratehiya, Maglagay ng “name tag” sa bawat mag-aaral.
6. Maglaan ng oras sa pangkatang Gawain at pagtataya.
7. Sa pamantayan sa pagbibigay ng marka, kinakailangang ipaliwanag itong mabuti
ng Guro sa mga mag-aaral.
8. Bigyang husay pa sa “Delivery” sa pagpapakitang turo.

Iba pang “Tips” sa Pagpapakitang Turo:

1. Kinakailangan tama ang oras sa pagpapakitang turo. (1 oras)


Siguraduhin din na hindi magkukulang ng oras sa pakitang turo. (Undertime)
2. Siguraduhin na lahat ng layunin ay “swak” sa pakitang turo.
3. Sa pagpapakitang turo, kinakailangang gumawa ng kagamitang panturo tulad ng
tradisyunal na pamamaraan bilang alternatibo.
4. Bigyan ng karampatang oras sa pangkatang Gawain at sa pagtataya.
5. Sa pagpapakitang turo, iwasan ang paggamit ng “Mannerism” na “Ahm, so”.
6. Sa pangkatang Gawain, kinakailangan ikutan ang bawat pangkat para sa mga
katanungan ng mga mag-aaral sa gagawing pangkatan.
7. Kinakailangang tawagin sa kanilang mga pangalan ang mga mag-aaral. Kung
hindi alam ang pangalan ng mga mag-aaral maaaring maglagay ng “name tag”
bilang estratehiya.
8. Napakahalaga ng “eye to eye contact” sa mga mag-aaral.
9. Mahalagang pagtuunan ng pansin ang “Board Walk”.
10. Sa pagpapasa ng papel sa pagtataya, maaaring gumamit ng mga estratehiya
nang sa ganoon, maging maayos ang daloy ng pagpapasa ng papel at maiwasan
ang pagkakagulo.
11. Iwasan ang “typographical error” sa Banghay Aralin.
12. Kinakailangan na ang Guro bilang tagapagturo ay alam ang itinuturo sa mga
mag-aaral. (Mastery of the subject matter).

You might also like