You are on page 1of 2

MGA KOMENTO/PUNA SA PAGPAPAKITANG TURO

MAJOR 19 MAIKLING KWENTO AT NOBELA

MAYA, RUBY ROSE

1. Mahusay ang ginawang Kagamitang Panturo.


2. Mahusay ang ginawang pagganyak.
3. Mahusay ang ginawang paghawan ng sagabal.
4. Mahusay ang pagtalakay sa paksa sapagkat gumamit ng ibang estratehiya sa
pagtalakay.
5. Magbigay ng iba pang estratehiya sa pagpapangkat.
6. Ipaliwanag na mabuti sa mga mag-aaral ang bawat pamantayan sa pagbibigay
puntos sa pangkatan. (Bigyan ng karampatang nilalaman ang bawat puntos sa
pamantayan).
7. Mahusay ang ginawang “Back up” ng Guro sa pagtalakay sa paksa.
8. Sa pagtataya, maglaan ng pamantayan o “Rubrics” sa pagbibigay puntos sa sagot
ng mga mag-aaral.
9. Sa Takdang Aralin, maglaan din ng pamantayan o “Rubrics” sa pagbibigay puntos
sa sagot ng mga mag-aaral.
10. Mahusay ang ginawang Banghay aralin sapagkat “swak” o “nagjive” lahat ang
bawat layunin.

Iba pang “Tips” sa Pagpapakitang Turo:

1. Kinakailangan tama ang oras sa pagpapakitang turo. (1 oras)


Siguraduhin din na hindi magkukulang ng oras sa pakitang turo. (Undertime)
2. Siguraduhin na lahat ng layunin ay “swak” sa pakitang turo.
3. Sa pagpapakitang turo, kinakailangang gumawa ng kagamitang panturo tulad ng
tradisyunal na pamamaraan bilang alternatibo.
4. Bigyan ng karampatang oras sa pangkatang Gawain at sa pagtataya.
5. Sa pagpapakitang turo, iwasan ang paggamit ng “Mannerism” na “Ahm, so”.
6. Sa pangkatang Gawain, kinakailangan ikutan ang bawat pangkat para sa mga
katanungan ng mga mag-aaral sa gagawing pangkatan.
7. Kinakailangang tawagin sa kanilang mga pangalan ang mga mag-aaral. Kung
hindi alam ang pangalan ng mga mag-aaral maaaring maglagay ng “name tag”
bilang estratehiya.
8. Napakahalaga ng “eye to eye contact” sa mga mag-aaral.
9. Mahalagang pagtuunan ng pansin ang “Board Walk”.
10. Sa pagpapasa ng papel sa pagtataya, maaaring gumamit ng mga estratehiya
nang sa ganoon, maging maayos ang daloy ng pagpapasa ng papel at maiwasan
ang pagkakagulo.
11. Iwasan ang “typographical error” sa Banghay Aralin.
12. Kinakailangan na ang Guro bilang tagapagturo ay alam ang itinuturo sa mga
mag-aaral. (Mastery of the subject matter).

You might also like