You are on page 1of 2

Pambungad na Pananalita

Sa ating punong guro, G. Noel Amando Dalere, mga minamahal naming guro;
mga magagaling na hurado at kapwa ko mga mag-aaral, magandang hapon po sa
inyong lahat.
Tuwing buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wikang
Pambansa, bilang paggunita sa ating kasaysayan at pagpapahalaga sa mga naging
kaganapan upang ang wikang Filipino ay maisabatas bilang Pambansang Wika ng
Pilipinas.
Sa kasaysayan ng pagdiriwang natin ng Buwan ng Wika, ito na marahil ang
unang pagkakataon na ipinagbubunyi din natin ang ating mga katutubong wika, hindi
lamang ang wikang Filipino. Bakit natin ito ginagawa? Dahil nais nating pagpugayan
at patunayan na mahalagang bahagi ng ating pagkabansa ang 130 katutubong wika
sa Filipinas. Ito ang buong pagmamalaking ipinapahayag ng ating tema na Wikang
Filipino; Tungo sa Isang bansang Filipino.
Ang wika po kasi ang una at pangunahing pamanang pangkultura ng
sangkatauhan. Ito ang nagbibigay artikulasyon sa ating nakaraan, sa ating
kasaysayan ng mga tagumpay at pagkabigo. Nasa wika ang yaman ng ating
nakaraang hitik sa katutubong karunungan. Kung hindi natin ito aalagaan,
mapanganib ito; at kung pababayaan, maari pang maglaho nang tuluyan. Kapag
naglalaho ang isang wika, tila may isang tahanan o kamalig ng ating alaala at
tradisyon ang mawawala at hindi na mababawi kailanman.
Sa pamamagitan ng pag-ambag ng ating mga katutubong wika ay nais nating
tiyakin na mananatili itong masigla at ginagamit nang masigasig sa pang-araw-araw
na buhay ng ating mga kababayan. Tulad ng ginawa nating maagang pagsisimula ng
bUwan ng Wika, nawa’y mahigitan natin ang buwan ng Agosto sa pagpapamalas ng
ating pag-ibig sa sariling wika. Dahil wala nang hihigit pa sa pagkadalisay at
pagkadakila sa pag-ibig sa sariling katutubon wika.
Muli,maligayang Buwan ng Wika sa inyong lahat.

Maraming Salamat Po..


Pampinid na Pananalita

Sa ating kagalang-galang na punong guro, G. Noel Amando Dalere,sa ating

mga butihing guro, sa ating magagaling na hurado, sa mga kapwa ko mag-aaral

isang maalab na pagbati ng magandang hapon sa inyong lahat.

Sa mga nakita at narinig na palatuntunang ito marahil ay maitatanong natin

sa ating mga sarili kung ano nga ba ang kabuluhan ng pagkakaroon ng Pambansang

Wika. Ano nga ba ang maitutulong nito sa ating buhay bilang isang Pilipino? Ang

palatuntunang ito ay pinagawa upang bigyang halaga ang pagkakaroon ng wikang

pambansa. Dito tayo nagkakaisa at nagkakaunawaan ng mahalagang bagay upang

tayo ay umunlad. Kailangan nating magkaintindihan tungo sa iisang adhikain - ang

umunlad.

WIKANG KATUTUBO: TUNGO SA ISANG BANSANG FILIPINO!! Gamitin natin

nang gamitin ang ating mga wikang katutubo dahil mas malusog at aktibo ang mga

utak natin kapag higit isang wika ang sinasalita!

Sa pagkakataong ito, taos puso po akong nagpapasalamat sa mga nakibahagi

sa palatuntunang ito sapagkat hindi po mabubuo ang aming palatuntunan kung wala

kayo. Sa ating magigiting na hurado, maraming salamat sa pagtanggap ng aming

paanyaya at sa ibinahagi ninyong oras. Sa ating mga talentadong kalahok nawa’y

pagyabungin ninyo pa ang inyong mga talento. Sa mga tagapayo ng EFC at mga

kapwa ko opisyal. Maraming Salamat po! Muli magandang hapon po sa ating lahat.

You might also like