You are on page 1of 2

NARRATIVE REPORT

Pampaaralang Pagdiriwang ng
Buwan ng Wika 2019
Tuwing Agosto ng bawat taon ay ipinagdiriwang ang Buwang ng Wika,

upang maipakita ang pagpapahalaga sa pagkamit ng ating bansa ng sarili

nitong lengguwahe. May Temang: “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang

Filipino.”

Iba’t-ibang mga patimpalak ang inihanda upang mabigyan ng

pagkakataon ang mga mag-aaral upang maipakita ang kanilang mga talento,

sa tulong na rin ng kanilang mga guro at magulang.

Sa taong ito ang layunin ng ating pagdiriwang ay ang pagyamanin ang

kaalaman ng ating mga mag-aaral ukol sa mga iba’t-ibang wikang katutubo

sa ating lalawigan/ bansa. At palawakin ang kanilang mga kaalaman sa iba’t-

ibang kultura ng ating bansa.

Sa bawat linggo ng buwan ng Agosto ay mayroong iba’t-ibang

patimpalak. Sa unang linggo ay nagkaroon ng patimpalak sa pagsulat ng

islogan, pagbabaybay, at sabayang pag-awit. Sa ikalawang linggo, ay

iginunita naman ang pagligsahan sa Pagkukulay, paggawa ng poster, tagisan

ng talino, at ang SULKA o Sulat Bigkas ng Tula. Sa ikatlong linggo, ipinamalas

naman ng mga mag-aaral ang kanilang talento sa pagbigkas ng tula at sa

pagkukuwento. At sa pang-huling linggo ay ipinakita ng mga mag-aaral at

mga guro ang kanilang mga naggagandahang katutubong kasuotan, ang


mga mag-aaral din ay nagpakitang gilas sa pagsasayaw ng mga katutubong

sayaw ng ating lalawigan.

Naging matagumpay ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2019 ng

aming paaralan, dahil sa suporta ng aming punong-guro, kapwa ko mga guro,

at sa pakikiisa ng mga magulang.

You might also like