You are on page 1of 3

PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKA

Tema: FILIPINO: WIKANG MAPAGBAGO

Ang Paaralang Elementarya ng Labuin ay nagdaos ng isang


palatuntunan upang itanghal ang mga talento ng bawat mag-aaral sa
pamamagitan ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may temang
“FILIPINO: WIKANG MAPAGBAGO”.
Ang palatuntunan ay sinimulan sa pamamagitan ng
pambansang awit sa pagkumpas ni Gng. Marivie F. Rempillo, Guro
III, na kaagad sinundan ng isang panalangin na ginampanan ni Gng.
Anabelle P. Ceribo, Guro I. Ginampanan naman ni G. Jean Paul V.
Banay, Guro II-Jade, ang Panatang Makabayan at si Gng. Bernadette
A. Dela Cruz ang panunumpa sa watawat, Guro V-Emerald. Nagbigay
ng kanyang panimulang pagbati ang masipag na itinalagang-guro ng
paaralan na si Gng. Alma SM. Tomacruz na kanyang dinagdagan ng
isang makabuluhang mensahe tungkol sa pagmamahal sa sariling
wika at kung paano ito gamitin sa adhikain para sa wika ng
pambansang karunungan.
Matapos ang unang yugto ng palatuntunan ay isa isang
nagpakita ng kanilang mga natatanging talento ang bawat baitang.
Pinangunahan ito ng mga mag-aaral sa Kinder na umawit ng “Ako’y
Isang Pinoy”. Kagiliw- giliw na panoorin ang mga munting anghel na
umaawit. Isa namang maramihang pagsayaw ang ipinamalas ng mga
mag-aaral mula sa Baitang II gamit ang kantang “Balot Penoy”. Isang
malakas na palakpakan ang ibinigay ng mga manonood sa mga
batang sumayaw.
Isang maikling mensahe naman ang ibinigay ni G. Luis A. Perez,
Pangulo ng Pampaaralang Samahan ng mga Guro at Magulang, ukol
sa kahalagahan ng Wikang Pambansa hindi lamang sa paaralan
kundi sa ating araw araw na pamumuhay.
At bilang huling pagtatanghal ay ipinamalas ang pinagsamang
galing ng mga piling mag-aaral mula sa ika-apat hanggang ika-anim
na baitang ang “BIGSAYWIT” na kanilang inilaban sa pan-Distritong
Paligsahan para sa Buwan ng Wika kung saan nakamit ang unang
pwesto. Talaga namang tinutukan ng mga manonood, bata man o
matanda ay namangha sa talentong ipinakita ng mga piling mag-
aaral.
Ang lahat ng mag-aaral ay masiglang nakilahok at nagpakita ng
kanilang galing sa palatuntunan sa pagdiriwang ng Buwan ng
Wikang Pambansa.
BIGSAYWIT – DIVISION LEVEL AT FAMY-MABITAC DISTRICT

PANSANGAY NA KONGRESO SA FILIPINO

You might also like