You are on page 1of 1

Narrative sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2018

ANG MABABANG PAARALAN NG BERNABE Q. BIAGTAN (BQB) ay muli


nanamang ipinagdiwang ang isa sa mga pinakahihintay na okasyon ng
mga mag-aaral upang ipamalas ang kanilang kakayahan o talento sa ibat-
ibang uri ng pagpapahayag sa pamamagitan ng sariling wika na alinsunod ito
sa paksang diwa:“Filipino:Wika ng Saliksik”Ang nasabing tema ng buwan ng
wika ay nagsilbing ugat ng programa upang gisingin ang kamalayan ng
mga musmos na kaisipan ang kahalagahan ng ating Inang Wika sakanilang
araw-araw ng pagkikisalamuha sa lipunan. Ito rin ay naging pamantayan ng
talakayan para sa mabisang pagturo na may kinalaman hinggil sa mga
rehiyonal na dayalekto at sa angpaggamit ng mga akmang genre.

Nagsimula ang programa sa mapayapang pagtitipon ng lahat ng


baitang sa bulwagan. Nanalangin ang lahat at sinundan ng Pambansang Awit
at pag-awit ng Pangasinan Hymn. Ang programa ay pormal na sinimulan sa
pamamagitan ng pambungad na pananalita ng mahal naming Punong Guro
na si Gng. Mary Ann P. Macaraeg na agad namang sinundan ng
makabuluhang mensahe mula sa ating Tagamasid Pampurok na si Dr.
Marcelina A. Laroco.

Upang ihatid ang pakikiisa sa paggunita at pagpapalaganap ng ating


kultura at wika lalong lalo na sa ating wikang sinuso may iba’t ibang patimpalak
na nilahokan ang ating mga mag-aaral. Sa umaga naganap ang mga
sumusunod na patimpalak: Para sa mga Kinder ay ang Daniw o Anlong,
Sabayang Pag-awit gamit ang wikang sinuso sa mga nasa Baitang 1-2,
Pagbasa naman sa mga batang nasa Baitang 3 at Salin ng Sayaw sa mga
batang nasa Baitang 4-6 at pinaka-magandang Pilipinong kasuotan para
naman sa mga guro. At sa hapon naman ay ang paligsahan sa piling Laro ng
Lahi na pinangunahan ng mga MAPEH Koordineytor na sina G. Paul A. Soriano,
Gng. Joseline A. Soriano at Gng. Jean P. Del Campo. Matindi ang naging
tungalian sa bawat patimpalak. Bawat isa o grupo ay nagtangkang sungkitin
ang unang parangal. Natapos ang palatuntunan ng masaya ang bawat isa lalo
na ang mga bata. Naipaliwanag sa kanila ang kahalagan ng wikang Filipino.
Naipaunawa sa kanila na dapat mahalin ang ating wika ng buong puso! Hindi
lamang sa salita kundi pati na rin sa gawa.

Sa kabuuan matagumpay na naisagawa ang ibat’ ibang patimpalak at


paligsahan sa tulong ng mga naanyayahang butihing hurado na
pinangungunahan ni Gng. Ore Velasques, Gng. Carol P. Aquino, Gng. Aurora
Castillo at Gng. Maricel R. Tandingan.

You might also like