You are on page 1of 23

URI NG PAGBASA

LAURY PEARL D. DIAZ


01
“Sa pusikit ng kadiliman,
pagbasa’y nagbibigay
apoy ng kaliwanagan.”
BALANGKAS NG PAGTALAKAY

Bakit mahalaga
01 Ano ang pagbasa? 02 ang pagbasa?

Mga Uri ng Mga Uri ng


03 Pagbasa Ayon sa 04 Pagbasa Ayon sa
Pamamaraan Layunin
ANO ANG PAGBASA?

PAGBASA

VILLAMIN KOCH RUBIN

Ang pagbasa ay hindi lamang


80% na ating ginagawa pagkilala sa mga simbolong Ang pagbasa ay
ay nauukol sa nakalimbag kundi pagkuha ng pagdadala at pagkuha ng
pagbabasa kahulugan ng nakalimbag na sa kahulugan ng
simbolo sa pamamagitan ng nakalimbag na pahina.
wastong pag-unawa at
pagpapakahulugan sa mensahe
at layunin ng sumulat.
Bakit mahalaga
ang pagbasa?
URI NG PAGBASA AYON SA PAMAMARAAN
Pahapyaw na Pagbasa o Scanning
Ang uring ito ay pagtingin at pagpansin
nang bahagya sa mga impormasyong
natatagpuan habang nagbabasa.

Layunin lamang ng nagbabasa na makita


nang madalian ang anumang datos na
hinahanap.
Mabilisang Pagbasa o Skimming
Ang mabilis na pagbasa ay isang
pinaraanang pagbasa sapagkat ito ay
isinasagawa ng taong nagmamadali sa
pagbasa.

Ito rin ay pagtingin o paghanap sa


mahalagang impormasyon, na maaaring
makatulong sa pangangailangan tulad ng
term paper o pamanahong papel, riserts at
iba pa.
Previewing

Sa uring ito ang mambabasa ay hindi


kaagad sa aklat o chapter, sinusuri muna
ang kabuuan at ang estilo at register ng
wika ng sumulat.
Bahagdan ng Previewing

1. Pagtingin sa Pamagat, Heading at Sub-


Heading na karaniwang nakasulat sa Italic.
2. Pagbasa ng Heading na nakasulat ng blue
print
3. Pagbasa sa una at huling talata
Bahagdan ng Previewing

4. Pagbasa sa una at huling pangungusap ng


mga talata.

5. Surrin ang buod, larawan, graphs o chart

6. Pagtingin at pagbasa ng table of contents o


nilalaman
Kaswal

Pagbasa ng pansamantala o di palagian.


Magaan ang pagbasa tulad halimbawa
habang may inaantay o pampalipas ng
oras.
Pagbasang Pang-Impormasyon

Ito’y pagbasang may layunin malaman


ang impormasyon tulad halimbawa ng
pagbasa sa pahayagan kung may bagyo,
sa hangarin may pasok o wala.
Matiim na Pagbasa

Nangangailangan ito ng maingat na


pagbasa na may layuning maunawaang
ganap ang binabasa.
Pagsusuring Pagbasa (Analytical Reading)
Nangangailangan ito ng matalino at
malalim na pag-iisip upang hasain ang
kagalingan ng mambabasa sa kaniyang
mapanuring pag-iisip.
-Pagtatasa sa Katumpakan
-Kaangkupan
-Katotohanan o Opinyon
Pagsusuring Pagbasa (Analytical Reading)
1. Tukuyin kung saan nakapaloob ang teksto.

2. Ibalangkas ang teksto batay sa kabuuang


estruktura o kung paano ito inayos ng may
akda.
3. Tukuyin ang suliranin na tinatangkang
bigyang-linaw ng may akda.
Pagsusuring Pagbasa (Analytical Reading)
4. Unawain ang mahahalagang termino ng
ginamit ng may akda tungo sa pag-unawa ng
kabuuang teksto.

5. Sapulin ang mahahalagang proposisyon ng


may akda.
6. Alamin ang argumento ng may akda.
Pamumunang Pagbasa (Critical Reading)

 Hindi sapat na binibigyang-pansin lamang ang nilalaman ng


teksto sa pamumuna. Ang matalinong mag-aaral ay
nararapat na mabigyang-puna ang loob at labas ng isang
teksto mula sa pamagat, simula, katawan at wakas ng
akda. Gayundin ang istilo ng awtor batay sa istruktura ng
pangungusap at paraan sa pagpapahayag. Binibigyang-
pansin din ang wastong paggamit ng balarila at mga bantas
upang maging ganap at malinaw ang mga ideyang
tinatalakay sa akdang binabasa.
Re-Reading (Muling Pagbasa)

Paulit-ulit na binabasa kung ang binabasa


ay mahirap unawain bunga ng mahirap na
talasalitaan o pagkakabuo ng pahayag.
Pagtatala

Ito’y pagbasang may kasamang


pagtatala ng mga mahalagang kaisipan o
ideya bilang pag-imbak ng mga
impormasyon
URI NG PAGBASA AYON SA LAYUNIN
Pagbasang Exploratory

Naglalayong kumuha ng malinaw na


larawan ng kabuuang presentasyon ng mg
ideya.
Study Reading

Uri ng pagbasang karaniwang ginagamit


ng mga mag-aaral sa pagbabasa ng
kanilang mga aralin sa mga asignaturang
agham, matematika, araling panlipunan
at sining.
Mapanuring Pagbasa

Hinihingi ng ganitong uri ng pagbasa ang


kakayahan ng mambabasa na makilala ang
pagkakaiba ng katotohanan sa opinyon,
mabatid ang mga propagandang ginagamit
sa mga materyal na humihikayat sa
mambabasa, makilala ang mga pagkiling
(bias) ng manunulat sa nakapaloob sa
kaniyang akda at iba pa.
Bakit mahalagang pag-
aralan natin ang mga
uri at layunin ng
pagbasa?

You might also like