Professional Documents
Culture Documents
Katuturan at Kahalagahan ng
Pagbasa at Pagbabasa
Ang masining, maayos, at tamang pagbabasa
ay nagiging kapaki-pakinabang sa mga
bumabasa at mga nakikinig. Ito ay
nagpapalawak ng kaalaman at nagpapalalim
ng
pag-unawa
Ang pagbabasa ay isang paraan din ng
paglalakbay ng diwa, kaisipan, at maging ng
imahinasyon ng tao.
Ayon nga sa isang kasabihan sa Ingels
“Reading makes a man” ang pagbabasa ay
nagpapaunlad sa personalidad ng tao. Dito
nabubuo ang kanyang
pagkatao.
Kailangang pag-ukulan ng maraming panahon
ang pagbabasa sapagkat mahalaga ito sa
pagtatamo ng karunungan.
Narito ang katuturan ng pagbasa
ayon sa ilang mga eksperto rito:
Leo James English. Isang awtor ng English-
Tagalog Dictionary, ang pagbasa/pagbabasa
ay pagbibigay ng kahulugan sa mga nakasulat
o nakalimbag na mga salita.
Kenneth Goodman. Ang pagbasa ay isang
saykolingguwistiks na panghuhula kung saan
ang nagbabasa ay bumubuong muli ng isang
mesahe o kaisipang hango sa tekstong binasa.
James Dee Valintine. Ang pagbasa ang
pinakapagkain ng ating utak at sa maraming
pagkakataon, napatunayan nating marami sa
mga nagtatagumpay na tao ang mahilig
magbasa.
James Coady. Ang kaisipang ibinibigay ni
Goodman na nagwikang ang dating kaalaman
ng tagabasa ay kailangang maiugnay niya sa
kanyang binabasang konsepto o kaisipan at
kasanayan sa pagpoproseso ng mga impor-
masyong masasalamin sa teksto.
Hank (1983). “Ang pagbasa ay ang pag-
unawa sa kahulugan ng nakalimbag o
nakasulat at pagbibigay ng interpretasyon
dito.
Ayon kay Bond at Tinker (1967). “Ang
pagbasa ay rekognisyon ng anumang
nakasulat o nakalimbag na mga simbolo na
nagiging “stimuli” upang maalala
ang kahulugan ng mga nakalimbag na
kaalaman o karunungan mula sa karanasan ng
mga mambasa.”
(Belvez et al., 2004). Ang pagbasa ng
anumang uri ng katha ay nagkakabisa sa ating
isip, damdamin at asal.
Carmilita S. Lorenzo. Ang pagbasa ay ang
tiyak at madaling pagkilala ng ayos at
pagkasunod-sunod ng mga salita upang
makabuo ng mga ideya at kahulugan.
(Baltazar 1977). Ang pagbasa ay
kasangkapan sa pagkatuto ng mga kabatiran
ukol sa iba’t ibang larangan ng pamumuhay.
Sa katunayan, 90% sa napag-aralan ng tao ay
mula sa kanyang karanasan sa pagbasa.
Mga Layunin ng Pagbasa
1. Nagbabasa tayo upang maaliw.
2. Nagbabasa tayo upang tumuklas ng mga
bagong kaalaman at maiimbak sa ating isip.
3. Mabatid ang iba pang karanasan na
kapupulutan ng aral.
4. Napaglalakbay natin an gating diwa sa mga
lugar na pinapangarap na marating.
5. Napag-aralan natin ang ibang kultura ng
lahi upang mabatid ang pagkakatulad at ang
pagkakaiba nito sa kulturang ating
kinagisnan.
Kahalagahan ng
Pagbasa
1. Nagkakaroon ng ugnayan ang mga tao
kahit na sila ay magkakalayo.
2. Naitatala ang mga naganap nang
pangyayaring pangkasaysayan at nang
mabasa at mabatid ng mga darating na
henerasyon.
3. Nagkakaroon ng pagbabagong
pangkabuhayan na naging daan tungo sa
kaunlaran ng ating daigdig.
4. Para magbigay aliw.
5. Para mai-ekspres ang sariling
nararamdaman.
Ang Sining Ng
Pagsusulat
Ang pagbasa at pagsulat ay sumasailalim
kapwa sa resiprokal na proseso sa pagbuo ng
kahulugan, pag-aanalisa, interpretasyon, at
komunikasyon ng mga ideya. Sa gawaing ito
kailangan ang dating kaalaman, karanasan,
sariling paniniwala, at saloobin ng mga mag-
aaral sapagkat nagbabasa sila at sumusulat ng
iba’t ibang konteksto na may iba’t ibang
layunin.
Ang pagsanib ng pagbasa at pagsulat ay
dumaraan sa proseso ng ekspresyon at at
klaripikasyon- mas maraming naisusulat sa
papel, mas maraming pagkakataon ang mga
mag-aaral magwasto(revise), mag-isip (re-
think), at maglinaw (clarify)ng sinasabi ukol
sa paksang isinusulat.
Mga Katuturan Ng
Pagsusulat
- Isang pangsariling pagtuklas na kakayahan
- Pamamaraan sa intellectual inquiry
- Paraan ng paghuhunos ng nararamdamang
saloobin o damdamin at nagpapaalab ngn
puso’t isip
- Malikhaing gawain na pinaghuhusay sa
papel
- Paraan ng pakikipagkomunikasyon sa
kapwa
- Isang proseso ng pagtuklas (discovery
process) kung saan ang isang malayang
hakbang tungo sa katapusan (generating),
pag-aayos (arraniging), pagpapaunlad
(development), paghuhugis (shaping),
pagbabasa muli (re-reading), pag-eedit
(editing), at pagrerebisa (revising).
Ang pagsulat ay isang sistema para sa isang
komunikasyong interpersonal na gumagamit
ng simbolo at isinusulat/inuukit sa isang
makinis na bagay tulad ng papel, tela, o di
kaya’y isang malapad at makapal na tipak ng
bato.
Nahaharap tayo sa iba’t ibang uri ng sulatin
araw-araw: ang diyaryo, adbertisment, phone
bills, electric bills, liham, paalala, at iba pa.
Hindi lahat ng tao ay nakasusulat kahit na nga
ang sinumang normal na tao ay
nakapagsasalita nang walang sistematiko o
pormal na pagtuturo. Kakaiba ang pagsulat.
Kailangan tayong turuan ng pagsulat at ito’y
nangyayari sa paaralan.
Ang pagsulat ay isang pagpapatuloy
(continuum) ng mga gawain sa pagitan ng
mekanikal o pormal na aspekto ng pagsulat sa
isang banda at ng higt na kompleks na gawain
ng paglikha sa kabilang dulo. Ayon naman
kay Rivers (1975), ang pagsulat ay isang
gawaing nag-uugat mula sa pagtatamo ng
kasanayan (skill-getting) hanggang sa ang
mga kadsanayang ito ay aktuwal na
magagamit (skill-using).
Iba pang pakahulugan ng
iba’t ibang manunulat
E.L. Doctorow (2000) - Ang pagsulat ay
mahirap ngunit nagdudulot ng karanasan sa
buhay.
E.B White at William Strunk - Ang
pagsulat ay matrabaho at mabagal na proseso
dahil sa ugnayan at koneksyon ng pag-iisip
Xing at Jin - Ito ay isang komprehensib na
kakayahang naglalaman ng wastong gamit,
talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at
iba pang mga elemento.
Badayos - Ang kakayahan sa pagsulat nang
mabisa ay isang bagay na totoong mailap para
sa nakararami sa atin maging ito'y pagsulat sa
unang wika o pangalawang wika man.
Helen Keller - Ito ay isang biyaya,isang
pangangailangan at isang kaligayahan ng
nagsasagawa nito.
Peck at Buckingham - Ito ay ekstensyon ng
wika at karanasang natamo ng isang tao mula
sa kanyang pakikinig,pagsasalita at
pagbabasa.”
Bernles et. Al 2001 - Ito ay pagsasalin sa
papel o sa anumang kasangkapang maaaring
magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong
salita,simbolo at ilustrasyon ng isang tao mga
tao sa layuning maipahayag ang kanyang
/kanilang kaisipan.
Donald Murray
– “Writing is rewriting”
Mga Uri ng Sulatin
Personal na Sulatin-impormal, walang tiyak
na balangkas, at pansarili. Ito ang
pinakagamiting uri ng sulatin ng mga bata
dahil nagagawa nilang iugnay ang anumang
paniniwala, damdamin, pag-iisip, o di kaya’y
tungkuling taglay nila sa kanilang sarili.
Transaksiyonal na sulatin-pormal, maayos
ang pagkakabuo, at binibigyang-pokus ang
impormasyon o mensahing nais ihatid dahil
komunikasyon ang pangunhaning layunin ng
ganitong sulatin.
Malikhaing sulatin – masining na paglalahad
ng naiisip o nadarama at karaniwang
binibigyang-pansin ang wikang ginagamit sa
sulatin. Ito’y ginagawa ng ilang tao bilang
midyum sa paglalahad ng kanilang sariling
pananaw sa mga bagay sa paligid o di kaya’y
isang libangan.
Personal Trabsaksiyonal na Malikhain
na Sulatin Sulatin g Sulatin
Shopping Liham-pangalakal Tula
(grocery Panuto Maikling
list) Memo kuwento
Tala Plano Awit
Talaarawa Proposal Anekdota
n Patakaran/Tuntunin Biro
Diyornal Ulat Bugtong
Diyalogo Adbertisment Lathalain
Liham Papel-Pananaliksik Nobela
Mensahe Dagli
Pagbati
Talambuh
ay