You are on page 1of 32

Proseso ng Pagbasa

Inihanda ni: Bb. Juvy O. Nonan


IBA’T IBANG
PROSESO NG
PAGBASA

Iskema bilang Interaktibong Metakognitibong


Proseso ng Proseso ng Proseso ng Pagbasa
Pagbasa Pagbasa
LAYUNIN
Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang sumusunod:

 naiisa-isa ang iba't ibang proseso ng pagbasa;


 natatalakay ang iba’t ibang konsepto at elementong
kaugnay ng mga iba't ibang proseso ng pagbasa; at
 nagagamit ang kaalaman sa iba’t ibang proseso ng
pagbasa sa pagsusuri ng teksto.
1.Pumili ng isang gawaing-bahay na paborito o kinahihiligan mong
gawin
2.Ilahad ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa
pagsasagawa mo nito.
3.Gamitin ang talahanayan sa pagsasagawa ng gawain.

Pagsasagawa ng Paborito o Kinahihiligang Gawaing-bahay


Gawaing- bahay
Mga Hakbang sa Pagsasagawa 1. 6.
2. 7.
3.
4.
5.
Mga Gabay na Tanong

●Lagi mo bang sinusunod o ginagawa ang mga hakbang na


ito sa pagsasagawa ng gawain? Bakit?

●Sa iyong palagay, mayroon pa bang ibang mga paraan para


isagawa ang gawaing napili mo?

●Bakit mahalagang sumunod sa iba’t ibang hakbang sa


pagsasagawa ng iba’t ibang gawain?
Mahahalagang Tanong
1.Paano nakatutulong sa pagbabasa ang mga dating
kaalaman?
2. Paano masasabing naganap ang interaktibong
pagbasa?
3.Bakit nagiging tila buhay sa ating isipan ang mga
kuwentong ating binabasa?
4.Bakit nangyayari na nananatili sa ating isipan ang
ating mga binabasa?
LAGING TANDAAN!
Ang pagbabasa ay hindi lamang naisasagawa sa
pamamagitan ng pag-unawa ng mga salita at kahulugan
ng mga ito. Ito ay dumaraan sa iba't ibang proseso ng
pagbibigay ng kahulugan sa mga salita at nilalaman ng
isang teksto. Sa pamamagitan ng mga prosesong ito, higit
na nagiging madali ang pag-unawa ng mga mambabasa sa
kahulugan at mensahe na ipinararating ng teksto o
anumang babasahin.
Alamin Natin
nakaimbak nakatago o nakaipon
rumagasa umagos nang mabilis o malakas
tumutuklas naghahanap o sinusubukang makahanap
magtamo magkaroon o magkamit
nagsasalitan nagpapalitan
kalakip kasama
pagkukuro pagbibigay ng ideya
Iba’t Ibang Proseso ng Pagbasa
1. Iskema bilang Proseso ng Pagbasa
 paggamit ng kaalaman sa pag-unawa at pagbibigay
kahulugan sa mga bagay na nababasa natin sa paligid
 dahil may taglay ka nang kaalaman o karanasan
tungkol sa isang bagay, madali kang nakagagawa ng
imahen at nabibigyang interpretasyon ang binasang
teksto mula sa sarili mong iskema
Iskema o Iskemata sa Anyong Maramihan

 kolektibong kaalaman o karanasang nakaimbak


sa ating isipan
 lahat ng 01 ating nababasa, naririnig, nakikita,
naaamoy, o natututuhan ay pinoproseso ng ating
utak
 may bahagi ng mga karanasang ito ang
tumatatak sa ating isipan at naiimbak sa ating
memorya o long-term memory
Halimbawa:
Kapag nakakita tayo ng umiiyak na bata, agad tayong
nakararamdam ng awa at pagnanais na patigilin ito sa pag-
iyak. Ang reaksyong ito ay bunga ng ating kaalaman na
maaaring nagugutom ito, may hindi magandang
pakiramdam, o hinahanap ang kalinga ng kaniyang nanay.
Ito ay dahil nagkaroon din tayo ng karanasan na maging
bata at umiyak. Nasa iskema na natin na ang batang
umiiyak ay dapat nating patahanin.
Ayon sa mga dalubhasa sa sikolohiya at wika
ang mga impormasyong natututuhan o karanasan ng isang
tao ay dumadaan muna sa proseso bago mapunta sa iskema

bawat karanasan at impormasyon ay naiipon sa ating utak


bilang mga yunit ng kaalaman

ang magkakaugnay na yunit ng kaalaman ay pinagsasama-


sama at bumubuo ng isang balangkas, bago maging iskema o
iskemata
Mga Elemento ng Iskema bilang Pagbasa
Malaki ang naitutulong ng iskema para mapaunlad ang
ating kasanayan sa pagbasa. Tandaan na ang iskema bilang
proseso ng pagbasa ay may tatlong elemento:

● Dating kaalaman o mga bagay na naranasan o


natutuhan ng mambabasa;
Mga Elemento ng Iskema bilang Pagbasa

● Pag-unawa sa pahayag o ang kakayahan ng


mambabasa na unawain ang kahulugan ng pahayag;
at
● Kaalaman sa gramatika at bokabularyo o ang
kaalaman sa kahulugan ng mga salita, estruktura ng
wika, at paraan ng pagsasaayos ng mga ito.
Basahin natin ang pahayag na ito:
"At rumagasang umaawas na talon ang kaniyang mga mata.
Nabasa na ang kaniyang lampin sa kaniyang mga luha. Nag-iisa
na naman siya sa kaniyang kuna."

Pansinin na mahihinuha agad mula sa teksto na may umiiyak dahil


sa kaalaman natin na ang “luha” ay kaugnay ng pag-iyak.
Samantala, batay sa ating dating kaalaman, ang mga salitang
“lampin” at “kuna” ay mga gamit ng isang sanggol. Kung gayon,
mahihinuha na ang umiiyak sa teksto ay isang sanggol.
Ano ang naramdaman mo nang mabasa ang bahaging, “Nag-iisa
na naman siya sa kaniyang kuna?” Hindi ba’t nakaramdam ka ng
awa para sa sanggol?
Ang reaksiyong ito ay nagpapatunay na nakuha at naunawaan natin
ang mensahe ng teksto, “umiiyak ang sanggol at nag-iisa ito.” Ito
ang tinatawag na pag-unawa sa pahayag.
Higit sa lahat, nakikilala at nauunawaan natin ang kahulugan ng mga
salita sa binasa nating teksto dahil nauunawaan natin ang wikang
ginamit sa pagsulat ng teksto.
Ito ang kaalaman sa gramatika at bokabularyo.
Tandaan na ang iskema sa ating utak ay hindi
permanente. Patuloy itong yumayaman at umuunlad
sa pagdating ng mga bagong karanasan o kaalaman na
nakukuha natin sa pagdaan ng panahon. Kung gayon,
hanggang patuloy tayong tumutuklas ng mga bagong
karanasan at nagbabasa ng mga bagong kaalaman ay
patuloy ring umuunlad at lumalawak ang ating
iskema.
2. Interaktibong Proseso ng Pagbasa
ugnayan ng mambabasa at ng binabasa niyang teksto
ang mga impormasyong nababasa natin mula sa teksto at ang
dating kaalaman at kasanayan sa paghihinuha ay pinag-uugnay
natin upang magtamo ng bagong kaalaman
ang kasanayan sa talasalitaan, pagkilala sa mga salita,
gramatika o balarila, at ang organisasyon ng teksto ang susi
upang maiuugnay ang dating kaalaman sa binabasa
Teorya ng Interaktibong Pagbasa

 ang pagbasa ay kumbinasyon ng dalawang


proseso: bottom-up at top-down
ang bottom-up ay isang text-based approach,
samantalang ang top-down ay isang reader-based
approach
Ang pagbabasa ay nakabubuo o nakapagbibigay ng interpretasyon
sa tekstong nabasa depende sa antas nito. Sinasabing mababa ang
antas kung ang kumprehensiyon ay pisikal na pagtingin lamang, at
mataas na antas kung nabibigyan ng interpretasyon ang
nakapaloob na kahulugan o ideya. Nagiging interaktibo ang
pagbasa kapag ito ay mayroong awtomatikong pagkilala ng ideya o
bagay (mababang antas) at naiproseso na ito upang maging
kaalaman (mataas na antas). Ito ang sinasabing interaksiyon ng
mambabasa at teksto.
Modelong Top-down
 ang mambabasa ang nagdidikta sa kahulugan ng teksto
mula sa sariling pag-unawa sa mga nabasang salita at
pangungusap
kung gayon, ang mambabasa ang nagbibigay ng
interpretasyon sa kaniyang binabasa
ang ganitong modelo ay itinuturing na isang reader-
based approach
Basahin natin ang pahayag.
“Maliit ang kaniyang bahay. Gawa ito sa nipa. Napalilibutan ito
ng mga tanim na iba’t ibang prutas at gulay.”
Gamit ang ating iskema, madali nating mahihinuha na ang
inilalarawan ay isang bahay kubo na malapit sa isang bukid.
Nakatulong ang mga pahayag na “maliit,” “nipa,” at “iba’t
ibang prutas at gulay” para mabuo ang larawan ng isang bahay
kubo sa bukid na napalilibutan ng iba’t ibang tanim. Bunga nito,
maaaring maisip natin ang awiting “Bahay Kubo.”
Modelong Bottom-up
 ang teksto ang nagdidikta sa kahulugan ng teksto
 inuunawa ng mambabasa ang teksto gamit ang kaniyang
kaalaman sa wika at gramatika—mga salita, pangungusap,
larawan, simbolo, at iba pang kaniyang nababasa at nakikita sa
teksto
 kinukuha niya ang kahulugan ng teksto batay sa nakasulat nang
hindi nagbibigay ng sariling interpretasyon
 ang ganitong modelo ay itinuturing na isang text-based
approach.
3. Metakognitibong Proseso ng Pagbasa
 pagpapakahulugan, pagbubuo ng katanungan, pagbibigay
hinuha o pagkukuro, at pagbubuo ng kaisipan ukol sa
binasa
 pagsasagawa ng pagsusuri sa teksto para higit na
maunawaan at mabigyang interpretasyon ang inilalahad
nito
 isa itong estratehiyang ginagamit ng mga mambabasa
upang lubos na maunawaan ang nilalaman ng teksto sa
pinakamataas na antas ng pagkatuto
Metakognisyon
 kamalayan tungkol sa mga bagay na iyong
iniisip
ang mambabasa ay may kontrol sa kung
paano niya uunawain ang isang teksto
 nakapipili siya ng angkop na estratehiya
upang higit na maunawaan ang binabasang
teksto
Sa tulong ng metakognisyon, natatanong ng mambabasa ang kaniyang sarili
kung talaga bang nauunawaan niya ang teksto o kung tama ba ang kaniyang
pagapakahulugan dito?
Nagagamit din ang metakognisyon sa iba’t ibang gawain. Halimbawa, kapag
tayo ay nagluluto, maaari nating maisip kung “Masarap na ba ito? Kulang ba
ito ng asin o toyo?” Sa paglalaro naman ng isports, naiisip natin kung “Paano
kaya ako makagagawa ng maraming 3-point shot?” Kung magpo-post naman
tayo ng bagong status sa ating social media account, iniisip ba natin kung
“Tama ba itong sasabihin ko? Magkakaroon kaya ito ng maraming likes?
TATLONG YUGTO NG
PAGBABASA

1.Bago Magbasa
2.Habang Nagbabasa
3.Pagkatapos Magbasa
Bago Magbasa
gumagawa tayo ng hinuha o palagay tungkol
sa tekstong babasahin
kailangang isaisip ang paksa ng teksto, isaisip
ang katangian ng teksto, magbasa tungkol sa
pamagat at may-akda, at pag-aralan ang
pabalat at mga ilustrasyon
Habang Nagbabasa
 gumagamit ng anotasyon at pag-aanalisa upang lubos na
maunawaan ng mambabasa ang binasang teksto
 ang anotasyon ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng
pagkilala sa kahulugan ng mga salita, pagbuo ng mga tanong
sa isipan ng mambabasa, at pagbabalangkas ng mga
pangyayari sa teksto
 ang pag-aanalisa ay pagsusuri ng katotohanan at konklusyon
ng mga pahayag ng may-akda.
Pagkatapos Magbasa
ang mambabasa ay gumagawa ng
ebalwasyon ng teksto batay sa dalawang
naunang proseso

kabilang na rito ang pag-unawa at paggawa


ng interpretasyon ng mambabasa sa binasang
teksto
Pagkatapos Magbasa
Pagkatapos magbasa, mainam na tanungin naman ang
sarili kung tama ba ang iyong mga hinuha sa unang
dalawang yugto ng pagbasa at kung nakatulong ba ito sa
pag-unawa sa binasang teksto. Upang matiyak na
naunawaan mo nga ang teksto, maaari kang gumawa ng:
●buod
●story map
●alternatibong katapusan
● Ang interaktibong proseso ng pagbasa ay ang ugnayan ng mambabasa at ng binabasa niyang
teksto.
● Ayon sa teorya ng interaktibong pagbabasa, ang pagbasa ay kumbinasyon ng dalawang proseso:
bottom-up at top-down.
● Ang bottom-up ay isang text-based approach, samantalang ang top-down ay isang reader-based
approach.
● Ang metacognition ay ang kamalayan tungkol sa mga bagay na iyong iniisip.
● Ang metakognitibong pagbasa ay ang pagpapakahulugan, pagbubuo ng katanungan, pagbibigay
hinuha o pagkukuro, at pagbubuo ng kaisipan ukol sa binasa.
● May tatlong yugto ang pagbabasa, ang bago magbasa, habang nagbabasa, at pagkatapos
magbasa.

You might also like