You are on page 1of 29

“Huwag kang magbasa, gaya ng

bata, upang libangin ang sarili, o


gaya ng mga matatayog ang
pangarap, upang matuto. Magbasa
ka upang mabuhay.” – Gustave
Flaubert

 Isang manunulat mula sa Pranses na


siyang nagpaunlad ng realismong
pampanitikan at sumikat sa kanyang
akdang Madame Bovary (1857).
 Pinakamataas na antas ng pagbasa.

 Mahalaga ang proseso ng asimilasyon ng


ano mang binabasa sa buhay ng isang
tao. Maaaring ipagpakahulugan na ang
asimilasyon ay ang pakikipag-ugnayan
ng mambabasa sa binabasa o kaya’y
paglalapat ng natutuhan sa aktuwal na
pamumuhay ng mambabasa.
 Hindi sapat na nakapagbibigay
lamang ng impormasyon ang isang
teksto o kaya ay naaaliw tayo nito;
bagkus, kailangang mabuhay tayo
batay rito. Binibigyan tayo ng
pagbasa ng iba’t ibang paraan kung
paano uunawain at susuriin ang
mundo, at mula sa pagsusuring ito,
tinatangka nating baguhin ang
realidad batay sa kung ano ang
ideyal.
 Nahahati sa dalawang pangkalahatang
kategorya ang mapanuring pagbasa:
intensibo at ekstensibo.

 Intensibong pagbasa ay may kinalaman


sa masinsin at malalim na pagbasa ng
isang tiyak na teksto habang ang
Ekstensibong pagbasa naman ay may
kinalaman sa pagbasa ng masaklaw at
maramihang materyales.
INTENSIBO EKSTENSIBO
- Masinsin at - May kinalaman sa
malalim na pagbasa pagbasa ng
ng isang tiyak na masaklaw at
teksto. maramihang
materyales.

- Itinuturing na - Maghahatid sa
pinakahuli o dulong mambabasa tungo
bahagi sa proseso. sa pinakadulong
proseso.
 Ipinaliwanag ni Douglas Brown (1994) sa
kanyang aklat na ang intensibong pagbasa
ay pagsusuri sa kaanyuang gramatikal,
panandang diskurso at iba pang detalye sa
estruktura upang maunawaan ang literal na
kahulugan, implikasyon, at retorikal na
ugnayan ng isang akda. Inilarawan niya ang
intensibong pagbasa bilang isang gawaing
gumagamit ng estratehiyang zoom lens o
ang malapitan at malalimang pagbasa sa
isang akda.
 Ayon naman kina Long at Richards (1987),
ang intensibong pagbasa ay detalyadong
pagsusuri ng isang teksto sa pamamagitan
ng pagbibigay ng gabay ng isang grupo
kung paano ito susuriin. Madalas na
tinatawag ding “narrow reading” sapagkat
piling babasahin lamang hinggil sa isang
paksa ang pinagtutuunan ng pansin ng
mambabasa o kaya ay iba’t iba ngunit
magkakaugnay na paksa ng iisang
manunulat.
 Ang uri ng pagbasang ito ay kinapapalooban
ng malalimang pagsusuri sa pagkaka-ugnay,
estruktura, at uri ng diskurso sa loob ng
teksto, pagtukoy sa mahahalagang
bokabularyong ginamit ng manunulat, at
paulit-ulit at maingat na paghahanap ng
kahulugan. Sa ganitong uri ng pagbasa,
nakatutulong ang pagbabalangkas o paggawa
ng larawang konseptuwal upang lubos ng
maunawaan ng mag-aaral ang isang teksto.
 Ayon pa rin kay Brown (1994), ang
ekstensibong pagbasa ay isinasagawa upang
makakuha ng pangkalahatang pag-unawa sa
maramihang bilang ng teksto.
 Dagdag pa nina Long at Richards (1987),
nagaganap ang ekstensibong pagbasa kapag
ang isang mambabasa ay nagbabasa ng
maramihang babasahin na ayon sa kaniyang
interes, mga babasahing kadalasang hindi
kahingian sa loob ng klase o itinatakda sa ano
mang asignatura.
 Kadalasan, ang layunin ng mambabasa sa
ganitong uri ng pagbasa ay upang makuha
lamang ang “gist” o pinaka-esensya at
kahulugan ng binasa na hindi
pinagtutuunan ng pansin ang mga salitang
malabo o hindi alam ang kahulugan.
Layunin ng ekstensibong pagbasa na
maunawaan ang pangkalahatang ideya ng
teksto at hindi ang mga ispesipikong
detalye na nakapaloob dito.
Mas mataas ba ang porsyentong
magbasa at matuto ka kung nasa
interes mo ang iyong babasahin?
 Ayon kay Stephen Krashen (1995) sa
kanyang pag-aaral, ang malaya at
boluntaryong pagbasa ay maaaring
maging tulay tungo sa mas mataas na
kakayahang komunikatibo at
akademiko sa wika.

 Pinatunayan pa lalo ni…


 Warwick Elley (1996) sa kanyang
pananaliksik, ang mga programa sa
pagtuturo ng pagbasa na nakatuon sa mga
istrikto at ginabayang gawain ng guro na
may pokus sa mga tiyak na kakayahan ay
mas mahina at hindi gaanong epektibo sa
pagpapataas ng antas ng literasi kung
ikokompara sa mga programang may
kinalaman sa pagkuha ng interes ng mga
mag-aaral at malaya at indibiduwal na
pagbasa nila ng mga tekstong nais nilang
basahin.
 Tinukoy naman sa pag-aaral na “Top
Ten Principles for Teaching Extensive
Reading” nina Richard Day at Julian
Bamford (2002), ang sampung
katangian ng matagumpay na
programa sa ekstensibong pagbasa.
(pahina6)
 Tinukoy ni Mortimer Adler at Charles Van Doren
(1973) sa kanilang aklat na How to Read a Book
ang apat na antas ng pagbasa. Ito ay ang
primaryang antas (elementary), mapagsiyasat na
antas (inspectional), analitikal na antas
(analytical), at sintopikal na antas (syntopical) na
bumubuo ng isang hakbang-hakbang na
proseso. Hindi maaaring umusad sa
pinakamataas na antas (sintopikal) hangga’t
hindi pinagdadaanan ang nauna o mas
mababang antas.
1. Primarya – pinakamababang antas at
pantulong upang makamit ang literasi sa
pagbasa. Ang mga kakayahan sa pagbasa sa
antas na ito ay kinapapalooban lamang ng
pagtukoy sa tiyak na datos at ispesipikong
impormasyon gaya ng petsa, lugar, o mga
tauhan sa isang teksto. Nauunawaan lamang
ang mga hiwa-hiwalay na impormasyon sa
literal na antas at hindi nakabubuo ng
interpretasyon mula sa pagkakaugnay-ugnay
ng mga ito.
2. Mapagsiyasat – sa antas na ito, nauunawan
na ng mambabasa ang kabuuang teksto at
nakapagbibigay ng mga hinuha o impresyon
tungkol dito. Sa pamamagitan nito,
nakapagbibigay ng mabilisan ngunit
makabuluhang paunang rebyu sa isang teksto
ang mambabasa upang matukoy kung
kakailanganin niya ito at kung maaari itong
basahin nang mas malaliman. Halos panlabas
na bahagi lamang ng teksto ang tinitingnan.
 Mapagsiyasat – hindi ito pinag-iisipan nang
malalim para magbigay ng interpretasyon o
pinag-uukulan ng pansin ang ilang bahaging
hindi maunawaan sa teksto.
 Ang pagtigil sa antas na ito ay angkop
lamang at dapat gawin kung hindi na
nakikita ang halaga ng materyales na
binabasa sa ginagawang pag-aaral. Ngunit
para sa karamihan ng nananaliksik, ang
antas na ito ang panimulang pagbasa para sa
paghahanda sa mas malalim pang pag-
unawa at pananaliksik.
3. Analitikal – sa antas na ito ng pagbasa,
ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-iisip
upang malalimang maunawaan ang kahulugan
ng teksto at ang layunin o pananaw ng
manunulat. Bahagi ng antas na ito ang
pagtatasa sa katumpakan, kaangkupan, at
kung katotohanan o opinyon ang nilalaman ng
teksto. Upang makamit ito, kailangang isagawa
ng mambabasa ang sumusunod:
 Tukuyin kung saang larangan nakapaloob ang
teksto.
 Ibalangkas ang teksto batay sa kabuuang
estruktura o kung paano ito inayos ng may-akda.
 Tukuyin ang suliranin ng tinatangkang bigyang-
linaw ng may-akda.
 Unawain ang mahahalagang proposisyon ng may-
akda.
 Alamin ang argumento ng may-akda.
 Tukuyin sa bandang huli kung nasolusyunan o
nasagot ba ng may-akda ang suliranin ng teksto.
 Tukuyin kung saang bahagi ng teksto nagkulang,
nagkamali, o naging ilohikal ang pagpapaliwanag
ng may-akda.
4. Sintopikal – ang salitang syntopical ay
binuo ni Mortimer Adler mula sa salitang
syntopicon na inimbento at ginamit niya
sa aklat na A Syntopicon: An Index to The
Great Ideas (1952), na nangangahulugang
“koleksiyon ng mga paksa.” Tumutukoy
ito sa uri ng pagsusuri na kinapapalooban
ng paghahambing sa iba’t ibang teksto at
akda na kadalasang magkaka-ugnay.
 Mula sa Analitikal na pagbasa ng limang
aklat ay maaari ka nang maging eksperto sa
isang tiyak na paksa batay sa kung ano ang
sinabi ng mga manunulat sa mga aklat na
iyong binasa. Habang sa Sintopikal na
pagbasa, sa pamamagitan ng sistematikong
paraan, pinaghahalo ang mga impormasyon
mula sa aklat at ang mga sariling karanasan
at kaalaman upang makabuo ng ugayan at
bagong mga pananaw at kaalaman.
1. Pagsisiyasat – mahalaga ang
pagsisiyasat tungkol sa sintopikal na
pagbasa. Kailangan mng tukuyin agad
ang lahat ng mahahalagang akda hinggil
sa isang paksang nais mong pag-aralan.
Mula sa mga ito, kailangang tukuyin
kung ano ang mahahalagang bahagi na
may kinalaman sa pokus ng iyong pag-
aaral.
2. Asimilasyon – sa pamamagitan ng
paraang ito, tinutukoy mo ang uri ng
wika at mahahalagang terminong
ginamit ng may-akda upang ipaliwanag
ang kaniyang kaisipan. Sa asimilasyon,
nagdedesisyon ka kung susuhay sa
mga naunang terminolohiya ng may-
akda o gagawa ng sariling
kategorisasyon.
3. Mga Tanong – sa bahaging ito,
tinutukoy mo ang mga katanungang
nais mong sagutin na hindi pa
nasasagot o malabong naipaliwanag ng
may-akda. Kailangang iba ang mga
tanong na ito sa mga suliraning binuo
ng mga naunang eksperto.
4. Mga Isyu – lumilitaw ang isyu kung
kapaki-pakinabang at makabuluhan ang
nabuo mong tanong tungkol sa isang paksa
at may magkakaibang pananaw ang mga
binasang akda tungkol sa partikular na
suliraning ito. Kung malalim na naunawaan
ang pagpapaliwanag ng mga binasang akda,
natatalakay mo nang maayos ang bawat
panig at nakapagbibigay ka ng sariling
kongklusyon. Maaaring iba ang kongklusyon
mo sa ibang eksperto, iyon ang magiging
ambag mo sa pagpapa-unlad ng paksa.
5. Kumbersayon – ang pagtukoy sa
katotohanan batay sa sintopikal na
pagbasa ay hindi ang pangunahing punto
at layunin sapagkat laging kwestiyonable
ang katotohanan. Ang halaga ng
pagkatuto ay nagmumula sa mayamang
diskurso at diskusyon sa pagitan ng mga
eksperto, kabilang na ang sarili. Sa
kumbersasyon o pag-uusap, nag-
aambag ka ng bagong kaalaman na hindi
inuulit ang sinabi ng mga naunang
eksperto.

You might also like