You are on page 1of 2

Batayang Kaalamang Diskurso

Ang salitang diskurso ay mula sa wikang Latin na discursus na nangangahulugang “running to


and from” na maiiugnay sa pagsalita at pagsulat na komunikasyon. Interaktibong gawain tungo
sa mabisang paglalahad ng mga impormasyon.

Si Webster (1974) ay may iba’t ibang depinisyon para sa terminong ito. Ayon sa kanya, ang
diskurso ay tumutukoy sa berbal na komunikasyon tulad ng kumbersasyon. Maaari rin daw
itong isang pormal at sistematikong eksaminasyon ng isang paksa, pasalita man o pasulat, tulad
halimbawa ng disertasyon. Samakatwid, masasabing ang diskurso ay isang anyo ng
pagpapahayag ng ideya hinggil sa isang paksa. Masasabi rin, kung gayon, na ang diskurso, ay
sinonimus sa komunikasyon.

Anyo ng Diskurso

1. Pasalita
Ito ay gumagamit ng tunog o ponema. Karaniwang magkaharap ang mga participant kung
kaya’t bukod sa kahalagahan ng mga salitang sinasambit, pinagtutuunan din ng bawat
kasapi ang ibang sangkap ng komunikasyon tulad ng paraan ng pagbigkas, tono, diin,
kilos, kumpas ng kamay, tinig, tindig at iba pang salik ng pakikipagtalastasan na maaaring
makapagpabago sa kahulugan ng mensahe.

2. Pasulat
Ito ay gumagamit ng grapema o mga simbolo. Higit na pag-iingat ang isinasagawa ng
isang manunulat. Sa sandalling ang mensaheng nakapaloob sa isang sinulat na diskurso
ay nakarating sa tatanggap at ito’y kanyang nabasa,hindi na maaaring baguhin ng
manunulat ang kanyang sinulat.

Uri ng Pagdidiskurso

1. Paglalahad/Ekspositori-
Ito ay ay naglalayong mabigyang-linaw ang isang konsepto o kaisipan, bagay o
paninindigan upang lubos na maunawaan ng nakikinig o bumabasa. Layunin nito na
makapagbigay ng impormasyon.

2. Paglalarawan/Deskriptib - Pagbibigay ng malinaw ng imahen ng isang


tao,bagay,pook,damdamin o teorya upang makalikha ng isang impresyon.
3. Pagsasalaysay/Naratib
Dito, isinasambit natin ang mga detalyeng kalakip ng isang partikular na pangyayari
upang maibahagi sa iba ang mga bagay na nagaganap sa atin o mga bagay na ating
nasaksihan. Layunin nito, na mailahad ang mga detalyeng kalakip ng isang pangyayari sa
isang maayos at sistematikong kaayusan.

Uri ng Pagsasalaysay:
a) Pasalaysay na Totoo – base sa tunay na mga pangyayari
b) Pagsasalaysay na Likhang Isip – kinabibilangan ng mga pabula, parabola, maikling
kwento at nobela

4. Pangngangatwiran/Argumentatib
Ito ay may layuning manghikayat at magpapaniwala sa pamamagitan ng makatwirang
mga pananalita.

Uri ng Pangangatwiran:
a. Pabuod o inductive method- sinisimulan ito sa partikular na pangyayari,
katotohanan o kalagayan at tinatapos sa isang katotohanang pangkalahatan
sapagkat dinaraan muna sa iba’t – ibang obserbasyon at paulit – ulit na
eksperimentasyon at pagsusuring bago ang paglalahad kapag narating na ang
katotohanan o prinsipyo.
Halimbawa:
May karinderya ang aking kapatid at malakas ang kita dun.
Magtatayo rin ako.

b. Silohismo o deductive method- panghahawakan muna ang isang pangunahing


batayan, saka susundan ng pangalawang batayan at dito ngayon ibabase ang
konklusyon
Halimbawa:
Lahat ng tao ay mortal.
Ako ay tao.
Kaya ako ay mortal.

You might also like