You are on page 1of 4

TEKSTONG PERSUWEYSIB: PAANO KITA MAHIHIKAYAT

Nagkaroon ka na ba ng karanasan kung saan hinikayat mo ang iyong mga kaibigan


kung saang restawran mas mabuting kumain? Naranasan mo na rin bang kumbinsihin ang
mga magulang mo na payagan kang sumama sa isang byahe kasama ang mga kabarkada? O
kaya ay nagwagi ka na ba sa isang diskusyon sa grupo kung anong paksa ang gagamitin
ninyo sa isang presentasyon? Ang mga pamamaraang ginagamit mo bilang panghihikayat sa
mga impormal na kumbersasyon tulad ng mga nabanggit ay maaaring maging batayan din sa
pagbuo ng tekstong persuweysib. Ang konsepto ng panghihikayat sa mga kaswal na
kumbersasyong ito ay gaya lang din ng panghihikayat ng isang manunulat upang kumbinsihin
ang mga mambabasa na paniwalaan ang kaniyang mga sinasabi sa isang partikular na paksa.

Ang tekstong persuweysib ay isang uri ng di- piksiyon na pagsulat upang kumbinsihin
ang mga mambabasa na sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu. Ang manunulat ay
naglalahad ng iba't ibang impormasyon at katotohanan upang suportahan ang isang opinyon
gamit ang argumentatibong estilo ng pagsulat. Sa pagsulat ng tesktong ito, hindi dapat
magpahayag ng mga personal at walang batayang opinyon ang isang manunulat. Sa halip ay
gumamit ang manunulat ng mga pagpapatunay mula sa mga siyentipikong pag-aaral at
pagsusuri. Mas matibay na batayan ito upang maniwala ang mga mambabasa sa talas at
katumpakan ng panghihikayat ng manunulat.

Sa ilang pagkakataon, inilalahad ng manunulat ang mga impormasyon sa dalawang


panig ng argumento. Ginagawa ito upang bigyan ng pagkakataon ang mga mambabasa na
pag-isipan ang dalawang panig, at upang agad na masagot ng manunulat ang mga posibleng
argumento na lilitaw sa isip ng mambabasa habang inuunawa ang teksto. Nakaasa sa
argumentatibong tipo ng pagpapahayag ang tekstong persuweysib, ngunit sa halip na
magpakita lamang ng mga argumento, layon nitong sumang-ayon ang mambabasa at
mapakilos ito tungo sa isang layunin. Halimbawa, sa panghihikayat ng mga gumagawa ng
iskrip sa patalastas, layunin nilang bilhin ng mamimili ang produkto o serbisyong ibinibenta.
Layunin naman ng mga politikal na kampanya na iboto ang isang tiyak na partido o kandidato.
May ilang uri ng tekstong persuweysib na nangungumbinsi sa mga mambabasa kung paano
mag-isip o kumilos hinggil sa isang tiyak na usapin. Halimbawa, sa isyu ng pagtatanggal ng
kursong Filipino sa Basic Education Curriculum (BEC) sa kolehiyo, may grupo ng mga guro at
mag-aaral na kinukumbinsi ang mga opisyal ng Commission on Higher Education (CHED) na
baligtarin ang desisyon nito at muling isama ang kursong Filipino sa kurikulum. Dagdag pa,
humihingi ng suporta ang iba't ibang organisasyon sa pamamagitan ng paglagda sa iba't ibang
petisyon at manipesto.

Narito ang isang halimbawa ng tekstong persuweysib hinggil sa isyung ito.


Sipi Mula sa Liham na Ipinadala ng Departamento ng Filipino
sa Administrasyon ng Unibersidad ng Santo Tomas (UST)
Hinggil sa Pagdaragdag ng Kursong Filipino
sa Basic Education Curriculum (BEC)

Magalang na inihahapag ng Departamento ng Filipino sa inyong butihing


tanggapan ang mga panukalang asignatura na nais naming mapabilang na core
course sa General Education Curriculum (GEC) sa kolehiyo, dagdag sa itinatadhana
ng Commission on Higher Education (CHED) Memorandum Order No. 20, Series of
2013.
Kalakip nito ang borador ng silabus ng anim na yunit ng mga asignatura sa
Filipino na may titulong WIKAFIL 101 - Pagsasalin sa Iba't ibang Disiplina
(Translation in Various Discipline) at WIKAFIL 102 - Mga Piling Babasahin sa
Araling Pilipinas (Selected Readings in Philippine Studies).Sa kabuuan, may mga
katangian itong multi/interdisiplinaryo at nakadisenyo sa lalong pagpapalalim ng mga
pananaliksik sa Filipino sa iba't ibang disiplina, na sumusuhay sa mga
pagpapahalagang Tomasino.

Narito ang siyam na mahahalagang batayan kung bakit kailangang mapabilang


sa GEC ang mga nabanggit na asignatura:

1. Dahil ito ay HINDI pag-uulit, bagkus ay lalong pagpapaunlad ng mga


asignatura sa Grade 11 at Grade 12. Sa mga asignaturang ito, lilinangin ang
mga kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsasalin at pananaliksik sa
Filipino na mahalaga sa mga tatahakin nilang disiplina. Mahalaga ang mga
kakayahang nabanggit, bagay na pinatutunayan ng napakaraming mag-aaral ng
edukasyon, nursing, medisina, nutrisyon, siyensya, pagsasabatas, agham
panlipunan, humanidades, literatura at iba pa, na lumalapit sa mga guro sa Filipino
upang magpatulong sa pagsasalin tuwing gumagawa ng thesis at pag-aaral sa
kani-kanilang disiplina lalo na kung ito ay community-based o nangangailangang
makisalamuha sa karaniwang mamamayan.

2. Dahil malaki ang pakinabang ng mga mag-aaral sa mga kasanayang


makukuha mula sa asignatura, hindi lamang sa pag-aaral, kundi sa
pagpapabuti ng kanilang propesyon. Dahil sa mga oportunidad na binubuksan
ng internasyonalisasyon, malaki na rin ang pangangailangan sa mga tagapagsalin
at mananaliksik sa iba't ibang larang. Sa kasalukuyan, maraming guronasa
Filipinoang napapabilangsamgaproyektongiba'tibang ahensya at organisasyon, sa
loob at labas ng bansa, na nangangailangan ng mga propesyonal na may
kakayahan sa pagsasalin. Kung magkakaroon ang mga mag-aaral ng kakayahan
sa pagsasalin, tiyak na magagamit din nila ito sa pangangailangan ng kanilang
propesyon. Halimbawa, magagamit ang pagsasalin sa mga batayang serbisyong
pangkalusugan sa komunidad at pagpapalaganap ng wastong nutrisyon para sa
Health Sciences at Nutrition, integrasyon ng community-based research at culture-
based education para sa mga mag-aaral ng edukasyon, at mahalaga ang
pampanitikang pagsasalin (literary translation) para sa mga larang ng Literatura at
mga kaugnay na disiplina.
3. Dahil palalakasin nito ang mga Tomasinong pagpapahalaga na maglingkod
sa Diyos, kapuwa, at bayan. Sa nakaraang pagbisita ni Papa Francisco,
binigyang-diin niya na ang pag-ibig sa Diyos ay pagmamalasakit at pag-ibig din sa
kapuwa. Maisasakonkreto ito sa pamamagitan ng iba't ibang proyektong
ekstensyon sa mga komunidad. Mahalaga sa mga gawaing ito ang epektibong
paggamit ng wika sapagkat Filipino ang wika ng karaniwang mamayan at daluyan
ng kanilang mithiin at pagpapahalaga.

4. Dahil patatagin nito ang mga nasimulan nang mga proyekto ng


Departamento na pag-ibayuhin ang pananaliksik, akademikong publikasyon,
at intelektwalisasyon ng wikang Filipino. Ang pananatili ng Departamento ng
Filipino sa kolehiyo ay magpapalakas sa mga proyekto gaya ng Hasaan Journal,
Hasaan Conference, Saliksikan, at taunang Akademikong Panayam at ang
kabubukas pa lamang na major sa Filipino. Kinikilala na, hindi lamang sa loob ng
unibersidad, kundi ng buong bansa ang mga pagsisikap na ito.

5. Dahil may sapat na kaalaman at kasanayan ang mga guro sa Filipino na ituro
ang mga kursong ito. Mayorya sa mga guro ay patuloy na nananaliksik at
nagpapakadalubhasa sa mga larangan ng araling Pilipinas at pagsasalin.
Patutunayan ito ng umuunlad na faculty profile ng departamento.

6. Dahil pagtalima ito sa itinatadhana ng Konstitusyong 1987 ng Pilipinas. Ayon


sa Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Konstitusyon, kailangang “puspusang itaguyod ang
paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng
pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.”

7. Dahil nararapat lamang na patibayin ang sariling wika, kultura, at identidad


upang makapag-ambag ang mga ito sa proyekto ng rehiyonal na
integrasyong sosyo-kultural sa ASEAN. Ang ambag sa intelektwalisasyon at
pagsulong ng pananaliksik sa bansa ay kapakipakinabang sa aspekto ng
paghikayat sa iba pang mga mananaliksik sa buong mundo na pumunta sa ating
bansa bilang sentro ng pananaliksik hinggil sa wika at kultura ng Timog-Silangang
Asya.

8. Dahil halos lahat ng malalaking unibersidad sa buong mundo ay may


asignaturang Filipino at/o Philippine Studies program at malaki ang
potensyal na makabuo ng ugnayan sa mga institusyong ito. Wikang global na
ang Filipino at itinuturo bilang asignatura at/o programa sa mahigit isang daang
unibersidad at kolehiyo sa buong mundo kabilang ang University of Hawaii-Manoa,
University of Michigan, Osaka University, Kyoto University, Sorbonne University
(France), Beijing University, University of Queensland (Australia), University of
Malaya (Malaysia), Tokyo University of Foreign Studies, Stanford University,
Moscow State University at napakarami ang iba. Kung itinuturo bilang asignatura
sa mga unibersidad na ito ang wika at kulturang Filipino, sa atin pa kaya? Kung
magiging sentro ang unibersidad ng pag-aaral ng wikang Filipino, hindi malayong
makabuo rin tayo ng mga proyekto at kasunduan sa mga malalaking unibersidad
na ito gaya ng ginagawa na ng Unibersidad ng Pilipinas-Diliman.
9. Dahil kailangang ipagpatuloy at pagyamanin pa ang kasaysayan ng
unibersidad sa pagsusulong nito ng wika at panitikang Filipino. Iniluwal ng
Unibersidad ng Santo Tomas ang mga iskolar at manunulat sa Filipino na kinilala
at nakapag-ambag nang malaki sa pag-unlad ng panitikan ng Pilipinas gaya nina
Jose Villa Panganiban, Genoveva Edroza Matute, Bienvenido Lumbera, Rogelio
Sicat at marami pang iba. Mapapawalangsaysay ang lahat ng mga pagsisikap,
tagumpay, at mayamang kasaysayan kung hindi masusuportahan ang diwa ng
Filipino bilang matatag na disiplina at larangan sa ating unibersidad.

Nagpapasalamat kami sa nauna na ninyong hakbang na magpadala ng sulat at


irehistro ang posisyon ng unibersidad sa Commission on Higher Education (CHED) na
nagpapatibay sa panawagan ng Departamento na panatilihin ang asignaturang
Filipino sa kolehiyo. Umaasa kaming patuloy ninyong susuportahan ang
Departamento sa mga dakilang mithiin nito.

Makikita mula sa halimbawang binasa na ang isang tekstong persuweysib ay


naglalaman ng sumusunod:

 Malalim na pananaliksik. Kailangang alam ng isang manunulat ang pasikotsikot ng


isyung tatalakayin sa pamamagitan ng pananaliksik tungkol dito. Hindi sapat na
sabihing tama ang isang paninindigan kung walang tiyak na mga datos na susuporta
rito. Madalas na nauuwi sa emosyonal na panghihikayat ang pagsusulat ng tekstong
persuweysib. Bagama't maaaring isalaysay ng manunulat ang isang personal at
empirikal na karanasan, mahalaga pa ring magpakita ng pananaliksik na maiuugnay at
maaaring magpaliwanag nito. Ang paggamit ng mabibigat na ebidensiya at husay ng
paglalahad nito ang pinaka-esensya ng isang tekstong persuweysib.

 Kaalaman sa mga posibleng paniniwala ng mga mambabasa. Kailangang mulat at


maalam ang manunulat ng tekstong persuweysib sa iba't ibang laganap na persepsiyon
at paniniwala tungkol sa isyu. Sinisimulan ng isang manunulat ang argumento mula sa
mga paniniwalang ito. Kung mahusay na masasagot ang mga maling persepsiyon na
ito, matitiyak ang pagpayag at pagpanig ng mambabasa sa paniniwala ng manunulat.

 Malalim na pagkaunawa sa dalawang panig ng isyu. Ito ay upang epektibong


masagot ang laganap na paniniwala ng mga mambabasa. Halimbawa, sa binasang sipi,
makikitang nauunawaan ng manunulat ang kabuuang konteksto at pinagmumulan ng
polisiya ng pagtatanggal ng kursong Filipino. Gayundin, isa-isang nasasagot ang mga
isyu na ibinunga ng polisiya.

You might also like