You are on page 1of 5

TEKSTONG IMPORMATIBO

Noong ika-25 ng Nobyembre, 2017, ipinagdiwang ang Buwan ng Pagbasa bilang

pagbibigay - kahalagahan sa mga aklat. Isa sa mga isinagawa noong araw na iyon ay ang parada

ng bawat estudyante ng Marinduque National High School. Kaugnay nito, lahat sila ay nakasuot

ng mga damit na mula sa iba’t ibang karakter o tauhang nakikita at nababasa natin sa mga aklat.

Ang paradang ito ay nag-umpisa noong ikawalo ng umaga.

Habang inaayos ang hanay ng bawat estudyante, makikita at mapagmamasdan ang

magaganda, kaaya-aya, makukulay, magagara at saka iba’t ibang disenyo ng kanilang mga

kostyum. Ang hanay ay nahahati sa apat kung kaya’t mas maayos at organisadong tingnan.

Gayundin nang matapos ang parada at bumalik na sa loob ng kampus, doon na nagsimula ang

programa at sinimulan nang mataimtim na pagdarasal kasunod ang pambansang awit ng Pilipinas

ang “Lupang Hinirang.” Inumpisahan ng tagapagpadaloy ng programa sa pamamagitan ng

pagbibigay ng impormasyon sa magiging daloy nito. Unang tinawag ang mga Grade 7 na

nakilahok at nakasuot ng pang-fairy tale at Alice in Wonderland. Sumunod na tinawag ang mga

Grade 8. Marami sa kanila ang nakasuot ng iba’t ibang karakter mula sa mga aklat na nababasa

natin. Ilan sa mga halimbawa ay Harry Potter, Goose Bumps, Narnia pagkatapos ay

pansamantalang itinigil muna ang programa, upang itanghal ang ginawang preparasyon ng Grade

9 Special Class for the Arts-Abuev. Nang matapos ay muling nagpatuloy ang programa.

Tinawag ng tagapagpadaloy ang Grade 9 na nakilahok at ilan sa kanilang tema ay sa Divergent,

Hunger Games at Twilight. Kasunod at huling tinawag ang mga Grade 10 na nakasuot ng Greek

Gods at Goddesses. Matapos nito ay sumunod na nagtanghal ang isang napaka-energetic at

masayahing bata na si Precious Orille na anak ni Gng. Marilyn Orille. Nagkwento tungkol sa
“Ang Tatlong Maliit na Biik.” Bilang halimbawa ay ginawa niyang makabuluhan ito sa

pamamagitan ng pag-arte at galaw na nagbigay-kulay sa pagtatanghal. Pagkatapos ay sinundan

ng maingay na palakpakan.

Ilang sandali natapos na ang programa sa pamamagitan ng pagpapasalamat sa lahat ng

nakihalok sa parada at isinagawang programa. Ayon kay Gng. Zharina Valencia ang tema ng

buwan ng pagbasa ay “Ang Pagdiriwang ng Sining at Kultura Tungo sa Pagbasa.”

Nangangahulugan na umuunlad ang sining at kultura dahil sa pagbabasa. Tayo ay magbasa para

sa kaunlaran. Bilang karagdagan, sa mga nangyari sa isinagawang programa, makikita sa bawat

kalahok ang kanilang pagbibigay kahalagahan sa mga aklat.


Sa mga
- Pagpapahayag ng Kabawasan sa
Kabuuan
Kaugnay nito
- Pagpapahayag ng Pag-uugnayan ng
mga Pangungusap o Talata.
At
- Pagpapahayag ng pagdaragdag
At saka
- Pagpapahayag ng pagdaragdag
Cohesive Devices Gayundin
- Pagpapahayag ng pagdaragdag
Ilan sa mga halimbawa
- Pagpapahayag ng halimbawa
Bilang halimbawa
- Pagpapahayag ng halimbawa
Bilang karagdagan
- Pagpapahayag ng pagdaragdag

TEKSTONG PROSIDYURAL

MATERYALES:

Dalawang Philip Screw Driver


Isang Computer System Unit

Isang Electro Static Wrist Strap

Isang Electro Static Mat

Paraan:

1. Ihanda ang mga materyales. I-unplug ang computer system unit sa wall socket. Isuot

ang kabila ng Electric Static Wrist Strap sa kamay at ang kabila naman ay isipit sa

bahagi ng computer system unit.

2. Tanggalin ang mga kable na nakakabit sa likod ng computer system unit, ilan sa mga

halimbawa ang pagtanggal sa Lan Cable, Printer, Speaker, Monitor at Mouse Cable.

3. Alisin ang mga turnilyo at saka tanggalin ang case ng computer system unit.

4. Pagkatapos maaari ng alisin ang mga electrical parts. Ang unang kailangan na

tanggalin ay ang power supply unit, upang maalis ang supply ng kuryente. Bukod sa

power supply, tanggalin din ang mga konektadong molex (ang puting plastic

connectors sa dulo ng mga kable ng power supply). Gayundin ang koneksiyon ng

mga drives, kagaya ng Floppy Drive, Power Connectors, SATA Power Connectors.

Kaugnay nito ang pagtanggal sa apat ng pin – 12 boltahe ng motherboard connectors.

5. Sunod na alisin ang RAM, Video Card, at iba pang mga kable, ilan sa mga halimbawa

nito ay ang IDE, SATA, at Floppy Drive Cables.

6. Gayundin alisin ang mga konektor ng header, alisin na ang motherboard. Upang alisin

ang motherboard hanapin muna ang lahat ng turnilyo at tanggalin ito.

7. Pagkatapos maalis ang mga turnilyo, alisin na ang motherboard sa pamamagitan ng

maingat at banayad na paghila pataas. Ilagay sa ligtas na lugar pagkatapos.

8. Alisin ang CPU sa motherboard atsaka linisin ang mga tinganggal na brush.
9. Bilang karagdagan, gumamit ng oilscrew sa mga losestrand na turnilyo upang maalis

sa kinalalagyan.

10. Maaaring ilagay ang parteng tinanggal sa electro static mat, sa makatuwid panatilihin

itong ligtas sa anumang nakapipinsalang bagay. Kung gayon ang pagbaklas ng system

unit ay maayos at organisado

Saggunian:

https://turbofuture.com/computers/Dissassembling-and-Assembling-the-computer-

system

Cohesive Devices Gamit ng Cohesive Devices sa Pangungusap

at Pagpapahayag ng Pagdaragdag

Ilan sa mga Halimbawa Pagpapahayag ng Halimbawa

At saka Pagpapahayag ng pagdaragdag

Bukod sa Pagpapahayag ng kabawasan sa kabuuan

Gayundin Pagpapahayag ng pagdaragdag

Kaugnay nito Pagpapahayag ng Pag-uugnayan ng mga

pangungusap o talata
Bilang karagdagan Pagpapahayag ng Pagdaragdag

You might also like