You are on page 1of 13

Mga Uri ng Maling

Pangangatwiran sa Tekstong
Argumentatibo
Argumentum Ad Hominem
• Isang nakahihiyang pag-atake sa personal na
katangian o katayuan ng katalo at hindi sa
isyung tinatalakay o pinagtatalunan.
Non Sequitur
• Sa Ingles, ang ibig sabihin nito ay “It doesn’t
follow”. Isa sa maling pangangatwiran na
nagbibigay ng kongklusyon sa kabila ng walang
kaugnayang batayan.
Dilemma
• Naghahandog lamang ng dalawang opsyon o
pagpipiliaan na para bang iyon lamang at wala
nang iba pang alternatibo.
Argumentum Ad Baculum
• Paggamit ng pwersa o awtoridad.
Argumentum Misericordiam
• Pagpapaawa o paggamit ng awa sa
pangangatwiran.
Argumentum Ad Ignorantiam
• Nagpapalagay na hindi totoo ang anumang
hindi pa napatutunayan o kaya’y totoo ang
hindi napasisinungalingan.
Ignoratio Elenchi
• Pagpapatotoo sa isang konklusyung hindi
naman siyang dapat patotohanan.
Maling Paglalahat
• Pagbatay ng isang kongklusyon sa isa o ilang
limitadong premis.
Maling Analohiya
• Paggamit ng hambingang sumasala sa
matinong kongklusyon.
Maling Saligan
• Paggamit ng maling batayan na humahantong
sa maling kongklusyon.
Maling Awtoridad
• Paggamit ng tao o sangguniang walang
kinalaman sa isang paksa.
Mapanlinlang Tanong
• Paggamit ng tanong na anuman ang magiging
sagot ay maglalagay sa isang tao sa kahiya-
hiyang sitwasyon.

You might also like