You are on page 1of 1

02 Referensyal na Pagsulat

Ano ang gagawin mo kung sakali man na may magsasabi ng isang impormasyon na hindi
kapanipaniwala sa iyo? Ano ang iyong basehan upang maniwala kung totoo o hindi man ang
isang impormasyon? Maaaring magbigay ng sitwasyon. Ipaliwanag.

Sagot:

Sa mundo natin ngayon, marami na ang hindi totoo tulad nalang ng iba’t ibang kumakalat
na impormasyon. Kung sakaling may magsabi sa akin ng isang impormasyon at sa palagay ko
hindi into kapanipaniwala, ang unang hakbang na aking gagawin ay ang paghahanap ng
matibay na ebisenya. Magsasagawa ako ng konting pananaliksik tungkol sa impormasyong ito,
maaari akong kumuha ng mapagkakatiwalaang impormasyon mula sa mga pampublikong
pahayag ng pamahalaan tulad ng telebisyon, titingin din ako sa mga mapagkakatiwalaang
websites, at mga channel ng social media.
Halimbawa, sinabihan ako ng aking kaibigan na namatay na ang aking pinaka iidoloong
artista, hindi agad ako maniniwala doon, sa halip, maghahanap ako ng matibay na sanggunian
upang masiguro ko na tama ba o mali ang impormasyong aking nakalap. Naniniwala ako na sa
panahon ngayon, tayong lahat dapat maging mapanuri at mapagsaliksik sapagkat tulad ng
virus, mabilis ding kumalat ang mga fake news o maling balita/impormasyon.

You might also like