You are on page 1of 1

Lunes, Alas Diyes

ng Umaga

- Vlad Gonzales

Ito ay isang kwento ng mag-asawang sina Mr. at Mrs. Cruz.

Sa unang basa, makikita ang isang butihin na asawa na abala sa paghahanda ng pangmerienda para sa
asawang lalaki. Simple lang silang tingnan pero napakametikulosa palang mag-asawa. Gusto lahat ay
perpekto.

Noong unang napabalita sa telebisyon, teknolohiyang makakahiwa sa estraktura ng espasyo, panahon at


mga dimensiyon agad-agad na mag-apply sina Mr. at Mrs. Cruz sa serbisyong ito. Naisip nila ang
pagkakataon upang makilala nila ang kanilang posibleng magiging anak sa hinaharap na pangangalanan
nilang Ezekiel.

Makabuo sila ng isang gwapo, matalino at mayaman na anak. Bibili lamang sila ng prepaid card, ipapasok
ang PIN at sa pamamagitan ng ibat-ibang phone numbers ay mahuhugot na nila ang kanilang potensiyal
na anak.

Sa tulong ng serbisyong binabayaran nila, silay mababalasang muli sa ibat-ibang panahon lugar at
dimensiyon. Pwede silang magpalit ng kabiyak ayon sa gusto nila. Nang nakapili na sana sila sa magiging
anak nila na lalaki na pangalanan na Ezekiel ay napurnada pa ito, kasi ng tanungin ni Mr. Cruz si Ezekiel
tungkol sa kanyang mga magulang.

Sinabi nito na ang kanyang ama ay patay na dahil pinatay ito sa asawa ng kanyang kabit. Ang kanyang
ina naman ay nalango sa droga at nagbaril sa sarili dahil iniwan ng asawa.

Agad dinilete ni Mrs. Cruz ang lahat na impormasyon na gawin sanang batayan sa paggawa nila ni
Ezekiel at agad itong naglaho. Nakita ni Mr. Cruz na nagdial ng ibang numero si Mrs. Cruz na may tunog
na naka-assign sa pagpapalit ng asawa na lalaki. Agad siyang sinabihan ni Mr. Cruz na hindi siya iiwan
kasi mahal na mahal ito.

Hindi naman naniwala si Mrs. Cruz kaya nagkakasakitan silang dalawa sa pag-aagawan sa telepono para
magdial ng mga numbers. Nakuha ni Mr. Cruz ang telepono samantala nakita naman ni Mrs. Cruz ang
isang cellphone at agad itong nagdial ng numero at nagkasabay pa sila ni Mr. Cruz kaya pareho silang
naglaho.

Ibabalik sila sa kanilang kabataan. Usisain ang iba pa nilang katauhan. Hahanapin ang taong magbibigay
sa kanila ng kanilang perpektong kabiyak ng perpektong pamilyang inaasam ng lahat. Sa paghupa ng
pinsalang sanhi ng ganitong serbisyo, muling magiging maayos at muling babalik ang lahat sa isang
karaniwang Lunes, alas diyes ng umaga.

You might also like