You are on page 1of 6

Ano ang kakayahang Lingguwistiko?

Tumutukoy ang kakayahang lingguwistiko sa abilidad ng isang tao na


makabuo at makaunawa ng maayos at makabuluhang pangungusap. Pinag-
iiba ng mga lingguwista at mananaliksik sa wika ng bata ang nasabing
kakayahan sa tinatawag na kakayahang komunikatibo, na nangangahulugan
namang abilidad sa angkop na paggamit ng mga pangungusap batay sa
hinihingi ng isang interaksiyong sosyal (Hymes 1972).

Sa pananaw ng lingguwistang si Noam Chomsky (1965), ang kakayahang


lingguwistiko ay isang ideyal na sistema ng di-malay o likas na kaalaman ng tao
hinggil sa gramatika na nagbibigay sa kaniya ng kapasidad na gumamit at
makaunawa ng wika. Pumapaloob dito ang kaalaman ng tao na pag-ugnayin
ang tunog o mga tunog at kahulugan nito. Iba ito sa isinasaad ng
lingguwistikong pagtatanghal (linguistic performance) o ang aplikasyon ng
sistema ng kaalaman sa pagsusulat o pagsasalita. Hindi maipaghahalintulad
ang kakayahang lingguwistiko at lingguwistikong pagtatanghal dahil ang huli
ay maaaring kapalooban ng mga interperensiya o sagabal. Halimbawa, ang
pagkautal ng isang tagapagsalita habang nagbibigay ng talumpati ay hindi
masasabing kawalan o kakulangan sa kakayahang lingguwistiko. Maaaring ito
ay dulot ng kaniyang kaba na maituturing na sagabal sa kaniyang
lingguwistikong pagtatanghal. Kinakailangang sanayin ng isang tao ang
kaniyang kakayahang komunikatibo upang mapaimbabawan ang mga
sagabal na ito na nagsisilbing puwang sa kaniyang pag-unawa at aksiyon.

Filres 1
A.Y 2021-2022
Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino

Kakabit ng kakayahang lingguwistiko ng Pilipino ang wastong pagsunod


sa tuntunin ng balarilang Filipino. Sa kasaysayan, dumaan na sa maraming
pagbabago at reoryentasyon ang ating wikang pambansa na nagbunga ng
pagbabago sa matandang balarila. Tinukoy nina Santiago (1977) at Tiangco
(2003) ang sampung bahagi ng pananalita sa makabagong gramatika na
napapangkat sa sumusunod:

A. Mga Salitang Pangnilalaman


1. Mga nominal
A. Pangngalan - nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook,
katangian, pangyayari, at iba pa
B. Panghalip - pamalit o panghalili sa pangngalan
2. Pandiwa - nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa pangkat ng mga
salita
3. Mga panuring
A. Pang-uri – nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at
panghalip
B. Pang-abay - nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang
uri, at kapuwa pang-abay

B. Mga Salitang Pangkayarian:


1. Mga Pang-ugnay
A. Pangatnig - nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay
(halimbawa at, pati, ni, subalit, ngunit)
B. Pang-angkop - katagang nag-uugnay sa panuring at salitang
tinuturingan

Filres 1
A.Y 2021-2022
C. Pang-ukol – nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita
(halimbawa sa, ng)
2. Mga Pananda
A. Pantukoy - salitang laging nangunguna sa pangngalan o
panghalip (halimbawa si, ang, ang mga)
B. Pangawing o Pangawil - salitang nagkakawing ng paksa o
simuno at panaguri (halimbawa ay)

Bukod sa mga bahagi ng pananalita, mahalagang matutuhan din ang


wastong palabaybayan o ortograpiya ng wikang Filipino. Mula sa mga naunang
gabay sa ortograpiya (1976, 1987, 2001, 2009), inilathala ng Komisyon sa Wikang
Filipino (KWF) ang 2014 edisyon ng Ortograpiyang Pambansa. Tunghayan natin
ang ilang tuntunin sa pagbaybay na pasalita at pasulat:

A. Pasalitang Pagbaybay
Paletra ang pasalitang pagbaybay sa wikang Filipino na nakaayon
sa tunog-Ingles ng mga titik, maliban sa Ñ (enye) na tunog-Espanyol.

Filres 1
A.Y 2021-2022
Ibig sabihin, isa-isang binibigkas sa maayos na pagkakasunod-sunod
ang mga titik na bumubuo sa isang salita, pantig, daglat, inisyal,
akronim, simbolong pang-agham, at iba pa.
B. Pasulat na Pagbaybay

Narito naman ang ilang tuntunin sa pagbaybay ng mga salita, partikular sa


paggamit ng walong dagdag na titik (c, f.), ñ, q, v,x, z) para sa:

1. Pagpapanatili ng mga kahawig na tunog sa pagsulat ng mga salita mula


sa mga katutubong wika sa Pilipinas.
Halimbawa:
palavvun (Ibanag) bugtong
kazzing (Itawes) kambing
jambangan (Tausug) halaman
safot (Ibaloy) sapot ng gagamba
masjid (Tausug, Mëranaw) gusaling samabahan ng mga Muslim

2. Mga bagong hiram na salita sa mga wikang banyaga. Ang mga dating
hiram na salitang lumaganap na sa baybay na ayon sa abakada ay hindi
na saklaw ng panuntunang ito.

Halimbawa:
selfie
digital detox

3. Mga pangngalang pantangi na hiram sa wikang banyaga, katawagang


siyenti piko at teknikal, at mga salitang mahirap na dagliang ireispel.
Halimbawa:
Jason zeitgeist cauliflower
Mexico quorum bouquet

Filres 1
A.Y 2021-2022
Nueva Vizcaya valence flores de mayo

Bukod sa pagbaybay, pansinin natin ang mga tuntunin hinggil sa (1)


pagpapalit ng tungo sa R; (2) paggamit ng "ng" at "nang"; at (3) wastong
gamit ng gitling, na kadalasang ipinagkakamali sa pagsulat:

1. Sa kaso ng din/rin, daw/raw, ang D ay napapalitan ng R kung ang


sinusundan nitong salita ay nagtatapos sa patinig o sa malapatinig na
W at Y (halimbawa: malaya rin, mababaw raw). Nanatili ito sa D kung
sa katinig naman nagtatapos ang sinusundang salita (halimbawa: aalis
din, malalim daw). Gayundin, nananatili ang D kung ang sinusundang
salita ay nagtatapos sa -ra, -ri, -raw, o –ray (halimbawa: maaari din,
araw-araw daw).

2. May limang tiyak na paggamit ng nang:

A. bilang kasingkahulugan ng noong (halimbawa: "Nang dumating


ang mga Amerikano sa Pilipinas, kaagad silang nagpatayo ng mga
paaralan").
B. bilang kasingkahulugan ng upang o para (halimbawa: "Ikinulong ni
Ana ang aso nang hindi na ito makakagat pa.")
C. katumbas ng pinagsamang na at ng (halimbawa: "Malapit nang
makauwi ang kaniyang tatay mula sa Saudi Arabia.")
D. pagtukoy sa pang-abay na pamaraan at pang-abay na
panggaano (halimbawa: "Iniabot nang palihim ni Carl ang liham
kay Christine." "Tumaas nang sobra ang presyo ng langis.")
E. bilang pang-angkop ng inuulit na salita (halimbawa: “Pabilis nang
pabilis ang ikot ng elisi ng eroplano.")

Filres 1
A.Y 2021-2022
Maliban sa limang ito, sa ibang pagkakaton ay kailangang gamitin ang ng.
3. Wastong gamit ng gitling (-):

a. sa inuulit na salita, ganap man o hindi (halimbawa: araw-araw, gabi-gabi,


para-paraan)
b. sa isahang pantig na tunog o onomatopeya (halimbawa: tik-tak,
brumbrum)
c. sa paghihiwalay ng katinig at patinig (halimbawa: pag-aaral, mag-asawa)
d. sa paghihiwalay sa sinusundang pangngalang pantangi (halimbawa:
paMarikina, maka-Pilipino)
e. sa paghihiwalay sa sinusundang banyagang salita na nasa orihinal na
baybay (halimbawa: mag-compute, pa-encode)
f. sa pantig na may kakaibang bigat sa pagbigkas, partikular sa sinaunang
Tagalog at sa iba pang wika sa Pilipinas (halimbawa:gab-i, mus-ing, lab-
ong)
g. sa bagong tambalang salita (halimbawa: lipat-bahay, amoy-pawis)
h. sa paghihiwalay ng numero sa oras at petsang may ika- (hal. ika-12 ng
tanghali, ika-23 ng Mayo) at sa pagbilang ng oras, numero man o salita,
na ikinakabit sa alas- (halimbawa: alas-2 ng hapon, alas-dos ng hapon)
i. sa kasunod ng "de" (halimbawa: de-lata, de-kolor)
j. sa kasunod ng "di" (halimbawa: di-mahawakan, di-kalakihan)
k. sa apelyido ng babaeng nag-asawa upang maipakita ang orihinal na
apelyido noong dalaga pa (halimbawa: Genoveva Edroza-Matute)

Filres 1
A.Y 2021-2022

You might also like