You are on page 1of 1

AWIT, ELEHIYA, AT IBA PANG TULANG

PANDAMDAMIN

Sa unang kabanata ay natalakay ang iba't ibang uri ng tula. Isa na rito ang mga Tulang
Liriko o Pandamdamin. Sa uring ito ng tula ay itinatampok ng makata ang kanyang sariling
damdamin at maging ang kanyang pagbubulay-bulay. Pinakakilala sa uring ito ng tula ang awit
at elehiya.

Ang awit (dalitsuyo) bilang isang tulang liriko o pandamdamin ay may paksang nauukol
sa matimyas na pagmamahal, pagmamalasakit, at pamimighati ng isang mangingibig.
Halimbawa nito ang awit o Kundiman na nahihinggil sa pag-ibig na kalimitang ginagamit sa
paniningalang-pugad ng mga binata. Madalas ang himig ng awit ay malungkot at mapanglaw.
Halimbawa nito ay ang tulang "Kay Selya" ni Francisco Baltazar. Ang sumusunod ay ilang
saknong mula sa nabanggit na awit.

Ang elehiya (dalitlumbay) naman ay tulang may dalawang katangiang pagkakakilanlan. Una, ito
ay isang tula ng pananangis, lalo na sa pag-alala sa isang yumao, ikalawa, ang himig nito ay
matimpi at mapagmuni-munl. Batay sa uri ng paksa ang elehiya ay higit na personal sa
pagpapahayag ng damdamin kaysa sa ibang estilo ng panulaan. Ang isang halimbawa nito ay ang
"Isang Punongkahoy" na sinulat ni Jose Corazon de Jesus bago siya mamatay. Ang sumusunod
ay ang elehiyang "Isang Punongkahoy"

You might also like