You are on page 1of 9

AWIT, ELEHIYA,

AT IBA PANG
TULANG
PANDAMDAMIN
Mga miyembro:
Santillan Sayon
Ledesma Jison
Hucalinas Lopez
AWIT (DALITSUYO)
 Bilang isang tulang liriko o pandamdamin ay
may paksang nauukol sa matimyas na
pagmamahal, pagmamalasakit, at
pagmimighati ng isang mangingibig.

 Halimbawa nito ang awit o Kundiman na


nahihinggil sa pag-ibig na kalimitang ginagamit
sa paniniglang-pugad ng mga binata. Madalas
ang himig ng awit ay malungkot at mapanglaw.

 Halimbawa nito ay ang tulang “Kay Selya” ni


Francisco Baltazar.
ELEHIYA (DALITLUMBAY)
 Tulang may dalawang katangiang
pagkakakilanlang.

 Una, ito ay isang tula ng pananangis, lalo na sa


pag-alala sa isang yumao; Ikalawa, ang himig
nito ay matimpi at mapagmuni-muni.

 Batay sa uri ng paksa ang elehiya ay higit na


personal na pagpapahayag ng damdamin kaysa
sa ibang estilo ng panulaan. Ang isang
halimbawa nito ay ang “Isang Punongkahoy”
na sinulat ni Corazon de Jesus bago siya
mamatay.
PASTORAL (DALITBUKID)
 Tunay na layunin ay maglarawan ng tunay na
buhay sa bukid. Ang ganitong uri ng
pamumuhay ang karaniwang kinagigiliwang
paksa sa tulang liriko.

 Isang halimbawa nito ay ang “Bahay Kubo” na


isinulat ni Victor S. Fernandez.
ODA (DALITPURI)
 Makabagong panulaan ay ng tulang liriko
na may kaisipan at estilong higit na dakila at
marangal.

 Wala itong tiyak na bilang ng pantig o kaya’y


tiyak na bilang ng mga taludtod sa isang
taludturan.

 Isang magandang halimbawa nito ay ang tulang


“Manggagawa” na isinulat ni Jose Corazon de
Jesus.
DALIT (DALITSAMBA)
 Isang maikling awit na pumupuri sa Diyos.

 Ito ay isang maikling tulang liriko na nilikhang


may aliw-iw ng awit subalit hindi ito kinakanta.
Kalimitan itong wawaluhing pantig na may
dalawa, tatlo o kaya’y apat na taludturang gmay
apat na taludtod bawat isa.
SONETO (DALITWARI)
 Tulang may labing apat na taludtod.

 Karaniwang ang unang walong taludtod ay


nagpapahayag ng isang pangyayaring
nagwawakas sa isang malubhang suliranin o sa
pagtaka sa malalalim na kahulugan ng
katuturan at kahalagahan ng sinasabi ng walong
unang taludtod.At ang huling taludturan naman
ang siyang pumapawi sa isinasaad ng sinundang
taludtod.
 Mahalagang malamang ang isang soneto ay
hindi basta lamang tula na binubuo ng labing
apat na taludtod sa halip ito ay naghahatid ng
aral sa mga bumabasa.

 Isang halimbawa nito ay ang tulang sinulat ni


Jose Villa Panganiban na may pamagat ng
“Buhay at Kamatayan”.
MGA TANONG:
1. Ano-anong uri ng tula ang tinalakay sa talata?
Isa-isahin ang mga ito.
2. Sa iyong palagay, bakit kaya tinawag nila itong
tulang liriko o damdamin ang mga ito?
3. Anong pagkakaiba ng awit at elehiya?
4. Anong mga damdamin ang namamayani sa
dalawang uring ito ng tula?
5. Sa iyong palagay, ano kayang uri ng tulang
padamdamin ang tulang “Mahatma Gandhi”?
Pangatwiranan ang iyong sagot.

You might also like