You are on page 1of 8

KAHULUGAN NG TULA AT

ELEMENT NITO
TULA

• Pinakamatandang sining sa kulturang Pilipino


• Pinagmulan ng iba pang sining tulad ng awit, sayaw
,at dula
• Naiayos sa isang maanyong paraan kaya
kinakitaan ng sukat at tugma
• Ayon kay Abadilla, “Bawat kibot ng kanilang bibig
ay may ibig sabihin at may katuturan.
ELEMENTO NG TULA
1. SUKAT- bilang ng mga pantig sa bawat taludtod ng saknong. Karaniwang
gamitin ang labindalawa, labing-anim, at ang labingwalong pantig.

I/ pa/ han/ dog/ han/ dog/ ang/ bu/ ong/ pag/ -i/ big
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12
At/ hang/ gang/ may/ du/ go’y/ u/ bu/ sing/ i/ ti/ gis,
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12
Kung/ sa/ pag/ ta/ tang/ gol/, bu/ hay/ ay/ ma/ pa/ tid,
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12
i/ to’y/ ka/ pa/ la/ ran/ at/ tu/ nay/ na/ la/ ngit.
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12
2. TUGMA- pagkakaroon ng pare-parehong tunog sa dulo ng mga
panghuling salita ng taludtod. Ang panghuling pantig sa dulo ng bawat
taludtod ay maaaring nagtatapos sa patinig o katinig at binibigka nang
mabilis, malumanay, o may impit sa lalamunan.
3. Talinghaga- ito ay sadyang paglayo sa paggamit ng mga pangkaraniwang
salita upang maging kaakit-akit at mabisa ang pagpapahayag.

Halimbawa:
• Ang Pilipinas ay perlas sa kagandahan.
• Bumaha ng dugo nang ang bayan ay lumaya.
• Ang baya’y umiiyak dahil ito’y may tanikala.
4. Larawang-diwa (Imagery)- ito ay mga salitang binabanggit sa tula na nag-
iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa,

Halimbawa:
Kung ang bayang ito’y mapapasa-panganib
At siya ay dapat na ipagtangkilik,
Ang anak, asawa, magulang, kapatid,
Isang tawag niya’y tatalikdang pilit.
5. Simbolismo (Symbolism)- ito ang mga salita sa tula na may kahulugan sa
mapanuring isipan ng mambabasa.

Halimbawa:

Puno- buhay
Ilaw-pag-asa
Tinik-pagsubok/hirap
Bathala- panginoon
6. KARIKTAN- Ayon kay Julian Cruz Balmaceda, maaaring bigkasin ang isang
hanay-hanay ng mga talatang tugma-tugma ang mga dulo at sukat-sukat
ang mga bilang ng pantig ngunit di pa rin matatawag na tula kung hindi
nagtataglay ng kariktan. May mga tulang walang sukat at tugmang
sinusunod subalit matatawag pa ring tula sapagkat pilimpili ang mga salita,
kataga, parirala, imahen o larawang-diwa, tayutay o talinghaga, at
mensaheng taglay na siyang lalong nagpapatingkad sa katangian nito bilang
tula at psumupukaw sa mayamang imahinasyon ng bumabasa.

You might also like