You are on page 1of 1

24. tama ba ang ginawa ng pangunahing tauhan sa kuwentong isang libo’t isang gabi?

ISANG LIBO’T ISANG GABI


(ONE THOUSAND AND ONE NIGHTS)
NOBELA-SAUDI ARABIA
ISINALIN SA FILIPINO NI: JULIETA U. RIVERA

Isang kamalian ang ginawa ng pangunahing tauhan.


Hindi maitatama ng isang pagkakamali ang isa pang pagkakamali. Mali ang ginawa ng
pangunahing tauhan sapagkat marami siyang taong nasaktan. Una ang kanyang asawa na walang
kaalam-alam sa kataksilang kanyang ginawa, ikalawa ang hepe, Si Cadi, si Visier ang hari at ang
kalpintero mga taong hindi maganda ang intension sa kanya sa simula pa lamang, ngunit kung tutuusin
ay siya rin ang gumawa ng paraan upang magkasala ang iba pang mga tauhan. Hindi sapat na dahilan
ang pangungulila upang gawin ang mga maling bagay, hindi maaaring sisihin ang malimit na pag-iwan
nang matagal ng kaniyang asawa at nang dahil sa katagalan nang pag-uwi ng lalaki ay nakadama na siya
ng kalungkutan at pagkabagot. Hindi naman masama ang malungkot at mabagot bastat ang mahalaga ay
gagawa ka ng paraan na makapapawi ng bagot at pagkalungkot ng wala kang tinatapakang tao. “Love
comes in an unexpected ways” ika nga nila ngunit paano kung ang pagmamahal na nararamdaman mo o
ang puso mo ay tumibok sa maling tao, sa maling panahon at maling pagkakataon itutuloy mo pa ba?

Hindi mali ang pagmamahal na naramdaman ng pangunahing tauhan ngunit mali ang ginawa
niyang pagsunod sa dinidikta nito kaya’t ang kanyang imahe na pagiging matapat at mabuting asawa ay
naglaho na lamang bigla dahil sa kanyang ginawang kamalian. Dahil sa simula’t sapul pa lamang ay ala,
na niya na ang kanyang asawa ay mahilig maglakbay sa buong mundo, alam na niya na posibleng
maiwan siyang mag-isa ngunit nagpakasal parin siya rito, Kaya’t kung titignang mabuti ay hindi
katanggap-tanggap sa ibang mga mambabasa ang ginawi niya. Ngunit maaari rin namang bigyang
katwiran kung bakit ginawi ito ng tauhan batay na rin sa mga pangyayaring nakapaloob sa akdang “
Isang libo’t Isang Gabi” na dahil sa kawalan ng sapat na oras at panahon ng lalaki sa kanya ay bigla na
lamang nagbago ang tibok ng damdamin niya, pagtibok na hindi niya inakala. Sabi nga sa Florante at
laura saknong 80 "O’ pagsintang labis ang kapangyarihan sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw pag
ikaw ay nasok sa puso ninuman. Hahamakin ang lahat masunod ka lamang.” nga lang dahil sa pagsunod
niya maraming nasagasaan, samakatuwid kung tayo’y gagawa ng bagay o magdedesisyon sa mga
bagay-bagay siguraduhin nang mabuti/ pag-isipan bago gawin at kung may tao man tayong dapat sisihin
walang iba kundi ang sarili natin.

You might also like