You are on page 1of 1

470. Ano ang panimula sa kabanata 7 sa el filibusterismo?

(g10-page50)

SI SIMOUN
KABANATA VII
Sa panimula ng kabanata VII ay ipinakikita ang pangungilila ni Basilio sa kanyang ina kaya’t nais
niya sana na manatili pa sa puntod nito ngunit wala na siyang magagawa kundi ang lumisan dahil kung
aabutin siya ng umaga’y maaaring may makaalam ng kanyang lihim na matagal na niyang itinatago. Aalis
n asana siyan ng umihip ang malamig na simo’y ng hangin at unti-unting lumakas ang huni ng kuliglig at
bigla na lamang siyang mayroong narinig na mga yabag. Hindi mapamahiin si basilio ngunit tila bumigat
ang kanyang yabag. Marami narin siyang hiniwang mga bangkay dahil sa kinakailangan sa medisina at
marami narin siyang nasaksihang binawian ng buhay. Mga karanasan saospital na pinaggagamutan, mga
karanasang madaling malimutan, at di nagdudulotng mga katatakutan.

Pero ayon sa kabanata VII ay ibang kaba ang naramdaman ni Basilio kaya’t bigla na lamang
niyang naalala ang mga kuwento-kuwento tungkol sa dilim na ayaw magpahimbing, patungkol sa daing
ng mahahabang baging at tungkol sa pugot na ulo na maraming nagpapatotoo. Dinig na dinig ni basilio
na huminto ang mga yabag sa harap mismo ng punong pinagtataguan niya. Kaya’t napabuntong hininga
siya. Kinilabutan si Basilio ng mapansing ang kapaligiran ay nagningning sa kaliwanagan.Isang anino na
waring patungo sa kaniyang kinaroroonan. Nangubli ang binata at nakita sa kabilang ibayo ng balite,
nakita niya ang lalaki na naghahanda ng kagamitan at nagsimula itong maghukay.

Dahil ditto Kaya’t biglang nagbalik tanaw si basilio ng mga pangyayaring naganap noon-may
labintatlo na ang nakaraan na may isang lalaking tumulong sa kaniya sa paglilibing ng inang namatay at
pagsunog sa isang lalaking namatay sa lugar ding iyon, hanggang sa bumalik siya sa kanyang ulirat,
nagulat siyanang makilala niya ang taong naghuhukay na siyang tumulong sa kaniya noon bagama’t tila
tumanda ang anyo nito, naging maputi na ang buhok, may balbas at bigote. Sa natuklasang lihim,
magulo at napaisip siya, lalong naguluhan ang isip niya kung sino ba talaga ang tunay na Ibarra sa dalawa
ang lalaking namatay o ang lalaking naghuhukay ngayon na si Simoun na isang mag-aalahas?

You might also like