You are on page 1of 1

253.

buod ng kabanata 11 ng el fili

LOS BANOS
Natakot ang mga hayop sa Dalang Musika ng Kapitan Heneral Sa Boso-boso nang minsan itong
mangaso na naging sanhi kung bakit wala itong nahuli sapagkat wa ni isang lumabas na hayop. Sa
totoong buhay ay ayaw ng Kapitan Heneral na malaman ng mga kasamahan niya na hindi siya marunong
mangaso kaya’t ikinatuwa niya nang hindi nagpakita ang mga hayop. Kaya naman sila ay umuwi na
lamang sa bahay ng nasabing Kapitan. Samantalang sina Padre Irene, Padre Sibyla at ang Kapitan ay
nagpaiwan sa isang bahay aliwan. Hindi nagtagal ay pinalitan ni Simoun sa paglalaro si Padre Camora
dahil lagi itong talo. Sa kondisyong magpapakasama sa loob ng limang araw ang mga prayle ay
napapayag si Simoun na itaya ang kanyang alahas. Samantalang ang kapitan Heneral naman ay
nangakong bibigyan niya ng kapangyarihan si Simoun na magpakulong at magpatapon ng kahit na
sinong naisin niya.

Napalapit na lamang bigla sina Don Custodio, Padre Fernandez at ang Mataas na kawani dahil sa
kakaibang kundisyon nina Padre Irene, Padre Sibyla, ang Kapitan at Simoun sa pagsusugal. Naitanong ng
mataas na kawani kung ano ang mapapala ni Simoun. “Para maalis ang masasamang damo at luminis
ang bayan” ang naging tugon ni Simoun. Dahil sa pagkakaharang ng mga tulisan kay Simoun kaya iyon
ang nasabi ni Simoun na iniisip ng mga nakarinig. Ayon kay Simoun maliban sa mga rebolber at bala ay
wala nang ibang kinuha sa kanya.

Ayon pa sa kanya ay marangal ang mga tulisan sapagkat sila lamang ang kumikita ng ikabubuhay
nila, sila lamang ang natatanging marangal. Ang mga tulisan ay hindi matatagpuan sa kabundukan dahil
ang mga tulisan ay makikita sa bayan at mga siyudad. Kaya’t tinuro siya ni Padre Sibyla “ tulad ninyo”
wika nito, “gaya natin” ganting wika ni Simoun “ nga lang tayo ay mga di hayagang tulisan” dagdag pa
nito. Bukod pa rito ay marami pang suliraning panlipunan ang kanilang napag-usapan ilan na rito ang
baril, gawing paaralan ang sabungan na mariing tinutulan ng kapitan heneral at iba pa.

Kabilang pa sa natalakay ang Akademya na tinutulan din dahil umano ito ay kahina-hinala.
Hanggang sa dumating si Juli at pagbigyan ang hiling nito.

You might also like