You are on page 1of 42

KABANATA 3: Ang Mga Alamat

Talasalitaan:
1. Tulisan: Magnanakaw 5. Beateryo: Kumbento
2. Namumutla: Nanghihina
3. Nagbabalat-kayo: Nagpapanggap
4. Nagdaraingan:Nagpapaliwanagan
Tauhan:
1. Simoun Ibarra 7. Padre Salvi
2. Don Custodio 8. Padre Sibyla
3. Padre Florentino 9. Padre Irene
4. Padre Camorra 10. Donya Victorina
5. Kapitan 11. Donya Geronima
6. Ben Zayb
Buod:
Dinatnan ni Padre Florentino na nagtatawanan na ang
nangasa kubyerta. Nagdaraingan ang mga prayle sa
pagkamulat ng mga Pilipino at pag-uusig sa mga bayarin sa
simbahan. Dumating si Simoun. Sayang daw at di nakita ni
Simoun ang mga dinaanan ng bapor. Kung wala raw alamat ay
walang kuwenta sa kanya ang alinmang pook ayon kay
Simoun. Isinalaysay ng kapitan ang alamat ng Malapad-na-
bato. Ito raw ay banal sa mga katutubo noong una bilang
tahanan ng mga espiritu. Nang panahanan daw ng mga
tulisan ay nawala ang takot sa espiritu, nasalin sa mga
tulisan. Sinabi ng Kapitan na may isa pang alamat na ukol
kay Donya Geronima. Si Padre Florentino ang nahingang
magkuwento. May magkasintahan daw sa Espanya. Naging
arsobispo sa Maynila ang lalaki. Nagbabalatkayo ang
babae. Naparito at hinihiling sa arsobispo na sundin nito
ang pangako pakasal sila. Iba ang naisip ng arsobispo.
Itinira ang babae sa isang yungib na malapit sa Ilog
Pasig. Nagandahan si Ben Zayb sa alamat. Nainggit si
Donya Victorina na ibig ding manirahan sa kuweba.
Tinanong ni Simoun si Padre Salvi. Sa inyong palagay,
hindi ba higit na mainam ay ilagay sa isang beateryo
tulad ni Sta. Clara? Hindi raw siya makakahatol sa mga
ginawa ng isang arsobispo, ayon kay padre Salvi. At upang
mabago ang paksa ay isinalaysay ang alamat ni San Nicolas
na nagligtas sa isang Intsik sa pagkamatay sa mga
buwayang naging bato nang dasalan ng intsik ang santo.
Nang datnan nila ang lawa ay nagtanong si Ben Zayb sa
Kapitan kung saan sa lawa napatay ang isang Guevarra,
Navarra o Ibarra. Itinuro ng Kapitan. Naghanap si Donya
Victorina ng bakas ng pagkamatay ng tubig labingtatalong
taon matapos mangyari iyon. Nakasama raw ng ama ang
bangkay ng anak, ani Padre Sibyla. Iyon daw ang
pinakamurang libing, ayon kay Ben Zayb. Nagtawanan ng
iba! Si Simoun ay namumutla at walang kibo. Ipinalagay ng
Kapitan na si Simoun ay nahilo dahil sa paglalakabay.
KABANATA 4: Kabesang Tales
Talasalitaan:
1. Agnos – Palawit ng kwintas
2. Kabesa – Pinuno ng isang barangay
3. Kamkamin – Sapilitang kunin
4. Kaluwalhatian – Maligayang pamumuhay
5. Mababangon - Maghimagsik
Tauhan:
1. Kabesang Tales 6. Hermana Bali
2. Huli 7. Padre Clemente
3. Tano 8. Gobernador
4. Tandang Selo 9. Mga Tulisan
5. Hermana Bali
Buod:
Naninirahan ang mag-anak na sina Tandang
Selo, Tales at ang kanyang pamiliya. Hiniwan
nila ang gubat hanggang sa bayan dahil wala
namang nag-mamamay-ari nang loteng iyon.
Namatay ang asawa at anak na panganay ni Tales
dahil sa mataas na lagnat, akala nila ay ito'y
isang higanti nang mga engkanto sa gubat.
Mayroong korporasyon ng prayle ang nagsasabing
sa kanila ang loteng iyon, pero hindi naman
nila pinigilan ang mag-anak na mag-ani doon
basta ay magbayad sila ng 20-30 peso kada-taon.
Inisipan niyang pag-aralin si Tano at Huli sa
Maynila. Pumayag ang mag-anak, ngunit tumataas
ang singil sa kanila kada-taon noong
naging Cabeza de Barangay si Tales. Naging
gwardiya sibil si Tano. Di pumayag na magbayad
si Tales at dahil doon ay hinuli siya ng mga
tulisan. Humihingi nang 500 piso ang mga
tulisan at dahil dito ay nakipagsunduan sina
Tandang Selo at Huli kay Hermana Bali na
mamamasukan si Huli sa kaniya bilang kapalit
nang 250 piso na kulang nila.
KABANATA 7: Si Simoun
Talasalitaan:
1. Alatiit - mahinang tunog ng nabalingg kahoy o sanga.
2. Mulato - mestisong Negro
3. Natigatig - natinag , nasindak, natakot
4.Pagkakatinig – pagsasaboses
5.Busabos - lubhang mababa ang pagpapalagay at
pakikitungo ng kapwa ; alipin
6. Mulala - tanga, hangal, walang malay, inosente
7. Lugmok - baon sa kahirapan
8. Nagbalot-kayong -nagpanggap
9. Gutom – hayok
10. Bangkay - katawan ng patay na tao
Tauhan:
1. Simoun
2. Basilio
Buod:
Sa pagdalaw ni Basilio sa puntod ng kanyang ina na si
Sisa sa gubat ng mga Ibarra, may nakitang anino si
Basilio at may natuklasan siyang dalawang lihim. Ang
taong tumulong sa kanya sa paglilibing sa kanyang ina at
sa isa pang bangkay ay nakita niyang muli. Ang taong
nakita niya ay ang alaherong si Simoun ngunit hindi suot-
suot ni Simoun ang kaniyang salamin at dahil dito,naiba
ang hitsura ni Simoun. Ang ikalawang bagay na natuklasan
ni Basilio ay si Ibarra na inakala nilang namatay na sa
lawa labintatlong taong nakaraan - ay nagbalik bilang si
Simoun. Sa pagdalaw ni Basilio sa puntod ng kanyang ina
na si Sisa sa gubat ng mga Ibarra, may nakitang anino si
Basilio at may natuklasan siyang dalawang lihim. Ang
taong tumulong sa kanya sa paglilibing sa kanyang ina at
sa isa pang bangkay ay nakita niyang muli. Ang taong
nakita niya ay ang alaherong si Simoun ngunit hindi suot-
suot ni Simoun ang kaniyang salamin at dahil dito,naiba
ang hitsura ni Simoun. Ang ikalawang bagay na natuklasan
ni Basilio ay si Ibarra. Ikinuwento ni Simoun kay Basilio
ang kanyang nakaraan at sa kanyang mga plano para sa
bayan. Sinabi rin ni Basilio kay Simoun ang kanyang mga
problema at inalok siya ng tulong ni Simoun. Ang isinagot
ni Basilio ay “Lahat ng paghihiganti sa daigdig ay hindi
na makabubuhay sa aking Ina at kapatid. Ano ang mapapala
ko kung sila’y aking ipaghihiganti?”
KABANATA 9: Ang mga Pilato
Talasalitaan:
1. salakayin – sugurin
2. nabalisa – hindi mapakali ; nag-alala
3. tulisan – magnanakaw, masasamang loob
4. nagkibit-balikat – pinasawalang bahala
5. tagapangasiwa - tagapaglingkod
Tauhan:
3. Kabesang Tales
4. Hermana Penchang
5. Huli
6. Pilato
Buod:
Pinagusapan sa bayan ang nangyari kay Tandang
Selo, ang iba ay nahabag sa pangyayari at ang iba
ay nagkibit-balikat lamang. Hindi man lamang
nabalisa ang Guardya Sibil dahil ayon sa kanya ay
wala syang kasalanan at utos lamang sakanya ang
pagsamsam sa mga sandata, hindi upang bigyan ng
pagkakataon ang mga tulisan upang madukot si
Kabesang Tales at hindi din niya kasalanan kung
hindi ito matagpuan. Si Hermana Penchang na bagong
panginoon ni Huli sinasabing ang may sala raw ay
si Tandang Selo dahil hindi marunong magdasal at
hindi nagturo ng wastong pagdarasal sa mga anak na
tulad ng ginagawa niya ngayon kay Huli na
tinuturuan niya ng dasal at pinababasa niya at
pinasasaulo ang aklat na Tandang Basyong Makunat.
Nang mabalitaang tutubusin ni Basilio ang
kasintahan ay sinabing si Basilio ay isang
demonyong nag-aanyong estudyante na ibig
magpahamak sa kaluluwa ng dalaga. Nakauwi si
Kabesang Tales sa tulong ng salaping napagbilhan
ng mga alahas ni Huli at nautang ng dalaga kay
Hermana Penchang. Nabatid niyang iba na ang
gumagawa ng kanyang lupa, nagpaupang utusan si
Huli, pipi ang amang si Tangdang Selo, at pinaalis
siya sa kanyang bahay, sa atas ng hukuman at sa
katuwaan ng mga kura at gugmawa ng lupa. Si
Kabesang Tales ay naupo sa isang tabi at
nanatiling walang kibo.
KABANATA 10: Kayaman at Karalitaan
Talasalitaan:
1. Kayamanan - pag-aari; mga mahahalagang bagay na
naipon o naitago; bagay na mataas ang halaga
2. Karalitaan - kahirapan
3. Nagdarahop - naghihirap
4. Kaban – sako
5. Rebolber – baril
6. Umaalipusta – nanglalait
7. Sumilakbo - biglang pagramdam
8. Niyurakan - sinira
9. Tinutudyo – nilalait
10.Pantubos - pambayad
Tauhan:
1. Kabesang Tales 5. Sinang
2. Simoun 6. Manugang ni Kapitn Basilio
3. Kapitan Basilio 7. Hermana Penchang
4. Kapitana Tika
Buod:
Sa bahay ni Kabesang Tales nakipanuluyan si Simoun.
Ito’y nasa pagitan ng San Diego at Tiyani. Nagdarahop si
Kabesang Tales ngunit dala nang lahat ni Simoun ang
pagkain at ibang kailangan at dalawang kaban ng mga
alahas. Ipingmalaki ni Simoun ang kanyang rebolber kay
Kabesang Tales. Nagdatingan ang mga mamimili ng alahas.
Si Kapitan Basilio, ang anak na si Sinang at asawa nito,
Si Hermana Penchang mamimili ng isang singsing na
brilyante para sa birhen ng Antipolo. Binuksan ni Simoun
ang dalawang maleta ng alahas. Mga alahas na may iba’t
ibang uri, ayos, at kasaysayan. Napatingin si Kabesang
Tales sa mga alahas ni Simoun. Naisisp niyang parang sa
tulong ng kayamanang iyon ay tinutudyo siya ni Simoun,
nilalait ang kanyang kapahamakan. Ani Hermana Penchang ay
di dapat ipagbili iyon dahil minabitu pa ni Huli ang
paalila kaysa ipagbili iyon. Isinangguni raw muna ni
Kabesang Tales sa anak ang bagay na iyon. Tumango si
Simoun. Ngunit nang nasa labas na ng bahay ay natanaw ni
Kabesang Tales ang prayle at ang bagong gumagawa ng lupa.
Nangagtawanan pa iyon ng makita si Kabesang Tales.
Natutuwa si Simoun. Tatlo ang pinatay ni Kabesang Tales
ng gabing iyon. Ang prayle, ang lalaking gumagawa sa
lupa, at ang asawa nito ay nagkaroon ng madugong
pagkamatay-putol ang leeg at puno ng lupa ang bibig. Sa
tabi ng bangkay ng babae ay may papel na kinasusulatan ng
Tales na isinulat ng daliring isinawsaw sa dugo.

KABANATA 14: Sa Bahay Ng Mag-aaral


Talasalitaan:
1. Facultad- kursong pang-akademiko
2. Nagsisipantaha- nagpapalagay
3. Nagpapasulsol- nagpapaudyok
4. Kahalayan- kalaswaan
5. Punto- ibig sabihin
6. Nagpanukala- nagmumungkahi
7. Hihikayatin- hihimukin
8. Napahinuhod- Nahikayat
9. Pakikihamok- Pakikipaglaban
10.Lipi - Lahi
Tauhan:
1. Pecson 7. Padre Irene
2. Sandoval 8. Don Custodio at G. Pasta
3. Isagani 9. Kapitan Heneral
4. Macaraig 10. Pepay
5. Pelaez 11. Ginoong Pasta
6. Matea
Buod:
 Ang bahay ng mga estudyanteng pagmamay-ari ni Makaraig ay
malaki, maluwang at may dalawang palapag na entresuwelong may mga
eleganteng rehas. Magulo ang paligid dahil sa mga nangangasera.
May mga nagbabaraha, nag-aaral ng kanilang aralin sa kanilang
silid, nagkwekwentuhan at nagtutugtugan sa balkonahe at
nagtatalo-talo habang ang iba’y parang mga batang naglalaro. Iba-
iba ang kanilang edad at pag-uugali. Sa ibaba ng hagdan ay naroon
ang isang intsik. Nagtitinda siya ng kakanin sa mga estudyante.
Madalas lokohin at biruin ng mga pilyong estudyante ang kawawang
intsik na mag-isang umiiyak at nagmamakaawa mabili lang ang
kanyang paninda. Iba’t-ibang klase rin ang ugali ng mga mag-
aaral. May sobrang palaaral, may bulakbol, may maramdamin, may
mainitin ang ulo at ang iba naman ay hindi na matapos-tapos ang
kaharutan sa iba pang kapwa mag-aaral. Nabawasan lang ang
kaguluhan ng dumating ang mga kagrupo ni Makaraig na sina
Isagani, Sandoval, Pecson at Pelaez. Makikisig ang mga
estudyanteng ito at disente kung manamit. Nag-usap ang mga ito
habang hinihintay ang pagdating ni Makaraig para talakayin nila
ang tungkol sa Akademya ng Wikang Kastila. Malaki ang sampalataya
nina Isagani at Sandoval na pinagbigyan lang ang kanilang
kahilingan. Tiyak na raw ang kanilang karangalan sa ginagawa para
sa kapwa mag-aaral. Samantala, si Juanito Pelaez ay hindi
napigilan ang pagkahambog sapagkat siya raw ang bumuo ng
panukalang ito para sa pangkat. Nagkaroon pa ng mainitang usapin
sa pagitan ng mga ginoo kung anu-anung kaalaman ang binahagi nila
sa isa’t-isa at isa sa aydeyang naisip nila ay ang kunin si
Ginoong Pasta para maging abogado nila. Si Isagani ang
nagprisintang pupunta kay ginoong pasta sapagkat ang abogado ay
naging kaklase at kaibigan ng kanyang tiyuhing si Padre
Florentino. Bukod doon ay Pilipino ito kaya’t nakatitiyak na sila
na papanig ito sa kanila.

KABANATA 13: Ang Klase sa Pisika


Talasalitaan:
1.Asabatse- itim na amber
2.Asana – malaking punongkahoy
3.Hangal – mangmang, walang alam
4.Tinagurian – kinikilala
5. Prayle – tawag sa paring Kastila
Tauhan:
1. Padre Millon
2. Juanito Pelaez
Buod:
Ang unibersidad ay tinuturing na isang lugar kung
saan ang mga estudyante ay tinuturuan ng kanilang mga
guro na kadalasa’y mga prayle tungkol sa sa mga dapat
nilang malaman upang magkaroon ng mabuting edukasyon.
Si Padre Millon ay tinaguriang isa sa pinakamahusay
na gurong prayle sa kanyang panahon na tila ay hindi
mo maaaring kwestyunin ang kanyang mga kaalaman.
Tinuturuan ni Padre Millon ang kanyang mga estudyante
ng bigla niyang nahuling naghihikab at nag-unat ang
isa sa kanyang mga estudyante kaya’t pinatayo niya
ang naturang estudyante at tinanong ng mga bagay-
bagay ukol sa kanilang paksa tungkol sa pisika.
Nainis si Placido ng bulungan siya ni Juanito Pelaez
kaya’t bigla niyang sinigawan ito. Narinig iyon ni
Padre Millon kaya’t siya naman ang pinatayo nito at
tinanong ng mga bagay-bagay ukol sa kanilang
paksa.Hindi alam ni Juanito ang ilan sa mga
katanungan kaya’t sinabihan niya si Placido na siya’y
bulungan ng kanyang mga isasagot. Nagalit si Placido
kaya’t siya’y biglang napasigaw at iyon ay narinig ni
Padre Millon. Napatayo at tinanong ukol sa maraming
bagay si Placido ni Padre Millon. Hindi alam ni
Placido ang kasagutan sa ilang mga tanong. Sa huli ay
nagalit si Placido sa panlalait na ginagawa ni Padre
Millon sa kanya at siya ay lumabas at lumakad palayo
sa silid. Ito ay labis na ikinagalit ni Padre Millon
na naging dahilan ng kanyang pagsasalita ng masama
tungkol sa maraming bagay tulad ng pagmamataas raw ng
mga estudyante.

KABANATA 6: Si Basilio
Talasalitaan:
• Misa de gallo- misa sa hatinggabi o madaling araw sa panahon ng
kapaskuhan
• Primer ano- unang taon
• Adsum- narito po ako
• Sable- espada
• Sipilis – isang uri ng sakit na nakukuha sa pakikipag talik
• Sobresaliente- pinakamataas o pinakamahusay na marka
Tauhan:
• Basilio
• Tiya Isabel
• Maria Clara
• Kapitan Tyago
Buod:
Nang tumutunog ang mga batingaw ng noche buena si Basilio ay palihim
na nagtungo sa gubat. Paliit ang buwan. Kaya’t paaninaw na tinungo ni
Basilio ang libing ng kanyang ina. Ipinagdasal ang kaluluwa ng ina at
gunita ng nakaraang may 13 taon.
Namatayan ang kanyang ina. May dumating na lalaking sugatan. Pinahakot
siya ng kahoy na ipansusunog sa bangkay ng ina at ng sugatang lalaki.
May dumating pang isang lalaki. Tumulong ito sa pagtatalsakan ng kahoy
at paglilibing sa kanyang ina.
Umalis siya sa gubat. Lummuwas ng Maynila. Maysakit at gulanit ang
damit. Ninais nang pasagasa sa mga karuwahe dahil sa hirap at gutom.
Natagpuan niya sina Kap. Tiyago na katatpos dalhin sa beateryo si
Maria Clara. Kinuha siyang katulong o utusan. Ping-aral sa Letran.
Unang taon: wala siyang nabibigkas kundi ang pangalan niya at ang
salitang adsum o narito po. Minaliit siya dahil sa luma at gulanit na
suot. Gayunman ay lagi siyang nagsasaulo ng leksiyon. At nang matuos
niyang sa tatlo o apat na paraan sa kanyang klase ay may 40 lamang ang
nagtatanong di na sumama ang loob niya. Nang magsulit, natugon niya
ang tanong sa kanya at ang marka niya para sa unang taon ay aprovado.
Ang siyam niyang kasamahan sa pagsusulit ay nangag-ulit na lahat.
Ikatlong taon. Naisipan ng professor na Dominiko ang pagtanong kay
Basilio na akala niya’y tanga upang magpatawa sa klase. Natugon ni
Basilio ang tanong. Parang loro siya sa pagsagot. Noo’y di na tinanong
si Basilio. Bakit pa tatanugin ito’y di naman nakapag-papatawa sa
klase? Nawalan ng sigla sa pag-aaral si Basilio. Nguni’t isang
professor niya ang nasiyahang tumanggap ng hamon ng mga kadete sa
isang pasyalan at nagyakag ng mga estudyante niya na inilaban niya sa
mga kadete sable laban sa baston. Namayani si Basilio sa labanan.
Nakilala ng professor. Nang magtapos: sobresaliente at may mga medalya
pa.
Muhi si Kap. Tiyago sa mga prayle mula nang magmongha si Maria Clara.
Pinalipat si Basilio sa Ateneo Municipal. Malaki ang natutuhan ni
Basilio. Nagsulit siya sa pagkabatsilyer. Ipinagmalaki siya ng kanyang
mga profesor. Nakasulit siya at kumuha ng medisina. Pagkatapos, naging
matiyaga at masigasig sa pag-aaral si Basilio. Kaya di pa man
nakakatapos ay nakapanggamot na siya. At huling taon na ng pag-aaral
ni Basilio. Pagkatapos niya’y pakaksal na sila ni Huli.

KABANATA 18: Mga Kadayaan


Tauhan:
1. Mr. Leeds 2. Imuthis
3. Ben Zayb 4. Don Custodio
5. Padre Salvi
Tagpuan:
 Perya sa Quiapo

Talasalitaan:
1. Naliyo-nahilo 2. Nangahas- sumubok
3. Kutis labanos- sobrang puti
4. Maitim na buto- masamang ugali
5. Suklam- galit, inis 6. Gambalain- istorbohin
7. Maibigan- gustuhin 8. Kibo- imik, salita
9. Imoral- walang modo 10. Ipininid- isinara
Buod:
Sinalubong ni Mr. Leeds ang mga panauhin sa kanyang perya. Bago
nagsimula ang palabas, nagsiyasat si Ben Zayk upang Makita ang
salamin sa kanyang inaasahang matagpuan, ngunit wala siyang
nakita.  Pumasok si Mr. Leeds sa isang pinto at may dalang kahong
kahoy sa kanyang pagbabalik. Ipinaliwanag niya na ito ay
natagpuan naiya sa isang libingang nasa-piramid ni Khufu, isang
Paraon ng Ehipto. Ang kahon ay may lamang abo at kapirasong
papiro na kinasusulatan ng dalawang salita. Sa pamamagitan
ngpagbigkas ngunang salita ang abo ay nabubuhay at nakakausapang
isang ulo at pagbanggit ng ikalawang salita ito ay babalik sa
dating kinalalagyan nito. Bumigkas ng isang salita si Mr. Leeds,
lumabas ang isang ulo at sinsbi nitong siya si Imuthis. Siya ay
umuwi sa sariling bayan pagkatapos ng pag-aaral at mahabang
paglalakbay. Sa kanyang pagdaraan sa Babilonia ay nabati niya ang
isang lihim na hindi ang tunay na Sumerdis ang namamahala doon
kundi si Gautama, isang magnanakaw ng kapangyarihan at namamahala
sa tulong ng pandaraya. Sa katakutang isumbong siya kay Cambises
ay binalak ang ikakasawi ni Imuthus sa tulong ng mga saserdoteng
Taga-Ehipto na siyang nakapangyayari noon sa kanilang bayan. Siya
ayumibig sa isang anak ng pari at naging kaagaw niya rito ang
pari sa Abidos. Nagpanukala ang pari ng kaguluhan at siya ang
sinangkalan. Isinakdal siya at napiit, tumakas at napatay. Ayon
sa ulo siya ay nabuhay muli upang ihayag ang gayong kataksilan.
Titig na titig kay Padre Salvi ang espinghe habang nagsasalita
ito. Dahil sa takot hinimatay ang prayle. Kinabukasan nagpalabas
ng utos ang gobernador na nagbabawal sa palabas ngunit wala na si
Mr. Leeds, nagtungo ito sa Hongkong dala ang kanyang lihim.

KABANATA 17: Ang Perya Sa Quiapo


TAUHAN:
1. Padre Camorra – mukhang artilyerong pari
2. Mr. Leeds – misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya
3. Paulita – kasintahan ni Isagani
4. Isagani – kasintahan ni Paulita
5. Ben Zayb – isang mamamahayag
TALASALITAAN:
1. Pinaunlakan – pinagbigyan
2. Kamal-kamal – dakot-dakot
3. Pirinsa – plantsa
4. Nakigitgit – nakisiksik
5. Nakapagpapaindak - nakapagpapasayaw
TAGPUAN:
 Perya sa Quiapo
BUOD:
Maganda ang gabi. Ang perya’y punong-puno ng panonoorin
at manonood. Ang 12 galing sa bahay ni Quiroga ay patungo sa
kubol ni Mr. Leeds. Tuwang-tuwa si Padre Camorra sa dami ng
magagandang dalagang nakikita lalo na nang makasalubong si
Paulita na kasama nina Isagani at Donya Victorina. Punyales!
Kailan pa ako magiging kura sa Quaipo, anang makamundong
prayle at kinurot sa tiyan si Ben Zayb. Si Isagani nama’y inis
sa bawa’t tumititig kay Paulita. May pinasok na tindahan ng
mga tau-tauhang kahoy ang pangkat nina Padre Camorra.
Naghawigan sila-sila. Ang isa raw ay kahawig ni Zayb. Kahawig
daw ni Padre Camorra ang isa. Marami ang lilok na anyong
Prayle. May isang kuwadrong tanso ng babaing pisak ang mata,
gula-gulanit ang damit, nakalupasay at namimirinsa ng lumang
damit. Ayon kay Padre Camorra ay isang hanggal ang umisip ng
larawang iyon. Sumagot si Ben Zayb na iyon ay ayon sa pamagat:
la Prenza Filipina o prinsang ginagamit sa Pilipinas. Isa
namang kuwadro ay naglalarawan ng isang lalaking nakagapos ang
mga kamay at tinuturuan ng mga guwardiya sibil. Pamagat Ang
Bayan na Akaba . Pinagtawanan din nila ito. May nakitang
larawan na kahawig ni Simoun. Hinanap nila ang mag-aalahas.
Wala ito. Ayon kay Padre Camorra’y natakot na baka pagbayarin
nila sa pagpasok sa paglabas ni Mr. Leeds. Ani Ben Zayb naman:
Baka natakot na matuklasan natin ang lihim ng kanyang kaibigan
si Mr. Leeds. Makikita ninyo’t ang lahat ay sa salamin lamang.

Kabanata 11: Los Baños


TALASALITAAN:
1. Tresilyo- sugal na baraha 5. Apyan- opyo
2. Pag-aalipusta- paghamak 6. Masusugpo- mapipigil
3. Armas de salon- sandatang pambulgaw o pandekorasyon
4. Pag-aalsa- paghihimagsik
TAUHAN:
1. Kapitan Heneral 5. Padre Irene
2. Padre Camorra 6. Simoun
3. Padre Sibyla 7. Padre Fernandez
4. Don Custodio 8. Ben Zayb
TAGPUAN:
 Los Baños, Laguna
 Boso-boso
 Bahay ng Kapitan Heneral
BUOD:
Nangaso ang heneral sa Busu-buso kaalakbay ang mga
kawal, prayle, opisyal at kawani ng pamahalaan. Walang
silang nahuli sapagkat natatakot ang mga hayop sa dala
nilang isang banda ng musko. Ikinatuwa ito ng heneral
sapagkat hindi nahalata ang kaniyang kawalan ng
kaalaman sa pangangaso. Nagbalik nalamang sila sa
bahay-bakasyunan at naglaro ng baraha. Kusang nagpatalo
sina Pari Irene at Pari Sibyla sapagkat may silang
hilingin sa heneral. Maraming mungkahi ang
nagpagpasiyahan at mayroon din namang hindi katulad
ng kahilingan ng mga kabataan na pagpapatayo ng
Akademya ng Wikang Kastila. Maraming paring salungat sa
balak na ito sapagkat ayon sa kanila, kapag ang mga
kabataan ay natuto, mangangatuwiran sila. Sa sandaling
masuri nila ang mga aklat at kautusan, kakalabanin nila
ang pamahalaan at simbahan.Napagpasiyahan din na
palayain si Tandang Selo sa pakiusap ni Pari Camorra.
KABANATA 15: Si Ginoong Pasta
TAUHAN:
• Ginoong Pasta
• Isagani
• Don Custodio
TALASALITAAN:
1. Matyagan - manmanan 6. Ibunsod - itulak
2. Sumangguni - humingi ng payo
7. Manananggol - abogado
3. Adhikain – hangarin 8. Bagkos - sa halip
4. Pangangayupapa – pagsuko 9. Pasaliwa -
pasalungat
5. Mapapala - matatamo 10. Nililibak - kinukutya

BUOD:
Si Ginoong Pasta ay isang bantog na
manananggol. Sinadya ito ni Isagani upang
pakiusapan na kung maari ay mamagitan ng
sang-ayon sa kanila kung sakaling
sumangguni si Don Custodio. Ngunit nabigo
siya dahil nagpasiya ang abogado na huwag
nakialam dahil maselan ang usapan. Marami
na siyang pag-aari kaya’t kailangang
kumilos nang ayon sa batas. Ang ganting
katwiran ni Isagani ay lubos na hinangaan
ng abogado dahil sa katalinuhan at
katayugan ng pag-iisip nito.
KABANATA 19: Ang Mitsa
TAUHAN
1. Placido Penitente 4. Don Custodio
2. Simoun 5. Padre Sibiyla
3. Kabesang Andang
TALASALITAAN:
◦ Mitsa – isang parte ng bomba na sinisindihan para
ito ay pumutok
◦ Kastilyero- tagagawa ng paputok
◦ Platero- tagapanday ng pilak
◦ Procurador- pinuno ng isang relihiyosong
korporasyon
◦ Karabinero- isang kawal na armado ng karabin
◦ Lamayan- daungan ng mga Bangka
◦ Balabak – isla sa pilipinas sa pagitan ng Palawan
at north borneo
◦ Candelabra- mahabang tubo na may kandila sa dulo
BUOD:
Nang iwanan ni Placido Penitente ang unibersidad ay
nakaramdam siya ng labis na suklam sa sa prayleng
tagapagturo sa UST na nagsasamantala sa kahinaan ng loob ng
kanilang mga mag-aaral. Sa pagdating naman niya sa kaniyang
tinutuluyang bahay ay nadatnan ang kaniyang ina na
nangangaral na maging mapagtimpi sa mga pagmamalabis na
ginagawa sa kanila ng mga alagad ng kolonyal na simbahan.
Nilayasan ni Placido ang kaniyang ina upang magpalipas ng
sama ng loob at dito niya nakatagpo si Simoun at isinama
siya sa kalye Iris at doon niya natuklasan ang lihim na
paghahanda ni Simoun para sa isang magaganap na pag-aalsa.
Dito ay pinalabas ni Rizal ang isa sa kaniyang matandang
tauhan sa Noli Me Tangere - ang maestro ng San Diego, na
nasa anyo ng isang manggagawa ng paputok. Ang diyalogo sa
isipan ni Simoun sa huling bahagi ng kabanata ay pagtatalo
ng kaniyang isipan sa katumpakan o hindi ng magaganap na
himagsikan na kaniyang paninimulan. Isang malaking ko-
insidente na ang lugar ng kalye Iris na tinutukoy dito ni
Rizal ay ang kasalukuyang University Belt ng Pilipinas at sa
halos ang dulong kanluran ng nasabing kalye ay ang Paseo
Azcarraga, kung saan itinatag ng mga PIlipino ang KATIPUNAN.
KABANATA 1: Sa Ibabaw ng Kubyerta
Talasalitaan:
◦ Kubyerta – palapag ng barko
◦ Pagsalungat – pagkontra
◦ Pagkukulapol – paglalagay
◦ Pagbulyaw – pagsigaw
◦ Silyon - upuan
Tauhan:
 Donya Victorina
 Simoun
 Don Custodio
 Padre Salvi
 Padre Irene
 Ben Zayb
 Kapitan Heneral
Tagpuan:
 Sa bapor na naglalayag sa Ilog Pasig
patungong Laguna
Buod:
Umaga ng Disyembre. Sa Ilog Pasig ay
sumasalung ang Bapor Tabo. Napag-usapan nila
ang pagpapalalim ng Ilog pasig. Mungkahi ni
Don Custodio: "mag-alaga ng itik". Ani Simoun
namang kilalang tagapayo ng Kapitan Heneral:
"Gumawa ng tuwid na kanal na mag-uugnay sa
lawa ng Laguna at sa look ng Maynila."
Nagkasagutan sila Don Custodio at ng ilang
pari, Ayaw ni Donya Victorina na matuloy ang
pag-aalaga ng pato dahil darami ang balot na
pinandidirihan niya.

KABANATA 2: Sa Ilalim ng Kubyerta


Talasalitaan:
o Kalatog – di kalakasang tunog
o Pagkakawili – pagdalas / pagkasanay sa isang
bagay
o Nakayayamot – nakakalungkot
o Matatalastas – malalaman
o Nakapapawi - nakatatanggal
Tauhan:
o Simoun
o Basilio
o Isagani
o Kapt. Basilio
o Padre Florentino
Tagpuan:
 Sa ilalim ng kubyerta
Buod:
Bumaba si Simoun na mag-aalahas sa ilalim ng
kubyerta kung saan naroon ang dalawang
studyante, si Basilio na nag-aaral ng medisina
at si Isagani, na nagtapos sa Ateneo at isang
makata. Ang dalawang studyante ang usapan sa
kubyerta sa pagbabalak ng mga ito na
magmungkahing magtayo ng paaralan na magtuturo
ng kastila na kinonra ni Kapitan Basilio. Napag-
usapan rin si Kapitan Tiago at ang napakagandang
nobya ni Isagani na si Paulita Gomez. Nag-usap
nga si Simoun at ang mga binate, inaya pa niya
ang mga itona uminom ngunit sila’y tumanggi,
umalis na nga si Simoun at noon palang siya
nakilala ni Isagani. May dumating na utusan
kaya’t ipinatawag ni Padre Florentino ang
pamangkin ngunit nakita ang Padre ng kapitan at
inayang sila’y umakyat sa ibabaw ng kubyerta.

KABANATA 39: Ang Katapusan


Talasalitaan:
o BANTA-PAHAMATNGON
o TAHANAN-PINUY'ANAN
o ILOG-SUBA
o ALIPIN-ULIPON
o TRAYDOR- MABUDHION
Tauhan:
o Simoun
o Padre Florentino
Buod:

Si Simoun ay sugatan at nanghihinang kumatok sa tahanan ni Padre Florentino, ang


amain ni Isagani. Walang tanong-tanong ay buong pusong tinanggap ng indiong si Padre
Florentino si Simoun at pinagyaman ang maysakit. Inisip na lamang nya na kaya ganoon si
Simoun ay dahil umalis na ang kaibigan nitong Kapitan Heneral kung kaya’t hinahabol sya
ng mga naiinggit sa kanyang kayamanan at yaong kinuhanan nya ng mga kayamanan. Nang
araw ding iyon ay may dumating na sulat na nagsasabing may huhulihin silang tao sa bahay
ni Padre Florentino buhay man o patay ay huhulihin nila ito. Sa pag-aakala ni Don Tiburcio
de Espadana na noon ay nakikitira kay Padre Florentino na sya ang huhulihin at dahil
kagagawan iyon ng kanyang asawa ay dali-dali syang nag-empake at umalis upang hindi
abutan ng mga guardia sibil. Kahit anong paliwanag ni Padre Florentino na si Simoun ang
pinatutungkulan ng sulat ay hindi naniwala si Don Tiburcio at umalis pa din ito. Samantala,
hindi alam ni Padre Florention kung ano ang gagawin kay Simoun, patatakasin ba ito o ano,
kung kaya’t sinabi niya kay Simoun ang ukol sa sulat at nagulat siya sapagkat ayaw ni
Simoun na tumakas at ngumiti pa ito ng pauyam. Umalis ang pari at pagbalik ay napansing
nahihirapan si Simoun kung kaya’t kanyang tinanong at sinabi nito na “Opo, konti lang po…
ngunit sa loob ng ilang sandali ay matatapos na din ang paghihirap ko!” At nalaman ni Padre
Florentino na uminom pala ng lason si Simoun. Mas nanaisin pa daw nitong mamatay kaysa
mahuli ng buhay ninuman. Bago malagutan ng hininga si Simoun ay ipinagtapat niya kay
Padre Florentino ang lahat ng kanyang lihim na siya si Crisostomo Ibarra na nagbagong anyo
upang maghigante subalit siya ay nabigo. Ayon kay Pdre Florentino ang kanyang pagkabigo
ay kagagawan ng Panginoon sapagkat hindi Nito nais ang paraan na pinili ni Simoun. Ang
kailangan ng bayan ay magtiis at gumawa upang makamtam ang kanyang layunin at tanging
pag-ibig lamang ang makapagliligtas. Sa pagtatapos ng kanilang usapan ay wala ng buhay si
Simoun at itinapon na ni Padre Florentino ang baul ng kayamanan ni Simoun sa dagat
Pasipiko.

 Sa katapusan makikita natin na inamin ni Simoun na sya ay nagkamali subalit pinanindigan
pa din na dapat makamtam ng mga Pilipino ang kalayaan sa mapagparusang kamay ng mga
Kastila. At hindi pinahintulot na sya ay mahuli ng buhay mas ninais pa niyang mamatay na
lamang. Ipinakita din ang pagkakaiba ng kanilang pananaw ukol sa paghihiganti, Diyos, at sa
mga paraan Nito. Nakita din natin ang kabutihan ng isangn paring indiyo at ang kasawian at
katapusan ni Ibarra na nagpanggap na si Simoun.
KABANATA 38: Kasawian
Talasalitaan:
o Nagtataingang – nagbibingi – bingihan
o Nabarandal – nabuwal / napasandal
o Lumigid – nagtago
o Pagkakabantog – pagkakakilala
o Napapalamutihan - nadedekerasyon
Tauhan:
o Mautang
o Matanglawin o kabesang tales
o Tandang Selo
o Carolino o Tano
Buod:
Ipinakita sa kabanatang ito ang mag-amang Tales at
Tano at ang kanyang lolo na si Tandang Selo. Si
Kabesang Tales ay isa ng kilabot na tulisan at
tinatawag ng Matanlawin. Si Tano ay isa ng Guardia
Sibil at mas kilala sa ngalang Carolino at si Tandang
Selo ay isa na ding tulisan. Makikita natin dito si
Tano/Carolino at kasama pa ang ibang indiong guardia
sibil na nagpapahirap sa mga bihag nilang
pinaghihinalaang tulisan. Walang awa nilang pinapalakad
sa ilalaim ng init ng araw ang mga ito ng walang saplot
sa paa at uhaw na uhaw at di man lang maabutan ng
tubig. Si Carolino sapagkat mabait ay pinagalitan ang
kanyang kasamahang si Mautang sa paghahagupit sa mga
bilanggo kapag natutumba at di na makayanang maglakad.
Sinabi ni Carolino na maawa ito sapagkat tao din naman
ang mga bilanggong iyon at katulad din nila, subalit
hindi sya pinakinggan ni Mautang. Sa hindi inaasahang
pagkakataon ay may mga tulisang lumusob sa kanilang
paglalakbay sa gilid ng gubat na iyon at nagkaroon ng
palitan ng putok, namatay si Mautang at iba pa nitong
kasamang guardia sibil. Nang may isang tao silang
nakita sa itaas ng bato sa bundok ay iniutos kay
Carolino na ito ay barilin sapagkat tulisan din iyon.
At ginawa nga ni Carolino. Nang matapos ang putukan,
tinignan nila ang mga tulisang nagkamatay din at doon
ay nakita ni Carolino ang isang mukhang hindi nya
maaring kalimutan, at iyon ay walang iba kundi ang
kanyang Lolo Selo. Siya ang nakapatay sa kanyang Lolo
Selo. At si Tano ay parang nawalan ng lakas at imik.

KABANATA 5: Ang Noche Buena ng Isang Kutsero


TALASALITAAN:
o Nagpugay – sumaludo
o Pinagkakamalan – inakala
o Nangakaigkas – nakaladlad
o Nagpupumiglas – kumakawala
o Mamatyagan – mapansin / makita

TAUHAN:
o Simoun
o Basilio
o Isagani
o Kutsero (SInong)
o Kura
o Kapitan Basilio
o Gwardiya sibil
o Mga batang tagapagdala ng ilaw at parol
o Alperes

TAGPUAN:
 San Diego
BUOD:
Umuwi na si Basilio sa kanyang tahanan sa San Diego,
kung kalian mayroong mga pista at sila’y naabala sa
daan dahil nalimutan ng kutsero ang kanyang sedula
at kinailangang bugbugin pa ito ng gwardya sibil.
Mayroong inilalakad na prusisyon ng mga imahin ng
dalawang Kastila, taltong Haring mago, birhen at mga
batang may dalang parol. Nabugbog nanaman ang
kutsero dahil wala itong ilaw. Nabatid ni Basilio
ang usapan sa loob ng bahay ni Kapitan Basilio,
kasama ng alperes at ni Simoun. Tila sila lamang ang
may masayang kalagayan sa bayan at sila’y nagdaraos
ng kalakalan sa mga alahas ni Simoun; pagkadating sa
bahay ni Kapitan Tiyago ay ginagalang si Basilio
habang siya’y binibigyan ng mga ulat ng katiwala sa
mga nakaraang pangyayari nang ito’y nasa ibang
lugar. Nabalitaan niya ang nangyari kay Kabesang
Tales.

KABANATA 8: Maligayang Pasko!


TALASALITAAN:
o Namumukto–namamaga dahil sa pag-iyak
o Malabis–sobra
o Taimtim–seryoso at tahimik
o Nakikisangkot–nakikigulo
o Nagulumihan-naguluhan
TAUHAN:
o Juli
o Hermana Penchang
o Tandang Selo
TAGPUAN:
 Sa bahay ni Tandang Selo
BUOD:
Hindi naghimala ang birhen. Di nagbigay
ng karagdagang salaping kailangan ni
Huli. Natuloy na siya sa pangangatulong
kay Hermana Penchang. (araw ng Pasko).
Sa sama ng loob ay napipi si Tandang
Selo.
KABANATA 12: Placido Penitente
Talasalitaan:
o Bahagya–kaunti
o Bulastog–magaslaw
o Kwaderno–notebook
o Bantayog–estatwa
o Isasaulo–kakabisaduhin

Tauhan:
o Placido Penitente
o Juanito Pelaez
o Isagani
o Mga estudyante
o Paulita Gomez
o Donya Victorina
o Tadeo

Tagpuan:
 Unibersidad ng Sto.Tomas
Buod:
Patungo si Placido sa kanyang unibersidad ngunit ang
katotohana’y gusto na talaga niyang maghinto ngunit ayaw
ng nanay niya. Nasa ika-apat na taon na siya, matalino at
masipag mag-aral ngunit kahit kalian ay di napapansin ng
mgga guro. Dumating si Juanito Pelaez at sumakay sa
kanya, bulakbol ito ngunit kilalang kilala ng mga guro,
nagtatanong ito ng mga aralin sapagkat di pumapasok,
ikinuwento rin nito ang bakasyon niya at humingi ng
donasyon para sa monument ng Dominiko at nagbigay na
lamang si Placido upang tumigil na ang binate. Dumating
na sila sa unibersidad at nakita nila si Isagani na
nakikipagtalo pa tungkol sa aralin ngunit natigil ang
lahat ng dumating ang karwahe na nakasakay si Paulita
Gomez kasama si Donya Victorina, nabighani ang lahat lalo
na si Isagani ngunt agad nakita ni Donya Victorina si
Juanito. Nagpasukan na ang mga estudyante ngunit may
tumawag kay Placido upang magpalagda ngunit hindi siya
tumugon. Nahuli siya sa klase ngunit pumasok parin na
ikinalatok pa ang sapatos, sa wakas ay napansin siya ng
guro dahil sa 150 sila roon ngunit sabi’y humanda siya
rito.
KABANATA 16: Ang Mga Hinagpis Ng Isang Tsino
TALASALITAAN:
o Igualidad–pagkakapantay-pantay
o Eminencia–itim na kabunyian
o Gente–mga tao
o Bulwagan–pagtitipon
o Sinisiyasat–inoobserbahang mabuti
TAUHAN:
o Don Timoteo Pelaez
o Padre Camorra
o Padre Irene
o Padre Salvi
o Simoun
o Ben Zayb
o Quiroga
BUOD:
Naghahangad na magtatag ng isang
konsulado para sa mga Intsik si Quiroga
kaya naman nagdaos ito ng hapunan sa itaas
ng kaniyang malaking bazaar sa Kalye
Escolta. Pumayag ito sa kasunduan nila ni
Simoun sapagkat sa dami ng utang nito,
kapag pumayag siya sa gusto ni Simoun, ang
9,000 piso na utang nito ay magiging 7,000
na lang. Papayag lamang siya na ilagay sa
bodega ang mga armas na kakailanganin ni
Simoun.
KABANATA 20: Ang Nagpapalagay
Talasalitaan:
o Pahayagan – dyaryo
o Bansag – tawag sa isang tao
o Kagipitan – paghihirap
o Hiningan – pinagbibigay
o Isinangguni - ipinaalam

Tauhan:
o Don Custodio
o Ginoong Pasta
o Pepay

Buod:
Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo o
kilala sa tawag na "Buena Tinta". Nasa mga kamay ni Don
Custodio ang usapin ukol sa Akademya ng salitang
Kastila ngunit hindi siya makabuo ng kapasyahan.
Sumangguni siya kay Ginoong Pasta at Pepay ngunit lalo
lamang gumulo at sinayawan at hiningan pa siya ni Pepay
ng dalawampu't limang piso. Siya ay nakapag-asawa ng
isang maganda at mayamang mestisa. Nagtagumpay siya sa
negosyo at kahit kulang ang kanyang kaalaman, siya ay
pinupuri dahil sa kanyang kasipagan. Bumalik siya ng
Espanya upang magpagaling ngunit wala ni isa ang
pumansin sa kaniya sa Corte sapagkat kulang siya sa
pinag-aralan. Bago natapos ang taon bumalik siya sa
Pilipinas, ipinamarali niya na kunwari ay maganda ang
kaniyang naging karanasan sa Madrid. Nang namataan niya
ang mga pulang kwaderno binasa niya ang mga nakasulat
dito ngunit mayroon siyang nakitang isang papel na
naglalaman ng kanyang panukalang Paaralang Artes y
Oficios na nasa kamay ng mga Paring Agustino.
Napagtanto niya na ang kasagutan pala ay naroon lamang
sa kapirasong papel na iyon at nagdulot ito sa kaniya
ng kasiyahan.
KABANATA 21: Mga Anyo ng Taga-Maynila
Talasalitaan:
o Nakasaklob – nakatago / nakatakip
o Kabantuugan – kasikatan
o Gula-gulanit – sira – sira
o Lumasap – nakaranas
o Nagtutungayaw - nanlalait

Tauhan:
1. Camaroncocido 2. Tiyo Kiko
3. Tadeo 4. Padre Salvi
5. Don Custodio 6. Ben Zayb
7. Padre Irene 8. Paulita Gomez
9. Donya Victorina 10. Macaraig, Sandova
11. Isagani, Pecson

Buod:
Nang gabing iyon ay may pagtatanghal sa teatro de Variendades, ang Les
Choches de Corneville ng bantog na mga Pranses. Ubos kaagad ang tiket,
at mahabang-mahaba ang hanay ng nagsipasok. Isang Kastila ang tanging
walang bahala sa pagpasok sa dulaan. Ito’y si Camarroncocido na anyong
pulubi o palaboy. May lumapit sa kanya na isang kayumangging lalaki na
matanda. Siya’y si Tiyo Kiko. Iisa ang kanilang hanapbuhay: pagdidikit
ng mga paskil. Anim na piso ang iniupa ng mga Pranses kay Tiyo Kiko.
Ani Camarroncocido: Dapat mong malaman na ang buong kikitain ng
palabas ay mauuwi sa mga kumbento. Ang palabas ay humati sa Maynila.
Mayroong nagsitutol dito bilang masagwa at laban sa moralidad, tulad
nina Don Custodio at ng mga prayle. Mayroon namang nagtanggol dito.
Mga pinuno ng hukbo at mga marino, ang kawani, at maraming matataas na
tao. Laban ang mga babaing may asawa o may kasintahan. Ang wala nama’y
sang-ayon sa opera. Ang palabas ay ipinagbabawal ng mga prayle. Nang
makaalis si Tiyo Kiko ay may napansin si Camarroncocido na mga taong
tila hindi sanay mag-amerikana at sa wari’y umiiwas mapuna. Nagpatuloy
ng lakad si Camarroncocido. Dalawang tao ang narinig niyang nag-uusap.
Anang isa na may hawak na rosaryo at kalmen: Ang mga kura ay malakas
kaysa Heneral. Ang heneral ay umaalis; ang mga kura ay naiiwan. At
yayaman tayo. Ang hudyat ay isang putok. Sa labas ng dulaan ay naroon
si Tadeo at isang kababayang baguhan sa lungsod. Niloloko ni Tadeo ang
kababayang tanga sa pagsasasbi ng mgsa kahanga-hangang
kasinungalingan. Maraming mga taong nagdaraan ang sinasabi ni Tadeo na
mga kaibiga’t kakilala niyang malalaking tao kahi’t di totoo.
Dumarating sina Paulita Gomez at ang tiyang si Donya Victorina.
Nakilala ni Tadeo si Padre Irene na nakabalatkayo nguni’t di naitago
ng tunay na katauhan dahil sa mahaba niyang ilong. Dumating din si Don
Custodio. Nang makita ni Tadeo na dumating sina Makaraig, Pecson,
Sandoval at Isagani ay lumapit ito at bumati sa apat. May labis na
tiket ang mga ito dahil di sumama sa kanila si Basilio. Inanyayahang
pumasok si Tadeo. Di na naghintay ng ikalawang paanyaya si Tadeo.
Iniwan ang taga-lalawigan na nag-iisa.
KABANATA 22: Ang Palabas
Talasalitaan:
o Naaalinsanganan – nababahuan
o Pasaring – parinig
o Masigabo – malakas
o Nakapukaw – nakatawag – atensyon
o Lipos - puno

Tauhan:
1. Kapitan Heneral 10. Juanito Pelaez

2. Don Primitivo 11. Serpolette

3. Pepay 12. Donya Victorina

4. Makaraig 13. Sandoval

5. Don Custodio 14. Ben Zayb

6. Pecson 15. Simoun

7. Isagani 16. Padre Irene

8. Paulita 17. Padre Salvi

9. Gertude 18. Tadeo

Buod:
Sa loob ng teatro ay punong-puno ng mga tao. Halos iilan na lamang ang mga
bakanteng upuan ngunit hindi makapagsimula ang palabas sapagkat hinihintay ang Kapitan
Heneral. Sinasabing ang Kapitan Heneral daw ay manonood ng palabas na maaaring bunga
ng dalawang dahilan: ito ay hinahamon ng simbahan, at ito ay may pagnanasa lamang na
makakita. Sa loob ay naroroon din si Don Primitivo na naupo sa isang butaka at ayaw ng
umalis kahit dumating na ang may-ari. Ang pagmamatigas ni Don Primitivo ay nagdudulot
ng kaguluhan at kasiyahan sa mga taong naiinip.Habang nagagnap ito ay biglang tumugtog
ang marcha real sapagkat dumating na ang Kapitan Heneral. Nasa loob din ng dulaan si
Pepay. Siya ay kinuntsaba ng mga estudyante at siyang gagamitin kay Don Custodio upang
palambutin ang puso nito. Naroroon din si Don Manuel, na panay ang pasaring kay Don
Custodio dahil ang huli ay kalaban ng una sa “ayuntamiento”. Si Macaraig ay nakikipag-
tinginang maigi kay Pepay dahil tila may nais pa itong sabihin. Si Sandoval naman ay
kararating lamang sa kanilang upuan buhat sa ibang palko. Siya ay isa sa mga sumasang-
ayon na ang tagumpay ay makakamit nila samantalang si Pecson ay naniniwalang wala
silang mahihita sa lakad nila. Si Isagani ay pangiti-ngit lamang at malamig ang
pagtanggap sa mga pagbati sapagkat nakita niya kani-kanina si Paulit na kasama ni Doña
Victorina at Juanito Pelaez. Napukaw lamang sa sarili si Isagani dahil sa malakas na
palakpakan sapagkat magsisimula na ang palabas. Makikita rito ang ilan sa mga artista
sa palabas gaya ni Gertrude, na isang napakagandang babae na sumusulyap sa Kapitan
Heneral. Naririto rin si Serpolette, isang kaiga-igayang babae na taglay ang matapang
nanghahamon na anyo. Ilan pa sa mga kasama nila ay sina Germaine, Grenicheux, Gaspard
at Lily. Sa palabas ay kakikitaan ng kahalayan at pagnanais sa kababaihan ang mga
kalalakihang tulad nina Don Custodio, Tadeo, Macaraig at Pecson ngunit sila ay
nalungkot sapagkat hindi itinanghal ang hinihintay nilang “cancan”. Sa kabanatang ito,
nagsimula ang pagkakagusto ni Doña Victorina kay Juanito sapagkat ito raw ay lalaking-
lalaki at maginoo. Si Macaraig ay nakikipag-tinginang maigi kay Pepay dahil tila may
nais pa itong sabihin. Si Sandoval naman ay kararating lamang sa kanilang upuan buhat
sa ibang palko. Siya ay isa sa mga sumasang-ayon na ang tagumpay ay makakamit nila
samantalang si Pecson ay naniniwalang wala silang mahihita sa lakad nila. Si Isagani
ay pangiti-ngit lamang at malamig ang pagtanggap sa mga pagbati sapagkat nakita niya
kani-kanina si Paulit na kasama ni Doña Victorina at Juanito Pelaez. Napukaw lamang sa
sarili si Isagani dahil sa malakas na palakpakan sapagkat magsisimula na ang palabas.
Makikita rito ang ilan sa mga artista sa palabas gaya ni Gertrude, na isang
napakagandang babae na sumusulyap sa Kapitan Heneral. Naririto rin si Serpolette,
isang kaiga-igayang babae na taglay ang matapang nanghahamon na anyo. Ilan pa sa mga
kasama nila ay sina Germaine, Grenicheux, Gaspard at Lily. Sa palabas ay kakikitaan ng
kahalayan at pagnanais sa kababaihan ang mga kalalakihang tulad nina Don Custodio,
Tadeo, Macaraig at Pecson ngunit sila ay nalungkot sapagkat hindi itinanghal ang
hinihintay nilang “cancan”. Sa kabanatang ito, nagsimula ang pagkakagusto ni Doña
Victorina kay Juanito sapagkat ito raw ay lalaking-lalaki at maginoo.

KABANATA 23: Isang Bangkay


Talasalitaan:
o Lumubha – lumala
o Manumaling – mahilig
o Bihira – madalang
o Kinakalamay ang loob – nagpapasensya
o Maungkat - mabuksan

Tauhan:
1.) Simoun 5.) Kapitan Tiago
2.) Basilio 6.) Padre Irene
3.) Macaraig 7.) Maria Clara
4.) Camaroncocido

Buod:
Si Simoun at Basilio ay wala sa pagtatanghal. Si Basilio ay
abala sa pag-aalaga kay Kapitan Tiyago na noo’y lubos nang
nahuhumaling sa opyo. Nagtatalo ang damdamin ni Basilio kung
bibigyan niya ba o hindi si Kapitan Tiyago sapagkat sinasaktan
siya nito kapag kakaunti ang ibinigay niya ngunit makasasama
naman kung patuloy niyang bibigyan.
Nag-aaral si Basilio ng kanyang mga aralin sa medisina ngunit ang
ilan sa mga aklat na nasa tabi niya ay hindi man lamang niya
binubuklat. Maya-maya ay dumating si Simoun na matagal ng hindi
dumadalaw kay Kapitan Tiyago. Nabanggit dito na si Simoun ang
nagbigay kay Basilio ng ilang mga aklat na pang-rebolusyonaryo na
hindi naman binabasa ni Basilio. Dito ay muling naungkat ang
pinag-usapan nila sa kagubatan, ang paghihikayat ni Simoun na
sumali si Basilio sa himagsikan. Ngunit matigas pa rin sa
pagtanggi si Basilio. Binanggit ni Simoun na kung si Basilio ay
tutulong, siya raw ang aatasang kumuha kay Maria Clara sa
kumbento. Ngunit sinabi ni Basilio na kamamatay lamang ni Maria
Clara kaninang umaga. Sa pagkakabanggit na ito ay nagitla si
Simoun at walang imik na umalis.
Sa kabanatang ito, tinukoy ni Basilio si Simoun bilang isang
binatang mayamn, bihasa, Malaya, nakapagpapasya sa sariling
kabuhayn at may magandang kinabukasan. Sa kabilang banda, si
Maria Clara naman daw ay babaeng sing-ganda ng isang pangarap,
malinis, lipos ng pananalig at walang kamalayan sa lakad ng
kamunduhan.
KABANATA 24: Mga Pangarap
Talasalitaan:
o Katuturan – kahalagahan
o Pagkasalawahan – pagkabit
o Naguguni – guni – naiisip
o Kinaliligtaan – kinalilimutan
o Nauulinigan - naririnig
Tauhan:
o Isagani
o Paulita
o Juanito Pelaez
o Donya Victorina
Buod:
Katulad ng kabanata nina Crisostomo Ibarra at
Maria Clara, at Elias at Salome sa Noli Me
Tangere, ito ay kabanata rin ng dalawang
magkatipan, sina Isagani at Paulita Gomez. Buhat
ng magkatampuhan sa naganap na palabas (sapagkat
si Isagani ay nagselos kay Juanito at si Paulita
ay nagselos sa panonood ni Isagani sa mga
artistang Pranses), nag-usap ang makasintahan na
magtatagpo upang mag-usap. Dito, nagkaroon sila
ng pagkakataong magpaliwanag sa isa’t isa.
Ang mga pangarap na tinutukoy dito ay ang
pangarap ng mga estudyante na maitatatag ang
Akademya ng Wikang Kastila at gayon din, ang
pangarap ni Doña Victorina na makapiling at
makasal siya kay Juanito Pelaez. Sa una, dahil
sa kagustuhan ni Isagani na maisakatuparan ang
kanilang mga balak, nakipagkasundo siya kay
Paulita na hindi na ito makikipagtipan sa huli.
Ayaw raw maging sagabal ni Isagani sa mga
pangarap ni Paulita. Sa ikalawa, dahil pangarap
nga ni Doña Victorina na makasal kay Juanito
Pelaez, payag raw ang una na si paulita ang
makatuluyan ni Isagani upang masolo niya si
Juanito.
KABANATA 25: Tawanan at Iyakan
Talasalitaan:
o Iraos – idaan
o Kabalbalan – kahihiyan
o Matutulin – mabibilis
o Pulutong – grupo ng tao
o Bulalas - sabi

Tauhan:
o Isagani
o Macaraig
o Tadeo
o Sandoval
o Pecson

Buod:
Ang mga kabataan ay nagtipon sa “Pansiteria Macanista de
Buen Gusto”. Dito ay nagkakatawanan sila at nagbibiruan ngunit
halatang pilit sapagkat sila rin ay kinabakabahan sa maaaring
maging katugunan ni Don Custodio sa kanilang hiling. Sa
pangalawang pagkakataon, wala muli rito si Basilio na ayon kay
Tadeo ay marami raw lihim na nalalaman..
May mga handang pagkain dito at ang mga ito ay inialay nila sa
mga ilang taong kilala. Ang “pansit lanlang” ay inialay nila kay
Don Custodio dahil katulad daw ng huli, ang pansit lanlang ay
maraming sahog. Ang ikalaw ay ang “lumpiang intsik” na inialay
nila kay Padre Irene ngunit ang ilan ay tumutol sapagkat si Padre
Irene ay hindi raw kumakain ng ilong ng baboy. Ang ikatlo ay ang
“tortang alimango” na inialay naman nila sa nga prayle dahil daw
sa kanilang “pagka-alimango”. Ang huli ay ang “pansit gisado” na
inialay nila sa pamahalaan at bayan ng Pilipinas. Nararapat
lamang daw na ito ay sa Pilipinas ipatungkol sapagkat hindi raw
kilala sa Tsina ni sa Hapon ang pansit. Ang ilan ay nagmungkahi
na ialay ito kay Quiroga na nagnanais magtatag ng konsul. Ang
ilan ay nais itong ialay sa Eminencia Negra, na siya naming si
Simoun. Dahil dito, ang mga kabataan ay nagkagulo kaya’t inatasan
ni Macaraig si Tadeo na magtalumpati. Tinutulan naman ni Sandoval
ang talumpati ni Tadeo sapagkat ito raw ay halaw sa talumpati ng
Puno ng kanilang Liceo ngunit nagpatuloy parin si Tadeo.
Nabanggit rin dito ni Pecson ang tungkol sa mga prayle na kung
saan, ito raw ay kasa-kasama natin mula pagkabuhay hanggang
pagkamatay sapagkat lahat daw ay pinamumunuan at pinanghahawakan
nila.
Sa huli, ay nagkagulo silang muli sapagkat mayroon daw
nagmamatyag sa kanila at sinabing ito raw ay ang tauhan ng Vice-
Rector.
KABANATA 26: Mga Paskin
Talasalitaan:
o Naimpok – naipon
o Gugulin – pagsumikapan
o Makabatid – makaalam
o Paanas – pabulong
o Makapangahas - makasubok
Tauhan:
o Basilio
o macaraig
o Sandoval
o Juanito Pelaez
o Tadeo
Buod:
Maagang umalis si Basilio nang umagang iyon
upang asikasuhin ang mga kinakailangan para sa
kaniyang pagtatapos. Inisip niyang umutang kay
Macaraig ng salaping gugugulin. Hindi pansin ni
Basilio ang kaguluhang nagagangap sa unibersidad
pagkat gulo ang isip niya. Maraming mga
estudyante ang pinauwi na ng mga guwardiya
sibil, ipinag-utos ng Vice Rector ng unibersidad
na alisin ang mga paskin at ipadala sa
pamahalaan. Nasalubong ni Basilio si Sandoval,
subalit hindi siya pinansin nito. Nakita niya si
Tadeo na tila tuwang-tuwa sa mga nangyayari.
Takot na takot naman si Pelaez at paulit-ulit na
sinasabing wala siyang kinalaman sa mga
pangyayari. Tanging si Isagani ang nakita ni
Basiliong nagtatalumpati sa harap ng ilang mag-
aaral. Nang magtungo si Basilio sa tahanan ni
Makaraig, malugod siyang binati ng binata at
itinanong ang pakay. Sabay silang dinala ng mga
guwardiya sibil. Di-alam ni Basilio ang kaniyang
kinasuungan.

KABANATA 27: Ang Prayle at ang Pilipino


Talasalitaan:
o Kinalulugdan – kinatutuwaan
o Kasigabuhan – init ng pagsasalita
o Pagkukuuro – pagbibigay opinion
o Nanananghod – tumitingin
o Sumisiil - pumapatay

Tauhan:
o Isagani
o Padre Fernandez
Buod:
Ipinatawag ni Padre Fernandez si Isagani sa kanyang
tanggapan upang kausapin. Pinag-uusapan nila ang mga
bagay na may kinalaman sa mga kabataang lumalaban sa
mga frayle. Sa isang banda ay tila nagtatalo sila.
Sinabi ni Isagani na ang mga prayle ang may kasalanan
kung bakit naging ganoon ang pakikitungo ng mga ilang
estudyante nila: nakangiti pagnakaharap, nangaalipusta
pagnakatalikod ang mga pari. Nang tanungin ni Padre
Fernandez si Isagani kung ano ang ibig nilang gawin ng
mga estudyanteng Pilipino, ang isinagot ni Isagani ay
ang tuparin nila ang kanilang mga sinumpaan. Naging
napakatalim din ng mga salita ni Isagani nang sabihin
niyang hinahadlangan ng mga prayle ang pag-aaral ng mga
estudyante dahil hindi nila itinuturo ang nararapat
bagkus ay itinuturo nila ay taliwas sa pagunlad.
Sinabi rin ni Isagani na kaya may mga taong walang
karakter at moralidad ay dahil na rin sa kagagawan
nilang mga prayle. Ginamit ni Padre Fernandez ang
‘pamahalaan’ bilang pananggalang nang kanyang maisip na
natatalo na siya sa usapan. Sinabi niya na ang gobyerno
ay maraming magandang plano para sa bayan ngunit hindi
inaasahang nagkakaroon ng mga kalungkot-lungkot na
resulta. Sinabi ni Isagani na ang mga prayle, pati ang
gobyerno ay linilibak ang mga Indio at pinagkakaitan ng
karapatan dahil sa kamangmangan.
Matapos ang usapan nila ay nagtungo si Isagani sa
gobyerno sibil.

KABANATA 28: Tatakot


Talasalitaan:
o Nag–bayo: tumindi
o Kaligaligan: pagkabahala
o Balutihan: napoprotektahan
o Tinitiyak: sinisigurado
o Masusugpo: mauubos / matatalo / mahuhuli
Tauhan:
o Quiroga
o Ben Zayb
o Padre Irene
o Kapitan Tiago
o Placido Penitente
o Kastilyero
o Simoun
o Isagani
Buod:
Sa kabanatang ito ipinakita ang iba’t ibang
reaksyon at pagtanggap ng lipunan sa pagkakadisubre
ng mga paskin na nagdulot na napalaking tension. May
mga nag-uudyok sa Kapitan Heneral na ipapatay ang
mga estudyanteng nahuli at magpasimula ng mga
kaguluhan upang mahuli at malinis ang mga Indio.
Sa kabanatang ito rin ay nakita si Quiroga na
pinuntahan si Simoun, Don Custodio at Ben-zayb upang
itaning kung dapat ba niya balutian ang kanyang
basar dahil na rin nga sa tension sa lipunan nila.
Nang magkaroon ng konting kaguluhan sa simbahan ay
inakala ng mga tao na sumiklab na ang rebolusyon na
siyang lalong ikinatakot ng mga tao. Wala nang
lumalabas ng bahay sa gabi at napakatahimik ng
lugar.
Ipinakita rin dito ang pagkamatay ni Kaptian Tiago.
Namatay siyang nakahawak sa bisig ng Padre Irene, na
nagulat at nakaladkad ang katawan ng namatay. Dito
rin sinabi na nakapiit si Tadeo at Isagani.

KABANATA 29: Mga Huling Salita Ukol Kay


Kapitan Tiago
Talasalitaan:
o Ipagkakait – di pagbibigyan
o Napakaringal – magarbo/bongga
o Kataimtiman – katahimikan
o Pinairal – inugali
o Palibak - saglit

Tauhan:
o Don Primitivo
o Padre Irene
o Kapitan Tunong
o Donya Patrocinio
o Sastre
o Sacristan Mayor
o Aristorenas

Buod:
Si Padre Irene ang namahala sa mga pamana ni
Kapitan Tiago. Bahagi ay mapupunta sa sa Sta Clara,
Papa, Arsobispo at Korporasyong relihiyoso; 20 pesos ay
mapupunta sa matrikula ng mga dukhang mag-aaral, at ang
25 pesos na binawi ni Kap. Tiago na para sana kay
Basilio ay ibinalik ni Padre Irene at sasabihin sa
kanya ito galing. Pinagtalunan kung ang susuotin ba ay
prak na sinasabing suot ni Kap. Tiago nang magpakita
siya sa mga mongha, o isang abito ng Pransiskano na
mungkahi ni Kapitan Tinong. Ngunit nanaig pa rin ang
desisyon ni Padre Irene na damitan si Kap. Tiago ng
kahit alin sa kanyang mga dating suot.
Napag-usapan din dito kung magsasabong ba si San Pedro
at Kap. Tiago, at kung sino ang mananalo. Si Donya
Patrocino naman inggit na inggit sa libing ni Kap.
Tiago at tila nagnanais na mamatay na rin at magkaroon
ng libing na higit pa sa naging libing para kay Kap.
Tiago.
KABANATA 30: Si Juli
Talasalitaan:
o Inaako – inaangkin
o Tulisan – magnanakaw
o Pinunan – tinutugunan
o Mapanata – relihiyoso
o Nasuwatan - nawalan

Tauhan:
o Juli
o Basilio
o Padre camorra
o Hermana bali
o Tata selo

Buod:
Naging malaking balita ang pagkakahuli kay Basilio
at labis itong pinagalala ni Juli. Siya ay
binabangungot sa kakaisip kay Basilio. Sa pagnanais
niyang makalaya si Basilio ay naisip niya si Padre
Camorra. Isang salita lamang ni Padre Camorra ay
makakalabas ng kulungan si Basilio. Siya na lamang ang
natira sa bilangguan dahil wala siyang tagapagtanggol
at wala rin naman kamag-anak.
Ayaw pumunta ni Juli sa kumbento dahil natatakot siya
kay Padre Camora ngunit pinilit siya ni Hermana Bali.
Nang makapasok na sila sa kumbento, kinahapunan ay may
nangyaring hindi maganda. May babaeng tumalon sa
bintana at namatay at may babaeng nagtatakbong lumabas
ng kumbento na tila wala na sa katinuan. Pinuntahan ni
Tata Selo ang kumbento at hinahanap si Juli ngunit hind
siya pinapasok at sa halip ay pinagtabuyan pa. Hinanap
niya ang gobernadorsilyo, Juan de Paz at tinyente
ngunit wala ang mga ito. Narinig sa bayan ang panaghoy
ni Tata Selo at kinabukasan ay dinala niya ang kanyang
itak at nilisan ang lungsod. (Upang sumapi sa mga
tulisan)
KABANATA 33: Ang Huling Matuwid
Talasalitaan:
o Pinalayawan – tinawag
o Nagkaingin – nagmina
o Lilinang – magpapa – unlad
o Balana – grupo ng mga tao
o Ipagsasanggalang - ipaglaban

Tauhan:
o Basilio
o Simoun

Buod:
Ang Huling KatwiranNaging abala si Simoun sa pag-aayos ng kanyang mga alahas at
armas. Sasabay na siya sa pag-alis ng Kapitan Heneral, na ayaw pahabain ang panunungkulan
dahil natatakot sa sasabihin ng mga tao. Ayaw daw diumano magpaiwan ni Simoun dahil wala
na ang suhay. Ibinilin niya sa kanyang tauhan na papasukin na lang ang binatang si Basilio dahil
ito ay inaasahan niyang dumating. Si Simoun ay lalong tumigas at lumungkot ang mukha,
lumalim ang kunot sa pagitan ng kilay at palagi na lamang nakayuko. Naawa siya sa sarili niya,
pero nung Makita niya si Basilio, mas higit pa pala itong nakakaawa, humpak na ang pisngi,
gusot ang damit at gulo-gulo ang buhok. Para daw itong bangkay na nabuhay sa sindak.
Nagsalita si Basilio na siya ay isang masamang anak at kapatid, kailangan niyang gumanti, kahit
na ibig sabihin nito ay krimen sa krimen, o dahas sa dahas. Utang niya diumano kay Simoun ang
kanyang paglaya, at gusto niya ng makisapi para sa pagsiklab ng himagsikan.
Si Simoun pala nung mga panahong ito ay nawalan na ng pag-asa na ipagpatuloy ang
himagsikan, pero dahil sa paglapit ni Basilio tila ito ay nabuhayan ng loob. Ayon sa kanya hindi
pa huli ang lahat, maganda ang kombinasyon nilang dalawa dahil si Simoun ang mamahala sa
itaas samantalang si Basilio naman sa ibaba. Pinakita ni Simoun ang isang napakagandang
lampara at nilapag sa mesa, namangha si Basilio sa ganda nito. Sunod na binuksan ni Simoun
ang aparador at kinuha ang isang bote. Nang mabasa ni Basilio ang nakasulat sa labas ng bote
bigla itong napaurong at sinabing ang laman ng bote ay nitro glycerine. Kinuwento ni Simoun
ang tungkol sa plano niya. Ilalagay niya ang Lampara sa gitana ng isang mesa na sinadya niya
pa. Sa loob naman ng lampara nakalagay ang nitro glycerine. Ang bahay na gaganapan ng
pagdiriwang ay nalagyan na ng maraming pulbura para walang maisasalba sa naturang pagsabog.
Sinagot ni Basilio si Simoun na di na daw niya kailangan ang kanyang tulong kasi buo na ang
kanyang plano. Tugon naman ni Simoun na may iba siyang misyon na ibibigay kay Basilio. Sa
pagputok ng lampara pumunta siya sa bodega ni Quiroga at kunin ang mga nakatagong mga
armas dun. Si Basilio ang inatasan niyang mamuno sa pamimigay ng mga baril sa mga tao.
Sinabi ni Simoun na isali at isama ang lahat ng kalalakihan, ang tatanggi ay papatayin, dahil
magsusupling lang din ito ng duwag na lahi. Tinukoy niya din na sa pagputok ng lampara ay
sabay na susugod pababa ng bundok ang grupo ni Tales. Kaya daw hindi nagtagumpay ang
unang balak ng himagsikan sapagkat kulang daw ito ng pagpaplano at koordinasyon, pero
ngayon na may tiyak na silang signus sa pagsimula ng himagsikan tiyak na ito ay
magtatagumpay.

KABANATA 34: Ang Kasal


Talasalitaan:
o Kinakapa – hinahawakan ng may panghuhula
o Ibayo – katabing lugar
o Panlulupaypay – panghihina
o Salarin – may sala
o Lagitik – tunog ng pagkasa sa armas

Tauhan:
o Basilio
o Simoun
o Sinong
o Juanito Pelaez
o Paulita Gomez
o Don Timoteo Pelaez
o mga tao sa piging

Buod:
Walang magawa si Basililo habang naghihintay sa
itinakdang sandali ni Simoun. Si Isagani naman ay hindi
matagpuan. Gusto sanang sabihan ni Basilio si Isagani
tungkol sa mga plano ni Simoun ngunit nagbago ang isip
niya. Pumunta si Basilio sa dating bahay ni Kapitan
Tiyago upang kunin ang ilang kagamitan niya. Nakita
niya na ayos na ayos ang bahay at tila inihanda para sa
isang piging. Nakita niya ang bagong kasal na sina
Juanito Pelaez at Paulita Gomez. Naalala niya tuloy si
Juli at kung ano sana ang kanilang naging buhay kung
hindi lamang siya nakulong. Nakita niya si Simoun na
sumakay sa sasakyan at sumunod sa bagong kasal. Nakita
niya rin na si Sinong ang kutsero ng sasakyan ni
Simoun. naghatid sa kanya sa San Diego at binugbog ng
guardia civil bumisita sa kanya sa bilangguan upang
balitaan ng lahat ng nangyari sa Tiyani pinag-isipan ni
Don Timoteo ang pagtupad ng kanyang pangarap na
pagpapakasal ng kanyang anak sa isang mayaman na babae.
Naalala niya rin si Simoun na hindi nakadalo sa kasal
pero dadalo pa rin sa piging, dala ang isang lampara
bilang regalo. Ipinakita ang mga pagbabago sa bahay ni
Kapitan Tiyago.

KABANATA 36: Ang Kagipitan ni Ben Zayb


Talasalitaan:
o Namumukto – namamaga dahil sap ag-iyak
o Malabis – sobra
o Taimtim – seryoso at tahimik
o Nakikisangkot – nakikigulo
o Nagulumihanan - naguluhan

Tauhan:
o Ben Zayb
o Kapitan Heneral
o Padre Camorra
o Matanglawin
o Don Custodio
o Isang Kastila

Buod:
Matapos ang pangyayaring naganap sa kasalan, dali-daling umuwi si Ben Zayb upang
makapagsulat ukol dito. Puro kasinungalingan ang kanyang mga isinulat. Pinagmukha
niyang bayani si Kapitan Heneral at pinalabas na matapang si Padre Irene. Binago niya ang
kwento at pinagmukhang pawang katotohanan lamang ang kanyang mga isinulat.
Kinabukasan ibinalik sa kanya ng patnugot ang kanyang lathala at hindi naimprinta dahil
ayaw ng Kapitan Heneral na may lumabas na kahit anong balita ukol sa nangyari sa kasalan.
Maya maya lamang ay nakatanggap si Ben Zayb ng bagong balitang maari niyang maisulat
at malathala. Papunta pa lamang si Ben Zayb sa lugar kung saan nangyari ang maaari niyang
ibalita'y pinaplano na niya ang kanyang isusulat, ang paglalarawan na kanyang gagawin at
ang mga maaari pa niyang idagdag upang masabi ng mga mambabasa na siya'y isang
magaling na manunulat. Nang makarating si Ben Zayb sa kanyang paroroonan, nalaman
niyang ang nasugatang pari ay si Padre Camorra. Mayroon lamang siyang maliit na sugat sa
kamay at pasa sa ulo. Tatlo lamang ang mga tulisang itak ang sandata at 50 piso lamang ang
kanilang nanakaw. Sinabi ni Ben Zayb kay Padre Camorra na ayaw niyang masira ang
balitang isusulat niya, kaya't binago na naman niya ito, pinagmukha niyang marami ang mga
tulisan. Isa sa tatlong tulisang nadakip si Matanglawin (Kabesang Tales). Siya ang
nakipagtipan sa kanila upang tagpuin ang kanyang pangkat sa Santa Mesa at upang nakawan
ang mga kumbento at mga bahay ng mayayaman. Gagabayan sila ng isang kastila na matalik
na kaibigan pala ng Heneral. Tiniyak ng kastilang ito na mapupunta sa mga tulisan ang
ikatlong bahagi ng mga ninakaw. Isang putok ng kanyon ang hudyat ngunit naghintay sa
wala ang mga tulisan. Inakala nilang niloko sila, umurong ang ilang, ang iba nama'y bumalik
sa kanilang bundok. Ipinangako nilang gagantihan ang Kastilang hindi tumupad sa kaniyang
salita sa ikalawang pagkakataon. Inilarawan ng mga tulisang nadakip ang may pakana ng
panloloob. Kamukha ni Simoun ang may pakana ayon sa kanilang paglalarawan. Noong
una'y hindi ito kapanipaniwala sa mga nakatataas. Ngunit may tumawag ng pansin sa buong
Escolta ang balitang pagkawala ng alahero. Noong hapong iyon dumalaw si Ben Zayb kay
Don Custodio na natagpuan niyang binubuo ang isang panukala laban sa mga alaherong
Amerikano. May binulong ito sa tainga ng peryodista.... Namutla si Ben Zayb.

KABANATA 37: Ang Kahiwagaan


Talasalitaan:
o Paglusob – pagsugod
o Pagsasangagakang – pagtatanggol
o Inuusig – ginugulo
o Nakatatalos – nakaalam
o Mahango - makuha

Tauhan:
o Kapitan Toringgoy
o Kapitana Loleng
o Tinay
o Sensia
o Binday
o Isagani
o Chicboy
o Simoun

Buod:
Ang lugar ay sa bahay ng pamilya Orenda, mayamang mag-aalahas. Narito ang
ama ng tahanan na si Kapitan Toringgoy, ang totoong ngalan ay Domingo, ay kanyang
asawang si Kapitana Loleng, ang kanilang mga anak na dalaga na sina Tinay, Sensia at
Binday. Narito din sa kanilang tahanan ang kasintahan ni Sensia na si Momoy at si
Isagani na dumalaw sa bahay na iyon. Ang pinakasentro sa mga tauhan ay si Chichoy na
siyang pinapakinggan ng lahat sapagkat ikinukwento niya ang nangyari sa kasalan ng
nakaraang gabi at kung sino ang may pakana ng lahat ng kaguluhan. Lahat ng tainga ay
nakikinig sa kanya habang sinasabi nya ang sako-sakong pulbura na natagpuan sa buong
bahay at mabuti na lamang at walang nanigarilyo kundi sabog sana ang buong bahay at
patay ang lahat ng tao at mga bisita maging ang mga prayle at ang Kapitan Heneral.
Sinabi din ni Chichoy na ang may kagagawan ng lahat ay walang iba kundi si Simoun na
nagpapanggap na kaibigan ng Kapitan Heneral at ngayon ay pinaghahanap na siya ng
kinauukulan. Hindi makapaniwala ang lahat ng nakarinig at si Kapitana loleng ay nag-
alala sapagkat lahat daw ng kanilang pinautang ay nasa kasalang iyon at maging ang isa
pa nilang bahay ay nasa tabi ng bahay na pinagdausan ng nasabing kasalan.

Sa kabanatang ito ay makikita natin kung gaano kabilis lumaganap ang usapan sa
buong bayan (gaya ng paglaganap ng usapan sa paghahanda ni Kapitan Tiago sa
pagdating ni Ibarra sa Noli at sa mga usap-usapan sa pag-aaway ni Ibarra at Padre
Damaso). Makikita din natin dito na may pagkatsismoso ang mga Pilipino at may iba na
walang inisip kundi ang kanilang kayamanan. Dulot na din siguro ng kahirapan dati kung
kaya’t sa oras na nagkaroon ng pera ay lubha ng kumakapit dito ang mga Pilipino.

KABANATA 32: Mga Ibinunga ng mga Paskin


Talasalitaan:
o Mariwasa – masagana
o Inuusisa – inaalam
o Karangyaan – kayamanan
o Sumawata – humadlang
o Magpaunlak – tumanggap ng mula sa puso

Tauhan:
1. Pecson 7. Basilio
2. Tadeo 8. Simoun
3. Juanito Pelaez 9. Kapitan Tiago
4. Macaraig 10. Don Timoteo Pelaez
5. Isagani 11. Paulita Gomez
6. Sandoval 12. Ben- Zayb

Buod:
Mga Bunga ng PaskinPinauwi na ng mga ina ang kanilang mga anak na nag-aaral, para sa
madibdibang bakasyon o pagsasaka sa kanilang lupain upang maiwas sa gulo na nangyari. Sa unibersidad
naman ay maraming bumagsak at bihira ang pumasa sa mga eksamen at kurso. Si Pecson ay napatawang bobo
na lamang at papasok nalang na kawani sa kahit sang hukuman. Ang paglalakwatsa naman ni Tadeo ay
nagwakas at pinrangalan ang sarili sa pamamagitan ng pagsunog ng mga aklat. Si Juanito Pelaez naman ay
binigyan ng almasen at pinamahala na sa negosyo ng ama. Si Makaraig ay naglakbay patungong Europa. Si
Isagani ay pumasa sa asignatura ni Padre Fernandez at bumagsak naman sa iba. Samantalang si Sandoval ay
hinilo ang tribunal sa kanyang mga talumpati. Sa kabilang bahagi si Basilio ay hindi bumagsak at hindi
pumasa, dahil ito ay namalagi pa rin sa piitan. Na kung saan kada tatlong araw ay iniinterogate, yun at yun pa
rin ang mga itinatanong iba-ibang tao lamang ang nagtatanong. Ang tanging bumibisita sa kanya ay si Sinong,
binalita nito sa kanya ang tungkol sa nangyari kay Juli. Napabalita sa buong bayan ang ang malaking
pagdiriwang na gagawin ni Simoun. Ito diumano ay dahil sa kanyang paggaling at pamamaalam sa bansang
nagpalago sa kanyang kayaman. Kuro-kuro sa bayan na pinipilit ni Simoun ang Kapitan Heneral na manatili pa
at humingi ng palugit sa hari, pero hindi siya pinapakinggan ng Kapitan Heneral. Hindi na masyadong nakikita
si Simoun at malimit na itong makisalamuha at usap sa mga tao. Sinabi nila na gugulatin na lang ang lahat sa
pagdiriwang na gaganapin nito. Dahil sa walang sariling bahay si Simoun, gaganapin sa bahay ni Don Timoteo
ang pagdiriwang. Napabalita na din ang magiging kasalan ng anak ni Don Timoteo na si Juanito kay Paulita
Gomez. Marami ang nagsasabi na napakaswerte ni Don Timoteo, una ay nakabili daw ito ng bahay na mura,
pangalawa ay nabenta niya ang kanyang mga yero sa magandang halaga, pangatlo ay nagging kasosyo si
Simoun, at ang panghuli ay ang pagpapakasal ng kanyang anak sa isang mayamang eredera. Nang maalala ni
Simoun ang tungkol sa kasalan ni Juanito at Paulita, napaisip siya na diba daw si Isagani ang kasintahan ni
Paulita, bakit biglang kay Juanito ito magpapakasal?Naisip niya na naging praktikal lang si Paulita. Bakit ba
hindi niya pipiliin si Juanito, na ito ay mautak, bihasa, masaya, pilyo, anak ng mayamang negosyante, at isang
mestisong espanyol kung ikukmpara kay Isagani na isang probinsyano na nangangarap sa kanyang gubat na
tingib ng linta, nanggaling sa napag-aalinlangang pamilya, at may amain na klerigo na ayaw sa luho at
sayawan na siyang gustong-gusto ng dalaga. Natural daw na pinili ni Paulita si Juanito, at ihinambing sa teorya
ni Darwin na pinili ng babae ang lalaking higit na nababagay sa kanya at marunong makibagay kung saan
namumuhay. Lumipas na ang kuwaresma, semana santa, mga prusisyon, at mga seremonya. Ang tanging
napabalita sa mga panahong ito ay ang pag-aalsa ng mga artilyero na hindi pinaalam ang dahilan. Giniba ang
mga bahay na yari sa mahinang materyales. Buwan na ng Abril at nalimot na ang mga pangamba, ang tanging
nasa isip ng mga tao ay ang malaking pagdiriwang na mangyayari. Ninong daw ang Kapitan Heneral at si
Simoun ang mag-aayos at maghahanda nito. Pati nag daw ang mga maybahay ay inaaway ang kanilang mga
bana, dahil pinipilit nito na makipagkaibigan kay Don Timoteo o kay Simoun upang maimbitahan sa naturang
pagdiriwang.

KABANATA 31: Ang Mataas na Kawani


Talasalitaan:
o Nalathala – naisulat
o Pag – uusing – kinukutya / kinaiinisan
o Nangangatal – nanggigigil sa pagsasalita
o Isakdal – sisihin
o Humirang - nagtalaga

Tauhan:
o Kapitan Heneral
o Mataas na Kawani
o Basilio

Buod:
Ang nagkalat na balita sa mga peryodiko sa Pilipinas ay tungkol sa Europa, mga puri at bola sa
predikador ng bansa at sa operatang Pranses kaya ilang bahagi lamang ng peryodiko ang nalaan tungkol
sa mga nangyayari sa lalawigan. Nasali doon ang tungkol sa grupo ng mga tulisan na pinamumunuan ni
Matanglawin. Nagkakaroon lang ng emphasis ang mga lalawigan kapag ang sinalakay ay isang kumbento
o isang espanyol. Hindi napansin ang nangyari sa bayan ng Tiani, bulong-bulongan lamang ang nagkalat
at hindi nila matukoy kung sino talaga ang babaeng nahulog sa tuktok ng kumbento. Ang tanging
katiyakan sa mga balita ay ang pag-alis ni Padre Camorra sa kumbento at panandaliang pagtuloy sa
Maynila.
Napalaya na ang mga estudyanteng nakulong. Gaya ng inaasahan unang napalabas si Makaraig, at si
Isagani ang huli dahil isang lingo pa bago nakaluwas ang amain nitong si Padre Florentino. Ang tanging
naiwan sa piitan ay si Basilio. Ipinagdiinan ng Kapitan Heneral na dapat ay may maiwan sa isa sa mga
nakulong upang maisalba ang prestige at authority ng gobyerno, at hindi masabi ng iba na sobra-sobra
ang pagpaparaya at ginawang ingaysa walang kuwentang bagay. Nagmungkahi si Pare Irene, na si Basilio
ang maiwan dahil ito ay utusan at ulilang lubos na, at tiyakna walang maghahabol. Binigyan ng katwiran
ng Mataas na Empleado na si Basilio ay isang estudyante sa medisina, pinupuri ng mga guro, at
mawawalan ng isang taon sa kanyang pag-aaral pag nagtagal pa sa piitan, patapos na din kasi ito sa kurso.
Matagal na pa lang may samaan ng loob ang Mataas na Empleado at Kapitan Heneral, kaya dagdag
dahilan sa Kapitan Heneral na mas lalong pahirapan si Basilio dahil ito ay ipinilit ng mataas na empleado.
Dahil ditto nagsisi ang Mataas na empleado sa pagtukoy kay Basilio at naawa siya sa bata dahil mas lalo
itong didiinan ng Kapitan Heneral. Sinabi ng Mataas na empleado na si Basilio nga daw ang
pinakainosente sa lahat, hindi nga ito kasali sa mga estudyante na nagpulong-pulong sa pansiterya, at ang
nahuli lang sa kanya na siyang nagdidiin na sala niya ay ang pagkakaroon ng mga bawal na libro. Ang
mga librong tinutukoy ay tungkol sa medisina at ilang mga polyeta tungkol sa Pilipinas. Pero pinipilit pa
rin ng Kapitan Heneral dahil isa daw itong magandang ehemplo at mas nakakatakot. Nagpatuloy ang
pagtatalo ng dalawa. Umabot sila sa usapin tungkol sa Espanya, na nangako ng hustisya at sisikaping
idulot ang kagalingan sa Pilipinas. Sinabi ng Mataas na Empleado na hindi siya tulad ng mga alipin na
walang boses at dignidad, ipaglalaban niya ang kung ano sa tingin niya ang tama. Na bago ang Espanya
ay tao siya na may dignidad. Ang Espanya ay may dangal, mataas na prinsipyo at moralidad. Ok lang na
mawala daw lahat huwag lang ang moralidad ng Espanya. Tinukoy din ng Mataas na Empleado na kung
malalaman man ng Espanya ang pinaggagawa ng Kapitan Heneral, tiyak siya na ang mga alipin ang
kakampihan dahil ito ang tama at makatarungan. Tinanong ng Kapitan Heneral sa Mataas na Empleado
kung kelan ang alis ng huling koreo sa araw na yun, at napayuko na lang ang Mataas na Empleado.
Nilisan n Mataas na Empleado ang palasyo at sumakay sa karwahe. Sinabi niya sa kutsero na “pagdating
ng araw na magdeklara kayo ng independensiya,” nagtaka ang kutsero sa sinabi nito, at tinuloy niya na
“alalahanin ninyo na hindi nagkulang sa Espanya ng mga pusong tumitibok at lumalaban para sa inyong
mga karapatan!”. Nagbitiw ang Mataas na Empleado sa kanyang tungkulin. Ipinahayag niya ang pag-alis,
sakay sa susunod na Koreo.

KABANATA 35: Ang Piging


Talasalitaan:
o pumanhik- umakyat
o nagbabantulot- nag-aalinlangan
o panibugho- inggit, selos
o lumagpak- bumagsak, nahulog
o nagbuwal-nabagsak

Tauhan:
1. Basilio 4. Kapitan Heneral
2. Simoun 5. Isagani
3. Don Timoteo Pelaez 6.Padre Salvi

Buod:
Ikapito ng gabi nang magsisimulang dumating ang mga may paanyaya. Una ang maliliit. Sunod ang
palaki sa katayuan sa tungkulin at sa kabuhayan. Lahat ay pinagpupugayan ni Don Timoteo. Dumating
ang bagong kasal. Kasama si Donya Victorina. Batian. Kamayan. Naroon na sina Padre Salvi nguni’t
wala pa ang Heneral. Nais tumungo ni Don Timoteo sa palikuran nguni’t di siya makaalis dahil wala pa
ang Heneral. May pumintas sa mga kromo sa pader. Nagalit si Don Timoteo. Iyon daw ang pinakamahal
na mabibili sa Maynila. Sisingilin daw niya ng utang ang namintas kinabukasan. Dumating na rin ang
heneral. Nawala ang mga dinaramdam ni Don Timoteo. May nagsabi na dumating na ang araw ng kapitan
dahil natititigan na ito nang harap-harapan. Si Basilio ay nasa harap ng bahay at pinapanood ang mga
nagdaratingan. Naawa siya sa mga inakala niyang mga walang malay na mamamatay roon. Naisip niya na
bigyan sila ng babala. Nguni’t siyang pagdating ng sasakyan nina Padre Salvi at Padre Irene. Biglang
napawi ang awa sa kanyang puso. Hindi ako dapat magmalabis sa pagtitiwalang inilagak sa akin. Ako’y
may utang na loob sa kanya; sa kanila’y wala. Siya ang humukay ng libingan ng aking ina na pinatay nila.
Ako’y nagpakabuti; pinagsikapan kong magpatawad, ano ang ginawa sa akin? Mamatay na nga sila.
Labis na ang aking pagtitiis, nasabi ni Basilio. Nakita niya si Simoun, dala ang ilawan. Waring kakila-
kilabot ang anyo ni Simoun na naliligid ng apoy. Parang nag-alinlangan sa pagpanhik sa hagdan si
Simoun. Nguni’t nagtuloy rin ito. Nang dumating ang Kapitan Heneral ay sandaling nakipag-usap dito at
sa ibang naroon ang mag-aalahas. Saka ito nawala sa paningin ni Basilio. Namayani na naman ang
kabutihang-loob ni Basilio. Nalimot ang ina, ang kapatid, si Huli, ang sariling kaapihan. Ninais na iligtas
ang nasa bahay. Nguni’t hinadlangan siya ng mga tanod dahil sa marusing niyang anyo. Namutla si
Simoun nang makita si Basilio na iniwan ng tanod-pinto upang magpugay sa mag-aalahas. Matigas ang
mukha ni Simoun na tumuloy sa sasakyan at nag-utos. Sa Eskolta, madali! Mabilis ding lumayo si
Basilio. Nguni’t may nakita siyang isang lalaking tatanaw-tanaw sa bahay. Si Isagani! Niyaya niya itong
lumayo. Marahang itinulak ni Isagani ang kaibigan. Nagpilit si Basilio. Bakit ako lalayo Bukas ay hindi
na siya ang dati. May hapdi ang tinig ni Isagani. Ipinaliwanag ni Basilio ang ukol sa ilawan. Hinila niya si
Isagani. Tumutol ito. Mabilis na lumayo si Basilio. Nakita ni Isagani na nagtungo sa kainan ang mga tao.
Naisip niyang sasabog ang bahay kasama si Paulita. Mabilis na nagpasya ito. Sa loob ay nagkatagpo ang
nagpipiging ng isang kaputol na papel na ganito ang nakasulat.
MANE THACEL PHARES JUAN CRISOSTOMO IBARRA
Isa umanong biro iyon, ani Don Custodio. Patay na raw si Ibarra. Nang makita ni Padre Salvi ang papel at
sulat ay namutla ito. Sinabi nitong iyon nga ang lagda ni Ibarra. Saka nahilig sa sandigan ng silya ang
kura nanlambot sa takot. Nagkatinginang takot na takot ang lahat. Tatawag sana ng mga kawal ang
Kapitan Heneral. Walang nakita kundi mga utusang di niya kilala. Nagkunwaring hindi takot.
Magpapatuloy tayo sa pagkain, aniya. Huwag intindihin ang isang pagbibiro. Nguni’t nagsalita si Don
Custodio. Ipinalagay kong ang kahulugan ng sulat ay papatayin tayo ngayong gabi . Di nakakibo ang
lahat. May nagsabi. Baka lasunin tayo. Binitiwan ang mga kubyertos. Lumabo ang ilawan. Iminungkahi
ng Kapitan Heneral kay Padre Irene na itaas ng huli ang mitsa ng ilawan. Biglang may mabilis na
pumasok, tinabig ang utusang humadlang, kinuha ang ilawan, itinakbo sa asotea at itinapon sa ilog, May
humingi ng rebolber, may magnanakaw raw. Ang anino ay tumalon din sa ilog.

El
Filibusterismo
Ni
Dr. Jose Rizal

Ipinasa ni:
Jazzlyn Tamayo
10-STE
Ipinasa kay:
Gng. Eliberta P. Vasco

You might also like