You are on page 1of 50

Group 1

Kabanata
1-14
El Filibusterismo akda ni Dr. Jose
Rizal
Kabanata 1: sa ibabaw
ng kubyerta
Umaga ng Disyembre, ang bapor tabo ay naglalakbay
sa liku-likong daan ng Ilog Pasig patungong Laguna.
Sakay sa bapor sina Donya Victorina, Don Custodio,
Benzayb, Padre Salvi, Padre Sibyla, Padre Camorra,
Padre Irene, at si Simoun. Paksa sa usapan nila ang
pagpapatuwid ng Ilog Pasig at ang mga gawain ng
Obras del Puerto.

Nagmungkahi si Simoun na maghukay ng isang


tuwid na daan mula pagpasok hanggang sa
paglabas ng Ilog Pasig. Ang mga lupang nahukay ay
siyang gagamitin upang takpan ang dating ilog.
Kabanata 1: sa ibabaw
ng kubyerta
Pagtatrabahuhin ang mga bilanggo upang hindi mag-
aksaya ng malaking halagang pera. Kung hindi sapat
ay pagtatrabahuhin din ang mamamayan ng sapilitan
at walang bayad.

Hindi sinang-ayunan ni Don Custodio ang paraang


iminungkahi ni Simoun dahil maaari itong magsimula
ng himagsikan. Sa halip, pilitin na mag-alaga ng itik
ang lahat ng naninirahan malapit sa Ilog Pasig. Sa
gayon ay lalalim ang lawa sa kanilang pagkuha ng
susong pagkain ng pato. Ito’y hindi rin sinang-ayunan
ni Donya Victorina dahil dadami ang balot na
pinandidirihan niya.
Talasalitaan
Bapor tabo Paksa
01 barko na hugis 03 pinag-uusapan
tabo

Nagmungkahi Himagsikan
02 nagsalaysay 04 rebelyon, pakikidigma
Kabanata 2: sa ilalim
ng kubyerta
Marami ang sakay sa ilalim ng kubyerta. Katabi nila
ang mga maleta, tampipi, at bakol. Malapit sila sa
makina at init ng kaldero kung kaya’t halu-halo na
ang mabahong singaw ng langis at singaw ng tao.
Kabilang sa naroon sina Basilio, Isagani, at Kapitan
Basilio

Tungkol naman sa Akademya ng Wikang Kastila ang


paksa ng usapan nila. Sinabi ni Basilio na magbibigay
ito ng salapi, ngunit ang magtuturo ay kalahating
Pilipino at kalahating Kastila. Ang bahay naman ay
magmumula kay Makaraeg.
Kabanata 11: sa ilalim
ng kubyerta
Bumaba si Simoun sa ilalim ng kubyerta at lumapit sa
magkaibigan Isagani at Basilio. Pinakilala ni Basilio si
Isagani kay Simoun. Hindi tinanggap ng magkaibigan ang
paanyaya ni Simoun na uminom ng serbesa. Binanggit ni
Basilio na ayon kay Padre Camorra kulang sa lakas ang
mga Pilipino dahil ito ay palainom ng tubig at hindi ng
serbesa. Sinagot ito ni Isagani, aniya ang tubig ay matamis
at naiinom ngunit lumulunod sa serbesa at pumapatay ng
apoy.
Habang nag-uusap ay may dumating na utusan.
Pinapatawag ni Padre Florentino ang kaniyang pamangkin
na si Isagani. Ayon sa iba ay anak daw ito ni Padre
Florentino sa dating katipan nang mabalo.
Talasalitaan
Kubyerta Tampipi
01 palapag o sahig 03 isang lalagyang gawa sa
ng barko dahon ng niyog

Bakol Serbesa
02 lalagyan o 04 alak
basket
Kabanata 3: alamat
ng ilog pasig
Nang dumating si Padre Florentino ay tapos na
ang naganap na pagtatalo. Nagbubulungan ang
mga prayle at pinag-uusapan ang pagtutol ng mga
Pilipino sa pagbabayad ng buwis at bayarin sa
simbahan.

Habang nag-uusap ay dumating si Simoun.


Pinanghinayangan ni Don Custodio dahil hindi
nakita ni Simoun ang tanawin habang naglalakbay
ang bapor.
Kabanata 3: alamat
ng ilog pasig
Ani Simoun walang halaga ang magandang
tanawin kung ito’y walang alamat. Sumagot si Don
Custodio at sinabing may mga alamat ang
nasabing ilog. Unang isinalaysay ni Don Custodio
ang alamat ng Malapad na Bato.

Noong hindi pa nakakarating sa Pilipinas ang mga


Kastila ay sinasamba ng mga tao ang Malapad na
Bato na pinaniniwalaang tirahan ng mga espiritu.
Ito ay nagsimulang maging tirahan ng mga tulisan
na humaharang sa mga bangka nang mawala na
ang pamahiin na iyon.
Kabanata 3: alamat
ng ilog pasig
Ikinuwento naman ni Padre Florentino ang alamat ng
yungib ni Donya Geronima. Si Donya Geronima ay
tumandang dalaga dahil sa pag-iintay nito sa kaniyang
kasintahan. Nag-arsobispo ang lalaki at pinatira naman
niya ang Donya sa isang yungib.

Nagsalaysay naman si Padre Salvi ng ginawang himala ni


San Nicolas kung saan ay nagawa nitong maging bato
ang isang buwaya.Habang nag-uusap ang lahat ay may
nabanggit si Ben Zayb tungkol sa pagkamatay ni
Crisostomo Ibarra. Itinuro ng kapitan ng bapor kung saan
tinugis si Ibarra labing-tatlong taon na ang nakalipas.
Talasalitaan
Tulisan Pagtutol
01 hindi sumusunod 03 di pagsang-ayon
sa batas

Arsobispo Isinalaysay
02 mataas na uri 04 ikiniwento
ng pari
Mga Katanungan
Bakit hindi sinang-ayunan ni Don
01 Custodio ang paraang iminungkahi
ni Simoun?

02 Sino ang kaibigan ni Basilio?

Ano ang unang alamat na


03 ikinuwento ni Don Custodio?
Kabanata 4: si
kabesang tales
Si tandang Selong na umampon kay Basillio sa
gubat ay matanda na. Ang ama ng dalagang si
Lucia, si Kabesang Tales, na anak ni Tandang Selo,
ay isa nang kabesa de baranggay. Yumaman ito
dahil sa tiyaga.

Nakisama muna sa isang namumuhunan sa bukid.


Nang makaipon ng kaunti ay naghawaan ng gubat
na nang ipagtaning niya ay walang may-ari, at
ginawa niyang tubuhan. Inisip niyang pag-aralin na
sa kolehiyo si Huli upang mapantay kay Basillio na
kasintahan nito. Nang ang bukid ay umunlad ito ay
inangkin ng mga prayle. Pinabuwis si Kabesang Tales.
Kabanata 4: si kabesang
tales
Tinaasan nang tinaasan ang pabuwis. Di na nakaya ni
Kabesang Tales. Nakipag-asinto sa mga prayle. Matigas ang
sabi ni Kabesang Tales. Ipinakita ng mga prayle ang kanilang
titulo sa lupa. Naging kawali si Tano. Di ibinayad ng kapalit ang
anak. Anya: Binungkal ko't tinamnan ang lupang ito, namatay
at nalibing dito ang aking asawa't anaka na dalaga sa
pagtulong sa akin kaya't di ko maibibigay ang lupang ito kundi
sa sino mang didilig muna rito ng kanyang dugo at maglilibing
muna ng kanyang asawa't mga anak. At anya parin ukol sa
pagiging kawal ni Tano, ako'y bumabayad sa abogado. Kung
mananalo ako sa asunto ay alam ko na ang aking gagawin
upang siya'y mapabalik, ngunit kung ako'y matalo, di kona
kailangan ang anak.
Talasalitaan
Nangangasiwa Gulok
01 nangangalaga, 03 itak
nagpapatakbo

Agnos Kabesa
02 kwintas 04 barangay
Kabanata 5: ang noche
buena ng isang kutsero
Dumating si Basilio sa San Diego habang kasagsagan
ng prusisyon. Naabala ito sa daan nang bugbugin ang
kutserong kaniyang sinasakyan noong dumaan sa
kwartel. Nalimutan ni Sinong na dalhin ang kanyang
Sedula.

Iniutos ni Basilio na palakarin nalang ang kaniyang


sinasakyan nang makaraan ang prusisyon. Nalibang ito sa
mga nakikita niya habang naglalakd kung kaya’t hindi na
niya napansin ang pagkawala ng ilaw sa parol ng karitela.
Nang muling mapatapat sa kwartel ay nabugbog ulit ang
kutsero dahilan kung bakit naglakad nalang ito.
Kabanata 5: ang noche
buena ng isang kutsero
Tanging ang bahay ni Kapitan Basilio ang nag-
iisang masaya sa lahat ng nadaanan niya. Nagulat
ito nang makita niyang kinakausap ni Kapitan
Basilio, kura, at alperes si Simoun.

Nagpatuloy ito sa paglalakad hanggang sa


makarating sa tahanan ni Kapitan Tiago na kaniyang
tinutuluyan. Nalaman niya ang balitang pagkabihag
kay Tales dahilan kung bakit hindi ito nakakain ng
gabing iyon.
Talasalitaan
Sedula Karitela
01 tax o kasulatan 03 sasakyan na hinihila
ng buwis ng kabayo

Alperes Kwartel
02 batang opisyal ng 04 tirahan ng sundalo
militar
Kabanata 6: si basilio
Hatinggabi nang palihim na tumungo si Basilio sa
kagubatan na pagmamay-ari ni Ibarra na nabili
naman ni Kapitan Tiago. Tumigil si Basilio sa
bunton ng mga batong malapit sa kinalalagyan ng
punong balite, kung saan nakalibing ang kanyang
ina.

Sa tuwinang umuuwi si Basilio sa bayan na iyon


ay una niyang dinadalaw ang yumaong ina ng
palihim. Muli nitong naalala ang pagkamatay ng
ina at ng lalaking sugatan na si Elias labingtatlong
taon na ang nakaraan.
Kabanata 6: si basilio
Sa pamamagitan ng perang ibinigay ni Elias ay
lumisan si Basilio sa bayan na iyon at nagtungo sa
Maynila. Walang sinuman ang tumanggap dito
dahil sa ito ay may sakit, marumi, at gula-gulanit
na kasuotan.

Nagtangka siyang magpasagasa sa dumadaang


sasakyan mabuti’t nakita siya ni Kapitan Tiago.
Dito ay pumasok siya bilang alila nang hindi
binabayaran. Pinahintulutan ni Kapitan Tiago na
mag-aral si Basilio sa San Juan de Letran.
Kabanata 6: si basilio
Mula ng pumasok si Maria Clara sa kumbento ay
kinamuhian na ni Kapitan Tiago ang mga pari.
Pinalipat ito sa Ateneo Municipal at mas lalo
pang nagpakadalubhasa sa pag-aaral.

Ngayon ay nasa huling taon na siya sa Medisina.


Dalawang buwan pa at magiging isang ganap na
doktor na si Basilio. Pagkatapos ay muling
babalik sa bayan at papakasalan si Huli.
Talasalitaan
Nagpakadalubhasa Kinamuhian
01 eksperto, 03 kinasuklaman
nagpakahusay

Gula-gulanit Kumbento
02 sira-sira 04 simbahan
Mga Katanungan
Bakit matagal na di kinausap ni
04 Tandang Selo ang anak ni
Kabesa?

05 Bakit naantala ang pagdating ni


Basilio sa San diego?

Sino sino ang mga tauhan sa


06 kabantang ito?
Kabanata 7: si simoun
Pagkatapos ng labing-tatlong taon ay muling nakita
ni Basilio ang misteryosong lalaki na tumulong sa
paglilibing sa kanyang inang si Sisa. Ito ay ang
nagbabalat-kayong mag-aalahas na si Simoun.

Si Basilio ang unang nakatuklas ng lihim ni Simoun.


Bukod sa kanyang huwad na katauhan ay batid din
ng binata ang binabalak ni Simoun na himagsikan
laban sa mga mapang-aping kasapi ng pamahalaan.

Inalok siya ni Simoun na makiisa sa kanyang


layunin, ngunit ito ay kanyang tinanggihan. Ang
pangarap ni Simoun ay makatapos ng medisina at
matubos sa pagiging alila ang kanyang kasintahan
na si Huli.
Kabanata 7: si simoun
Ang mga layunin na ito ay pinagtawanan at kinutya
ni Simoun. Sinabihan niya ang binata na walang
kabuluhan ang buhay na hindi inuukol sa dakilang
layon. Ayon sa kanya ay dapat na maging malaya
muna sila sa mga mang-aalipin para makamit nila
ang mapayapang buhay.

Hindi naging sapat ang mga pangaral ni Simoun


upang tuluyan niyang makumbinsi ang binatang si
Basilio.
Talasalitaan
Agam-agam Dumanak
01 Alinlangan 03 Dumaloy

Asarol Kasagwaan
02 Kagamitang 04 Kapangitan
panghukay
Kabanata 8:
Masayang Pasko
Si Huli ay larawan ng isang babae na pilit
nagpapakatatag na balang araw ang kanyang mga
panalangin ay masasagot ng isang himala. Kagaya
ng nakagawian ni Huli siya ay gumising ng maaga
at buong pusong umaasa na sana ay hindi na
sisikat ang araw.
Tinignan niya ang ilalim ng larawan ng Birhen sa
pagbabasakaling nagkaroon na ng himala. Huminga
nang malalim ang dalagang si Huli at namulat na
lamang bigla na mali pala ang mga sapantaha niya
tungkol sa milagro.
Kabanata 8:
Masayang Pasko
Pinagtawanan na lamang niya ang kanyang sarili
habang siya ay abalang nag-gagayak. Nagmadali
siyang nagbihis upang pumunta sa bahay ng bago
niyang panginoon, si Hermana Pencahang. Bago
siya umalis kinausap at binilin niya ang kanyang
lelong. Nang mapansin iniya ang nangingilid na
luha ng matanda ay dali-dali siyang umalis.
Sa bahay ni Tandang Selo ay dumating ang
kanyang mga kamag-anak upang mamasko.
Sinalubong niya ang mga ito, ngunit nagulat siya
dahil anumang gawin niyang magsalita o sumigaw
ay walang boses na lumalabas sa kanyang bibig.
Talasalitaan
Ketong Nakapinid
01 Sakit sa balat na umaagnas 03 Nakasarado
sa laman ng tao at nag aalis
ng pakiramdam/mahapdi.

Salabat Tampipi
02 Paboritong inumin 04 Sisidlan ng damit na
ng karaniwang yari sa kawayan o
Pilipino. buli.
Kabanata 9: Si Pilato
Ang nakakalunos na sinapit ni Kabesang Tales
ay nakarating sa bayan. Ang ilan ay naawa sa
matanda, samantala ang mga guwardiya sibil at
mga prayle ay nagkibit lamang ng balikat

Si Padre Clemente na siyang tagapangasiwa ng


hasyenda ay mabilis na naghugas kamay sa
narinig na balita. Sinisi pa niya si Kabesang Tales
dahil sa pagsuway ng huli sa utos ng
korporasyon. Idiniin pa niya ang matanda na
nagtatago ng mga armas.
Kabanata 9: Si Pilato
Pinagsabihan ni Hermana Penchang ang alipin na
si Huli na magdasal sa wikang Kastila. Ito daw
ang dahilan kung bakit napipi at naghihirap ang
kanyang ama. Hindi daw sila marunong
manalangin sa langit.
Buong galak na nagdiwang ang mga pari dahil sa
pananalo nila sa usapin tungkol sa hasyenda.
Sinamantala nila ang pagkakataon upang
ipamigay ang mga lupain ni Kabesang Tales.
Maging ang matanda ay bibigyan ng kautusan ng
tinyente na lisanin ang kanyang sariling tahanan.
Talasalitaan
Nagkibit- balikat Nabalisa
01 Pinagsawalang bahala 03 Hindi mapakali

Asendero Matutudla
02 May-ari ng lupang 04 Tatamaan
ipinagkaloob ng
pamahalaan.
Mga Katanungan
Ano ang pamagat ng
07 Kabanatang ika-7?

Paano inilarawan si Huli sa


08 Kabanatang ito?

Bakit nag diwang ang mga


09 pari?
Kabanata 10: kayamanan
at karalitaan
Si Simoun ay nagtungo sa bahay ni Kabesang Tales
upang magbili at makipagpalitan ng alahas.
Kabilang sa mga mamimili sina Kapitan Basilio, ang
kanyang asawa at anak na si Sinang, at si Hermana
Penchang.
Marami ang humanga nang ilabas ni Simoun ang
mamahaling hiyas. Marami ang nagsibili. Inalok ni
Simoun na bilihin ang agnos ni Maria Clara na
napunta kay Huli, ngunit kailangan munang
puntahan ni Kabesang Tales si Huli upang
isangguni ang tungkol dito.
Kabanata 10: kayamanan
at karalitaan
Nangakong babalik ito bago mag takipsilim ngunit
hating gabi na ay di parin bumabalik si Tales.
Nakatulog si Simoun sa kakaintay.
Nang magising kinaumagahan ay wala na ang dala
niyang rebolber ngunit may isang liham na mula
kay Tales.

Ayon sa sulat, kinuha ni Tales ang rebolber dahil


kailangan niya ito sa panunulisan sa halip iniwang
kapalit ni Tales ang agnos ni Maria Clara.
Talasalitaan
Takipsilim Panunulisan
01 panahong pagkatapos 03 pamimirata,
lumubog ang araw pandarambong

Rebolber Isangguni
02 maliit na uri ng 04 komunsulta
baril
Kabanata 11: sa los baños
Pumunta ang Kapitan Heneral sa Busobuso upang
mangaso kasama ang banda ng musiko. Ngunit wala itong
nahuli kaya ipinag-utos din na bumalik sa Los Baños.

Naglaro si Kapitan Heneral kasama sina Padre Irene, Padre


Sibyla, at Padre Camorra ng tresilyo. Sinadyang magpatalo
ng dalawang pari upang mabigyang kasiyahan ang
heneral, habang galit naman si Padre Camorra.

Hindi lingid sa kaalaman ni Padre Camorra ang sadyang


pagpapatalo ng dalawa ay para sa akademya ng wikang
Kastila na nais ipatayo ng mga mag-aaral. Nagkaroon ng
talakayan at pagtatalo tungkol dito ang mga prayle at si
Simoun. Sumang-ayon din ang Kapitan Heneral na palayain
si Tandang Selo.
Talasalitaan
Tresilyo Talakayan
01 sugal gamit ang braha 03 pagtuturo ng isang
leksionpagtuturo ng
isang leksion

Lingid Mangaso
02 lihim, sikreto 04 manghuli
Kabanata 12: Placido
Penitente
Masama ang loob ni Placido Penitente habang
patungo sa Pamantasan ng Sto. Tomas. Dalawang
beses nang sinulatan ng liham ang kanyang ina upang
sabihin na nais na niyang tumigil sa pag-aaral ngunit
sinabi nitong magtiis pa ng konti dahil malapit na
itong magtapos.

Habang naglalakad ay sinalubong ito ni Juanito Pelaez


na noo’y naatasan upang mangolekta ng ambag para
sa pagpapatayo ng bantayog ng isang paring
Dominiko.
Kabanata 12: Placido
Penitente
Nang papasok na ay may tumawag sa kaniya upang
lagdaan ang isang kasulatan na tumututol sa
pagpapatayo ni Makaraeg ng akademya ng wikang
Kastila.

Hindi naman ito nilagdaan ni Placido dahil wala itong


panahon upang basahin ang nasabing kasulatan.
Natawag na ng propesor ang pangalan nito nung siya
ay pumasok.Upang mapansin ay nilakasan niya ang
tunog ng kaniyang takong. Tiningnan siya ng kanyang
propesor na may lihim na pagbabanta.
Talasalitaan
Mangolekta Bantayog
01 manguha 03 kilala

Lagdaan Ambag
02 pirmahan 04 kontribusyon
Mga Katanungan
Ano ang nais bilhin ni Simoun
10 kay Kabesang Tales?

Bakit sinadyang magpatalo ng


11 dalawang pari sa laro?

Ano ang hindi nilagdaan ni


12 Placido Penitente?
Kabanata 13: Klase
sa Pisika
Ginaganap ang klase sa pisika sa isang bulwagang
pahaba na may bintanang rehas. Meron ditong
gabinete na naglalaman ng mga kagamitang
pampisika ngunit ito ay inilalaan lamang sa mga
panauhing dumadalaw at hindi sa mga mag-aaral.

Ang dominikanong pari na si Padre Millon ang


siyang propesor sa pisika. Tungkol sa salamin ang
diskusyon sa araw na iyon. Unang tinawag ang
isang antuking estudyante ngunit nang hindi
makasagot ay tinawag ng propesor si Juanito
Pelaez.
Kabanata 13: Klase
sa Pisika
Nang walang mabulong na sagot sa kaniya si
Placido Penitente ay inapakan nito ang kanyang
paa dahilan kung bakit napasigaw si Placido
dahilan naman kung bakit ito sunod na tinawag.

Wala ding maisagot si Placido kaya nilait ito ng


kanyang propesor. Galit na umalis si Placido sa
bulwagan matapos magkaroon ng sagutan sa
pagitan niya at ng pari.
Talasalitaan
Bulwagan Inilalaan
01 gusaling pinagtatanghalan 03 pagbibigay ng oras

Gabinete Nilait
02 tauhan sa 04 pagsasabi ng
pamahalaan negatibo o paninira
Kabanata 14: Isang Tahanan
ng mga Mag-aaral
Ang bahay ni Makaraeg ay malaki at mayroong
dalawang palapag. Tahimik dito tuwing umaga at
magulo pagsapit ng hapon.Unti-unting napawi ang
ingay nang magsidatingan ang mga kamag-aral na
inanyayahan ni Makaraeg upang ibalita ang
nilalakad nilang akademya ng wikang Kastila.

Unang dumating si Isagani at Sandoval. Sumunod


sina Pecson at Pelaez. Dumating si Makaraeg dala-
dala ang magandang balita.
Kabanata 14: Isang Tahanan
ng mga Mag-aaral
Sinabi niya ang pakikipag-usap ni Padre Irene sa
Kapitan Heneral. Ibnalita din niya ang pagsalungat
ni Don Custodio sa planong akademya ng wikang
Kastila. Nakaisip sila ng dalawang paraan kung
paano nila mapapapayag si Don Custodio.
Una ay paki-usapan si Ginoong Pasta, isang
manananggol na pinangangayupapaan ng Don,
ikalawa ay si Pepay na isang mananayaw.
Napagkaisahan ng lahat na unang kausapin si
Ginoong Pasta dahil ayon kay Isagani kailangang
maging marangal ang kapamaraanang gagawin
nila.
Talasalitaan
Pinangangayupapaan Manananggol
01 kilos na tanda ng pag-sakop 03 abogado
o pag-galang

Inanyayahan Pagsapit
02 pinapapunta 04 pagdating
Mga Katanungan
Sino ang propesor sa
13 pisika?

Bakit nais nilang maka-usap si


14 Ginoong Pasta?
Thank you for
listening!

You might also like