You are on page 1of 4

FILIPINO

10
Schools Division Office- Quezon City
Justice Cecilia Munoz Palma High School
Molave St., Payatas, Quezon City

Gawaing Pampagkatuto
Ikaapat na Markahan
Linggo 5

Pangalan ng Mag-aaral: Petsa:


Seksyon:
ARALIN 4.5
Pagkilala sa mga Tauhan ng El Filibusterismo
Sa panulat ni: Dr. Jose Rizal

I. Paunang Kaalaman ng Mag-aaral

Ang nobelang El Filibusterismo o Ang paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ng
pambansang bayani ng Filipinas na si Jose Rizal, na kanyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa
bansag na GUMBURA o Gomez, Burgos at Zamora. Ito ang karugtong o sequel ng Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si
Rizal ng hirap habang sinusulat ito at, tulad din nito nakasulat ito sa Kastila. Sinumulan niya ang akda noong Oktubre 1887 habang
nagpapraktis ng medisina sa Calamba.
Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig, at nagpapagising pang lalo sa maalab pang
hangaring makapagtamo ng
Ang Aralin 4:5 ay pagkilala isa-isa sa mga tauhan ng El Filibusterismo at pagtukoy kung ano ang naging gamapanin nila
sa nobelang ito.

Mahahalagang Tauhan sa Nobelang El Filibusterismo


Isa sa mga kalakasan ng nobela ay ang pagkakaroon ng mga tauhang nagbibigay-buhay sa bawat bahagi
at kabanata ng akda. Napakahusay ng pagkakahabi sa mga tauhan kaya’t naging labis na makatotohanan at
halos nararamdaman ang bawat paghinga, galaw, damdamin, at presensiya ng bawat isa. Halina’t kilalanin mo
ang mga tauhang nagbigay-bisa at buhay sa kabuoan ng nobela.

II. Tunguhin at Koda

Natutukoy ang papel na ginagampanan ng mga tauhan sa akda sa pamamagitan ng: pagtunton sa mga
pagyayari, pagtukoy sa mga tunggaliang naganap, pagtiyak sa tagpuan, at pagtukoy sa wakas.
( F10PB-IVb-c-87
II. Tunguhin) at
Koda
III. Panuto/ Tagubilin
II. Tunguhin at
Ikaw ay makakapili ng isang tauhan upang siya ay maging paksa mo sa pagsasatao o di kaya’y pagsasalarawan.
Koda

Mahahalagang Tauhan sa Nobelang El Filibusterismo

Simoun – Isang napakayamang mag-aalahas at kaibigang matalik at tagapayo ng Kapitan-Heneral. Makapangyarihan


siya kaya’t iginagalang at pinangingilagan ng mga Indio at maging ng mga prayle. Nais niyang udyukan ang damdamin

Ikaapat na Markahan FILIPINO 10 1|Page


ng makabayang Pilipino sa palihim at tahimik niyang paghahasik ng rebolusyon; Iinisin ang bayan; at lipilin ang lahat ng
masasama kahit pa siya mismo ay inuusig din ng kanyang budhi sa paraang kanyang ginagawa.

Kapitan-Heneral – Hinirang siya ng Espanya bilang pinakamataas na pinuno ng pamahalaan. Sinasabi niyang
kailangan pagbutihin ang kanyang tungkulin at Gawain. Nais niyang magpakita ng kasipagan at pagpapahalaga sa oras
kaya ginagawa niya ang importanteng pagpapasya habang naglilibang at nagmamadali. Larawan siya ng pinunong
pabigla-bigla at makapritsong humatol. Hindi niya alintana ang kapakanan ng kanyang pinamumunuan. Salungat lagi sa
pasiya ng Mataas na Kawani.

Mataas na Kawani – Siya ay isang Espanyol at mataas na kawani ng pamahalaan na kagalang-galang; tumutupad
sa tungkulin; may paninindigan; at may kapanagutan.

Padre Florentino – Isang mabuti at kagalang-galang na paring Pilipino si Padre Florentino. Pinlit lamang siya ng inang
maging lingkod ng Diyos dahil sa kanyang panata. Siya ang kumupkop sa pamangking si Isagani nang maulila ito sa
magulang.

Padre Bernardo Salvi – Isang paring Pransiskano na pinakikinggan at iginagalang ng iba pa niyang ksamahang
prayle. Siya ay mapag-isip. Umibig siya nang lubos kay Maria Clara at naging kompesor ng dalagang ito at ni Kapitan
Tiago.

Padre Hernando Sibyla – Isang matikas at matalinong paring Dominiko. Siya ang Vice- Rector ng Universidad ng
Santo Tomas. Salungat siya sa pagpasa ng panukala upang makapag-aral at matuto ng wikang Kastila ang mga mag-
aaral.
Padre Milon – Isang paring Dominiko na propesor sa Pisika at Kemika. Mabuti siyang pilosopo at bantog siya sa husay
sa pakikipagtalo subalit hindi niya lubusang maiparanas o maituro nang mahusay ang aralin sa mga mag-aaral. Makikita
sa kanya ang maling Sistema ng edukasyon sa bansa

Kabesang Tales – Ang napakasapag na magsasaka na dating kasama sa mayayamang may lupain. Umunlad siya
dahil mahusay niyang ginamit ang kinitang pera.

Juliana o Juli – Ang pinakamagandang dalaga sa Tiani na anak ni Kabesang Tales. Larawan siya ng Pilipinang
madasalin, matiisin, masunurin at madiskarte sa buhay para makatulong sa pamilya. Tapat sa katipang si Basilio.

Tata Selo – Ang kumalinga sa batang si Basilio sa gubat nang tumakas siya mula sa mga guwardiya sibil sa Noli
Metangere. Mapagmahal na lolo siya nina Juli at Tano. Tiniis niya ang matinding kasawian at pighati ng mga mahal sa
buhay.

Basilio – Nalampasan niya ang mga hilahil ng buhay dahil nagpaalipin siya kay Kapitan Tiago. Nagpunyagi sa pag-
aaral. Nilunok ang pangmamaliit sa kanya ng kapwa mag-aaral at mga guro dahil sa kanyang anyo at kalagayan sa
buhay.

Isagani – Isang malalim na makata. Mahusay siyang makipagtalo. Matapang sa pagpapahayag ng kanyang
pinaniniwalaan kaninuman. Matuwid siya at ayaw sa likong paraan sa pagkakamit ng adhikain. Pamangkin ni Padre
Florentino.
Makaraig – Isang mag-aaral sa abogasya na nagunguna sa panawagang pagbubukas ng akademya sa pagtuturo ng
Kastila. Siya ay masipag mag-aral, mahusay makipagtalo, mapitagan nakalulugod na mag-aaral, at palabasa ng iba’t
ibang aklat kaya’t nangunguna sa pagbabago.

Placido Penitente- Mahinahon at mapagtimpi ang kahulugan ng kanyang pangalan na pilit niyang pinaninindigan.
Kapag siya ay napuno, parang bulkan siyang sasabog at walang kinatatakutan.

Ikaapat na Markahan FILIPINO 10 2|Page


Juanito Pelaez – Isang mayamang mag-aaral na tamad at lakwatsero. Laging inaabuso at tinatakot si placido. May
kapansanang pisikal subalit hindi niya naipakitang sagabal ito.

Sandoval – Isang tunay na Espanyol si Sandoval na lubos na kaisa sa adhikain ng mga estudyanteng Pilipino.

Paulita Gomez – Isang masayahin at napakagandang dalagang hinahangaan ng karamihan sa mga lalaki, kasintahan
ni Isagani at pamangkin ni Donya Victorina.

Donya Vicorina de Espadana – Larawan si Donya Victorina ng isang Pilipinang walang pagpapahalaga sa kanyang
lahi.

Kapitan Basilio – Isang mayamang mamamayan na taga-San Diego. Siya ang ama ni Sinang at asawa ni Kapitana
Tika.

Ginoong Pasta – Naging alila siya sa mga prayle habang nag-aaral bago siya naging tanyag na abogadong Pilipino.

Ben Zayb – Ang mamamahayag na malayang mag-isip at minsan ay kakatwa ang paksang nais niyang isulat. Siya ang
utak sa lumalabas na magaganda at mabubuting balita tungkol sa Kapitan Heneral at iba pang matataas na opisyal upang
mapalapit siya rito.

Hermana Pechang – Isang masimbahing manang. Naging amo ni Juli. Mapanghusga siya sa mga taong sawimpalad
– pinarurusahan daw ng Diyos ang may suliranin dahil makasalanan.

Kabesang Andang – Butihing in ani Placido Penitente. Kahit balo na, matiyaga niyang pinag-aral ang anak, Naghigpit
siya ng sinturon para sa sarili mabigyan lamang ng edukasyon ang anak.

Don Timoteo Pelaez – Siya ang ama ni Juanito Pelaez. Larawan siya ng mapandustang mangangalakal.

Quiroga – Isang mayamang mangangalakal na Intsik. Iniaaangkop niya ang ugali depende sa kanyang kaharap.

Hermana Bali – Isang batiking pangginggera. Siya ang nangunguna sa pagbibigay-payo sa may suliranin sa kanilang
baryo. Siya ang nagpayo kay Juli na magpaalipin nang kapusin sa pananalapi ang amang si Tales

Kapitan Tiago – Nawalan ng kahulugan ang kanyang buhay ng pumasok si Maria Clara sa monastery. Nalulong siya
sa sabong at paghithit ng apyan. Nawala siya sa katinuan.

IV. Gawain
Gawain 1: Sagutin ang mga katanungan. Gumamit ng hiwalay na papel. ( 10 Puntos )
1. Sino sa mga tauhan sa nobela ang nais mong makilala pa nang mabuti? Bakit?
2. Sino naman sa mga tauhan ang agad mong hinangaan ang taglay niyang katangian? Bakit?
3. Sino sa kanila ang nakikita mong misteryoso? Bakit?
4. Sino ang nais mong payuhan agad sa mga tauhan upang maiba ang kanyang kapalaran sa nobela?
5. Sino sa kanila ang nais mong maging matalik na kaibigan at bakit?
Gawain 2: Ihambing ang sariling katangian sa mga katangiang taglay ng alinman sa mga tauhan sa nobela. (
15 Puntos )
Pangalan ng Tauhan : ________________________________________
Kaibahan Ko sa Kanya Pagkakapareho Namin Kaibahan Niya sa Akin

Ikaapat na Markahan FILIPINO 10 3|Page


Pagsasanay 1: Pumili ng limang tauhan ng El Filibusterismo na sumasalamin sa kasalukuyang panahon.
( 10 Puntos )
Halimbawa: Kabesang Andang – Sumasalamin siya sa maraming balong ina na nabalo dahil ang mga asawa nila ay
biktima ng “ war on drugs”. Kahit nag-iisa na lang siya pinipilit niyang isalba ang buhay ng kanyang mga anak.
1.
2.
3.
4.
5.

V. Paglilimi
Sagutin ang mga pokus na tanong sa loob ng kahon.

1. Sa iyong palagay paano nakakatulong sa isang nobela ang mga tauhan.


2. Kung ikaw ang tatanungin sino sa mga tauhan na iyan ang gusto mong mabuhay sa kasalukuyang panahon?

V. Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Isa sa mga kalakasan ng nobela ay ang pagkakaroon ng mga tauhang ________ sa bawat bahagi ng akda.
a) nagbigay-saya b) nagbigay-buhay c) nagbigay-lungkot d) nagbigay-kaligayahan
2. Siya ang paring Pransiskano na iginagalang ng mga kasamahang prayle at naging kompesor ng anak ni Kapitan
Tiagong si Maria Clara.
a) Padre Salvi b) Padre Sibyla c) Padre Irene d) Padre Camorra
3. Siya ang nagkupkop sa batang si Basilio nang makatakas sa mga guardiya sibil ng sila ng kanyang kapatid ay
mapagbintangang magnanakaw ng mga prayle.
a) Tata Selo b) Padre Milon c) Kabesang Tales d) Kapitan Tiago
4. Isang Pilipinang walang pagpapahalaga sa kanyang lahi dahil minamaliit, tinutuligsa at tinatakwil ang kapwa niya
Indio.
a) Donya Consolacion b) Kapitana Tika c) Donya Victorina d) Kabesang Andang
5. Nawalan siya ng pag-asa nang pumasok sa monasteryo ang pinakamamahal na anak. Nalulong sa bisyo at
nawala sa katinuan.
a) Kabesang Tales b) Kapitan Heneral c) Mataas na Kawani d) Kapitan Tiago
6. Salungat ang Vice Rector na ito sa panukala ng mga makabagong mag-aaral sa pagbubukas ng paaralan sa
pagtuturo ng wikang Kastila.
a) Padre Irene b) Padre Sibyla c) Padre Camora d) Padre Fernandez
7. Pinakamaganda ang dalagang ito sa Tiani.Siya ang kasintahan ni Basilio.
a) Juli b) Paulita c) Sinang d) Isagani
8. Siya ay mahusay sa pakikipagtalo at matapang makipaglaban ng prinsipyo kaninuman.
a) Makaraig b) Basilio c) Isagani d) Placido Penitente
9. Isa siyang mayaman at makabagong mag-aaral na bukas ang tahanan sa kanyang kapwa.
a) Makaraig b) Basilio c) Isagani d) Placido Penitente
10. Siya ang napakayamang mag-aalahas na kaibigang matalik ng Kapitan Heneral.
a) Mr. Leeds b) Sinong c) Simoun d) Ginoong Pasta

PAALALA: Maaring gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga tanong.

VI. Sanggunian para sa Mag-aaral

Dedped Learners Module/ Teachers Guide/Deped Most Essential Competencies/ www.google.com/


www.wikipedia.com./Batikan

Inihanda ng mga guro mula sa Baitang Sampu

Ikaapat na Markahan FILIPINO 10 4|Page

You might also like