You are on page 1of 6

EL

FILIBUSTERISMO
ANG PAGHAHANDOG
Ang aklat o nobela ay inihandog ni Rizal sa alaala
ng mga paring sina Mariano Gomez, Jose Burgos
at Jacinto Zamora na kilala sa taguring
Add your title
Gomburza. Sila ay inakusahan ng pag-aaklas
laban sa pamahalaang Espanyol kung kaya't
pinatawan ng parusang kamatayan sa
pamamagitan ng pagbitay. Ang kanilang
kamatayan ay tumatak sa isipan ni Rizal na ayon
sa kanya'y hindi makatarungan.
ANG TEMA
Tulad sa Noli Me Tangere, hinangad ni Rizal na ibulgar ang
kasalukuyang sitwasyon ng Pilipinas sa buong daigdig sa
pamamagitan ng El Filibusterismo. At gaya ng dati, ang mga
isyung kaniyang idinadaing ay: ang pangangailangan
Add your title
ng
pagreporma sa edukasyon, ang mga paniniwala at
pamahiing nagkukubli sa likod ng relihiyon, ang mga pang-
aabuso ng mga paring Espanyol, ang katiwalian ng mga
namamahala sa gobyerno, at ang pagpupumilit o
pagkukunwari ng mga Pilipino at Espanyol na makatuntong
sa altasosyalidad ng lipunan. Sa El Fili, gumamit si Rizal ng
satiriko at karikatura subalit may limitadong katatawanan. Sa
kabuuan, ang kaniyang pagtrato sa bawat sitwasyon ng mga
Ang pinakatema ng El Filibusterismo ay nakatuon sa
modelong pamamaraan ng pagkamit ng pagbabagong
panlipunan. Karamihan sa mga kabana nito ay
naglalaman ng mga pagtatalong tila kumunoy
Add your title
na
naglulubog kay Rizal sa kaniyang kumukupas na pag-
asa at layuning magkaroon ng reporma laban sa
malaon at matinding pagtutol sa rebolusyon. Subalit
ang huli'y tila siyang nakapangyari sa dahilang ang
nobela ay nagtapos sa kabiguan ni Simoun na ibagsak
ang pamahalaang Espanyol sa pamamagitan ng isang
rebolusyon at sa paghatol ni Padre Florentino na ang
kalayaan diumano ay dapat na makamit nang walang
Gayon man, nagtatalo ang ilang iskolar na ang pagtutol
ni Rizal sa pag-aaklas ay dahil sa hindi organisadong
rebolusyon ng mga taong kapos sa edukasyon kung
kaya't napakaliit ng katiyakan ng tagumpay
Add your title
at mauuwi
lamang sa walang kwentang pagdanak ng dugo. Sa
komento ni Rizal, ang isang marangal, makabayan at
pagsasakripisyo ng isang tao gaya ni Elias sa Noli(na
maaaring naging mahusay na pinuno ng rebolusyon)ay
tila higit na makatuwirang dahilan na sinuportahan ni
Rizal ang isang armadong pakikibaka sa kabila ng
kaniyang paghahangad sa reporma nang walang
dumadanak na dugo. Sa anomang sitwasyon, ang
diskusyon sa posibleng pagkakamit ng pagbabagong
panlipunan ay nagpapatunay na ginawa ni Rizal ang
iba't ibang paraan at naglaan ng maraming
konsiderasyon. Add your title

You might also like