You are on page 1of 18

Unang Tagpo

Setting: Sa Ibabaw ng Kubyerta


(Lights on: 3 Yellow, 3 Red).
Musika: Kakantahin ang Anak ng Ilog Pasig ng mga tauhan.
Tagasalaysay: Umaga noon ng Disyembre ng pumalaot ang Bapor Tabo na sapagkat ito ay
hugis tabo sinasabing ito ay mapagpanggap daw. Subalit kahit ano pa ang ipintas rito,
sinasakyan pa rin ito ng mga pobreng mamamayan na labis na nakauunawang kung siya ay may
kapintasan, sila man ay mayroon ding kasiraan. Kapag nakita mo ang Bapor Tabo, pabuga - buga
ito ng itim na usok, malakas kung sumipol. Nahahati sa dalawang bahagi ang Bapor Tabo, ang
ilalim at ang ibabaw. Makikita sa ibaba ang mga Indio, Chino at mestizo na pawisang
nagsisiksikan katani ng mga baul at kalakal. Makikita naman sa itaas na maginhawang nakaupo
ang ilang prayle, ilang nakadamit pang Europeo at ang ilang kawani na hititan ng hititan ng
takbo habang kwentuhan ng kwentuhan at nagmamasid masid sa napakalinaw na tubig.
Tingnan natin ang mga pangyayari sa Bapor Tabo.
Donya Victorina: Ano ba naman ito? Kay bagal bagal ng takbo ng Bapor. Nakasisira sa ganda
ng Kalikasan ang mga Indio na nagsisipagligo at nagsisipaglaba. Dapat ay walang mga Indio sa
pampang, dapat ay walang Indio sa Lipunan, dapat ay walang Indio sa alinmang bahagi ng
sandaigdigan. (Hihinto sa pagsasalita ang Donya dahil sa pagkapahiya sa dahilang
walang pumapansin sa kaniya).
(Mahabang katahimikan. Si Ben Zayb ang bumasag sa nakabibinging katahimikan).

Ben Zayb: Ang katalinuhan ng mga syentista ang gusto kong bigayan ng pagpapahalaga. Kung
walang mga ekspertong syentista, wala tayong pag unlad Padre Camorra at lagi nang
magtatatakbo ang mga marinero sa silangan at kanluran upang itusok lamang ang tikin sa
buhanginan.

Padre Camorra: Magtigil ka Ben Zayb! Kailangan lang ng mga mamamayan ang sapat na
karanasan kung paano mapapaganda ang Ilog Pasig.
Ben Zyab: Diyan ako hindi hanga sa iyo Padre Camorra. Dapat mong isiping malaking suliranin
ang liku liko at mabuhanging Ilog Pasig.
(Sisisngit si Padre Salvi sa usapan)

Padre Salvi: Teka, teka, teka, huwag kayong maggiriang parang mga manok sa sabungan at
baka kayo ay magkasakitan. Kaunting lamig ng ulo. Kaunting pag unawa sa ibat ibang punto
de vizta Ben Zayb, tama si Padre Camorra (puputulin ni Ben Zayb ang pagsasalita ni Padre
Camorra).

Ben Zayb: Putris na! napakalaking problema, sasagutin ng simpleng karanasan? Nahihibang na
ba kayo Padre Salvi?

Simoun: Mga simpleng problema yan na nangangailangan lang ng lohika mga kasama.
Humukay ng isang tuwid na kanal buhat sa bunganga ng ilog hanggang sa labasan at paraanin
sa Maynila, magbukas ng isang bagong ilog sa pamamagitan ng paggawa ng kanal at sarhan ang
dating ilog Pasig. (Ang mga nakatingin sa kanya ay pawang mga nagtataka).

Don Custodio: Ngunit saan kukuha ng ibabayad sa manggagawa?


Simoun: Walang magugugol, Don Custodio, dahil mga bilanggo ang gagawa.
Don Custodio: Walang sapat na bilanggo!
Simoun: Kung gayoy piliting gumawa ang mga mamamayan, bata man o matanda!
Don Custodio: Kaguluhan lamang ang ibubunga niyan!
Simoun: (Tatalikod) Mga kaguluhan, ha! ha! Tao kayo, akala koy lalo kayong nakauunawa sa
kasaysayan!
Don Custodio: Ang lupaing ito ay hindi miminsang naghimagsik, sa mga panahong ang mga
tagarito ay pinipilit na maghakot ng malalaking kahoy upang gawing mga daong, kung hindi
dahil sa mga pa (Puputulin ni Simoun ang sasabihin ni Don Custodio)
Simoun: Ang mga panahong yaon ay malayo na, ang mga pulong ito ay hindi na muling
maghihimagsik, bigyan man sila ng lalong maraming gawain at patawan man sila ng lalong
mataas na buwis.
(Nang makaalis si Simoun).
Don Custodio: Isang mulatong Amerikano!
Ben Zayb: Indiong Ingles!

Ikalawang Tagpo
Setting: Sa Ilalim ng Kubyerta
(Lights on: 3 Yellow. 3 Red, 3 Blue).
Isagani: Alam mo ba Basilio na pinakiusapan ako ni Donya Victorina na hanapin ang kanyang
esposo na si Don Tiburcio?
Basilio: Pumayag ka naman dahil mahal mo si Paulita?
Isagani: Pero alam mo bang sa bahay ng tiyuhin ko nagtatago ang kaniyang esposo?
Basilio: Totoo ba ang sinasabi mo?
Isagani: Oo. Kaya nga ayaw niyang umakyat sa taas dahil alam niya na kapag pumunta siya
doon ay tatanungin siyang sigurado ni Donya Victorina
(Dumating ang mag-aalahas na sa Simoun at nakisalo sa usapan nang dalawang binata).
Simoun: Tila kayoy nagkakatuwaan. Basilio, ikaw ba ay pauwi na at magbabakasyon?
Basilio: Ganoon na nga po Ginoong Simoun.
Simoun: At sino naman ang iyong kasama? Kababayan mo ba siya?
Basilio: Hindi po Ginoo, ngunit magkalapit lamang ang aming bayan. Bakit Ginoo, hindi pa po ba
kayo nakakarating sa bayan nila?

Simoun: Sadyang hindi ako nagtutungo sa mga lalawigan dahil ang mga tao dooy hindi naman
bumibili ng mga alahas, sa aking palagay ay dahil sa mahihirap ang mga tao doon.
(Magsasalita si Isagani na medyo iritable).
Isagani: Sadyang hindi lamang kami bumibili ng mga gamit na hindi naman namin kailangan.
(Ngumiti ng pilit si Simoun ngunit bakas ang kanyang galit, ipapakita ang dalang serbesa).
Simoun: Bueno heto saluhan niyo na lamang ako sa pag-inom ng serbesa
Basilio: Salamat Ginoo, ngunit hindi kami umiinom ng alak
Simoun: Hindi umiinom? sabi nga ni Padre Camorra masama raw ang puro tubig ang iniinom.
(gumuhit ang inis sa mukha ni Isagani).
Basilio: Kung tubig lang ang iniinom ni Padre Camorra ay wala sigurong tsismis silang maririnig.
Isagani: Hindi tulad ng alkohol, ang matabang na tubig ay nakamamatay ng apoy. At kapag
tubig ay nagalit, iyon ay maaring lumawak at maging dagat na handang magwasak at pumatay,
kapag iyon ay pinainit at naging singaw ay handang tumunaw.
(Natigilan si Simoun at halatang namangha, tinignan ni Basilio ang dalawa saka siniko si Isagani)
Basilio: Ipagpaumanhin ninyo Ginoong Simoun, kamiy mauuna na sa inyo. Ang tiyo ng aking
kasama ay naghihintay na sa amin doon sa may dakong hulihan.
Simoun: Walang anuman. Pangarap, Basilio pawang mga pangarap!
(Nang makaalis si Simoun).
Basilio: Napakatapang mong sumagot kay Don Simoun.
Isagani: Ang taong iyan ay nakapanghihilakbot! Halos kinakatakutan ko!
Basilio: Siya ang tinatawag na Kayumangging Kardinal!
Isagani: Kardinal?
Basilio: Kamahal-mahalang itim kung siya mong ibig. Si Don Simoun ang sanggunian ng Kapitan
Heneral!

(Sa kabilang banda).

Kapitan: Padre Florentino hinihintay na kayo sa itaas.


Padre Florentino: Hayaan ninyo, at susunod na ako. May kakausapin lang ako. Akoy papanhik
na rin.
Kapitan: Padre Florentino! Halina sa itaas! Naroon sina Padre Camorra at Padre Salvi!
Padre Florentino: Salamat Kapitan sa inyong pagtawag, subalit (Nag aalangan).
Kapitan: Kung hindi kayo papanhik sa kubyerta ay iisipin ng mga prayleng ayaw kayong
makisalamuha sa kanila

Padre Florentino: Akoy susunod na lamang. Kakausapin ko lamang muna ang aking
pamangkin na si Isagani at akoy may ihahabilin saglit sa kaniya. (Lalapitan si Isagani) Isagani,
huwag kang aakyat ng kubyerta habang akoy naroroon, baka magpakalabis na tayo sa
kagandahang loob ng Kapitan! At ayokong isipin ng mga tao ang ganoong bagay sa atin.
Isagani: Opo! (Pag-alis ni Padre Florentino) Hindi iyon ang tunay na dahilan. Ang totooy ayaw
niyang makausap ko si Donya Victorina!

Ikatlong Tagpo
Setting: Sa Bahay ni Kabesang Tales
(Lights on: 3 Yellow, 3 Red).
Tagasalaysay: Anak na panganay ni Tandang Celo si Kabesang Tales. Sa tulong ng ama, asawa
at tatlong anak, nilinis nila ang isang bahagi ng kagubatan na abot tanaw sa bayan. Alam niyang
walang nagmamay ari nito kaya malakas ang loob niyang magsaka rito. Ulanin at arawin ang
nasabing lugar. Anong buhay nga ba mayroon ang pamilya ni Kabesang Tales?
Musika: Mahinahong maaliwalas na tugtog.
Huli: (Nagwawalis) Kuya sa iyong palagay, ako kayay makakapag-aral din sa Maynila tulad mo?
Tano: Aba oo naman. (Lumabas ng bahay si Tales at Tata Selo, lumapit si Huli at Tano kay Tales)
Tano: Ama, si Huli? Kailan kaya siya makakapunta nang Maynila upang mag-aral?
Huli: Kuya... (Nag aalangan).
Kabesang Tales: Sa isang taon.
Huli: Talaga ama?! (Niyakap ang ama).
Tano: (Nang aasar na tono). Alam mo ama iniisip na niya si Basilio sa mga oras na ito at ang
pangako sa kanya nito na pakasal sa kanya...
Huli: (Pinandilatan Tano) Kuya naman. (Sabay takbo ni Tano, hinabol siya ni Huli)
(Pagkaalis ng magkapatid).
Kabesang Tales: Maganda ang ani natin ama. (Nag aalala. Napabuntong hininga).
Tata Selo: Maganda? Ngunit ano ang iyong ipinag-aalala?
Kabesang Tales: (Naglakad upang tanawin ang lupain) Ang mga prayle ama. (Bumuntong
hininga)
Tata Selo: Magpaumanhin ka! Ipagpalagay mo na ang iyong salapi ay nahulog sa tubig at
sinakmal ng malaking buwaya at ang kanyang mga kamag-anak ay sumama sa kanya.
Kabesang Tales: Ngunit sila ay umaabuso na!
Tata Selo: Magpaumanhin ka!
(Dumating si Padre Camorra kasama si Padre Salvi at mga Guwardiya Civil)
Padre Camorra: Telesforo! Mabuti at nandito ka!
Kabesang Tales: Ano po ang naparito ninyo?
Padre Camorra: Kailangan mo nang magbayad nang buwis! Ang buwis ay dalawandaang piso!
Kabesang Tales: Dalawandaang piso?! Ngunit iyon ay napaka laki naman.
Padre Salvi: Kung hindi magbabayad ibigay sa iba ang tungkulin ng paglilinang dito!
Padre Camorra: Tama! Kung hindi ka magbabayad ang lupain ay ipalilinang ko na lamang sa
aking kasambahay.
Kabesang Tales: Ako ang nag-tanim at mag-ani dito.
Padre Camorra: Ngunit hindi sa iyo ang lupang nililinang mo!
Padre Salvi: Ito ay pag-aari ng korporasyon.
Kabesang Tales: Pag-aari? May kasulatan ba kayo na nag-papatunay na sa inyo ang lupang ito?
Padre Camorra: Meron!
Kabesang Tales: At nasaan naman iyon?!
Padre Salvi: At bakit mo kailangan makita?
Kabesang Tales: Hindi!
Tata Selo: (Bumulong sa anak) Anak huwag ka nang magmatigas.
(Bumalik ang magkapatid, tumabi sa kanilang Lolo).
Padre Camorra: Hindi bat tama ang iyong ama, Telesforo? Wala kang mahihita kung patuloy
kang mag-mamatigas.
Kabesang Tales: Handa akong makipag-usap.
Padre Camorra: (Bumaling sa mga Guwardiya Civil). Qu barbaridad! Kunin ang anak na lalaki
at gawing Guwardiya Civil
(Pinalo ng riple ang ulo ni Tata Selo at hinila si Tano).
Huli: Bitiwan niyo siya! Ama!!
Kabesang Tales: Hindi!
Tano: Ama! Huli! Aaahhh! (Aalis ang mga Pari at Guwardiya Civil)
(Bumalik ang mga Guwardiya Civil at sinabi kay Huli).
Guwardiya Sibil: Limang daang piso ang hinihingi ng aming pinuno! Kung hindiy mamamatay
ang iyong ama, binibini.
Huli: (Sa sarili). Saan ako kukuha ng limang daang piso? Ang mga alahas! Liban lamang itong
Agnos. Handog ito sa akin ni Basilio! (Hahalikan ang Agnos, isusuot ang Agnos) Ngunit itoy hindi
sapat. Tama! Mamamasukan muna ako kay Hermana Penchang bilang utusan.
(Lights off).

Ikaapat na Tagpo
Setting: Sa Sementeryo
(Lights on: 3 Red, 3 Blue, 3 Yellow).
Tagasalaysay: Si Basilio ay isang ulila. Nakita niya nang malagutan ng hininga ang kaniyang
ina, siya ang naglibing dito kasama ang isang misteryosong amerikano. Dahil sa ulila,
pinagsikapan niya ang makapag aral. May kakaibang talento siya. Magaling siya sa pag -
mememorya. Subalit dahil sa siya ay sakitin ay hindi niya nagagampanan ang trabaho, dahilan
upang siya ay mapalayas. Pinalad siya at kinupkop ni Kapitan Tiyago sa San Diego. Ngayong
nagbalik siya ulit sa San Diego, kaniyang pinuntahan ng palihim ang puntod ng ina.

Basilio: (Umikot sa isang puno at naupo sa tabi nito at parang naiiyak, si Basilio sa
kaniyang sarili). Matagal na rin nang huling punta ko rito. Naaalala ko pa rin ang mga
pangyayari, sariwa pa ang lahat sa aking isip. Parang kailan lang ang mga sakit na sinapit ko.
(Napatayo at napatingin sa isang ilaw na papalapit) ano iyon?! Si Ginoong Simoun! Ngunit
anong ginagawa niya dito sa libingan ng aking ina? (Magkukubli si Basilio sa puno).

Basilio: (Ipinasyang magpakita sa mag aalahas). Maaari ko po ba kayong matulungan,


ginoo?
Simoun: (Gulat na liningon ni Simoun ang tinig at may kung anong huhugutin sa
bulsa). Anong ginagawa mo sa gubat na ito?
Basilio: Sa aking palagay kayo po ang naghandog sa akin ng isang pakikiramay, ikaliligaya ko
kung akoy makatutulong naman sa inyo. (Kinasa ang rebolber at itinutok kay Basilio).
Simoun: At sa tingin moy sino ako? (Humakbang paurong).
Basilio: Isang taong ipinalalagay kong napakadakila, na patay na at ang tinamong kasawian ay
labis kong ipinagdaramdam.
Simoun: Isang nakamamatay na lihim ang iyong nalaman. Hindi mo ba naisip na dahil dito ay
maaari kang masawi sa aking kamay? Hindi ko akalaing ang lason na naiwan ay lubusan ng
kumalat sa lipunan! At ang mga kabataan! Wala ng ginawa kundi sumunod! Magpa-alipin! Hindi
pinakikinggan!

Basilio: Hindi Ginoong Simoun! Kung hindi dahil sa pag-aaral ng mga kabataan ng wikang
Kastila ay hindi tayo pakikinggan ng pamahalaan. At ang wikang ito ang magbubuklod ng
tuluyan sa mga Pilipino.
Simoun: Hindi kailanman ito magiging wikang pambansa!
Basilio: Ginoong Simoun, mali ang inyong iniisip.
Simoun: At ano ang iyong mahihita kung ikaw ay makakapagtapos?
Basilio: Ano ang nais ninyong gawin ko Ginoong Simoun? Kaya ko ba silang ipaglaban gayong
ako mismo ay wala! Isa lamang akong hamak na estudyante, wala sa buhay.

Simoun: Katulad ko ay may dapat ka ring singilin sa lipunan. Pinaslang ang kapatid mo at hindi
nabigyan ng katarungan ang pagkabaliw ng nanay mo. Kapwa tayo uhaw sa katarungan. Kung
papayag ka ay pumanig ka sa aking mga plano.
(Ngunit umalis ng payapa si Basilio. Nanatili si Simoun sa kanyang kinatatayuan.)
Simoun: Tama kaya ang aking ginawa
(Lights off).
Ikalimang Tagpo
Setting: Sa Bahay ni Hermana Penchang
(Lights on: 3 Yellow, 3 Red).
Tagasalaysay: Araw ng Kapaskuhan nang nagpasyang umalis si Huli upang magpaalila kay
Hermana Penchang. Hindi man payag si Tandang Celo ay pilit pa ring nagbingi - bingihan si Huli.
Kailangan niya ng malaking halaga upang matubos ang ama. Sinabi niyang dadalaw pa rin
naman siya sa tahanan kung may pagkakataon. Napipi ang Lolo ni Huli at ito ay nagging usap
usapan sa bayan. Ano nga ba ang naging buhay ni huli sa kamay ni Hermana Penchang?

Hermana Penchang: (Mabilis na dinadasal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos
seor de la peste Y de todo mal.
Huli: (Nauutal-utal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos seor de la peste Y de
todo mal.

Hermana Penchang: (Binatukan si Huli) Hay naku bata ka! Hindi ko alam kung ano ang
itinuturo sa iyo sa bahay niyo at hindi ka marunong magdasal! (Mabilis na dinadasal) Santo
Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos seor de la peste Y de todo mal.
Huli: Pasensya na po.

Hermana Penchang: Paensya?! Hay naku! (Mabilis na dinadasal) Santo Dios Santo fuerte
Santo inmortal Libranos seor de la peste Y de todo mal. Sumagot ka nga! (Kinurot si Huli).
Huli: Aray, aray. Opo. (Nauutal-utal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos seor de
la peste Y de todo mal.

Hermana Penchang: Sa bagay wala naman kasing babae sa bahay niyo! (Mabilis na
dinadasal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos seor de la peste Y de todo mal.
Huli: (Nauutal-utal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos seor de la peste Y de
todo mal.

Hermana Penchang: Kapag hindi mo nakabisado ang dasal na iyan hindi ka patatawarin ng
Diyos sa iyong mga kasalanan. (Mabilis na dinadasal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal
Libranos seor de la peste Y de todo mal.
(Lights off).
Ikaanim na Tagpo
Setting : Sa Bahay ni Kabesang Tales
(Lights on: 3 Yellow, 3 Red).
(Inilatag ni Simoun ang mga kahon ng alahas niya).

Simoun: (Lumapit kay Kabesang tales) Kayo wala ba kayong maipagbibili?


Kabesang Tales: Ang lahat ng alahas ng aking anak ay naipagbili na at ang natira ay wala nang
gaanong halaga.
Sinang: At ang Agnos ni Maria Clara?
Kabesang Tales: Tama!
Sinang: Iyon ay isang laket na may brilyante at esmeralda, isinuot iyon ng matalik kong
kaibigan bago siya nagmongha.
(Sinundan lamang ni Simoun ng tingin ang palakad-lakad na si Kabesang Tales, kinuha
ang laket at ibinigay kay Simoun).

Simoun: Ibig ko ang disenyo. Magkano mo ipagbibili? (Hindi umimik si Kabesang Tales)
Hermana Penchang: (Lumapit upang tignan ang kwintas) Ang mga nakakita kay Maria
Clara sa kumbento ay nagsasabing siyay payat na payat na, mahina at halos hindi na
makapagsalita kayat ipinagpapalagay ng lahat na siyay mamamatay na Santa
Kabesang Tales: Kung tutulutan ninyo ako ay pupunta lamang ako sa bayan upang isangguni
sa aking anak . Babalik ako bago dumilim.
(nagsialisan na rin ang mga tao, naupo si Simoun at naghintay)

(Close lights for 10 seconds)


(Open lights)
(kinuha niya ang lalagyanan ng rebolber niya ngunit isang sulat na lamang ang nakita
niya at ang agnos ni Maria Clara)
(Dim lights)

(Tinig: Ipagpatawad po ninyo, na sa sarili kong tahanan ay pinagnakawan ko kayo,


ngunit pangangailangan ang siyang nag-udyok sa akin. Ipinalit ko sa inyong rebolber
ang laket na pinagmimithian ninyo. Kailangan ko ang sandata sapagkat akoy sasama
sa mga tulisan. Ipinapayo ko sa inyong umiba kayo ng landas sapagkat kung kayoy
mahulog sa aming kamay, sa dahilang wala na kayo sa aking tahanan, ay hihingan
namin kayo ng malaking tubos. --- Telesforo Juan de Dios)
(Lights off).
Ikapitong Tagpo:
Setting: Sa Loob ng Silid Aralan
(Lights On: 3 Yellow 3 Red 3Blue).

(May natutulog na estudyante sa klase ni padre Millon)


P. Millon: Hindi mo alam ang leksyon ano?! TAMAD!
(Tumayo si Padre Millon )
Estudyante: Ang salamin ay anu mang makinis na bagay sa ibabaw na ginawa upang Makita
ang anumang Makita nag iharap dito. Nahahati ito sa dalawa, salaming metal at salaming bubog.
P. Millon: Kung ikay bibigyan ng kaputol na kahoy at masisinagan ng larawan ng mga bagay na
ilalagay sa harap, saang bahagi mo ilalagay ang bawat isa?
Estudyante: Marahil ay sa bandang itaas!
P. Millon: Ang layo ng sagot mo!
Juanito: (Pabulong) ang salaming kamagong kasama ng salaming kahoy!
(Matatawa ung buong klase dahil tinatapakan ni juanito ang paa ni pinetente at ito ay
napasigaw)
P. Millon: Ikaw Placido, hindi kita tinatanong ngunit ibig mong sagipin ang iba. Tumayo kat ikaw
ang sumagot sa aking mga katanungan.
(magsasagutan ang dalawa tungkol sa aralin ngunit ito ay nauwi sa ibang usapan)

P. Millon: Mas mainam ang tawag sa iyo na Placidong bulong! Labinlimang araw na liban! Isa pa
at magbabakasyon ka na!
Placido: Ngunit apat na araw pa lang akong liban.
P. Millon: Sa tuwing liliban ka ng isang araw, lima ang katumbas. Ilang ba ang limang
makalima?
Placido: Dalawamput lima po
Padre Millon: 3 beses pa lamang kitang nahuli.Ilan ang talong lima?
Placido: Labing lima po.

Padre Millon: Kapag lumiban ka pa ng isa ay lalabag ka na. Mamarkahan pa kita ng isang guhit
dahil di mo alam ang leksyon ngayon.
Placido: Alisin niyo na lahat ng marka ko sa araw na ito!
Padre Millon: Aba! At bakit?!
Placido: Hindi ko po maisip kung pano ang wala rito ay makapag uulat ng leksyon.
Padre Millon: Hindi ba pwedeng liban sa klase pero alam ang leksyon?
(Ihahagis ni placido ang libro sa harap ng guro)
Placido: sige! Ilagay mo na ang lahat ng guhit na gusto mo! Di na ko makatiis! Hinding hindi na
ako babalik sa klase mo. (galit)
(lalabas ng silid si Placido)
(Lights Off)

Ikawalong Tagpo
Setting: Sa Opisina ni G. Pasta
(Lights On: 3 Red 3 Blue 3 Yellow)

G.Pasta: (Tila walang ganang nakikinig ito at biglang tataas ang kilay na tila alam na
ang pakay nito) Mag-ingat sa aking kilos. Naway intindihin nyo ako. Wala akong
maipapangako..
Isagani: Ayaw naming kayoy mapahamak, wala akong nalalaman sa batas na pinapairal sa
ating bayan. Pareho ho tayong hangarin sa bayan ngunit magkaiba lamang tayo sa
pamamaraan.
G.Pasta: Mas mabuti kung tutulong tayo sa pagsunod sa batas.
Isagani: Hindi karangalan kundi katarungan at katwiran ang higit na matatag na sandigan!

G. Pasta: (Marahas na lilingon) Pili lamang an gang bumubuo ng pamahalaan at natatanging


mamamayan!
Isagani: (Kalmado paring nakangiti) Silay tao rin, nagkakamali at dapat din nilang dinggin
ang mga palagay ng iba. Walang perpektong tao!
G.Pasta: May iba pang dahilan ang pamahalaan kaya ipinagdadamot nya ang gusto ng mga tao.
Isagani: (Mapanglaw na ngiti) ang ibig nyong sabihin ? mali ang pagkatatag ng pamhalaang
kolonyal ? at nakasandig lang sap ala-palagay?
G.pasta: (Madidismaya) Maling kaisipan at simulain!
Isagani: Nagkakamali ho kayo, lagi nya hong sinasabi saken na isipin ang iba kaysa sa sarili.
Kayo ho akoy naririto ngayon.

G. Pasta: (Tatayo at mapapakamot sa ilong pagkatapos ay hahawakan sa balikat si


isagani at mapapatingin si isagani sa balikat nya na nahawakan ng kamay na ginamit
na pangkamot sa ilong) Hindi bat estudyante ka ng medisina? Kapag may lisensya na kayo,
mag-asawa kayo ng mayaman. (Ngingisi sabay ikukumpas ang kamay)
Isagani: Kapag pumuti na ang buhok ko (mapapahinto sa paglakad) at maisip kong ang mga
ginawa koy para sa sarili ko, ituturing kong tinik na ikahihiya ko ang bawat hibla ng puting buhok
sa ulo ko. (Sabay ngiti at yuyukod) Maraming salamat ho sa oras G. pasta! (Sabay aalis)
G. pasta: (Saka pa lamang lilingon pagkalisan ni isagani) kawawang bata! (mapapailing
habang nakangiti) datiy hinangad ko rin ang ganuon. Ngunit hindi nito mabubusog ang aking
tyan. tsk.. (mapapailing sabay may kukuning tinapay at kakainin ito at habang
ngumunguya ay sasabihing:) kaawa-awang bata..
[LIGHTS OFF]

Ikasiyam na Tagpo:
(LIGHTS ON: 3 Red 3 Yellow 3 Blue)
Tagasalaysay: Bumabati sa mga bisita si quiroga] Naghanda ng gabing iyon si Quiroga sa itaas
ng kanyang tindahan sa Escolta, na nangangarap na maging isang konsulado ng tsina sa
pilipinas. Maraming bisita ang dumalo kabilang na rito ang mga kakumpetensya nya sa negosyo.
Quiroga: (Biglang sisimangot at yuyuko) Maganda gabi ! (Patuloy na yumuyuko)
Simoun: (Tatango lang) Naibigan ba niya ang mga purselas? (Nakangiting wika nito)
Quiroga: (Lalong malulungkot at mapapakamot sa ulo) Naku! Ginoong Simoun! Akieng
lugi! Akieng hughog!
Simoun: (Tataas ang kilay habang nakangiti parin) ano? Ikaw ay lugi? Gayong marami ang
handa at iyong panauhin?
Quiroga: Hindi mo alam akieng hughog Ginoong Simoun (Nagmamaktol habang
nagmamaktol at dinadala si Simoun sa isang lugar)
(Lights Off)

Ikasampung Tagpo:
Setting: Sa Kwarto, Isang Pribadong Kwarto.
(Lights On: 3 Red 3 Yellow 3 Blue)

Juanito: Ang espingheng tinatawag sa ngalan na imuthis, isang pugot na ulong nagsasalita!
Mula ito sa ehipto at itinatanghal ng amerikanong si Mr. leeds!
Ben z: Isang espinghe? (Tatawa) pugot na ulong may espirito? Kalokohan! Marahil ay isang
optiko!
P. Camorra: Isa iyang dyablo! Isang demonyo, nakakasiguro ako!
Ben z: maniwala kayo, optiko lamang ang lahat. Maaaring gumagamit sila ng salamin,iyo nay
isang eksperimento sa pisika!
(Darating si Simoun)
Simoun: narinig koang inyong pinagtatalunan. Bakit di nyo nalamng saksihan ang palabas
upang malaman nyo ang katotohanan?
(Lahat ay tatango na nangangahulugang pagsang-ayon.
(Lights Off)

Ikalabing Isang Tagpo:


Setting: Perya sa Quiapo.
(Lights On: 3 Red 3 Yellow 3 Blue)
Tagasalaysay: Mailaw at maraming dekorasyon(parol) sa paligid ng perya, at maliwanag din
ang buwan. Makikita rin ang ibat-ibang tindahan.
(nagalalakad sina Ben Zayb napakaraming tao sa perya, makikita rin ang mga batang
tumutugtog ng tambol at flute, awiting konsyerto)
(namamanyakis si P.Camorra sa mga nakikitang babae at patuloy nalumilinga-linga sa
paligid)

P. Camorra: Naku! Kelan kaya ako magiging pari dito sa Quiapo?!


P. Camorra: (Magkukunwaring natisod sa babae at pasimpleng manghihipo) Naku iha,
pagpaumanhin mo na! (Tatango lang ang babae at aalis na)
Ben Z: (Mapapasigaw at mapapatalon sa gulat) Ay anak ka ng ina mong bisugo!
(Pinipigilan nya ito sa ginagawa sa kanya)
(Darating si Paulita na inaalalayan ni isagani kasama rin si Donya Victorina)
P.Camorra: (Bubulong) Isang tunay na magandang binibini! (Kukurutin muli si Ben Z.) At
ang mag-aaral pala na iyon ay kanyang iniibig!
Juanito: (Lalapit kina paulita) maganda ka. (Oo tila nahipnotismong bigkas nito) Este!
Magandang gabi sa iyo paulita at D. Victorina! (Iaabot ang kamay nito kay paulita ngunit
hindi nito iyon papansinin)
D.victorina: (Aabutin ang kamay ni juanito at nagpapa-cute na nagsalita) magandang
gabi din juanito (With matching beautiful eyes) ahehe (Kinikilig at di parin binibitiwan
ang kamay ni Juanito)
Paulita: Tayo na ho tiya (Mahinhin na wika nito at nagpatwina na sa paglalakad kasama
si Isagani)
D.victorina: Sige Juanito kamiy mauuna na (Beautiful eyes) sa muling pagkikita! (Tatango
lang si Juanito) (Tinititigan ni P.Camorra si Juanito at parang nahipnotismong
sumusunod ito sa kanila ngunit pipigilan sya ni Ben Z)

Ben Z: Hephep! (Hawak-hawak nito ang noo ni P.Camorra) Tayoy may pupuntahan pa.
P.Camorra: Magandang dalaga, tsk sayang hmm. (Gigil nito na kukurutin sana nito si Ben
Z)
Ben z: Oops - oops! Itigil mo na ang pagkurot sa akin padre! Bakit di mo subukang Kurutin mo
ang iyong sarili?! (Biglang may makikitang maliit na estatwang payat na pari at
nagsusulat sa ilalim ng parol at nakakalumbaba) ayun si P. Camorra! Hahaha!
(Magtatawanan ang lahat)
Ben Z: (Ituturo ang mga maliliit na estatwa) Itoy mga wala sa sining! (Iiling)
P.Irene: Maikli naman ang muka nito!
Don Custodio: May angking katalinuhan sa pag-iiskultor ang mga indiyo ngunit dapat na
paggawa lang ng santo ang kanilang harapin.
P.Irene: Asan na nga pala si Simoun?
P.Camorra: Baka naman natakot na pagbayarin natin sa pagbayarin natin sa palabas ni Mr.
Leeds! Kuripot!
Ben Z: Hindi, marahil ay natatakot na makisali sapagkat nalaman nyang ipapahiya natin ang
kababayan nya! Sinasabi ko sainyo. Totoo ang aking sinasabi! (Evil smile)
(Lights Off)

Ikalabingdalawang Tagpo:
Setting: Isang kwarto na may mga itim na kurtina at antigong lampara ang
tanging nagbibigay liwanag. Amoy insenso. Nakakatakot na atmospera. Ang
lamesa ay may itim na tela at sa magkabilang gilid ay napapalimutian ng bungo ng
tao.
(Lights On: 3 Red 3 Blue 3 Yellow)

Ben Z: Ngayon ginoo (Nagyayabang) wala namang indiyong makakarinig at madaling lokohin,
pwede bang ipakita mo sa amin ang kadayaan? (Kinakalabit ito ni P. Camorra na tila takot
na maaaring totoo ang palabas athindi dahil sa salamin)
Mr. leeds: Bakit hindi ginoo? Bastat wag nyong sisirain ang anuman!
(pupuntahan nila Ben Z. ang tanghalan at itinaas ang telang itim at kinapa-kapa ang
lahat ng lugar sa lamesa ngunit wala itong makapa).

P. Camorra: Oh? Asan na ang mga salamin?


Ben Z: Putris!
Mr. Leeds: Kung salamin ang hinahanap nyo, mayroon ako sa aking hotel. Nais nyo bang Makita
ang inyong mga sarili, parang namumutla kayo?
Mr.Leeds: (Babalik ang kahon sa harap) ang kahong ito ay naglalaman ng isang abo at isang
papel na may sulat. Maaari nyong tignan ngunit wag nyong hingahan sapagkat ang kabawasan
ng abo ay pagkasira ng ulo! (Tinignan nila isat isa at lahat ay pigil sa paghinga habang tinitignan
ito)
Mr. Leeds: ESPINGHE! Magsalaysay ka kung sino ka!
Imuthis: (Isang malalim na boses) ako si Imuthis, isinilang sa panahon ni Amasis, at napatay
noong pamumuno ng mga persyano habang si Cambyses ay pabalik mula sa bigo nitong
pagsakop sa Libya.// Tapos na ko sa pag-aaral at pauwi na ko sa bayan ng gresya, asirya at
persya nang ako ay ipatawag sa hukuman ni thot//. Bunga iyon nang dumaan ako sa babilonya at
matuklasan doon ang kagimbal-gimbal na sekreto ng huwad na smerdis, ang impostor na
tagapamahala na si gaumata.// Sa takot na ipabatid ko kay Cambyses ang lahat, ginamit ni
gaumata ang mga paring ehipsyano para ipahamak ako. Makapang yarihan ang mga paring ito
sa aming bayan, may-ari ng ikatlong bahagi ng mga lupain doon at hawak ang kaalaman ng
syensya. Pinagdamutan ng karunungan, pinanatiling mangmang at itinuring na mga hayop ang
mga mamamayang palipat-lipat sa kanilang mga kamay. Nagpagamit sila kay gaumata dahil sa
takot na ibunyag ko ang panlilinlang sa bayan ng mga ito. Kinasangkapan nila ang isang
kabataang pari ng Abydos na inakala ng lahat na isang santo!

Mr. Leeds: At ano ang mga pakana ng mga pari laban sa inyo? (Usisa ng amerikano)

Imuthis: (Nagpalahaw sa dalamhati ang ulo, dama ng mga naroon ang kasawiang-
palad nito) ay! Minahal kong isang babaing anak pala ng pari. Pinagnasaan din pala ito ng
kabataang pari ng Abydos. Para isangkot ako, nagtanghal siya ng isang huwad na pag-aalsa na
isinabay sa pagbalik ni Cambyses at dahil talunan ito ay pinaghaharian ng poot sa kalooban.
Binansagan akong rebelde, saka dinakip at ibinilanggo. Swerteng nakatakas ako, ngunit hinabol
at pinabaril ako sa lawa ng Moeris. Nalaman ko na lamang na nagtagumpay ang sabwatan, pati
ang araw at gabing pagtatangka ng kabataang pari ng Abydos sa birhen kong kasintahang
nagkubli sa templo ni isis sa isla ng philoe nakikita ko siya ng kawalang-pag-asa hanggang sa
tila isang kaawang-awang kalapating binabantaan lagi na dagitin ng isang dambuhalang paniki!
Ngayong nagbalik ako mula sa kamatayan, pari ng Abydos.. ilalantad ko ang lahat ng mga
kabuktutan mo, paninirang-purit kalapastanganan sa diyos. Isa kang mamamatay-tao! (evil
laugh, makikitang nangnginig sa takot at pawis na pawis si Padre salvi)

P. Salvi: Huwag! maawa ka.! (mabilis na pinuntahan ni p. ireen si p. salvi na


hinihimatay)
Imuthis: (Patuloy na wika ni Imuthis habang humahalakhak) Mapanirang-puri!
Lapastanganan sa Diyos! Mamamatay-tao!
P. Irene: (nagmamagaling) Binawalan ko siya, wag kumain ng sopas na iyon! Masama yon sa
kanya!
Don Custodio: Hindi yon ang ikinahimatay niya! Titigan ka ba naman ng ulo?
Mr. Leeds: (Hindi ipinakita na bumalik sa pagiging abo ang ulo, basta na lamang
nyang isinara ang kahon at tuwang-tuwa na nagpaalam) At dyan na tatapos ang palabas!
Magandang gabi sa lahat! (Aalis)
(Lights Off)
Ikalabing tatlong Tagpo:
Setting: Makikita si placido na naglalakad sa lansangan (Tulay) na makikitaan ng galit
at ngitngit na ekspresyon ng mukha habang nakakuyom ang kamay. Binabangga ang
lahat ng makasalubong na tila naghahanap ng basag ulo. Makikita nya si P. Sibyla at
Don Custodiio na lulan ng isang karwahe at tititigan nya ito ng masama habang
lumilisan, gigil na gigil sya dito.
(Lights On: 3 Red 3 Blue 3 Yellow)

Placido: Sabi nila di ako marunong maghiganti! Tignan nalang natin kung ano ang kanilang
sasabihin kapag silay tinamaan ng kidlad! (wika nito habang papasok sa kanyang
tinutuluyan)
Placido: Makikita lang nila! (Na wariy may kinakausap habang kumukumpas) ma (May
sasabihin pa sanang muli ngunit may nabangga sya) ma(Makikita ang ina)
magandang araw ina. (Malungkot na bati nito)
Kabesang Andang: magandang araw rin aking anak (mapapansin ang kalungkutan ng anak)
Tila ikay may dinaramdam? Magkwento ka sa akin. (Wika nito nang may pag-aalala habang
nakangiti)
Placido: Nakakainis ina ang mga tao sa aming eskwelahan, napapagod na ko sa lahat! (Aaluin
lang ito ng ina ngunit nakangiti parin) At iyan! Si Kapitana Simona! Na porket nakapasok sa
seminaryo ang kanyang anak ay akala mo kung sino nang Obispo na naglalakad sa sariling
bayan! (Galit parin si Placido)

Kabeasang Andang: (Tatawa sa pag-aakalang nagbibiro ang anak ngunit mapapansin


ding totoo ang ipinapakita nito) Nangako ako sa iyong ama na palalakihin kitat paaralin
hanggang sa maging abugado ka. Ay! Ano na lang ang sasabihin ng ama mo kapag nagkita kami
sa langit? (Umiiiyak na wika nito) Tiisin mo ang hirap, ibabalik kita sa unibersidad ng
Sto.Tomas sa tulong ng mga abugadong Agustino! (Pasigaw at paiyak na wika nito)
Placido: At ano po ang mapapala ko kung akoy abugado na! Ibig kong maging Malaya
mabuhay na Malaya! (Wika nito na may kasaamang drama at umalis na iwan ang inang
umiiyak)
(Lights Off)
Setting: Sa Perya. Aalis na sana si Placido ng makita si Simoun.
(Lights On: 3 Red 3 Blue 3 Yellow)
Placido: Nais kong umalis dito, pumunta ng Hongkong at duon magpayaman! Nais kong maging
Malaya!
Simoun: Magaling! Sumama kayo sa akin sa kalye Iris.
Setting: Sa isang liblib na kagubatan na may kubong may malaking bakuran.
Maraming nakakalat na putol putol na kawayan. May isang lalaking baba mula sa
kubo.
(Lights On: 3 Red 3 Blue 3 Yellow)
Simoun: Nariyan na ba ang pulbura? At ang mga bomba?
Lalaki: Nasa sako na hinihintay ko na lang ang mga lalagyan. At handa na ho ang lahat.
Simoun: Kung gayon, lumakad ka na ngayon gabi at sabihan mo ang tenyente at corporal.
Sisigaw ka ng kabesa at sasagot iyon ng tales. Kailangan ko na siya rito bukas. Hindi tayo dapat
mag-aksaya ng panahon. (Bibigyan ni simoun ang lalaki ng gintong salapi) At isasagawa
ito sa darating na linggo!

Lalaki: (Matataranta) ngunit, Hindi pa po handa ang mga nasa karatig.


Simoun: Hindi na natin sila kailangan. Pag natagalan pa, baka mamatay na si Maria Clara.
Lumakad na kayo ngayon. (aalis na ang lalaki at lilingon si simoun kay palcido na tila
sindak sa narinig at nasaksihan. Lulunok sa kaba si palcido)
Simoun: (Habang naglalakad at sinusundan ni Placido) Siguroy, nagtataka ka na ang
Indyong umalis ay mahusay magsalita ng kastila? Ipinatapon siya sa bintang na naggugulo sa
bayan dahil naging kaibigan nya ang sawinpalad na si Crisostomo Ibarra.
Ikalabing Apat na Tagpo:
Setting: Ika pitot kalahati ng gabi sa Les Cloches De Corneville (Isang malaking
entrada ay may mahabang pila) ay may palabas na gaganapin ngunit siksikan ang
mga pumapasok dahil sa dami ng gustong makapanuod at ubos na ang tiket. May
naglalakad na isang payat at matangkad na mabagal ang usad. (WARTHROBE) ang
isang paa nito na di maibaluktot (Camaroncocido) at kutis-pula, maruming amerikano
at manipis na pantalon sapagkat isa itong pulubi, nakasumbrero rin ito na may puting
kulot na buhok. Lalapit ang isang pandak, kayumanggi, may mahabang balbas,
maputing manipis na bigoteng pahaba, may Sumbrerong De Kopa, pantalong putol
hanggang tuhod at patpatin na mas matanda sa kanya (Tiyo Quico).

(Lights On: 3 Blue 3 Red 3 Yellow)


Bulungan: Tunay na magaling daw ang artistang babae!
Tiyo Quico: (Di sadyang mababatukan ang kaibigan) Kaibigan! Alam mo bang binayaran
ako ng mga pranses na tinulungan kong mag-anunsyo ng kanyang palabas! (Galak na galak na
wika)

Camaroncocido: Alam mo Quico, kalahati ng tao ay tinatangkilik ang palabas dahil ipinagbawal
iyon ng mga prayle. Yung kalahati naman ay iniisip na mabuti at maraning matutuhan duon kung
ipinagbabawal ng mga prayle ang palabas. At hindi iyan binabasa ng mga manunuod, at iyong
tinutukoy ko saiyo ang ginagawa nilang basehan. (Aalis si Tiyo Quico na may binubulong na
di maintindihan, lilibot nalang muli si Comaroncocido nang may nakita syang
maraming bagong dating. Kikindat ang isang lalaki sa kanya kaya kukunot ang noo
nya ngunit paglingon nya ay ang dalaga pala na nasa likod nito ang kinikindatan
nitokayat mapapangiti nalang sya at mapapailing.nagpatuloy lang sya sa paglalakad
ng makakita ng apat na military na nagpupulong, aalis na sana sya nang makitang
may isang lalaking bumaba sa karwahe na nakilala nyang si simoun na nilapitan ng
militar kayat nakinig sya sa pinag-uusapan ng mga ito)

Simoun: Ang hudyat ay isang putok! (Tumango ang militar at umalis na rin si simoun)
Camaroncocido: Kaawa-awang bayan! (Iiling na lamang-alis na sa scene)
(Panay parin ang dating ng mga manunuod. Makikita si Tadeo na kasama ang isang
baguhan na si Descartes na isang indyong mangmang sapagkat gaing itosa isang
lalawigan.
Tadeo: (Nagyayabang) Ah, (Ngunguso) iyon si Pepay isang mananayaw. Pinagbawal na
sumayaw ngunit pinipilit parin na magsayaw. ayun naman ay si Ben Zayb isang manunulat na
matalinong kaibigan ko. (Nakangisi, kapag may bumabati sa kanya) isa iyang hepe sa isang
opisina, oo ayan din! (pag-hindi naman sya pinapansin) ah isa lamang yang hamak na
kawani, isang walang kwentang tao. (At kung sino-sino pang tinuturo)

Macaraig: Manonood ba kayo?


Tadeo: Naubusan na ko ng tiket..tsk..(Nailing na wika nito)
Macaraig: Halika nat sumama sa amin, hindi makakasama si basilio kaya saiyo na lang ang
kanyang tiket. Tara! Ikaw ginoo hindi ka ba sasama, halika nat sumama sa amin.
Descartes: Ah! Hindi na,bigla kasing sumakit ang aking tyan..ahe-h.
Macaraig: Kung gayoy di kana mapilit, kamiy magpapatwina na! a Diyos! (Aalis na)
(Lights Off)

Ikalabing Limang Tagpo:


Setting: Sa loob ng Teatro. Nahahati ang lugar sa dalawang pwesto.ang entablado at
ang mga lugar kung nasaan ang mga upuan. Maingay sa loob dahil sa kainipan ng
mga manunuod, maramiing nagsisitayuan. May dalawang upuan na nakareserba ang
tanging hindi nauukupahan. Ang mga estudyante ay nasa tapat ng upuan ni pepay na
binigay ni macaraig para kay pepay. Mapapahinto ang lahat matatahimik, mapapalitan
ng Marcha Real ang pagtugtog ng balse dahil sa pagdating ng kapitan heneral,
titingin ito sa paligid at lahat ay tatango. Sa kabilang banda. Darating si Sandoval at
lalapit kina Macaraig. Tutugtog muli ng isang Orchestra matapos umupo ng Kapitan
Heneral at bilang pabungad na tugtugin.
(Lights on: 3 Red 3 Yellow 3 Blue)
Sandoval: Ano nang balita?
Macaraig: Nagkasundo na kami ni Pepay.
Sandoval: Mapapagtibay na rin ang ating petisyon!
Pecson: (Mapapangiti) Mabuti (Matutuwa ang lahat ngestudyante magkakamayan ang
lahat)
Tadeo: makakakita tayo ng kaakit-akit na sayaw! Magsasayaw sila ng can-can! Macaraig! (tila
sabik na sabik at pinagkikiskis ang dalawang kamay. Ngingiti ang mga estudyante
samantalang si isagani ay iniiwasan ang manuod at baka Makita sya ni paulita ngunit
masminabuti nya na manood nalang upang hindi Makita ang dalaga dahil nasasaktan
sya)

Tadeo: Ang tagal naman ipalabas ang pagsayaw nila ng cancan!

Sepolette: Hein! Qui parle de Serpolette? (Naghahamong tanong nito)


(Papalakpak si Padre Irene na nakabalat-kayo, may huwad na bigotet may mahabang
ilong. At lahat ay susunod sa pagpalakpak)

Tadeo: (Titignan ang nginingitian ni Serpolette) Diyos ko po! Si Padre Irene yun ah!
(Hininto ni Serpolette ang pag-arte at pag-awit, pupuntahan ni Serpolette si Padre
Irene at yayakapin si Padre Irene sa braso.pilit na niyuyugyog si Padre Irene upang
tanggalin ang balat kayo at tarantangtaranta si Padre Irene na binulong)

P. Irene: Sshhh!! Ssshh!! Igalang mo ko Lily! Ako ang santo papa rito! (Bibitawan sya ni
Serpolette at magpapalakpakan ang mga tao)
(Nadismaya ang mga estudyante ng bumalik si sepolette at huminto na ang tugtogin.
Sabay sabay na babagsak ang balikat ng mga estudyante si isagani lang ang tila
malalim ang iniisip)

Mga estudyante:Haaaay!!!!! Tila wala namang Can-can!


(Sa pwesto nila paulita: pasimpleng tinititigan lamang ni paulita si isagani.
Samantala, si Donya Victorina ay nagpapa-cute kay Juanito na pumapalakpakat
tumatangona wariy nauunawaan ang napapanuod.
Juanito: (Lilingon kay Paulita) alam mo paulita..
Paulita: (Ngingiti ng pilit) wala ka pang sinasabi kayat paano ko malalaman? Hehe? Ano
iyon? (Walang ganang wika nito)
Juanito: Kasi alam mo. Paulita di ko na kelangang tumingin o manuod ng palabas na ito upang
makakita ng maganda.
Paulita: Bakit? (Tataas ang kilay)
Juanito: Kasi aanhin ko pa ang mga kagandahan nila na sinusulyapan mula sa kalayuan kung
meron namang mas malapit at mas magandang nasa tabi ko. (Ngingiti ng kay tamis si
juanito at mamumula si paulita at tatakpan ang mukha sabay sulyap kay isagani na
biglang kanyang kinainisan sapagkat tutok na tutok ito sa pinapanuod)

Donya Victorina: Ikay tunay na maginoo Juanito. (Malanding bigkas nito sabay
hahampasin si Juanito, matutumba si Juanito paharap) hehehe..
(May darating na dalawang mag-asawa)

Senyora: (Tila matapobreng tinignan ang paligid ng teatro) huli akong dumating sa
inyong lahat! Mga hampas lupat probinsyano hmp! (Mataray na wika nito sabay uupo
kasama ang asawa nito)
(Magiging tila isang palengke ang entablado na may lalabas na tatlong banderitas na
may nakasulat na servants, cochers at domestiques. Makikita si Juanito na tila
nagpapaliwanag kay D. Victorina at Paulita.

D. Victorina: Ang galingmo talaga Juanito (kinikilig) ang husay mo mag-pranses, buti ka pa,
pero aking asawang si tiburcio ay di man lamang marunong.
(Nang matapos ang unang pagtatanghal ay nagdumugan ang iba sa may sild-bihisan
ng mga artista at ang iba naman ay mananatili)
Ben Z: Pweh! Wala ni isa man sa kanila na tawaging artista!
(Kumuha ng pagkakataon rito si Macaraig upang kausapin si Pepay.Maiiwan si
Sandoval, Pecson at Isagani sapagkat umalis din si Tadeo upang kausapin si Don
Custodio. Lalapitan ni Macaraig si pepay at may iaabot itong sulat. Matapos makipag-
usap ni Macaraig kay Pepay ay nag-uusap ang mga estudyante. Hawak-hawak nito
ang isang papel na inabot at binasa ni Sandoval.

Sandoval: Wala naman akong makitang masama sa sulat, kabaliktaran pa nga!


Macaraig: Pinagtibay ang ating kahilingan; pero nagkita kami ni Padre Irene. (Malungkot na
sabi nito)
Pecson: Oh? Anong sabi nya?
Macaraig: Sinunod ng komisyon ang pasya ng taga-pamagitan! Pero nang-iinis yata nang batiin
tayo sa ating pagkamakabayan at kagustuhang matuto! (Tagis bagang na wika nito)
Tungkulin rin natin ang pagbibigay nyon sa mapipiling mamahala, reresibuhan naman daw
tayo!!!!

Pecson: Sandoval (Inis na iwinika nito sabay haggis sa mukha nito ang isang medyas
na sinalo naman di sandoval) ayan na ang guwantes! Ang hamon.
Macaraig: Magpasalamat daw tayo sa mga taong tumulong sa ating tagumpay!
Pecson: Sige tayo ay magdiwang! (Tatawa ng pillit)

(Pumalakpak si Sandoval at nagsitango ang lahat bilang pagsang-ayon. Nang


tumunog na ang Orchestra bilang hudyat ng ikalawang palabas ay nagsi-alisan na ang
mga mag-aaral.
(Lights Off)

Ikalabing Anim na Tagpo


Setting: Sa ospital. Isang silid na kung saan nakahiga si Kapitan Tiyago na tila isang
bangkay. Makikita si basilio na nagbabasa nang isang libro sa ilalim ng mesa na may
lampara. Makakarinig ng yapak ng paa palapit sa kinaroroonan ni basilio. Bubukas
ang pinto at lilingon si Basilio at ibaba ang libro.
(Lights On: 3 Red 3 Yellow 3 Blue)

Simoun: Makinig kayo sa akin! Mahalaga ang bawat sandali. Sa loob ng isang oras, sa isang
senyas ko, magsisismula na ang himagsikan. Magsasara ang unibersidad bukas dahil ang
makikita nyo ay labanan at patayan lamang.
Basilio: (Mapapa-isipna tila naguguluhan) kamatayan o kinabukasan ko? (Napapailing sa
kalituhan)
Simoun: Hawak ko ang lakas na magpapakilos sa ating pamahalaan! Huling alok ko na ito:
papanigkayo sa amin o masalanta sa poot ng aking mga tauhan? Kailangan may panigan kayo sa
oras na ito!
Basilio: (Biglang may maaalala) si Maria Clara?
Simoun: Oo, iligtas ninyo siya para sa akin (May pagsusumamo ang mata nito at boses)
sinikap kong mabuhay at makabalik sa aking bayan para lamang iligtas siya. Kailangang isagawa
ang himagsikang ito na magbubukas ng mga pinto ng kumbento!
Basilio: (masasapo ang ulo) ginoo, ngunit..ngunit.. patay na si maria clara kanina pang alas
seis ng hapon! (tila nakikiramay na wika nito)
Simoun: (Sarkastong tawa nito at biglang sisigaw) hindi totoo yan! Buhay ang aking
mahal! Buhay si Maria Clara! Gusto nyo lang akong linlangin para makaiwas sa paghihimagsik.
(Yuyugyugin ang balikad ni basilio) kailangang iligtas natin siya o mamamatay kayo
kinabukasan! (Galit na sigaw na ito)
Basilio: (Tataliwas ang tingin) ilang araw na pos yang maysakit. Bumisita ako sa kumbento at
nabatid ko ang nangyari. (Hahawakan niya ito sa braso habang gulat na nakatulala ito na
maluha-luha)

Simoun: (Pasigaw at hinila ang kwelyo ng damit ni Basilio) KASINUNGALINGAN!


Basilio: (Pipigilan ito ni Basilio at Kukunin niya ang sulat sa libro nya na kaipit dito at
iaabot kay simoun) basahin nyo ang sulat na ito ni padre salvi na hatid ni padre Irene kay
kapitan tyago. Magdamag na umiyak ang maysakit.
Ngayon pong hapon tinugtog ng kampana ang agunyas para sa pagyao ni maria clara!
Simoun: (Sinapo ang ulo ng buong higpit)

Musika: MV Part of Your World (Maria Clara at Simoun)

Simoun: (Umiiyak) Mahal ko bakit di mo ko hinintay! Buhay ako mahal ko! Nangako ako na
babalikan kita.. nangako ako..ngunit di ko matutupad iyon sapagkat ikay lumisan na!! mahal ko!
(umiiyak parin)

(Lights Off)

Ikalabingpitong Tagpo

Musika: MV Nais Ko! (Isagani at Paulita Gomez)

(Lights Off)

Ikalabingwalong Tagpo:
Setting: Sa Panciteria De Macao. May naka-paskil sa dingding kasama ng mga
dekorasyon sa loob ng resto na nakasula: LUWALHATI KAY CUSTODIO DAHIL SA
KANYANG KATUSUHAN AT PANSIT SA LUPA PARA SA MGA BINATANG MAY MABUBUTING
KALOOBAN!
(Lights on: 3 Red 3 Yellow 3 Blue)
(Labing apat silang estudyanteng naroon at wala si Basilio. Makikitang lahat ay pilit
ang kilos tulad ng tawanan at tuksuhan. Lahat ay sinusuri ni Sandoval. Babasahin nya
ang babala sa may pintuan)

Macaraig: Magtalumpati ka Tadeo!


Tadeo: (Parang nagulat at nataranta) Ehem, ehem..mahal kong mga kasama sa proyekto.
(Wika nito habang ikinukumpas ang pang-ipit ng apgkain na sumasabit sa ulo ng
katabi) bilang tugon sa hiling ninyong magpuno ako sakakulangang naiwan..
Sandoval: Mangopya, binigkas na ng pangulo n gating liceo ang talumpatin yan!
Tadeo: ano ba ang masasabing isang tulad kong gutom at di pa nag-aalmusal? (nakikipag-
agawan samanok gamit ang pang-ipit)
Sandoval: Pati kanluranin! (Ituturoang kutsara)
Isagani: Pahinging patis! Ipasok na ang lumpia!
(nag-agawan ang lahat sa lumpiaat nagsitungga ang ilan ng alak)
Mga Mag-aaral: Pecson!
Pecson: (Pigil ang tawa) kung ang busog na tiyan ay pinuputi sa diyos, ang gutom na tyan ay
papuri sa mga prayle. (natatawa ang lahat)
Isagani: Mga kaibigan making kayo, ibig kong malaman nyong may itinatangi ako sa mga
prayle!
Sandoval: (Kakanta) isa man, dalawa, tatlong prayle sa may koro katulad din ng ginagawa ng
iisang toro.
Pecson: Alisin ang mga prayletalisin ang mga indiyo, papaano ang kaawa-awa nating
pamahalaa? mapapasa-kamay lamang ito ng mga tsino!
Isagani: Magiging tortang alimango!
Mag-aaral: Iyan ay dapat nating gawin.. ang itigil ang talumpati.hay
Macaraig: Ah! Ang alipin ng biserektor ay pinaglilingkuran ng panginoon ng heneral!
Ikalabingsiyam na Tagpo:
Setting: Sa isang klinika. Papasok si basilio na makikita nya ang isang bigang
propesor.lalapit ito sa kanya at hahawakan sya nito sa balikat.
(Lights On: 3 Red 3 Yellow 3 Red)

Isagani: Wala tayong pakielam duon! Hayaan na natin ang dapat magsiyasat duon! Ang
mahalaga kung naaayon iyon sa atin at kung mabuti ang nakasulat duon, dapat nating
pasalamatan ang gumawa nun pero kung paninira ang mga nakasuklat duon, ang ating mga
pagkilos at konsensya ang magtatanggol sa atin sa anumang bintang.
(Hindi na lalapit pa si Basilio at lilisan na)
(Lights Off)
(Sa isang bahay. May dalawang guwardiya sibil na nagbabantay, pipigilan sya ng mga
ito)
(Lights On)
Guwardya sibil: Anong kailangan mo? (Nakakunot ang nuong wika nito)
Basilio: (Tila magsisisi sa hindi pag-iingat) nais ko hong makausap si macaraig.
Guwardiya sibil#2: Maghintay ka rito.
(Tatayo lang si Basilio sa gilid at mapapakagat labing may iniisip. Palabas na si
Macaraig)
Macaraig: Ano pati ikaw Basilio?
Basilio: Narito ako upang kausapin ka!
Macaraig: (Sarkastong tatawa) Kahanga-hanga, sa oras ng kapayapaan ay wala ka
samantalang ngayong.
Kabo: Binata! anong pangalan mo?
Basilio: Basilio ho, bakit ho?
Kabo: (Titignan ang kanyang talaan) isang mag-aaral ng medisina? Nakatira sa kalye
analogue? (Mapapakagat sa labi si basilio at lalapitan sya ng kabo at hahawakan sa
balikat) Kayoy aming dadakpin.
Basilio: Ano pati ako? (Bulalas nito)
Macaraig: Wag kang mag-alala kaibigan, ikukuwento ko ang lahat ng nangyari sa piging kagabi!
(Maingat silang binabantayan ng mga guwardya sibil habang naglalakad)
(Lights Off)

Ikadalawampung Tagpo

*Eksena: Sa may labas ng tindahan ni Quiroga at sa may kalye


Ben Zayb: Ako lang naman ang nag-iisip sa Pilipinas! Ang pagpapaaral ay masama,
napakasama sa Pilipinas! Dahil dito, tignan ninyo ito ang mga nangyayari ngayon
Quiroga: Hala! Hindi na napunta sa aking tindahan ang mga prayle! Meron pa naman ako bago
paninda! Ano na ba itong nangyayari? Napakasama nito, napakasama! kailangan na kausapin si
Ginoong Simoun! Alam niya ano gagawin ko sa aking tindahan. Ako ay takot na, baka mahuli ang
itinatago sa aking tindahan!(*Inihanda ni Quiroga ang kanyang tindahan para madaling
isara kung may mangyari mang kaguluhan o paghahanap. Magpapasama ito sa
guardia civil patungo sa bahay ni Simoun.*

Tagapagsalaysay: ngunit ayaw magpakita ni simoun at wala si don Custodio. Nang pumunta si
Quiroga sa bahay ng batikang manunulat na si Ben Zayb, katulad ng kanyang naunang dalawang
binisita, ay naghahanda din ito. Napakahanda nga, na may dalawang rebolber na nakalabas at
ginamit pa itong pamatong ng papel. Dahil marahil sa takot sa armas, umuwi at nagkulong si
Quiroga sakanyang bahay, at nagpalusot na masama raw ang pakiramdam.
*Nagbubulung-bulungan ang mga tao, tutunog ang relo na ikaapat na ng hapon
Bali-balita raw na kakaligtas lang ng kapitan heneral mula sa tila tiyak na kapahamakan.
Muntikan na daw mahulog sa mga kamay ng mga batang pilibustero ang Kapitan Heneral,
ngunit iniligtas daw siya ng Maykapal. Dinakipi ang mga mag-aaral.
Mamamayan 1:
Ang gulu-gulo na, walang kapupuntahan to! Dapat kasi, barilin na yang mga yan! Ang
daminilang reklamo, ipatapon na silang lahat!
Mamamayan 2:
Pakita lang naman nila yan! Kunwari daw matapang sila. Aba, eh, tingnan natin. Maglagay kang
isang batalyon ng mga kawal na may dalang sable at kanyon, ilagay mo sa kalye. Magsisiuwi rin
sa kani-kanilang bahay ang lahat.
*Samantala, kinakausap ni Padre Irene Si Kapitan Tiyago.*Sa tagiliran ng kama ni
Kapitan Tiyago ay kinakausap si Padre Irene

Padre Irene:
Nanghihinayang sila na wala si Simoun kung di lang sana siya nagkasakit!
Pagkasabi nito ni Padre Irene at nalaman ni Kapitan Tiyago na nahuli si Basilio, lumubha ang
kalagayanng maysakit. Nagsimula itong maghingalo sinakmal ito ng takot.
Kapitan Tiyago:*Nangangatal at hindi na makapagsalita, humawak sa bisig ng prayle
at sinubukang bumangon*Uuuuhhhhhhh *Umungol ng makalawa at bumagsak sa unan*

Tagapagsalaysay: Namatay na si Kapitan Tiyago. Sa takot at pagkataranta, dali daling lumisan


si Padre Irene at sa pagmamadali ay nakaladkad nito ang bangkay mula sa kama papunta sa
gitna ng silid, dahil sa nakakapit pa ito sa bisig.

Ikadalawamput Isang Tagpo

Pagsasalaysay ng Nakaraan (tapagagsalaysay): Marangal ang libing ni Kapitan Tiyago. Si


Padre Irenne ang hinirang na tagapamahala at tagapagtupad ng testament ng kapitan.
Nagpakita ang kaluluwa ni Kapitan Tiyago na naliligo saliwanag sa mga mongha. Siya daw ay
nakasuot ng prak at ang kanyang mga pisngi ay nakaumbok dahil sa sapal ng hitso. Meron din
daw siyang dalang kuwakong panghithit at manok na pansabong. Sinasabing iniligtas ng Diyos
ang kaluluwa ni Kapitan Tiyago sa dami ng pamisa at pamana niya sa mga banal na bagay.

Tagapagsalaysay: Napag-usapan rin nila ang mga haka-haka tungkol sa kabilang buhay.
Pinagtalunan ni Don Primitivo at Martin Aristorenas ang tungkol sa pagsasabong sa langit at kung
sino ang mananalo kunghahamunin ni Kapitan Tiyago si San Pedro kung walang kamatayan ang
mga ibon sa langit.

Ikadalawamput dalawang Tagpo:

(si Huli ay nagtatahi sa kanyang bahay) (biglang may papasok na babae)


Babae: Huli? Alam mo ba? Ang pinakamamahal mong si Basilio?!
Huli: (tatayo ng mabilis at gulat) Bakit?! Napaano si Basilio?!
Babae: SIya ay nadakip kasama ng mga ibang estudyante!
Huli: (sa maliit na boses) sa-salamat sa pagbalita. (aalis ang babae)
Huli: (nalulungkot) Oh, Basilio kailangan kitang tulungan. Kailangan ko ng paraan para ikay
makalaya. Pero paano? Sino? (pause at mag iisip) oo! Si Padre Camorra! Isang salita niya at
makakalabas si Basilio. (magiging takot) Ngunit si Padre Camorra ay malupit at katakot-takot!
Hindi ko siya gustong harapin! Pero kailangan kong tulungan ang aking pinakamamahal.
(papasok si Hermana Bali)
Hermana Bali: Huli! Ano pang ginagawa mo dito? Magpunta na tayo sa kumbento!
Huli: Ayoko, Hermana Bali! Nandoon si Padre Camorra!
Hermana Bali: (nakataas ang kilay) At ano ang pakialam ko?! (hihilain niya si Huli at silay
lalabas)
(scene change) (makikita ang labas ng isang kumbento)
N: maghapon na nandoon sa loob sina Huli at Herman Penchang nang biglang
(may isang sigaw na madidinig at si Huli ay tatalon sa bintana at mamatay)
(si Hermana Bali ay patakbong lalabas sa kumbento habang sumisigaw)
(papalibutan ng maraming tao ang bangkay ni Huli)
(biglang dadating si Tata Selo na hinahanap si Huli)

Tata Selo: (sumisigaw) Huli! Huli! (lalapit sa mga tao) Nandyan ba si Huli?
Tao: Alis, tanda! (itataboy si Tata Selo)
Tata Selo: (sumisigaw at palakad-lakad) Huli! Huli! Nasaan ka Huli?! Gobernadorsilyo!! Juan!
Juan de Paz! Tinyente!! (at siya ay aalis)
N: At kinabukasan, si Tata Selo ay umalis ng bayan dala ang kanyang itak.
(lights off)
(end of scene)

Ikadalawamput tatlong tagpo:


N: Tag-init na at pinauwi ng mga ina ang kanilang mga anak para maiwas sa gulo na nangyayari
sa syudad. Samantalang sa unibersidad, tapos na ang mga pagsusulit at marami ang bumagsak
kabilang ang ilan sa mga kaibigan ni Basilio na nakakulong pa rin.
(si Basilio ay nakaupo sa sahig sa loob ng kanyang kulungan)
Guwardiya Sibil: May bisita ka. (aalis)
Sinang: (papasok at tatayo sa labas ng kulungan ni Basilio) Magandang araw, Basilio.
Basilio: Sinong, napadalaw ka? Anong balita sa bayan?
Sinang: Si Paulita Gomez ay ikakasal sa kaklase mong si Juanito Pelaez. Ninong ang Kapitan
Heneral at si Simoun ang maghahanda ng kasal.
Basilio: Si Juanita? Pero ang kasintahan niya ay si Isagani
Sinang: Sabi-sabi nila na naging praktikal si Juanita at pinili ang mas mayaman, mas mautak at
masayahing si Juanito kaysa sa probinsyanong si Isagani.
Basilio: (sa kanyang sarili) Paano na kaya si Isagani ngayon?
Sinang: Basilio, mayroon ka pang isang balitang dapat malaman
Basilio: Ano?
Sinang: isang masamang balita
Basilio: (tatayo) Bakit?! Anong nangyari?
Sinang: Si Huli! (pause) Si Huli..ay wala na.
Basilio: Ano?! Si Huli?! Paano?
Sinang: Siya ay tumalon mula sa kumbento ni Padre Camorra. Nakikiramay ako Basilio. Paalam.
(aalis)
Basilio: (nakatulala at saka uupo ulit) Huli Huli bakit ikaw rin? Ikaw na lang natitira sa
akin (galit) Magbabayad ang gumawa nito sayo Huli
(lights off)
(end of scene)

Ikadalawamput apat na Tagpo:

N: Sa wakas, si Basilio ay pinalaya na. Habang naglalakad siya ay nakipag-usap sa kanya si


Simoun.
(hihilain ni Simoun si Basilio sa isang dako)
Basilio: (nagtataka) Simoun? Anong ginagawa mo?
Simoun: (seryoso) Tandaan mo ito, Basilio. Kahit anong mangyari, wag kang lalapit sa kalye
Anloage. Naintindihan mo? Wag kang lalapit doon. Wag mong sabihin sa iba.
Basilio: Bakit, Simoun? Anong mangyayari? (bibitawan siya ni Simoun at aalis ito) Di bale
(patuloy na maglalakad si Basilio)
Basilio: Isagani! Isagani! Nasaan kaya siya?
N: Pumunta na lamang si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiyago para kumuha ng ilang gamit. Nakita
niyang maraming karwahe ang nakaparada at maraming palamuti ang bahay. Nakita niya rin si
Juanito Pelaez at Paulita Gomez.
Basilio: Kawawa talaga si Isagani. Kung hindi lang ako nabilanggo, sanay ako rin ay
nangggamot at ikakasal na ngayon. Sa pinakamamahal kong Juli. (galit) Si Juli, ang aking ina, ang
aking kapatidipaghihigante ko silang lahat. Sisiguraduhin ko iyan.
(lights off)
(end of scene)

Ikadalawamput limang Tagpo:

(sa luob ng bahay) (pumapasok ang mga bisita at si Don Timoteo ay nasa pintuan)
Don Timoteo: (sa bawat bisita) Maligayang Pagdating! Salamat sa pagdating! Naku po!
(nagpipigil ng ihi) Naiihi na ako pero wala pa ang Heneral! (dadating ang Heneral) Hay salamat!
Maligayang pagdating Heneral. (bows)
Heneral: Don Timoteo. Salamat sa imbitasyon. (shake hands)
N: Itinuloy ang pagdiriwang at si Basilio ay nakatanaw mula sa labas at nanood. Nakita niya si
Simoun na mayroong dalang ilawan.
Basilio: Ito pala ang tinutukoy ni Simoun na kalyeng iwasan ko. Mukha syang may binabalak na
masama. Kahinahinala din ang ilawang dala niya. Dapat ko bigyan ng babala ang mga nasa loob!
(dadating sina Padre Salvi at Padre Irene)
Basilio: Di bale, nandito ang mga paring iyan! Labis na ang aking pagtitiis! Dapat ipaghiganti
ang aking ina, ang aking kapatid at si Huli! Peromayroong mga inosente sa loob! Hindi sila
dapat mamatay! (akmang papasok sa loob pero haharangin ng mga guwardiya)
(lalabas si Simoun at titigil sa harap ni Basilio pero aalis rin)
Basilio: Di bale, ako ay lalayo na lamang. (aalis na sana pero dadating si Isagani)
Isagani: (sisigaw) Paulita! Paulita!
Basilio: (hihilahin si Isagani palayo) Isagani! Lumayo na tayo dito! Tayo na!
Isagani: (kakalas sa hawak) Ayoko! Ito na lang ang huling pagkakataon na makikita ko si Paulita!
Basilio: Makinig ka Isagani. (hihilahin sya palayo uli) Mayroong masamang mangyayari sa lahat
ng tao na nasa bahay na iyan. May ilawan sa loob na sasabog. Kaya umalis na tayo.
Isagani: Ano?! Hindi ako pwedeng umalis! Nasa loob si Paulita!
Basilio: Paalam, Isagani. (tatakbo palayo)
Isagani: Kailangan kong iligtas si Paulita. (tatakbo sa loob)
(Lights off) (Lights on)(new setting) (sa kainan sa loob ng bahay)
(makakapulot si Don Custodio ng papel at babasahin ito)

Ikadalawamput anim na tagpo:

N: Pinaghihinalaan na ng mga makapangyarihan si Simoun. Sa palagay nila ay siya ang pakana


ng kaguluhan sa kasal at pinuno ng mga tulisan. Samantala, naglalakad sa gubat ang mga
guwardiya sibil kasama ang kanilang mga bilanggo.
(pinapahirapan ng mga guwardiya sibil ang mga bilanggo maliban kay Tano)
Tano: Mga kasama, tigilan niyo iyan!
Guwardiya Sibil: (pagalit) At bakit naman?
Tano: Sila ay tao lang din katulad natin. Masyado kang marahas.
Guwardiya Sibil: Wala akong pakialam.
N: Sa di inaasahang pangyayari, biglang nilusob ng mga tulisan ang mga guwardiya sibil sa
kaligitnaan ng gubat.
(maglalaban ang mga guwardiya sibil at mga tulisan)
(mamatay ang malupit na guwardiya sibil at makakapatay si Tano ng isang tulisan)
(tatakas ang ibang tulisan)
(lalapitan ni Tano ang tulisang kanyang napatay)
(magugulat ito sapgkat ang tulisan ay ang kanyang lolo na si Tandang Selo)
Tano: (gulat at nasasaktan) Hindi maari! Bakit? Bakit?! (yayakapin ang bangkay) Lolo Selo!
Patawad! Patawad, Lolo!! (iiyak)
(lights off)
(end of scene)

Huling Tagpo

(si Simoun ay sugatan at naglalakad sa kalye) (hihinto siya sa isang pinto at kakatok) (bubuksan
ang pintuan ni Padre Florentino at papatuloyin niya ito)
(lights off)
N: Tinanggap ni Padre Florentino si Simoun sa pag-aakalang hinahabol ito ng mga naiinggit sa
kanya.
(si Simoun ay nakahiga at ginagamot ni Padre Florentino)
Padre Florentino: Magpagaling ka dito, Simoun.
Simoun: Salamat, Padre Florentino.
(biglang may kakatok)
Padre Florentino: Maiwan muna kita. (tatayo at bubuksan ang pintuan) (may inabot na sulat at
tatanggapin niya ito) (at babasahin)
Padre Florentino: Simoun(lalapit kay Simoun) may sulat na dumating. Nagsasabi ito na
huhulihin ka ng mga guwardiya sibil dito. Tumakas ka na!
Simoun: (ngingiti pero nanghihina) Hindi na kailangan, Padre Florentino. Hindi nila ako mahuhuli
nang buhay.
Padre Florentino: Anong ibig mong sabihin?
Simoun: (ibibigay kay Padre Florentino ang isang bote) Linason ko ang aking sarili. Ilang sandali
na lang at matatapos na ang paghihirap ko.
Padre Florentino: Pero bakit, Simoun?
Simoun: Dahil ako si Crisostomo Ibarra. Nagbalatkayo ako at bumalik sa Pilipinas para
maghigante at maghimagsik. Ngunit akoy nabigo.
Padre Florentino: Ninais ng panginoon na ikay mabigo dahil hindi niya gusto ang paraang
napili mo. Ang kailangan ng bayan ay magtiis para makamit ang kanyang layunin. Tanging pag-
ibig lamang ang makakapagligtas sa bayan.
(si Simoun ay nakapikit na at hindi gumagalaw)
Padre Florentino: (yinuyugyog ang katawan ni Simoun) Simoun? Simoun? Crisostomo?!
(pause) (sign of the cross at tatayo) Sana ay Masaya ka na sa piling ng panginoon.
(lights off)
(lights on) (change of scene) (Padre Florentino ay nasa isang bangka)
N: Dala-dala ni Padre Florentino ang baul ng kayamanan ni Simoun.
(itatapon ang mga kayaman)
Padre Florentino: Sana ang mga kayamanang ito ay mapapakinabangan sa mabuting paraan.
(Lights off)
(end of scene)

You might also like