You are on page 1of 12

MODYUL 1

KAHULUGAN NG PANITIKAN

I. PANIMULANG GAWAIN

Panuto: Mula sa lahat ng iyong naging kabatiran at mga naging pag-aaral hinggil sa panitikan,
lagyan ng katumbas na salita ang akronim na PANITIKAN na sa iyong palagay ay naglalarawan
dito at ipaliwanag.

P-Pagkamalikhain. Ang panitikan ang produktong pagkamalikhain ng isang tao. Naipapamalas


ang angking galing sa pagbuo ng kwento at pagpapahayag ng sariling karanasan sa
pinakamalikhaing paraan ng isang manunulat. Ang bawat tao ay malikhain kung gayon, lahat
tayo may may kakayahang bumuo ng sarili nating kwento.

A-Aksyon. Maraming naisulat na akda tungkol sa iba't ibang isyung panlipunan ang pumukaw
sa damdamin ng mamamayan na nagbigay daan upang kumilos at ipaglaban ang kanilang
paniniwala at karapatan.

N-Nagyayabong. Kasabay ng pag-usad ng panahon ang patuloy na pag-usbong at


pagpapayaman sa iba't ibang anyo ng panitikan sa buong mundo. Nalilinang ang kakayahan sa
pagsulat at paglikha ng mga kwentong may katuturan o katuwaan na naibabahagi sa bawat
mambabasa.

I-Imahinasyon. Noon pa lamang, gumagamit na ang ating mga ninuno ng kanilang malawak na
imahinasyon sa mga panitikang nabuo nila, nasusulat o saling-bibig man iyan. Tunay ngang
nakamamangha ang mga kwentong bunga ng kanilang malikot na pag-iisip na nagbigay aliw at
karunungan sa mga bagong henerasyon ng kabataang Pinoy. Sa madaling sabi,
nangangailangan ng imahinasyon ang paggawa ng panitikan upang ito'y maging kawili-wili at
pumukaw sa damdamin ninuman.

T-Talaan. Ang panitikan ang nagsilbi at patuloy na nagsisilbing talaan ng damdamin ng isang
tao na nagbibigay daan sa malayang pagpapahayag nito ng kaniyang saloobin.

I-Imbensyon. Ang panitikan ay produkto ng isip ng isang tao. Masasabing isa itong imbensyon
na lahat tayo ay may kakayahan at karapatang gumamit upang maipahayag ang ating
malikhaing pag-iisip.

K-Kaunlaran. Nang dahil sa panitikan, umuusbong ang mundo, dumadaloy ang kaalaman at
napalalawig ng tao ang kaniyang karanasan sa bawat akdang binabasa niya. Sa madaling sabi,
nakatutulong ang panitikan sa pagpapaunlad ng mundo at ng sarili.

A-Aestetiko. Bawat akdang pampanitikan ay may angking kagandahan at nakikilala sa taglay


nitong kakaibang mahika na ginagawa sa isip at damdamin ng mambabasa. Kakaiba sa
paraang ang bawat akdang pampanitikan ay produkto ng magkahalong personal na karanasan
at pagkatao ng manunulat nito.

N-Nasyonalismo. Maraming bansa ang may kaniya-kaniyang kwento ng pagkakasakop,


pagkakaalipin, at pang-aalipusta noon mula sa malalakas na bansa. Sa tulong ng mga naisulat
na akda tungkol sa pag-aaklas at realidad ng pang-aalipin, nagningas ang masidhing damdamin
ng mga tao sa pakikipaglaban para sa kanilang mga karapatan. Nabuhay ang pagiging
makabayan sa puso ng mga mamamayan na nagbigay lakas sa kanila upang lumaban para sa
kalayaan ng inalipustang bayan.
MODYUL 1

III. PANAPOS NA GAWAIN:

Panuto: May mga pahayag bang pasalita o kaya’y mga naisulat na akda na nagkaroon ng
malaking impluwensiya sa iyong paniniwala, pananampalataya o kaya naman ay kung paano ka
kumikilos o nabubuhay sa ngayon batay sa mga prinsipyong pinaniniwalaan mo na iyong
sinusunod? Isulat ang iyong kuwento.

Marami na akong nabasang mga nobela na nagpalawak ng aking pananaw sa buhay.


Karamihan din ay 'di ko na tanda ang kabuuang kwento pero mayroong mga eksena 'di ko
makakalimutan. Bawat akda, may ipararamdam sa'yong kakaiba at 'yun ang panghahawakan
mo para matapos ang buong kwento. Maraming tumatak na pahayag sa akin mula sa mga
nobela na aking nabasa pero ang isang pahayag na masasabi kong pinanghahawakan ko
ngayon sa aking buhay ay mula sa bibliya. Mula sa 2 Corinthians 10:8-6, "Three times I pleaded
with the Lord about this, that it should leave me. But He said to me, "My grace is sufficient for
you for my power os made perfect in weakness." Therefore, I will boast all the more gladly of
my weaknesses, so that the power of Christ may rest upon me. For the sake of Christ, I am,
then, content with weaknesses, insults, hardships, persecutions, and calamities. For when I am
weak, then I am strong." Nang una kong nabasa ang mga salitang iyan, nagbago ang pananaw
ko sa mga pagsubok ko sa buhay. 'Di ko akalaing may mga salitang sobrang aakit sa puso ko.
Sa tuwing napapanghinaan ako ng loob, bumabalik ako sa mga salitang iyan at gumagaan ang
puso ko dahil alam kong hindi ako pinapabayaan ng Diyos kahit na sa gitna ng mga kahinaan,
pagdududa at kalituhan. Sa kabila ng lahat ng nangyayari ngayon sa mundo, masasabi ko na
ngayon ako pinakakumakapit sa Panginoon. Sa totoo lang, madali akong panghinaan ng loob
pero ngayon, sa mga pagkakataong nanghihina ako, alam ko na kung kanino ako dapat lumapit
at kumapit. Bata pa lang ako, ipinakilala na sa akin ang Panginoon. Nakikibahagi kami ng aking
mga kapatid sa mga Sunday School sa simabahan. Dati, akala ko'y piksyon lamang ang mga
kwento sa Bibliya. Kala ko'y 'di totoo ang Panginoon tulad nalang ni Santa Klaus. Pero habang
tumatanda ako, napagtanto kong totoo nga. Dahil maraming beses nang pinaramdam ng
Panginoon ang kapangyarihan Niya sa buhay ko. May mga pagkakataong pakiramdam ko ang
layo-layo ko sa Kanya dahil sa mga ginagawa kong mali pero ako lang pala ang nag-iisip ng
gano'n dahil ang totoo, nasa puso natin ang Panginoon at kailan man 'di Niya tayo iiwan. Isa pa
sa pinanghahawakan ko ay yung katotohanang naiintindihan ako ng Panginoon at hindi Niya
ako huhusgahan dahil kilala Niya ako higit sa lahat. Ngayon, nais kong mas tumibay pa sa
pananampalataya. Andiyan pa rin ang pagsubok sa buhay pero ang mahalaga ay ang malaman
na anuman ang pagdadaanan ko, kailanma'y 'di ako nag-iisa dahil ang Panginoon ay nasa puso
ko.

URI NG PANITIKAN

I. PANIMULANG GAWAIN:

Panuto: Sagutin nang mabilisan ang mga sumusunod na bugtong:


MODYUL 1

ANINO – Maikling landasin, di maubos lakarin.

SINTURON – Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo.

SAPATOS – Dala mo dala ka, dala ka ng iyong dala.

LANGGAM – Maliit pa si Kumpare, nakakaakyat na sa tore.

KANDILA – Kung gusto mong tumagal pa ang aking buhay, kailangang ako ay mamatay.

III. PANAPOS NA GAWAIN:

Panuto: Pagyamanin natin ang Panitikang Pilipino. Mayroon bang kuwento na maaaring
naisalin-salin mula sa iyong mga ninuno, kalahi, kababayan (sa probinsiya) na hindi pa
nailathala na iyong napakinggan? Magtanong-tanong sa mga kamag-anak o kaya’y kakilala.
Ikuwento ito dito bilang bahagi ng Yaman ng Panitikang Pilipino.

"Ang Little Baguio"

Nasa halos apat na pu't walong taon na ang nakararaan simula nang dumating ang aking
mga lolo at lola sa maliit na barangay na kung tawagin ay Little Baguio. Madalas itanong sa akin
kung bakit daw Little Baguio ang tawag sa aming barangay. Ilan sa mga karaniwang pakiwari
nila'y marahil daw malamig dito tulad na lamang sa Baguio na tinaguriang "Summer Capital of
the Philippines". Pero ang totoo ay noon daw, maraming mga pine trees dito sa aming paligid
kaya binansagan itong Little Baguio. Napansin kong pati sa logo ng aming barangay ay makikita
ang imahe ng pine tree, tunay ngang isang malaking parte ang punong ito ng kasaysayan ng
munti naming barangay. Kwento pa ng aking Nanay (lola), dati raw ay parang sungkaan ang
aming lugar dahil malubak ang daanan, puro lupa kung saan matayog na nakatayo ang mga
pine trees paikot sa kabuuan ng aming barangay. Ngunit kasabay ng pagkahalal bilang Mayor
ni Joseph "Erap" Estrada ay ang pagsasaayos ng mga kalsada rito. Sa madaling salita, ang
pagkaputol ng mga punong simbolo ng aming barangay. Pinatag at sinementuhan ang mga
daan upang mas maging kapaki-pakinabang ito sa mga mamamayan. Nakalulungkot lang na sa
mga kwento nalang namin "makikita" ang mga pine trees na dati'y nagkalat sa aming lugar.
Sabi pa nga ng aking Nanay ay 'di na raw angkop ang Little Baguio sa aming barangay dahil
wala na ang mga punong magpapatunay nito. Kasabay ng pagbabago ay ang pagpapatayo ng
iba't ibang establisimento sa aming lugar. Napalitan ang mga puno ng mga building at mga
bahay. Ngayon, kilala na ang aming barangay sa iba't ibang kainan na patok sa mga
mayayaman, karamihan ay mga Chinese restaurant. Naging maganda man ang pagbabagong
tinatamasa namin ngayon, minsan, naiisip ko pa rin ang taglay nitong kagandahan at
pagkadalisay noong napalilibutan pa ito ng mga pine trees. Ito ang kwento ng aming munting
barangay, ang Little Baguio.

ANYO NG PANITIKAN

I. PANIMULANG GAWAIN:

Panuto: Manood ng isang Spoken Poetry (Youtube o anomang social media) at Ibuod ang
sinasabi ng tumula.
MODYUL 1

Ang napili kong Spoken Poetry ay sinulat at itinanghal ni Prince Ea na aking napanood sa
kaniyang Youtube Channel. Ito ay nakasulat sa Ingles at pinamagatang "I Sued The School
System". Ang tulang ito ay patungkol sa tradisyunal na pagtuturo sa eskwelahan na tila ba'y
ikinukulong ang pagiging malikhain ng kabataan. Mula noon, hanggang ngayon ay hindi
nagbabago ang sistema ng pagtuturo sa eskwelahan na kung saan ang mga pagsusulit na
siyang nagiging batayan at sukatan ng pagkatuto ng bawat mag-aaral ay tila raw walang saysay
dahil hindi nito talagang nasusukat ang kaalaman sa isip ng isang bata kundi ang mga
mababaw na impormasyong ipinasok lamang sa isipan nito.

Ipinupunto ng manunulat na dapat ay hinahayaan ang mga bata na maging malaya at


linangin ang kani-kanilang interes nang sa gayon ay mahanap nila kung saang aspeto sila tunay
na uunlad. Mali na pairalin sa isip ng bata ang pagkuha ng mataas na grado sa pagpapasa ng
mga tradisyunal na pagsusulit nito dahil hindi ito matatawag na tunay na pagkatuto. Idinidiin din
ng manunulat na ang bawat mag-aaral ay may kani-kaniyang lebel ng pagkatuto at
pangangailangan kung kaya't hindi ideal na ipilit ang istandard na sukatan ng pagkatuto.
Idinagdag din ng manunulat na dapat ay mangibabaw ang pagtutulungan kaysa kumpetisyon sa
pagitan ng mga mag-aaral upang malinang at mapagtibay ang pakikipag-kapwa tao ng mga ito.

Isa rin sa binigyang-pansin ng manunulat ay ang realidad ng buhay ng isang guro. Ika nga
niya, ang mga guro ay isa sa mga may pinakamahalagang trabaho sa mundo ngunit mababa
ang sahod na nakukuha ng mga ito. Karapat-dapat ang mga guro sa mataas na sahod kagaya
na lamang ng mga doktor na nakapagliligtas ng buhay ng maysakit dahil ang mga dakilang guro
ay may kakayahang humawak sa puso ng isang bata at mabago ang buhay nito sa
pamamagitan ng mga praktikal at gintong kaalaman na maibabahagi nito sa isip ng isang bata.
Sa kabila ng lahat ng kahinaan ng sistema ng edukasyon, idiniin ni Prince Ea na hindi pa huli
ang lahat para magbago. Ika niya, kung kayang baguhin ang sistemang pangkalusugan, kaya
ring baguhin ang lumang sistema ng edukasyon sa mas angkop, mas bukas at mas accessible
na paraan na may layuning linangin ang biyayang talento, buksan ang kamalayan at gabayan
ang isang bata patungo sa kaniyang kaunlaran. Ginawang halimbawa ni Prince Ea ang
bansang Finland sa maayos nitong sistema ng eduksayon.

Bagaman maliit lamang ang populasyon ng mag-aaral, sila naman ang kinabukasan ng
mundo. Ika niya, hindi madaling solusyunan ang problemang ito ngunit sa paunti-unting
aksiyon, makakamit ng bawat bata ang edukasyong para sa kanila. Sa pagtatapos, iginiit ng
manunulat na hayaan natin ang bawat mag-aaral na mangarap at maniwalang ang kanilang
mga pangarap nila ay magiging realidad.

III. PANAPOS NA GAWAIN:


Panuto: Tunghayan ang pahayag ni Kim Chu sa youtube hinggil sa isyu ng ABS CBN
https://www.youtube.com/watch?v=o3OlCxCmSwc
“Sa classroom, may batas. Bawal lumabas. O, bawal lumabas, pero pag sinabi, pag nag-
comply ka na bawal lumabas. Pero may ginawa ka sa pinagbabawal nila inayos mo yung law
ng classroom niyo at sinubmit mo uli, ay puwede na pala ikaw lumabas.”

Ipaliwanag kung paanong umabot ang pahayag niyang ito na mula sa anyong tuluyan ay naging
isang awit o anyong patula. Ikuwento ang naging pag-unlad ng simpleng pahayag na ito at
nagkaroon ng sampung milyong views sa youtube. Talakayin.

Nang lumabas ang pahayag na ito ni Kim Chui, agad itong umani ng iba't ibang reaksyon
mula sa madla dahilan upang mag-trending ito. Marahil isang dahilan ay ang malabo at 'di
organisadong pagkakasabi ng pahayag. Idagdag pa na isa siyang sikat na personalidad na
MODYUL 1

mayroong milyun-milyong tagahanga. Nang mapanood ko ang pahayag niya, nahirapan din
akong tukuyin ang kaniyang pinupunto pero naunawaan ko na nahihirapan siyang ihayag ang
kaniyang saloobin at siya mismo, mula sa kanyang tweet, ay nahirapang intindihin ang kaniyang
pahayag. Nakalulungkot lang isipin na marami ang naninira kay Kim ngayon dahil lang sa
pahayag na ito na kung tutuusin ay lahat naman tayo, sa isang punto ng ating buhay, ay
nakaranas din ng kahirapan sa paghahanap ng angkop na mga salita para sa nilalaman ng
ating damdamin. 'Di rin talaga ito makalalampas sa spotlight dahil mainit na usapin rin ang
pagpapasara ng ABS-CBN kung kaya ang madla ay nag-aabang rin sa mga kaniya-kaniyang
saloobin ng mga artistang parte ng kumpanya.

Sa kabilang banda, ang pahayag ni Kim Chui ay nasa anyong tuluyan. Bagaman tuluyan
ang anyo, noong nilapatan ng tono ay maayos ang naging kinalabasan dahil ang mga salitang
ginamit sa pahayag mismo ay mayroong tugmaan. Dito mapapatunayan natin na likas ngang
malikhain ang mga Pilipino dahil nagkaroon ng iba't ibang bersyon ang paglalapat ng tono sa
isang simpleng pahayag ng artista. Nariyan pa nga ang iba na gumawa pa ng sayaw gamit ang
pahayag na nalapatan ng tono. Bagaman maraming pambabatikos ang natanggap ni Kim sa
kaniyang pahayag, ginamit niya ang oportunidad na ito upang makapaglabas ng bagong kanta
na ginagamit niya ngayon para sa makalikom ng sapat na donasyon para sa ating mga
frontliners. Sa huli, wala namang masamang ginawa si Kim para makatanggap ng mga 'di
magandang paratang. Pero sa buhay natin, may masasabi at masasabi pa rin talaga ang nga
tao kahit anong gawin mo lalo na kung ika'y sikat ngunit ang mahalaga ay kilala mo ang iyong
sarili at ang iyong mga mabuting gawa na magsasalita para sa iyo. Karagdagan lang, dapat ay
matuto tayong maging matalino sa ating pagsasalita. Mahalaga na may alam tayo sa isyung
nangyayari sa ating paligid, apektado man tayo o hindi.

DISPENSASYON NG PANITIKANG PILIPINO

I. PAUNANG GAWAIN:
Panuto: Ibigay ang iyong reaksyon halimbawang may nag post sa twitter, FB o anomang social
media ng ganitong uri ng Panitikan na tumutuligsa sa mga namumuno sa simbahan.

Amain Namin
MODYUL 1

Marcelo H. Del Pilar


Amain naming sumasaconvento ka,
sumpain ang ngalan mo,
malayo sa amin ang kasakiman mo,
quitlin (kitilin) ang liig mo dito sa lupa para nang sa langit
Saulan mo cami (kami) ngayon nang aming kaning iyong inaraoarao (inaraw-araw)
at patauanin (patawanin) mo kami sa iyong pagungal (pag-ungol)
para nang pagpapataua (pagpapatawa) mo kung kami nacucualtahan (nakukuwartahan);
at huag (huwag) mo kaming ipahintulot sa iyong manunukso
at iadya mo kami sa masama mong dila.

Magkahalong pagkamangha at pagkagulat ang magiging reaksyon ko kapag nakakita ako


ng ganitong klaseng post sa social media dahil malikhain ang pagkakagawa nito at bagaman
hinango sa isang dasal, malalim ang ipinahihiwatig nitong pagtuligsa sa isyung pinatutungkulan
nito. Noon, talamak ang mga tiwali at abusadong pari. Ngayon, maaaring mayroon pa ring iilan
na hindi naisusumbong sa kinauukulan. Pero kung mayroon nga, lubha itong nakababahala
dahil mariing kinukundena ito ng simbahan at ng mamamayan lalo na't mas bukas na ang
kamalayan ng mga tao ngayon sa mga isyung panlipunan at karahasang umiiral sa bansa.
Naalala ko ang nobelang "Smaller and Smaller Circles" na tumutuligsa rin sa mga katiwalian ng
mga pari. Bagamat piksyon, 'di mapagkakaila ang iilang eksenang sumasalamin sa realidad. Sa
kabilang banda, matapang ang pagkakagawa sa panitikang ito (Amain Namin) at ramdam ang
pagkamuhi sa mga namumuno sa simbahan. Tiyak na makatatanggap ito ng halong reaksiyon
sa madla kapag ang ganitong uri ng panitikan ay nailathala o naipost sa social media. Dahil 'di
mawawala ang mga sagradong katoliko na mataas ang pagtiningin sa mga namumuno sa
simbahan at sarado ang utak sa mga posibilidad ng realidad.

III. PANAPOS NA GAWAIN:

Panuto: Mula sa mga tinalakay hinggil sa dispensasyon ng Panitikang Pilipino ay mapapansing


nagbabago ang paksa at anyo ng mga panitikan depende sa pangangailangan ng sambayanan.
Halimbawang ikaw ay nabuhay sa isa sa mga panahong ito (maliban sa kasalukuyan), sumulat
ng isang akda (maaring nasa anyong patula o tuluyan) na aakma sa pangangailangan ng
panahong iyon.

"Hudyat"

Itinago ang karahasan at kababuyan


Sa likod ng pananampalatayang bulag sa katotohanan
Pinaniwlang diyablo ang hindi nakasuot ng krus sa kanilang leeg
At pilit na binura ang katutubong pamana.

Inalipin ang mga nag-mamay ari ng lupang sinasam ng basta na lamang


Kabataa't katandaa'y pinagtatrabaho ng sapilitan para lamang sa sarili nilang kapakinabangan
Mga kababaiha'y inabuso ng mga nasa kapangyarihan.
Dagdagan pa ng mga ikinukubling kwento ng karahasan.

Hanggang saan pa ba tayo magpapadala?


Hanggang kailan pa ba tayo magpapaalipusta?
MODYUL 1

Hanggang kailan pa ba tayo hindi magsasalita?


Hanggang kailan pa ba natin sila hahayaan sa pandudusta?

Hindi ba't ang pagtilaok ng manok ay hudyat ng pagbangon?


Kasabay ng bukangliwayway na tahimik na humihiyaw ng bagong hamon.
Panibagong araw nanaman,
Handa ka na bang bumangon?

Kunin na ang sandata na magsasadla sa mga mapanliit na mga mata


Ng manlulupig at nang-alipusta
Sa kayamanan ng lupang tinubuan,
Sa bayan na kung saan lahing Pilipino'y pinasan.

Oras na para ibalik ang boses ng bawat mamamayang pinatahimik ng sindak at bala
Gisingin na ang marubdob na damdamin ng pag-ibig sa bayang pinagpala.
Hindi tayo ginawa upang mawala.
Hindi tayo ginising ng tilaok ng manok sa umaga
Para lamang matulog sa kamay ng mga dayuhang masiba.

Ito'y isang hudyat at paalala.


Na kaya mong lumaban dahil ika'y matapang, Na kaya mong magtanggol dahil ika'y isinilang na
mandirigma,
Na ika'y hindi bulag at bingi
Sa daing ng ating kababayan.
MODYUL 1

IMPLUWENSYA NG PANITIKAN

I. PANIMULANG GAWAIN:

Panuto: Mag browse sa internet o anomang libro at tunghayan ang iba’t ibang uri ng gobyerno
o relihiyon mayroon ang iba’t ibang bansa. (limitahan lamang sa 10)
1. Bansang Singapore - Parliamentary Republic

2. Bansang India - Federal Republic

3. Bansang South Korea - Republika

4. Bansang Pilipinas - Republika

5. Bansang South Africa - Republika

6. Bansang Russia - Pederasyon

7. Bansang Vatican City - Romano Katoliko 100%

8. Bansang Dominican Republic - Romano Katoliko 95%, Iba pa 5%

9. Bansang Saudi Arabia – Muslim 100%

10. Bansang Thailand - Buddhist 94.6%, Muslim 4.6%, Kristiyano 0.7%, Iba pa 0.1%

III. PANAPOS GAWAIN:


Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan.

1. Paano naiimpluwensiyahan ng mga akdang pampanitikan ang bawat tao?

Ang mga salita ay makapangyarihan, ika nga nila. At sa oras na sinangkapan ng


katotohanan at realidad ang mga salita, nakabubuo ito ng mas malakas na kapangyarihan
upang maimpluwensyahan o maapektuhan ang isip ng isang tao.

2. Paano mo mailalarawan ang panitikan bilang instrumento sa pagbabagong bihis ng mga


pamahalaan o pananampalataya?

Ang mga akda ni Rizal na naging tanyag at nagsilbing salamin ng mapait na realidad na
dinanas ng mga Pilipino sa kamay ng mga Espanyol ay isang halimbawa ng panitikan na
bumago at gumising sa damdamin ng mga Pilipino upang ipaglaban ang kanilang mga
karapatan at palayain ang bayang Pilipinas. Tunay ngang sa tulong ng akdang pampanitikan,
makapagsisimula ng rebolusyon ng pagbabago at kalayaan ang mga sinakop at inalipustang
lahi. Marami pang kwento ng pagbabago ang nangyari sa iba't ibang bahagi ng mundo sa
tulong ng panitikan. Tila ba sa tulong ng panitikan, tahimik na nailalathala ng mga salitang
nakapagbubukas ng isipan ng mambabasa upang makita ang maling sistema na umiiral sa
pamahalaan nito. Ang panitikan ang tahimik na boses na sumisigaw sa puso at isip ng
mambabasa nito upang gisingin ang marubdob na damdamin tungo sa pagbabago at bukas na
isipan.

3. Magtala ng mga bansang may mga akdang pampanitikan na hindi pinahihintulutan


makapasok o makarating sa kanilang lugar. Ano-ano ang mga kaparusahang ipinapataw dito?
MODYUL 1

Ang Bibliya ang isa sa pinakatanyag na akdang pampanitikan na ipinagbabawal sa mga


bansang mayroong mataas na pagpapahalaga sa kanilang relihiyon. Ilan lamang ang mga
sumusunod sa mga bansang mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapasok, pagdadala o
pagkakaroon ng bibliya: North Korea, Somalia, Afghanistan, Pakistan, Sudan, Syria, Iraq, Iran,
Yemen, atbp. Ang parusa sa sinumang mahuhuli sa bansang North Korea ay ipapadala sa
kanilang mga labor camps. Sa Somalia naman ay kamatayan ang kaparusahan at maging ang
mga taong pinaghihinalaan pa lamang ay maaari nang patayin kaagad. Sa Afghanistan naman
ay ipinagbabawal ang ibang relihiyon maliban sa Islam kung kaya't gano'n na lamang ang
pagbabawal nila sa pagkakaroon ng Bibliya sa kanilang bansa; ang sinumang mahuhuli ay
ipinapadala ng kanilang pamilya sa mga mental hospital sa paniniwalang mayroon itong
problema sa pag-iisip. Ayon sa aking pananaliksik, ang karaniwang kapaurasahan na
ipinapataw sa mga mahuhuling nagdadala, nagbabasa at nagpapalaganap ng mga salita mula
sa Bibliya ay pagpatay, pagkakulong, sapilitang paggawa, pagpapaalis sa taong iyon sa bansa
kung nasaan siya, pati na rin ang pagkumpiska o pagsunog sa Bibliyang ginagamit o
ipinamimigay.

4. Kung ihahambing mo sa mga kasaysayan ng Korea, China at mga bansa sa Europe ang
preserbasyon ng kanilang kultura at pananampalataya batay sa mga panitikan ng kanilang
bayan, masasabi mo bang mahalagang balikan at halukayin ang ating mga sinaunang panitikan
bilang tunay na pagkakakilanlan ng lahing Pilipino? Ipaliwanag.

Oo, mahalagang balikan at halukayin ang ating mga sinaunang panitikan upang makilala at
mapagtibay natin ang ating kamalayan sa pagkakakilanlan ng lahing Pilipino. Ang mga
nabanggit na bansa ay may mataas na pagpapahalaga sa kanilang kasaysayan at kultura na
magpasa-hanggang ngayon ay kanilang tinatangkilik at ginagawa. Dahil sa mga panitikan ng
kanilang bayan, mas napagtibay nila ang kanilang kaalaman sa nga tradisyunal na gawi na
nagbigay daan sa kanila upang pagtibayin pa ito at ipabatid ito sa ibang mamamayan sa tulong
ng mga museo. Dapat na tularan natin ang pagpapahalaga ng ibang bansa sa kanilang
panitikan nang sa gayon ay mapalalim pa natin ang ating kamalayan sa pinagmulan ng ating
lahi. Halimbawa na lamang ang baybayin, kung atin itong pinreserba at pinaunlad, maaari itong
maging sistema ng pagsulat natin at maipapakita natin sa buong mundo ang kagandahan at
kakaibahan ng kulturang Pilipino.

5. Sumulat ng iyong refleksiyong sanaysay hinggil sa kahalagahan ng Preserbasyon ng


Panitikang Pilipino para sa sambayanang Pilipino.

Kahalagahan ng Preserbasyon ng Panitikang Pilipino para sa sambayanang Pilipino

Makikita natin ang pagiging malikhain ng mga Pilipino sa mga akdang pampanitikang noon
pa ma'y nailathala na at patuloy pa ring umiiral sa kasalukuyan. Mula sa mga katutubong akda
na pangunahing pinagmulan ng mga kaalaman ng mga mamamayan sa kasalukuyang lipunan
at naging parte na rin ng kasaysayan ng bansa. 'Di mapagkakailang mayaman ang ating bansa
sa iba't ibang aspeto; yamang-lupa, yamang-tubig, yamang-mineral at kabilang na rin dito ang
ating akdang pampanitikan na patuloy na naisasalin sa bawat henerasyon. Kung hindi natin
pahahalagahan ang mga kwento mula sa nakaraan, tuluyan na itong mawawala at hindi na
matutunghayan ng mga kabataan sa kinabukasan ang kagandahan ng ating kultura.

Ngunit paano nga ba natin maiipepreserba ang ating panitikan? Sa aking palagay,
makatutulong ang patuloy na paglalathala ng mga akdang pampanitikan lalo na sa mga
paaralan na kung saan magiging kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral. Isang paraan rin ay
ang patuloy na pagsulong, pagsuporta at pagtangkilik sa mga akdang ito. Mahalaga na makita
natin mismo ang kahalagahan ng ating sariling panitikan upang mas mabigyan natin ito ng
MODYUL 1

importansya. Higit pa riyan, muunawaan natin ang pagkakatulad at pagkakaiba-iba ng


katangian ng mga panitikan ng iba't ibang rehiyon. Makatutulong rin ang pagpapahalaga sa
sarili nating panitikan sa paghubog natin sa magiging anyo, hugis, nilalaman at katangian ng
panitikan sa kasalukuyan na siya namang magiging sandigan ng panitikan sa ating hinaharap.
Sa paraan ding ito, mapalalakas natin ang ating mga naging kahinaan bilang isang Pilipino at
mas mapag-iibayo pa ang ating katangi-tanging pag-uugali dahil mayroon na tayong ideya sa
atting mga kahinaan at kalakasan bikang isang sambayanan. Atin ding mapapangalagaan ang
ating yamang pampanitikan na siyang isa sa ating pinakamahalagang yamang panlipi. Higit
ding malilinang ang ating pagmamalasakit sa ating sariling kultura at mapagyayaman pa natin
ang ating malikhaing pag-iisip na kinakailangan rin sa pag-unlad natin bilang isang malayang
bansa.

Sa huli, kung paano natin pahalagahan ang mga pamana ng nakaraan ay sasalamin sa
lebel ng ating pagpapahalaga sa mga bagong tuklas na yaman at kaalaman sa kasalukuyan at
maging sa kinabukasan. Pangalagaan natin ang ating mga akdang pampanitikan upang ito'y
masilayan ng bawat henerasyon ng kabataang Pilipino at nang sa gayo'y mapalalim nila ang
kanilang kaalaman sa kanilang bayan at pagka-Pilipino.
MODYUL 1

Pangkabanatang Pagsusulit I

Pangalan: Sophia May F. Moscare Seksyon: BSA 1-5

Propesor: Gng. Marianne Ortiz Petsa: Hunyo 10, 2020 Iskor:

I. Punan ang patlang sa loob ng sumusunod na pahayag ng mga angkop na kataga upang
mabuo ang wastong diwa ng mga ito.

1. Ang anyo ng panitikan na tuluyan ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap at


patalatang paraan.

2. Ang panitikang patula ay nasusulat sa taludturan at saknungan

3. Ang balita ay paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa iba’t ibang aspeto ng


ating lipunan.

4. Ang parabola ay mga kwentong hinango sa Banal na Kasulatan.

5. Ang anekdota ay maiikling salaysaying may layuning umaliw o magbigay-aral sa mga


mambabasa.

6. Ang editoryal ay isang mahusay na halimbawa ng sanaysay.

7. Ang alamat ay isang salaysaying nauukol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay.

8. Ang elehiya ay tulang nagpapahayag ng panimdim dahil sa pagyao ng isang minamahal.

9. Ang talambuhay na sinulat ng isang may-akda at tumatalakay sa kanyang sariling buhay at


tinatawag na talambuhay na pansarili.

10. Ang Koran ang pinakabibliya ng mga Muslim.

II. Piliin sa hanay B ang mga tinutukoy sa hanay A. Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang.

L 11. Nagsasalaysay ng gintong panahon ng Kristiyanismo sa Pransya

A 12. Batayan ng pananampalatayang Kristiyanismo sa buong daigdig

K 13. Tumatalakay sa mitolohiya at teolohiya ng Ehipto

C 14. Kinatutuhanan ng mga mitolohiya at alamat sa Gresya

J 15. Batayan ng Confucianismo sa Tsina

D 16. Tumatalakay sa kasaysayan ng pananampalataya sa Indiya

I 17. Naglalarawan ng pamahalaan, kabuhayan at lipunan ng Arabo at Persyano

E 18. Naglalarawan ng pananampalataya, at pag-uugali ng mga Ingles

H 19. Nagpapahayag ng moralidad, pananampalataya at pag-uugali ng mga Italyano

F 20. Nagbukas sa mga mata ng Amerikano sa kapihan ng lahing itim


MODYUL 1

III. Talakayin ang kahalagahan ng pag-aaral ng sariling panitikan. (21-50)

Ang panitikan ang bumubuhay sa ating lahat. Ito ang nagsalba sa atin sa kamangmangan,
kabagutan, nagmulat sa atin sa realidad at naging daluyan ng ating pagkamalikhain.
Masasabing ang panitikan ay sarili nating pagkakakilanlan tulad na lamang ng wika. Mahalaga
na mabigyang pansin at halaga natin ang panitikang Pilipino upang makilala natin ang
pinagmulan at kasaysayan ng ating lahi. Sa paraang ito, mababatid natin ang karangalan at
kadakilaan ng sarili nating tradisyon at kultura. Higit rin nating mapapahalagahan ang
kadakilaan ng ating kasaysayan, lalo na ang mga pagpapakasakit ng ating mga ninuno makamit
lang ang inaasam natin kalayaan. Magkakaroon rin tayo ng kaalaman sa iba't ibang panitikan
mayroon sa iba't ibang bahagi ng ating bansa na tiyak ay maipagmamalaki natin. Atin ring
matutukoy ang mga naging kalakasan at kahinaan ng ating lahi upang mas mapag-ibayo pa
ang ating mabubuting katangian bilang isang sambayanan at sa kabilang banda, mas
mapalalakas ang ating mga kahinaan bilang isang bansa at maitutuwid ang ating pagkakamali
bilang mamamayan at komunidad. Higit pa riyan ay mapapangalagaan natin ang ating yamang
pampanitikan na isa sa ating pinakamahalagang yamang panlipi. Makatutulong rin ang
pagpapahalaga sa sarili nating panitikan sa paghubog natin sa magiging anyo, hugis, nilalaman
at katangian ng panitikan sa kasalukuyan na siya namang magiging sandigan ng panitikan sa
ating hinaharap. At sa huli, higit na malilinang ang ating pagmamalasakit sa ating sariling
kultura at mapagyayaman pa natin ang ating malikhaing pag-iisip na kinakailangan rin sa pag-
unlad natin bilang isang malaya at mayaman sa kulturang bansa.

You might also like