You are on page 1of 5

EL FILIBUSTERISMO (Script: Kabanata: 1-20)

Kabanata 1: Sa Kubyerta

Isang umaga ng Disyembre, ang bapor tabo ay hirap na hirap sa pagsalunga sa agos ng
paliku- likong ilog ng Pasig. Naghahatid ito ng maraming manlalakbay na patungo sa
lalawigan ng Laguna.Totoong mabigat ang bapor, halos mabilog tulad ng isang tabo na
pinaghahanguan ng pangalan nito. Ito ay matatawag na Daong ng Pamahalaan sapagkat
niyari sa ilalim ng pamamahala ng mga Reverendos at Ilustrisimos.
Narooron sa ibaba ng kubyerta ang mga mukhang kayumanggi at maitim na buhok, mga Indio,
mga Intsik, at mga mestiso. Samantalang nasa itaas naman ng kubyerta na naliliman ng lona
upang hindi mainitan ng araw ang mga mangilan-ngilan na manlalakbay na nakasuot ng
Europeo, mga prayle, at mga opisyal na naka-upo sa mga maginhawang silyon at ang nag-
iisang ginang na si Doña Victorina.

Kapitan: “Babor!”…..”Estribor!”…
Doña: “Ngunit kapitan, bakit sa dakong iyon pumupunta ang mga hangal na timonero?”
Kapitan: “ Sapagkat nakapababaw po roon ginang.” (sabay kindat)
Donya: “Bakit mabagal ang takbo? Bakit hindi tulinan?”
Kapitan: “Pagkat baka tayo maglagos sa mga bukiring iyon, ginang.”
Ang iba namang mga kasakay ay naging abala sa paghuhuntahan ng kahit na naong paksang
pumasok sa kanilang isip upang maiwasan ang pakikipag-usap sa ginang.

Salvi: “Nalalaman mo ba kung ano ang kakayahan ng mga taong dalubhasa sa agham, Ben
Zayb? Hayan sa lalawigan ng Puente del Capricho na ginawa ng isa naming kapatid. Hindi
natapos sapagkat pinintasan ng mga sinasabi mong mga taong dalubhasa sa agham. Ayon sa
pinagbabatayan nilang teorya, ang tulay ay may kahinaan, di matatag at mapanganib. Tingnan
nyo ngayon, nariyan pa rin ang tulay. Hindi pa nagigiba ng baha at lindol.”
Camorra: “Iyan, putris!. Iyan talaga ang sasabihin ko (sabay suntok sa hangin). Iyang Puente
del Capricho, ang mga taong dalubhasa sa agham. Iyan nga talaga ang sasabihin ko, padre
salvi!.

Salvi: “Ngunit hindi nangangahulugan na wala kang gaanong katuwiran na gaya ni Padre
Camorra. Ang sama ay nasa lawa.”
Dona: “mangyari’y wala ni isa mang maayos na lawa sa kapuluang ito.
Simoun: “Ang lunas ay napakadali. Totoong nagtataka ako kung bakit walang sinumang
nakaisip nito. Ang lunas ay napakadali at walang magugugol na kahit isang pera Humukay ng
isang tuwid na kanal mula sa lawa hanggang Maynila. Sa madaling sabi, magbukas ng bagong
ilog at sarhan ang dating ilog Pasig. Makatitipid ng lupa. Mapapadali ang paglalakbay. At
maiiwasan ang pagbabara ng buhangin sa ilog.
Ben: “ Isang panukalang Yankee!”
Custodio: “Ipagpaumanhin mo Ginoong Simoun, ang iginagalang kong kaibigan, na di ka sang-
ayunan. Napakalaking salapi ang magugugol. At bukod sa rito maraming nayon ang masisira.”
Simoun: “Pwes, sumira!”

Custodio: “ At ang salaping ibabayad sa mga manggagawa?”


Simoun: “Hindi kailangang bayaran. Gamitin ang mga bilanggo.”
Custo: “Hindi makasasapat ang mga bilanggo, G. Simoun.”’
Simoun: “Kung ganoon, pakilusin ang buong bayan, matatanda, kabataan at mga bata.
Pagtrabahuin sila ng tatlo, apat, o limang buwan sa halip na labinlimang araw sa sapilitang
paggawa, Papagdalahin sila ng sariling pagkain at kagamitan.”

Custo: “Tingnan ninyo, bago simulan ang mga sawain sa daungan, nagharap ako ng isang
panukalang orihinal, madalin gawin, makabuluhan, at matipid upang linisin ang putik at
buhangin sa gulud-guluran ng lawa. Ngunit hindi tinanggap sa dahilang hindi ito
makapagbibigay….nito!”

Salvi: “Maaari bang malaman ang inyong ang inyong panukala?”


Custo: “Kung walang panganib ay ibig ninyo akong magsalita at kapag mayroon ay tahimik
kayo……Nakakita na ba kayo ng pato?”
Ben: “Palagay ko’y nakapamaril ng mga iyan sa lawa.”
Custo: “Hindi ang patong bundok ang ibig kong tukuyin. Ang tinutukoy ko ay mga itik na
inaalagaan sa Pateros at Pasig. Alam mo ba ang ipinapakain sa mga ito?”

Camorra: “ Mga suso, mga susong maliliit! Hindi mo kailangang maging Indio upang malaman
yan! Kailangan mo lang gamitin ang iyong mga mata!”
Custo: “Tama, maliliit na suso! At alam nyo ba saan nakukuha ang mga ito?...Kung matagal
kang namalagi sa lalawigan, tulad ko, malalaman mong nakukuha nag mga iyon sa gulud-
gulurang kahalo ng mga buhangin.”
Camorra: “ At ang inyong panukala?”

Custo: “ Iyan ang tutukuyin ko. Pipilitin ko ang mga baying magkakanugnog at malapit sa
gulud-guluran ng buhangin na mag-alaga ng mga itik. Makikita nyo kung paano magpapalalim
sa gulud-guluran ng mga buhangin ang mga itik. Sisisirin nila ang mga suso. Iyan ang panukala
ko.”
Ben: “Mapapahintulutan ba ninyong sumulat ako ng lathalain ukol ditto? Kakaunti an gang
nag-iisip sa baying ito.”
Donya: “Ngunit, Don Custodio. Kung ang lahat ay mag-aalaga ng itik, dadami ang balut! Hu!
Nakakadiri! Bayaan na lamang ninyong matuyo ang gulud-guluran.”

Kabanata 2: Sa Ilalim ng Kubyerta


Tagpuan: Sa isang bapor na nagngangalang Tabo. Kakikitaan ang bapor ng iba’t ibang uri ng
tao. May mayayaman, mahihirap, kawani ng pamahalaan at iba pa.ang bapor ay patungong
Laguna mula Maynila. Ilan sa mga lulan ng bapor ay ang mga prayle, si Isagani, ang
mamamahayag na si Ben Zayb, si Donya Victorina, isang mag-aalahas na nagngangalang
Simoun, at si Basilio. Sa ilalim ng kubyerta ng bapor makikitang naguusap si Isagani, Basilio at
Kapitan Basilio.
Kapt. Basilio: Kamusta na si Kapitan Tiyago?
Basilio: Tulad ng dait, ayaw paring magpagamot ni Kapitan Tiyago.
Kapt. Basilio: (pailing na sumagot) Noong mga bata pa kami nila Kapitan Tiago, wala pa ang
droga na iyan. Hindi ko rin lubos maisip kung saan ba nagmula ng masamang gamot na iyan.
Isagani: Mawalang galang na po, ngunit ang opyo ay isang uri po ng halaman. Ito ay hindi isang
gamot na katutuklas pa lamang, at hindi rin isang halamanng katutubo pa lang sa ganitong
kapanahunan, hindi ba, Basilio?
Basilio: Sang-ayon ako sa sinabi mo kaibigan. (palihim na napangiti sa sinabi ng kasama)
Kapt. Basilio: Sa pagkakatanda ko, mayroon ngang opyo noon. Tama meron nga! Ngunit ito’y
hindi gaanong napapansin dahil abala nag marami sa pag-aaral. Maiba ako, kamusta na nga
pala ang itinatatag ninyong Akademya ng Wikang Kastila?
Basilio: Handa na po ang lahat. May mga guro na po at handa na ring pumasok ang mga mag-
aaral.
Kapt. Basilio: Mabuti kung ganoon. Sana’y magtagumpay kayo sa inyong plano . Paano, mauna
na ako sa inyo. Kailingan ko ng pumunta sa itaas. Maiwan ko na kayo.
(Pag-alis ni Kapitan Basilio ay siya naming pagdatinng ng mag-aalahas na sa Simoun.)
Simoun: Magandang araw sa inyo. Basilio, ikaw ba ay pauwi na at magbabakasyon?
Basilio: Ganoon na nga po G. Simoun.
Simoun: at sino naman ang iyong kasama? Kababayan mo ba siya?
Basilio: Hindi po Ginoo, ngunit magkalapit lamang ang aming bayan. Bakit Ginoo, hindi pa po
ba kayo nakakarating sa bayan nila?
Simoun: Sadyang hindi ako nagtutungo sa mga lalawigan dahil ang mga tao doo’y hindi naman
bumibili ng mga alahas, sa aking palagay ay dahil sa mahihirap ang mga tao doon.
Isagani: Sadyang hindi lamang kami bumibili nang mga gamit na hindi naman naming
kailangan.
Basilio: Ipagpaumanhin ninyo G. Simoun, kami’y mauuna na sa inyo. Ang tiyo ng aking kasama
ay naghihintay na sa amin doon sa may dakong hulihan.

Kabanata 3: Mga Alamat


Custo: “ Saan ka nagtatago? Himdi mo nakita ang pinakamainam na tanawin sa paglalakbay!”
Simoun: “Ay, naku, marami na akong nakitang mga ilog at mga tanawin. At ngayon ang may
kabuluhan na lang sa akin ay ang mga alamat.”
Kapitan: “Ang Pasig ay may ilang alamat. Nariyan ang malapad na Batumbuhay noon bago pa
man dumating ang mga Kastila at diumano’y tinitirhan ng mga espiritu. Subalit nang mawala
ang pamahiing iyon at tampalasanin, ito ay naging pugad ng mga tulisan. Mayroon pang isan
alamat, ang tungkol sa kwento ni Donya Geronima. Ikukwento ito sa inyo ni Padre
Florentino.”

Flor: “Noong unang panahon ay may mag-aaral na nangakong magpapakasal sa kanyang


dalagang kababayan. Subalit ang mag-aaralk ay nakalimot at ang dalaga’y naghihintay habang
lumilipas ang panahon. Hanggang sa mabalitaan ng dalaga na naging arsobispo na ng Maynila
ang kanyang hinihintay at dahil sa ang kanyang pangako ay mahirap ng mangyari, nagpagawa
ang arsobispo ng kweba para sa kanya. Dito sya nanirahan hangga’t mamatay at ditto na rin
siya inilibing.”

Ben: “Napakagandang alamat! Isusulat ko iyan! Napakasentimental!”


Simoun: “Ano sa palagay mo Padre Salvi? Hindi ba’t mas mainam na inilagay ng kanyang
kamahalan si Donya Geronima sa beateryo, halimbawa gaya ng sa Sta. Clara, sa halip na
bigyan siya ng isang kweba?...Dahil hindi pagiging maginoo ang pagbibigay ng tahanang bato
sa isang binigo ang pag-asa. Higit na mabuti pa siguro kung ikulong siya sa Sta. Clara at
dalawin na lamang ng paminsan-minsan. Ano sa palagay ninyo? Kayo na humalili sa arsopbispo.
Ano sa ang gagawin nyo kung mangyaring sa inyo ito mangyari?

Salvi: “Ah Hindi ko mahahatulan na di dapat hatulan ang ugali ng arsobispo at pagsasayang
lamang ng oras ang pag-iisip sa mangyayari. Ngunit dahil sa pinag-uusapan natin ay mga
alamat, hindi nyo dapat limutin ang nauukol na milagro ni San Nicolas na pinakamaganda at
pinakatotoo na marahil ay hindi pa naririnig ni Ginoong Simoun. Tila noong unang panahon nag
ilog, ganoon din ang lawa, ay pinaninirahan ng mga malalaki at masisibang buwaya na
tinataob ang mga Bangka sa pamamagitan ng pagpalo lamang ng buntot. Isang araw, may
isang demonyo na nag-anyonh buwaya ang nagpataob sa Bangka ng isang intsik. Sa takot ng
intsik, nanalangin sya kay San Nicolas. Dininig naman ng Santo ang panalangin ng intsik at
ginawang bato ang buwaya.”

Ben: “Kahanga-hanga, talagang kahanga-hangang alamat! Papasok na pala tayo sa lawa.


Kapitan, saan dyan sa lawa napatay ang isang nagngangalang Geuvarra – Navarra – Ibarra?”
Kapitan: “Tumingin kayo roon. Ayon sa mga kawal na tumugis kay Ibarra, nang malapit na
syang masukol ay tumalon sya mula sa Bangka at sumisid nang mahigit dalawang milya. Nang
lumitaw ang kanyang ulo ay itinataguyod siya ng mga bala hanggang sa makita nila na pumula
ang tubig dahil sa dugo. Hustong labintatlong taon na ang nakakaraan ng mangyari iyon.”

Ben: “Kung gayon ang kanyang bangkay?”


Sibyla: “Nakasama na sa kanyang ama. Hindi ba’t isa rin syang pilibustero, Padre Salvi?”
Ben: “Yan ang masasabi kong murang paglilibing, ha, Padre Camorra?”(nakatawa)
Camorra: “ Lagi ko ngang nasasabi, na hindi mo maaasahang ang pilibustero ay magkakaroon
ng marangal na libing.” (habang tumatawa din)
Ben: “ Anong nangyayari sa iyo Ginoong Simoun? Huwag ninyong sabihin na kayo ay maysakit?!
Kayo na datihang manlalakbay, mahihilo sa ganitong paglalakbay lamang?”
Kapitan: “Kailangan ninyong malaman, na ang paglalakbay sa ilog na ito ay hindi dapat
maliitin. Ang lawang ito ay higit na malakisa alin mang lawa sa Switzerland o lahat ng lawa sa
Espanya pagsama-samahin man. Nakakita na ako nang mga sanay na mandaragat na nangahilo
dito.”

Kabanata 4: Kabesang Tales


Selo: “Magtimpi! Mas gugugol ka sa isang taong paghihintay sa usapin kaysa magbayd ka ng
sampung taon sa mga paring dayuhan. Hmm! Marahil ay babayaran ka naman nila ng mga
misa. Isipin mo na lamang na natalo ang tatlumpong piso mo sa sugal. O kaya’y nahulog sa ilog
at kinain ng mga buwaya.”
Masagana ang naging ani at naibenta sa mabuting halaga. Nakapagpagawa na ng bahay na
gawa sa tabla na siyang pinapangarap ng pamilya ni Tales. Itinaas muli ng mga prayle ang
buwis sa iba’t ibang kadahilanan. Binayaran na lamang ni Tales ang buwis upang maka-iwas sa
gulo.

Selo: “Magtimpi! Isipin mo na lang na lumaki ang buwaya!”

You might also like