Professional Documents
Culture Documents
Isagani: Mawalang galang na po, ngunit ang opyo ay isang uri po ng halaman. Ito ay hindi isang
gamot na katutuklas pa lamang, at hindi rin isang halamanng katutubo pa lang sa ganitong
kapanahunan, hindi ba, Basilio?
Basilio: Sang-ayon ako sa sinabi mo kaibigan. (palihim na napangiti sa sinabi ng kasama)
Kapt. Basilio: Sa pagkakatanda ko, mayroon ngang opyo noon. Tama meron nga! Ngunit itoy
hindi gaanong napapansin dahil abala nag marami sa pag-aaral. Maiba ako, kamusta na nga pala
ang itinatatag ninyong Akademya ng Wikang Kastila?
Basilio: Handa na po ang lahat. May mga guro na po at handa na ring pumasok ang mga magaaral.
Kapt. Basilio: Mabuti kung ganoon. Sanay magtagumpay kayo sa inyong plano . Paano, mauna
na ako sa inyo. Kailingan ko ng pumunta sa itaas. Maiwan ko na kayo.
(Pag-alis ni Kapitan Basilio ay siya naming pagdatinng ng mag-aalahas na sa Simoun.)
Simoun: Magandang araw sa inyo. Basilio, ikaw ba ay pauwi na at magbabakasyon?
Basilio: Ganoon na nga po G. Simoun.
Simoun: at sino naman ang iyong kasama? Kababayan mo ba siya?
Basilio: Hindi po Ginoo, ngunit magkalapit lamang ang aming bayan. Bakit Ginoo, hindi pa po
ba kayo nakakarating sa bayan nila?
Simoun: Sadyang hindi ako nagtutungo sa mga lalawigan dahil ang mga tao dooy hindi naman
bumibili ng mga alahas, sa aking palagay ay dahil sa mahihirap ang mga tao doon.
Isagani: Sadyang hindi lamang kami bumibili nang mga gamit na hindi naman naming kailangan.
Basilio: Ipagpaumanhin ninyo G. Simoun, kamiy mauuna na sa inyo. Ang tiyo ng aking kasama
ay naghihintay na sa amin doon sa may dakong hulihan.
Kabanata 3: Mga Alamat
Custo: Saan ka nagtatago? Himdi mo nakita ang pinakamainam na tanawin sa paglalakbay!
Simoun: Ay, naku, marami na akong nakitang mga ilog at mga tanawin. At ngayon ang may
kabuluhan na lang sa akin ay ang mga alamat.
Kapitan: Ang Pasig ay may ilang alamat. Nariyan ang malapad na Batumbuhay noon bago pa
man dumating ang mga Kastila at diumanoy tinitirhan ng mga espiritu. Subalit nang mawala
ang pamahiing iyon at tampalasanin, ito ay naging pugad ng mga tulisan. Mayroon pang isan
alamat, ang tungkol sa kwento ni Donya Geronima. Ikukwento ito sa inyo ni Padre Florentino.
Flor: Noong unang panahon ay may mag-aaral na nangakong magpapakasal sa kanyang
dalagang kababayan. Subalit ang mag-aaralk ay nakalimot at ang dalagay naghihintay habang
lumilipas ang panahon. Hanggang sa mabalitaan ng dalaga na naging arsobispo na ng Maynila
ang kanyang hinihintay at dahil sa ang kanyang pangako ay mahirap ng mangyari, nagpagawa
ang arsobispo ng kweba para sa kanya. Dito sya nanirahan hanggat mamatay at ditto na rin siya
inilibing.
Ben: Napakagandang alamat! Isusulat ko iyan! Napakasentimental!
Simoun: Ano sa palagay mo Padre Salvi? Hindi bat mas mainam na inilagay ng kanyang
kamahalan si Donya Geronima sa beateryo, halimbawa gaya ng sa Sta. Clara, sa halip na bigyan
siya ng isang kweba?...Dahil hindi pagiging maginoo ang pagbibigay ng tahanang bato sa isang
binigo ang pag-asa. Higit na mabuti pa siguro kung ikulong siya sa Sta. Clara at dalawin na
lamang ng paminsan-minsan. Ano sa palagay ninyo? Kayo na humalili sa arsopbispo. Ano sa ang
gagawin nyo kung mangyaring sa inyo ito mangyari?
umabot sa dalawang daan ito. Tumutol na si Kabesang Tales at nagreklamo na hindi na niya
kayang bayran ang ganoon ka taas na halaga. Binalaan siya ng mga prayle na kapag hindi
nakapagbayad ayibang tao ang paglilinangin ng kanyang lupain dahil marami ang may interes sa
lupain na nag-aabang lang.
Akala ni Kabesang Tales ay nagbibiro lang ang mga ito subalit hindi pala, katunayan ay
bumanggit siya ng isa sa mga utusan na hahalili kung sakali. Ang kaawa-awang si Tales ay
namutla at para niyang nakita ang kanyang asawat anak na naghihingalo. Naalala niya ang
pagtullo ng kanyang pawis sa lupain; nakita nya ang kanyang sarili na nagsasaka sa kainitan ng
araw habang ang mga prayle ay nakasakay sa mga karwaheng sinusundan pa ng mga alipin ng
kanyang kapalit. Hindi siya makapapayag na angkinin nito ang kanyang lupaing pinaghirapan.
Sa galit ni Kabesang Tales ay siya ay naghimagsik. Tumanggi siyang magbayad kahit ni isang
pera hanggat hindi nakapaghaharap ng malinaw na dokumento na ito nga ay sa mga prayle. Ng
walang maipakitang mga dokumento ang mga prayle ay nakarating sa korte ang kaso.
Tales:
Napaglingkuran at pinaglilingkuran ko ang hari sa pamamagitan ng aking salapi at lakas.
Ngayon namay hihingi ako sa kanya ng katarungan at kailangan ay ibigay niya ito sa akin.
Sa kasamaang palad ay naubos ang kanyang pera sa pagbabayad sa mga mapagsamantalang
abogado, eskribano, ahente at mga opisyal. Pinanigan ng hukom ang mga prayle dahil na rin sa
katigasan ng ulo ni Tales. Ang kanyang anak na si Tano ay nahirang na magkawal. Makalipas
ang anim na buwan ang nanbalitaang siya ay ipinadala sa Carolinas. Tatlong araw na hindi
lumabas si Tales sa kanilang bahay. Nang lumabas ito ay may bitbit na baril. Sa takot ng mga tao
na siya ay my balak patayin, pinag-utos ng kapitan heneral na ipagbawal ang pagdadala ng baril.
Isinuko naman ni Tales ang kanyang baril ngunit pinalitan naman ito ng mahaban itak. Isang gabi
habang nagbabantay si Tales sa kanyang lupain, nabihag siya ng mga tulisan at humingi ng
limandaang piso kapalit ng buhay nito.
Napagpasyahan ni Juli na ipagbili lahat ng kanyang mga alahas maliban sa laket na may
brilyante at Esmeralda na bigay ni Basilio sa kanya subalit hindi pa rin ito nakaabot ng
limandaan. Walang nagawa si Juli kundi ang magpa-alipin na lamang sa isang matandang
mayaman para lamang makuha ang kinakailangang salapi. Inalala ni Juli ang kanyang sasapitin
kinabukasan bilangn isang utusan at ang sasabihin ni Basilio. Wala syang magawa kundi ang
manalangin sa birhen na gumawa ng milagro. Nakatulugan na nya ang isiping iyon dahil na rin
siguro sa dalamhati at pagod.
Kabanata 5: Noche Buena ng isang kutsero
Kutsero: Noong kapanahunan ng mga Santo, walang maraming guardia civil pagkat kung may
nang-aapi ay hindi mabubuhay ng ganyan katagal ang mga taon iyan. (sabay turo sa mga imahe)
Wala talagang guardia civil noon. Kung mayroon, ang maitim na lalaking iyon ay hindi
makasasabay sa dalawang Kastila sapagkat mabibilibid siya..Kung makakawala lamang ang
paa ni Haring Bernardo, ibibigay ko sa kanya nag aking mga kabayo, magpapa-alipin at
magpapakamatay ako sa kanya dahil siys ang magtatanggol sa atin laban sa mga guardia civil.
Kapitan: Areglado Ginoong Simoun. Pupunta kami sa Tiyano upang makita ang iyong mga
alahas.
Alperes: Pupunta rin ako. Kailangan ko ng relo ngunit napakarami kong inaasikaso. Kung
maikukuha mo ako ng isa Kapitan Basilio. (sabay bigay ng pera kay Kapitan)
Kapitan: Hayaan ninyo na maging pamasko ko na ito. (tinanggihan ang pera) Bueno, maaari
nating pag-usapan iyan pagkatapos.
Kura:
Ako rin, gusto ko ng isang pares ng hikaw na mataas na uri. Mamaya na rin natin pag-usapan
pagkatos.
Kapitan: Huwag kang mag-alala padre.
Tumuloy na sa bahay ni Kapitan Tiyago si Basilio at nakipamalita kay Kapitan Tiyago.
Tiyago:
Isang kasama natin ang namatay. Ang matandang lalaki na katiwala natin sa gubat. Namatay ito
sa katandaan. Ayaw pumayag ng kura ng pangmahirap na misa dahil mayaman naman daw ang
kanyang panginoon.
Basilio: Wala ba kayong magandang maibabalita sa akin? Nawawalan ako ng gana sa aking
mga naririnig. May balita ba kayo tungkol sa Sapang?
Sinabi ng matanda ang tungkol sa pagkabihag ni Kabesang Tales. Hindi umimik si Basilio at
nag-isip ng malalim hanggang sa nawalan na nga sya ng ganang kumain.
Kabanata 6: Si Basilio
Basilio: Inay, matagal ko na pong hindi nadadalaw ang iyong puntod. Naaalala ko pa kung anong
klasing trahedya ang nangyari sa atin noon. Buti nalang ay nakilala ko si K. Tiyago sa Maynila
Ang Nakaraan
K.Tiyago: Basilio, papatirahin kita sa amin at pag-aaralin sa San Juan De Letran.
Basilio: Maraming salamat po. Mag-aaral po ako ng mabuti upang bayad sa iyong kabutihan
K.Tiyago.
Basilio: (nagsasalaysay) Lumipat ako sa Ateneo dahil mas maganda ang trato nila sa mga
estudyante.
Sa eskwelahan
Propesor: Aba, Basilio. Napakagaling mo. Pagbutihin mo yan at magiging magaling kang doctor
baling araw.
Basilio: Opo. Makakapagtapos na rin po ako ng medisina.
Nagsasalaysay si Basilio
Basilio: Kapag nakatapos ako, papakasalan ko si Huli. Inay, sana nandito ka at nakikita mo ang
katuparan ng aking mga pangarap
Kabanata 7: Si Simoun
Tagpuan: Bisperas ng Pasko ngunit si Basilio ay lulan ng isang kalesa patungo sa bahay ni
Kapitan Tiago sa bayan ng San Diego . Inabutan nila sa daanan ang prusisyon ng ibat ibang
santo. Si Kapitan Tiago ang tumulong kay Basilio upang makapagaral ng medisina. Sa tuwing
uuwi sa Basilio sa San Diego , lagi niyang binibisita ang libingan ng kanyang ina. Ngunit isang
gabi, isang di inaasahang sikreto anng nalaman ni Basilio.
Basilio: Si G. Simoun! Ngunit anong ginagawa niya dito sa libingan ng aking ina?
(Isang pagbabalik tanaw ang nangyari kay Basilio: Sa paghabol niya sa kanyang ina noon, may
labingtatlong taon na ang nakakalipas, isang lalaking nagngangalang Crisostomo Ibarra ang
inabutan niya sa gitna ng gubat. Ditoy pinakiusapan siya nito na tulungang sunugun ang
bangkay ng isang di niya kilalang lalaki.)
Basilio: May maitutulong po ba ako sa inyo, G. Simoun?
(Gulat na liningon ni Simoun ang tinig.)
Simoun: Anong ginagawa mo sa gubat na ito?
Basilio: Kung inyo pong magugunita, sa mismong pook ding ito tayo nagtagpo may labing
tatlong taon na ang nakakaraan. Kayo po ang naghandog sa akin ng isang pakikiramay, at kung
hindi ako nagkakamali, kayo si Crisostomo Ibarra. Si G. Ibarra, na sa pagkakaalam ng lahat ay
patay na!
(Kinasa ang rebolber at itinutok kay Basilio.)
Simoun: Isang nakmamatay na lihim ang iyong nalaman. Isang lihim na maaari mong
ikapahamak. Hindi mo ba naisip na dahil ditto ay maaari kang masawi sa aking kamay?
Basilio: Iba ang pagkakakilala ko sa inyo G. Simoun.
Simoun: Ang pagkakatuklas mong ito sa aking lihim ay isang malaking banta sa akin. Ang
maaaring pagkakabunyag nito ang sisira sa plano ko! Sa plano kong paghihiganti! Sa plano kong
matagal ko nang pinaghandaan!
Basilio: G. Simoun! Nooy hinatulan kayong filibustero at dahil dooy kayoy napakulong, muli
ba ninyo itong hahayaang mangyari?
Simoun: Walang ibang nakakaalam nito maliban sa ating dalawa. At kung mawawala ka sa aking
landas ay mananatili itong isang lihim. Madaling palabasin na napatay ka ng mga tulisan sa loob
ng gubat na ito.
Basilio: Kung gayon ay nagkamali pala ako ng pagkakakilala sa inyo.
Simoun: Totoong akoy naparito may labing tatlong taon na ang nakakaraan, upang dakilain ang
isang kaibigan na inilaan ang buhay para ipaglaban ang karapatan ng mga Pilipino laban sa mga
mapang-api. At ngayoy nagbalik ako upang ipagaptuloy ang kanyang nasimulan. Hindi ko
akalaing ang lason na naiwan ay lubusan ng kumalat sa lipunan! At ang mga kabataan! Wala ng
ginawa kundi sumunod! Magpa-alipin! Hindi pinakikinggan!
Basilio: Hindi G. Simoun! Kung hindi dahil sa pag-aaral ng mga kabataan ng wikang Kastila ay
hindi tayo pakikinggan ng pamahalaan. At ang wikang ito ang magbubuklod ng tuluyan sa mga
Pilipino.
Simoun: Isang pagkakamali!Hindi kailanman ito magiging wikang pambansa! Aanhin natin ang
wikang ito? Itatago lamang ng huwad na wiakng ito ang ating mga karapatan! Ang ating mga
pagkatao!
Basilio: G. Simoun, mali ang inyong iniisip.
Simoun: Sa simula pa lamang, akin nang nasaksihan ang inyong lupon. Ang mga kabataang
naghahangad na itatag ang Akademya. Ilang bese ko na ring tinangkang lapitan si Macaraig, o si
Isagani, upang ihayag sa inyo ang mga pagkakamali ng inyong binabalak, ngunit alam kong
hindi kayo makikinig at inyo lamang iisipin na akoy nasisiraan ng bait. Ngunit, narito na sa akin
ang pagkakataon. Hahayaan kitang mabuhay, Basilio. Kahit na alanm kong ang nakataya ditto ay
ang katuparan ng aking mga plano . Hahayaan kitang mabuhay, sumama ka sa akin, sabya nating
isakatuparan ang aking mga plano laban sa mga mapang-api!
Basilio: Salamat sa pagtitiwala G. Simoun, ngunit ako man ay may mga pangarap din. Gusto
kong makapagtapos. Gusto kong maging isang ganap na duktor.
Simoun: at ano ang iyong mapapala kung ikaw ay makakapagtapos? Makikita mo bang masaya
ang iyong bayan? Makikita mo bang malaya ang mga tao? At ano, iyo na lamang bang hahayaan
ang iyong ina at kapatid na mabulok sa ilalim ng lupa na tinatapakan ng mga taong siya
mismong pumatay sa kanila?
Basilio: Ano ang nais ninyong gawin ko G. Simoun? Kayak o bang silang iapglaban gayong ako
mismo ay wala! Isa lamang akong hamak na estudyante, wala sa buhay. Hindi maaaring hukayin
ang aking ina at iharap sa hukuman ang kanyanng bangkay at pagkatapos ay mangbintang nang
kung sino-sinong kastila.
Simoun: At kung ibibigay ko sayo ang aking tulong?
Basilio: G. Simoun, magbaba man ng hatol ang mga hukom, wala na sinag magagawa. Hindi na
kayang ibalik ng kanilang mga pasya ang buhay ng aking ina at kapatid. Hayaan na natin silang
matahimik. Wala rin naman akong mapapala sa aking paghihiganti.
Simoun: Pareho lamang tayo ng karanasan Basilio. Ganyan din ako noon. Ipinagwalang bahala
ko ang lahat. Ngunit, sa pagwawalang bahala na ito, ikaw pa ang masama! Ikaw pa ang kanilang
kamumuhian!
Basilio: Ako pa ang kanilang kamumuhian sa kabila ng mga ginawa nila sa akin?
Simuon: Natural lamang sa tao na magalit sa kanyang nasaktan. Lumalalim na ang gabi. Bumalik
ka na sa inyo. Basilio, hindi ko hinihiling na iyong itago ang aking lihim, dahi kahit ihayag mo
itiy tiyak kong hindi ka nila paniniwalaan. Gayon nam, kkung sakaling magbago ang iyong isip,
hanapin mo lamang ang aking bahay sa may Escolta.
(Pagkatapos nito ay umalis ng payapa si Basilio. Nanatili si Simoun a kanyang kinatatayuan.)
Simoun: Tama kaya ang aking ginawa? Bahala na! mamatay anng mahihina at matira nag mga
malalakas! Kaunting pagtitiis na lang, malapit na akong magtagumpay. Kaunting tiis na lang.
Kabanata 8: Maligayang Pasko
H.Penchang: Huli pwede ka ng magsimula bukas.
Huli: Pero pasko po bukas.
H.Pechang: Kung ganoon, ibalik mo na lamang ang perang pinahiram ko sa iyo.
Huli: Sige po. Pupunta po ako ulit ditto bukas.
Araw ng Pasko..
Huli: Lolo, aalis nap o ako. Maligayang pasko po.. (paalis na ng bahay)
Malungkot si Tandanag Selo, napipi siya.
Kabanata 9: Ang Mga Pilato
Babae: Hay, nalaman mo na bang napipi si Tandang Selo.
Babae2: Ay, oo. Kawawa naman siya.
May dalang baril si Tales. Hinahabol ng Alperes at ng mga gwardiya sibil.
Tales: Lupa ko ito! Walang maipakitang mga papeles ang mga prayle na sila ang may-ari. Nasaan
ang pruweba niyo? Akin ito. Hinding hindi ako magbabayad.
Alperes: Matigas ka talaga Tales!
Dumating ang mga tulisan at dinukot si Tales..
Tales: Saan niyo ako dadalhin?
Tulisan: Sumama ka na lang! Kailangan kang tubusan ng iyong kaanak para makauwi.
Huli: Babayaran ko na po. Pakawalan niyo po ang aking ama.
Samantala, sa bahay ni Hermana Penchang.
H.Penchang: Huli, tuturuan kita magbasa at magdasal. Aralin mo ang mga librong iyan.
Humiling ka na matubos mo ang iyong ama.
Huli: Opo, maraming salamat po.
H.Penchang: Dapat lagi kang nagbabasa ng mga dasal para biyayaan ka ng Diyos.
Bumisita si Basilio..
Huli: Basilio, nandito ka pala
Basilio: Kamusta ka na dito?
Huli: Ayos lang naman ako.
Basilio: Hayaan mo, nag-iipon ako para mabayaran ang utang mo kay H.Penchang.
Huli: Salamat Basilio.
ay ang akong mga brilyante. Lipulin ang masama at linisin ang bayan!
P. Irene: ah, ikay may galit sa poot sa mga tulisan di po ba?
Simoun: Wala sa mga tulisan sabundok ang sama kundi nasa tulisan sa loob ng bayan at mga
lungsod.
P. SIbyla: hindi bat may nagpanukala na gawing paaralan ang mga sabungan? Pero merong
tumutol dahil nagbabayad daw ng apatnaraan at limampung libong piso ang nagpapasabong ng
wakng kahirap-hirap.
Kap: Isasara ang mga paaralan para pasugalan? Magbibitiw na muna ako! May binabalak ako
ukol diyan.
(may magbabanggit tungkol sa AKADEMIYA NG WIKANG KASTILA)
P. Sibyla: tsk! Yun ay isang tahimik na pag-aalsa.
Simoun: kahina-hinalang kahilingan.
Kawani: BABANGGITIN NIYA ANG TUNGKOL KAY HULO AT SA KANYANG
INGKONG.
P. Camorra: SInasabi ko na ngaang mayroon akong bagay na dapat sabihin sa Heneral kaya
narito ako upang katigan ang pakiusap ng batang iyon.
Kap: palayain ang matanda. Hindi nila masasabing hindi ako marunong maawa.
Kabanata 12
JUANITO,PLACIDO,ISAGANI,PAULITA,HERMANA,PADRE MILLON
Tauhan1: Hindi bat si Placido yun?
Tauhan2: Alam niyo ba kung san siya nag-aaral?
Tauhan3: Ang balita ko nag-aaral yan sa UST e at nasa ikaapat na taon na siya ng Bachiller en
Artes.
Tauhan1: Yan ang pinakamatalinong estudyante ni padre Valerio.
(naglalakad si Placido tas dadating si Juanito Pelaez tas tatapikin yung likod ni Placido na
ikinainis ni Placido.. May ibubulong si Juanito kay Palcido tapos tatawa siya)
Juanito: Wala siyang magagawa. Isang utos lang ay maipabibilanggo ang ama, asawa o kapatid.
Napakatanga niyang si Basilio! Aanhin niya ang isang babaeng walang pera at isang alila
napakasungit nita ngunit maganda balang araw ay matutulad din siya sa iba. (tatawa)
Juanito: Ano kasi yung tinuro kahapon? Ang tagal naman kasing walang klase e!
Placido! Magbayad ka nga ng tatlong piso! O apat na piso na! may pera ka naman pala e!
(tas dadating si Paulita GomezFAITH tas dadating din si Isaganishob..babatiin ni isagani si
paulita..)
Tadeo: Ang ganda naman niya! Sabihin niyo nalang sa propesor na may sakit ako, susundan ko
lamang ang napakagandang babaeng yon!
(may lalapit na estudyante)
Estudyante: pirmahan mo ito agad, ito ay isang protesta sa kahilingan nila makaraig sa
pagpapatayo ng Akademya ng wikang Kastila.
Tadeo: Di ko maaring pirmahan yan.. Hindi ako maaring pumirma sa anu mang hindi ko
nauunawaan at ayoko ring labanan si Makaraig.
(tas papasok na si Placido)
Padre Millon: wala kang galang! Magbabayad ka rin sakin!
Kabanata 13
Scene: may natutulog na estudyante sa klase ni padre Millon (Mangi)
P. Millon: Hindi mo alam ang leksyon ano?! TAMAD!
(tas tumayo si Mangi)
Estudyante: Ang salamin ay anu mang makinis na bagay sa ibabaw na ginawa upang Makita ang
anumang Makita nag iharap ditto. Nahahati ito sa dalawa, salaaming metal at salaaming bubog.
P. Millon: kung ikay bibigyan ng kaputol na kahoy at masisinagan ng larawan ng mga bagay na
ilalagay sa harap, saang bahagi mo ilalagay ang bawat isa?
Estudyante: Marahil ay sa bandang itaas!
P. Millon:Ang layo ng sagot mo!
Juanito: (pabulong) ang salaaming kamagong kasama ng salaming kahoy!
(tas tatawa ung buong klase)
P. Millon: Ikaw Placido, hindi kita tinatanong ngunit ibig mong sagipin ang iba. Tumayo kat
ikaw ang sumagot sa aking mga katanungan.
(tas magsagutan na lang kayo nun)
P. Millon: Mas mainam ang tawag sa iyo na Placidong bulong! Labinlimang araw na liban! Isa
pa at magbabakasyon ka na!
Placido: ngunit apat na araw pa lang akong liban.
P. Millon: Sa tuwing liliban ka ngisang araw, lima ang katumbas. Ilang ba ang limang makalima?
Placido: Dalawamput lima po
PM: 3 beses pa lamang kitang nahuli.Ilan ang talong lima?
PP: labing lima po.
PM: kapag lumiban ka pa ng isa ay lalabag ka na. Mamarkahan pa kita ng isang guhit dahil di
mo alam ang leksyon ngayon.
PP: alaisin niyo na lahat ng marka ko sa araw na ito!
PM: ABA! At bakit?!
PP: hindi ko po maisip kung pano ang wala rito ay makapag uulat ng leksyon.
PM: hindi ba pwedeng liban sa klase pero alam ang leksyon?
(tas Ihahagis ni placido (jeco) yung libro sa harap ng guro
PP: sige! Ilagay mo na ang lahat ng guhit na gusto mo! din a ko makatiis! (galit)
(tas magwawalkout si Placido)
Kabanata 14
Tagpuan: Sa bahay ni Macaraig nagtipon-tipon ang mga estudyanteng kasama sa grupo na
naghahangad mapatayo ang Akademya ng Wikang Kastila. Ilan sa mga ito ay si Sandoval, ang
estudyanteng mahilig manalumpati, si Isagani, ang makata, si Pecson, na puro pag-aalinlangan,
at si Pelaez,ang anak ng isang Kastilang mangangalakal. Hinihintay na lamang nila ang
pagdating ni Macaraig upang ibalita sa kanila ang tungkol sa akademya. Nag-uusap ang mga
mag-aaral kung sa palagay ba nila ay papayagan ng mga prayle ang kanilang mga mungkahi.
Tanging si Pecson lamang ang nag-iisip ng negatibo sa grupo. Nasa gitna ng paguusap anng mga
mag-aaral ng dumating si Macaraig dala ang isang magandang balita.
Macaraig: Kaninang umaga ay nakipagkita ako kay Padre Irene, at nabanggit niya sa akin na sa
Los Banos daw pinag-usapan ang lahat. Ang lahat daw ay tutol. Ngunit hinayaan na nila na ang
Kataas-taasang Lupon ng Paaralang Primarya ang mag-desisyon.
Pecson: Ngunit hindi naman kumikilos ang lupong iyan!
Macaraig: Yan din ang aking sinabi kay Padre Irene. Ang sabi niyay si Don Custodio, isang