You are on page 1of 19

SCRIPT SA EL FILIBUSTE RISMO

Ang nobelang El filibusterismo o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang


isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si José Rizal, na kaniyang buong pusong inialay
sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora.
Ito ang karugtong o sikwel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hírap
habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong
Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba.

Kabanata XXVIII
Ang Maynila ay punung-puno ng takot at pagkabalisa. Ang balita ng napipintong paghihimagsik ay
nagresulta sa iba’t-ibang mga reaksyon mula sa mga mamamayan.
Ben Zayb: Ako lang naman ang nag-iisip sa Pilipinas! Ang pagpapaaral ay masama, napakasama sa
Pilipinas! Dahil dito, tignan ninyo ito ang mga nangyayari ngayon…
*Sa may labas ng tindahan ni Quiroga at sa may kalye, nagbabasa ng dyaryo.*
Quiroga: Hala! Hindi na napunta sa aking tindahan ang mga prayle! Meron pa naman ako bago paninda!
Ano na ba itong nangyayari? Napakasama nit
o, napakasama! Naku, kailangan na kausapin si Ginoong Simoun! Alam niya ano gagawin ko sa aking
tindahan! Alam niya ano gagawin sa nakatago na baul at iba pa gamit! Ako ay takot na, baka mahuli ang
itinatago sa aking tindahan!
Inihanda ni Quiroga ang kanyang tindahan para madaling isara kung may mangyari mang
kaguluhan o paghahanap. Magpapasama ito sa guardia civil patungo sa bahay ni Simoun
Guardia Civil: Nandito na po tayo sa tahanan ni Ginoong Simoun ngunit ayaw niya makipagkita kahit
kanino.
Quiroga: Eh si Don Custodio
Guardia Civil: Si Don Custodio naman po ay ‘di tumatanggap ng panauhin.
Quiroga: Hay naku, si Ben Zayb na lang… Mahihingan ko siya ng balita.
Sa kabilang dako ay may binyagan na nagaganap. Ngunit sa pagaakala ng isang militar na
nagdaraan na may nangyayaring pagpaplano ng himagsikan, nilusob niya ang kaganapan sa
pamamagitan ng kanyang sable.
Mamamayan 1: Hindi ba delikadong mag saya ngayon? Masyado nang magulo at baka mayroong
mangyaring masama ngayon.
Mamamayan 2: Wag kang mag – isip nang ganyan. Mabuti pang magsaya lang tayo ngayong araw at
kalimutan na muna natin ang mga yan.
Mamamayan 1: Oh sige.
Guardia Civil: Anong mayroon doon? May gulo bang nangyayari?
Guardia Civil: Baka ang mga pilibustero ang mga iyan hali na tayo at sila’y hulihin.

Ni napakaliit na bagay ay pinapalaki at dahilan ng pagkaalarma. Maraming nahuli, maraming pinag-


usapan at mga haka-haka. Nagkalat ang mga nagdarasal, mga guardia civil at iba’t iba pang
pangyayari na walang kaugnayan, lalong dumagdag sa gulo.
*Mga mamayan na nagtatakbuhan, nagsisigawan, nag-uusap, nagdarasal, etc.*
Naglalakad si Ben Zayb para magkaroon ng ideya sa kung ano ang kanyang ibabalita, saktong ito’y
naglalakad sa lugar na nagkaroon ng kaguluhan at karahasan.
Ben Zayb: Ano kayang balita ang pwedeng maisulat? Balitang siguradong magdadala ng matinding
emosyon sa mga tao. *may nakitang babaeng Indio na halos wala nang damit, tumigil saglit at sinundot
ang patay* Ano ito? Ito ba’y resulta sa karahasang nagaganap sa Pilipinas dahil sa mga mag – aaral?
*naglakad takbo papunta sa backstage* Kailangan ko itong ilathala at wala na akong ibang iisipin pa.
Ipapakita ko ang kalungkutan nito, ngayon rin.
*gi voicing lang guro ni kay murag nagbasa ang mag – aaral ug guro sa newspaper*
Ben Zayb: Ako lang ang nag – iisip sa Pilipinas. Ako ay mag – aalay ng dasal para sa Pilipinas pagkat
ang bansang ito ay nakaranas ng isang krisis, mga bagyong patuloy na nagdadala ng kalungkutan sa
bansa. Ang pagkakawanggawa niyo ay kinakailangan ng bansang ito.
*Pagkatapos mabasa ang balita*
Sa isang tindahan
Mag – aaral: Akala ko’y si Padre Ibanez ang magbabalita sa kinakailangang pagkakawanggawa ng
bansa. Sa halip si Ginoong Ben Zayb ang nagbalita nito.
Tindera: Mukhang hindi ito kumakampi sa atin pagkat ang karahasang nagaganap sa bansa’y hindi niya
binalita.
Mag – aaral: Mukhang ganun na po. Lalo na’t hindi ito isang Katoliko, bakit siya aalay ng dasal kung
ang relihiyon niya’y hindi Katoliko.
Tindera: Wala na tayong magagawa sa isyung iyon. Ngunit nahuli na ba si Tadeo?
Mag – aaral: Ginang, nabaril na po siya.
Tindera: Nabaril! Ang kabanal – banalan kong Ina! Ngunit hindi pa siya nakababayad ng kanyang utang
Mag – aaral: Huwag kang maingay, ginang. Baka mapaghinalaan kayong kasapakat(kakampi). Sinunog
ko na ang aklat na ipinahiram niya sa akin. Maaaring maghalughog sila sa aking bahay at Makita iyon.
Dapat maging maliksi, ginang!
Tindera: Ang sabi nila’y nadakip na rin si Isagani.
Mag – aaral: Luko – luko ang Isaganing yan! Hindi naman siya huhulihin. Ngunit nagpunta siya roon at
iniharap ang sarili. Nararapat sa kanya ang anumang maaaring mangyari sa kanya. Maaaring barilin siya.
Tindera: *nagkibit balikat* Wala siyang utang sa akin. Ngunit ano ang gagawin ni Paulita?
Mag – aaral: Hindi siya mawawalan ng kasintahan, ginang. Maaaring umiyak siya sandali. Pagkatapos
mag – asawa rin siya sa isang Kastila.
*Sa platerya*
Sa platerya naman, kung saan naninirahan si Placido, ay pinag-uusapan ang mga nangyari noong
araw na iyon ng may katapatan
Platero: Hindi ako naniniwala na may mga paskin. Sus, pilibustero daw! Gawa-gawa lang ‘yan lahat ni
Padre Salvi.
Punong Platero: *Umuubo, kumindat sa kanyang katulong na platero at tumingin sa gawi ng daan *
Eskribyente: Hindi! Totoo ‘yang tungkol sa mga paskin. Ipapaliwanag ko sa inyo lalong lalo ka na
Chichoy… Pakana iyan lahat ng Instik na si Quiroga. Maniwala ka sa ‘kin. ‘Yang Instik na yan ang nasa
likod ng lahat ng ito! Iyan ang narinig ko sa tanggapan.
Chichoy: Ang kabanal-banalan kong Ina! Kung gayon, totoo nga pala!
Eskribyente: Ginawa niyang isyu ang mga paskin para hindi mahalata ang kanyang gagawin. Habang
gulong-gulo ang lahat at abala sa isyung iyon, Sasamantalahin niya ito at manunuhol ‘yan doon sa
Adwana para makapasok ‘yung mga pilak niya.
Chichoy: Siya nga! *Susuntok sa mesa* ‘Yang Instik na si Quiroga… Bakit tayo ang nagbabayad ng
utang niya?
Punong Platero: *Tumikhim at umubo pagkat nakarinig siya ng yabag sa daan.*
*Naputol ang usapan nang may narinig na mga yabag sa labas ang punong platero na hindi nagsalita sa
usapan dahil sa kaduwagan. Dumating sina Placido at ang dalubhasa sa paggawa ng paputok.*
Placido: Hindi ko nakausap ang mga bilanggo. Mga tatlumpu sila.
Dalubhasa: Magsipaghanda na kayo! Ngayong gabi raw magaganap ang pagpatay.
Chichoy: Ano?! Lintik!
Punong Platero: *Takot na takot at biglang umupo, nagsisimula nang umiyak*
Eskribyente: O, sige. Hindi magkakaroon ng pagpatay. Sa kabutihang-palad maysakit ang tagapayo ng
kanyang kamahalaan. Si Simoun!*Nagkatinginan si Placido at ang dalubhasa, umubo ulit ang punong
platero*
Chichoy: Kung hindi nagkasakit ang taong iyan…
Dalubhasa: Gagawa-gawa ng isang himagsikan… At ano na ang gagawin natin ngayon?
Chichoy: Baka nagkukunwaring maysakit lang iyan. Takot siguro lumabas! Pag nakita ko siya…
Dalubhasa: Gayunman, magsipaghanda! Kung tayo’y pipiliting pumatay o mapatay…
Platero: Mag-iingat kayo!
*Umalis na sila. Takot na takot na ang mga naiwan*
Sa bahay ni Kapitan Tiago, may ilang mag – aaral ang sinamantala ang pagkakataon na magkaroon
ng rebolusyon sa pamamagitan ng pagsasamantala sa kalagayan ni Kapitan Tiago at saktong
dumating si Padre Irene upang paalisin ang mga ito at pumunta sa tagiliran ng kama ni Kapitan
Tiago at kinausap ito.
Kapitan Tiago: Ano na ang nangyayari? Totoo ba lahat ng sinabi nila? Padre Irene, totoo ba?!
Padre Irene: Maghinahon ka, yan ang maipapayo ko. Ano na lang siguro kung wala ako rito, dumanak
na sana ang dugo. Ngunit naalala kita, kapitan. Walang napala ang pangkat nila sa heneral.
Nanghihinayang sila na wala si Simoun… kung ‘di lang sana siya nagkasakit! Naalala ko rin na
kinakailangan mo ng kasama lalo na’t nasa bilangguan si Basilio.
Kapitan Tiyago: A – a - ano? Hi – hi – hindi pwe— *Nangangatal at hindi na makapagsalita, humawak
sa bisig ng prayle at sinubukang bumangon* Uuuuhhhhhhh… *Umungol ng makalawa at bumagsak sa
unan*
KATAPUSAN NG KABANATA XXVIII

Kabanata XXIX
Sa makalawa, dumalaw ang Kura Paroko kay Padre Irene
Kura Paroko: Padre Irene!
Padre Irene: Bakit Padre?
Kura Paroko: Ipinapaalala ko sa’yo Padre Irene, hindi nakapangumpisal si Kapitan Tiyago bago siya
mamatay kaya't hindi ito dapat mabigyan ng exequias sa kanya o ano mang seremonya, padre.
Padre Irene: Hindi dapat ikaligalig ang mga bagay na iyan. Kung ipagkakait natin ang exequias sa lahat
ng mga namamatay na hindi nakapangungumpisal, malilimutan na natin ang De Profundis! Gaya ng alam
ninyo, ang kahigpitang ito sa mga hindi nakapagsisi ng kasalanan ay ginagawa lamang kung siya'y hindi
makapagbabayad. Ngunit si Kapitan Tiago! Nakapagpapalibing ng mga Instik na di binyagan at may misa
pa para sa patay.
Kura Paroko: Ngunit padre paano na ang mga kayamanan at mga ari-arian? at ang mga kanyang huling
habilin? sino ang magpapangasiwa nito? Si Basilio?
Padre Irene: Nag-iwan si Kapitan Tiyago ng kanyang ari-arian sa Kumbento ng Santa Clara, sa papa, sa
arsobispo, at sa korporasyon ng mga pari. Nag-iwan rin siya ng dalawampung piso para sa matrikula ng
mahihirap at masisipag na batang mag-aaral. Tungkol naman sa pamanang dalawampu’t limang piso kay
Basilio na ibinawi ni Kapitan Tiyago ng mga huling araw niya. Kukunin ko na lamang ang ganitong
halaga sa sarili kong bulsa upang maibigay kay Basilio. Sige padre kailangan ko na pumunta sa bahay ni
Kapitan Tiago dahil meron isang pag-pupulong kasama ang kaniyang mga kaibigan at pamilya.
Kura paroko: Sige padre, Hasta que de nuevo padre!
Padre Irene: Paalam Padre.
Sa bahay ni Kapitan Tiago nag bubulungan ang mga provincial at biserektor, habang naka-upo sina
Don Primitivo, Martin at Quiroga, at iba pang mga kilalang tao sa San Diego, at ang kamag-anak
naman ni Kapitan Tiago ay sinisilbihan ang mga bisita
Biserektor: Senior, Paano ba namatay si Kapitan Tiago? Nag-usap pa nga kami tungkol sa mga
estudyante na pinapatay.
Martin Aristorenas: Ganun talaga ang buhay Senior! Hindi talaga natin alam kung kailan ang ating
huling kabanata sa ating buhat at kung ano ang mang yayari nito.
Quiroga: Ngunit ginugulo parin ako ng aking isipan kung paano talag siya namatay?
Padre Irene: Kagabi habang ako ay papasok sa may pintuan, ako'y nakarinig ng langitngit na mga paa
galing sa itaas at galit na galit na boses ng mga binata, at pinuntahan ko ka agad ang silid mismo ni
Kapitan at doon nakita ko nalang siya nanginginig at nahihirapan ng huminga sa kanyang katre.

*DUMATING ANG MGA MANUNUGAL*


Manunugal #1: Napaiisip ako kanina kapag magkita sila Kapitan Tiago at si San Pedro, at hahamunin
ito ni Kapitan ng isang sabong, kung wala talagang kamatayan ang mga hayop lalo ng ang manok ni San
Pedro , kung magkakagayon, sino ang tatayong tagapamagitan at sino kaya ang mananalo?
Manunungal#2: Siguro matatalo talaga si Kapitan diyan
Manunugal#1: Hindi manalo siya dahil mas mayaman at mas malakas ang kaniyang manok kay'sa kay
San Pedro.
Don Primitivo: Sinuma'y hindi maaaring matatalo mga senior! Ang pagtatalo ay lumilikha ng
kalungkutan, walang sinuman ang maaaring malungkot sa langit.
Asistorenas: Ngunit dapat may mananalo sa laban nila! NASA PANALO ANG SARAP DIBA MGA
PRE!
Don Primitivo: O di sige, kapwa sila mananalo! gano'n kasimple
Aristorenas: HINDI!!! DAPAT IISA LANG ANG MANANALO AT IISA LANG ANG MATATALO!
Don Primitivo: HINAYUPAK! KA MARTIN! AN GALLUS TALISANUS ACULO TARI ARTAMUS
AN GALLUS BEATI PETRI BELLIKUS SASABUNGUS SIT! MAGKAKASALA KA, KAIBIGANG
MARTIN, MAHUHULOG KA SA ISANG EREJIA! CAVE NA CADAS! HINDI NA AKO
MAKIKIPAGMONTE SA IYO, NI HINDI NA TAYO MAGKAKABAKAS! HINDI MO
PINANINIWALAAN ANG KAPANGYARIHAN NG DIYOS, PECCATUM MORTALE! HINDI MO
SINASAMPALATAYAAN ANG KATUNAYAN NG SANTISIMA TRINIDAD, ANG TATLO AY
IISA! DAHAN-DAHAN KA! MAGDAHAN-DAHAN! QUICUMQUE NON CREDERIT
ANATHEMA, SIT!
SIGULO, PUWELE AKIENG KONTALATA ITONG AKIEN SABONG SA KILISTO, BA? PAG
AKO PAKTAYLO, AKIENG KONTALALISTA HA?
KAPITAN TINONG: Tumigil na kayo mga senior! padre Irene, ano ba ang isusuot ni Kapitan Tiago?
Dapat ang damit na kaniynag susuotin ay damit ng Pransiskano!
PADRE IRENE: Ngunit Kapitan tinong ang kaniyang damit na pransiskano ay ito'y sira-sira, luma, at
tagpi-tagpi na. Hindi na napupuna ng Diyos ang damit na isinusuot.
Nagsimula ang seremonya at nagdalumhati ang pamilya’t kaibigan ni Kapitan Tiago habang ito’y
hinahatid sa paroroonan.
*SEREMONYA*
DONYA PATROCINIO: SANA AKO NAMA'Y MAMATAY BUKAS UPANG MAKAPAGDAOS
DIN NG LALONG NAPAKARINGAL NA EXEQUIAS, BUMANGON KA DIYAN KAPITAN
TIAGO, DAHIL AKOY GUSTO NG MAMATAY! GANYAN ANG MARUNONG MAMATAY,
DONYA PATROCINIO!

KATAPUSAN NG KABANATA XXIX

Kabanata XXX
Sa kabilang dako, ang mga mamamayan ay nagtitsismisan
Mamamayan #1: Napakalungkot ng mga nangyari!
Mamamayan #2: Oo nga, pero kung tutuusin, mas nakalulungkot ang istorya ni Basilio kaysa kay
Kapitan Tiyago…
[pasok si Hermana Penchang na may kausap na mamamayan]
Hermana Penchang: Iyan talaga ang kasasapitan niya. Hay naku. Alam ko kung bakit siya
nagkaganyan. Kapag pumapasok sa simbahan at nakita na marumi-rumi ang bendita ay hindi na
siya sasawak upang magkurus. Kung anu-ano ang sinasabing maliliit na hayop at sakit. Mabuti nga
sa kanya. Iyan ang parusa ng Diyos! Para bang bang magkalat ng ang agua bendita. Malayong-
malayo ang paghahakang iyan.
Hermana Penchang: Ako nga ay gumaling sa pamamagitan ng pagbabasa ng agua bendita sa
pusod habang magdadasal ng sanctus dues ngunit kung magkakaroon kayo ng iti o kabag o salot
ay dapat sa huli'y magdasal ng wikang kastila. tiyak na gagaling talaga kayo. ngunit kailangan
ipahid ang agua bendita sa bahagi ng katawang may sakit.
Mamamayan #2(lalaki): Hindi yan ang dahilan. ang pagkabilanggo ni basilio ay hindi parusa ng
diyos. Para sa akin, paghihiganti yan ng mga prayle dahil sa pagkakatubos niya kay Juli, anak ng
tulisang mahigpit na kalaban ng isang malakas na korporasyon.
Hermana Penchang: Hindi ako nagkamali sa pagpapalayas sa kanya sa bahay ko! Ayokong
maging kaaway ng mga prayle, kaya pinilit ko siyang humanap ng salaping pambayad ng utang
niya sa akin.

Sa kubo, dumating si Hermana bali at ibinalita kay juli at sa kanyang ingkong ang nangyari

Hermana Bali: Juli,si basilio nabilanggo!


[nalilito si juli at kinutuban, ngunit hindi sya nawalan ng pag-asa. Ngumiti siya]
Hermana Bali: kailangan ko pa bang uulit uliting sabihin sayo? Nabilanggo nga si Basilio!
Juli: Alam kong yan ay isang biro lamang kaya sabihin mo lang ay patatawarin na man kita.
Hermana Bali: *nakurus ng hintuturo’t hinlalaki at hinagkan si juli
[nawala ang ngiti ng dalaga, namutla at nawalan ng malay; sinampal, kinurot, winisikan ng
malamig na tubig, ginamitan ng kurus at bendita ni Hermana Bali si Juli upang gisingin siya]
Hermana Bali: Ija, ija! Magising ka nga! [magigising si Juli at umiyak] Ang dapat mong gawin
ay humingi ng tulong. Halika, punta tayo sa kura paroko.
Juli: Si Padre Camorra? Ay! Ayoko po!
Hermana Bali: Hay naku. Maraming makakatulong sa iyo. Subukan natin ang kawani. Bigyan mo
lang sya ng sikapat at isang tabako ay sasabihin niya sa iyo ang lahat ng batas hanggang lumaki
ang ulo mo sa pakikinig. Magpahinga ka muna dyan at ako nalang ang magtungo doon sa kawani.
Juli: Salamat Hermana Bali. *nagbigay ng sansalapi*
Si Hermana Bali ay dali – daling pumunta sa Kawani upang mahingnan ng tulong.
[pasok kawani]
Hermana bali: magandang umaga po sa inyo kawani *bow* humihingi ho ako ng tulong nyo.
Nabilanggo po kasi si basilio. Paano ho namin sya maligtas? Nasa manila din po kasi sya
binilanggo.
Kawani: Ija, pasensya ka na e wala akong magagawa dyan. Kung nasa kabisera pa siya, baka
makatutulong ako. Hindi saklaw ng aking kapangyarihan ang Maynila. Ngunit mabibigyan ko
kayo ng mabuting payo. Pumunta kayo sa hukom tagapamayapa, ngunit kasama ninyo si Juli.
[umuwi si hermana bali at sinabihan si juli sa payo ng kawani.]
Hermana bali: Juli, Ija! Wala kasing magagawa ang kawani ngunit ipinayo nya na maari tayong
humingi ng tulong sa hukom at dapat raw ay isasama kita.
Agad namang pumunta sa Hukom si Juli at Hermana Bali nagbabakasakaling sila’y
matulungan.
Hermana bali: magandang umaga po sa inyo *bow* humihingi ho kami ng tulong nyo.
Nabilanggo po kasi si basilio. Paano ho namin sya maligtas?
Hukom: Hija, dapat kang pumunta sa kura paroko. Alam mo na siya’y makapangyarihan. Siya ang
nagpalabas sa iyong ingkong sa bilangguan. Sapat na nag isang salita niya upang ipatapon ang
isang sanggol na bagong panganak at mailigtas sa kamatayan ang isang taong may silo sa kanyang
leeg.
Hermana Bali: Ano, Juli? Narinig mo ang payo ng hukom. Nabasa ko rin ang ganoong payo sa
aklat dasalan kaya’t sigurado ako na kung lalapitan natin si Padre Camorra ay maililigtas si
Basilio. Wala kang dapat alalahanin dahil kasama mo ako!
Juli: *umiling* Maaari po bang kayo na lang ang pumunta sa kumbento?
Hukom: Hindi maaari! Kailangang naroon ka, Juli. Mas nakakaakit humiling ang isang dalaga
kaysa sa isang matanda.
Juli [aside]: Kung alam niyo lang ang aking mga dahilan. Kung pupunta ako sa kumbento at
lalapit kay Padre Camorra ay mapapahamak ko ang aking sarili, susumpain ako ng mga tao at ng
Diyos. Hindi ko ito nagawa para sa aking ama, ngunit magagawa ko kaya para kay Basilio? Hindi.
Hindi ko ito magagawa. Kasusuklaman ako ni Basilio pag nalaman niya ito. Kahit pa anong
sabihin nila, walang nakakaalam nang namagitan sa amin ni Padre Camorra. Hindi nila ako
maiintindihan. Ngunit paano na si Basilio? Paano kung siya’y barilin?
Umuwi silang bigguan at natulong ngunit si Juli ay binangungot
*parang nakita niya ang kanyang amang nagpapala sa kanya, na nakikipaglaban sa
kagubatan, tinutugis na parang isang mabangis na hayop, sapagkat nag-aatubili syang iligtas
ito. Ang larawan ng kanyang ama ay nahalinhan ng kay basilio na nag-aagaw-buhay at
nakatingin sa kanya na nanunumbat*
Juli: Panginoon tulungan nyo po akong mailigtas si basilio.[umiiyak]
[ang liwanag ay naghatid sa kanya ng pag-asa, ipinasya niyang magpakasakit pagsapit ng
umaga at pagkatapos, magpakamatay o kahit anong paraan, maiwasan lamang ang gaanong
paghihirap. Nagdaan ang maraming araw…..]
Manlalakbay: making kayo! May ilan sa mga bilanggo ang nakalaya na sa pamamagitan ng
tulong na tagapagtanggol at ng mga kai-kabigan. Ngunit may isa na kailangan pang
ipagpakasakit.
[umuwi ng bahay na kinakagat ang kuko, sumapit ang gabi. Binangungot na naman sya sa
kanyang pagtulog]
*pagtulog ay kinatatakutan, mga bangungot niyay walang katapusan….nakita nya ang
kanyang amang palaboy-laboy, nagugutom, at walang pahinga. Nakita nya si basilio sa daan,
nag-aagaw buhay, may tama ng dalawang punli, katulad ng makita nya ang isang kapit bahay
na kinuha ng mga guardia civil. Narinig nya si basilio na tumatangis*
Basilio: iligtas mo ako! Iligtas mo ako! Ikaw lamang ang makapagliligtas sa akin!
May isang halakhak at nang iabaling nya ang kanyang paningin ay nakita niya ang kanyang ama.
Nakatingin ito sa kanya.
Juli: [nagising at hahawian ng mga kamay ang buhok] ina, ina!
Nagpasyang mamasyal si Juli sa plaza nang may isang balitang pag-asa para sa lahat maliban
kay Juli
Manlalakbay: Makinig kayong lahat! Lahat ng mga bilanggo ay napalaya na maliban na lamang
kay Basilio! Kung may tagapagtanggol lang sana siya..balita ko’y ipapatapon daw siya sa
Carolinas.
[hinanap ni juli si hermana bali]
Juli: handa na po akong pumunta sa kumbento.
Hermana bali: *nakangiti* talaga? Salamat sa diyos at ikay nakapagdesisyon na talagang
maililigtas mo si basilio.
Hindi nakinig ang dalaga at nagmadali upang makarating sa kumbento. Nagbihis ang dalaga.
Lumakad na sila. Nauuna si juli. Nang malapit na sa kumbento ay hindi na ito umimik.
Bumagal ang paglakad*
Hermana Bali: Juli, ano ba! Gagabihin tayo!
Juli: Bumalik na lang po tayo! Ayoko na!
Hermana Bali: Ano ka ba! Halika dito! Sinabi ko sa’yong walang mangyayaring masama. Lahat
ng ito ay nasa aklat ng mga prayle! Hindi kita iiwan. Nandito lang ako. Walang pwedeng gawin sa
iyo si Padre Camorra. Isa ka lamang tagabukid.
*Nakarating sila sa pintuan ng kumbento. Kumapit sa pader si Juli.*
Juli: Huwag po! Ayokong pumasok! Maawa kayo sa akin!
Hermana bali: napakahangal mo!
*hinatak ng marahan ni hermana bali ngunit tumutol si juli*
Hermana Bali: Sige! Bumalik ka kung ayaw mo! Bayaan mong ipatapon si Basilio at barilin siya
sa daan at sabihing nagtangkang tumakas! Kapag patay na siya, saka ka magsisisi!
[Dahil sa panunumbat, pikit-mata siyang pumasok sa kumbento. Sinundan siya ni Hermana Bali
at binigyan ng mga paalala.]
[pinagsamantalahan siya ni padre camorra]
*maraming bulong-bulungan sa mga pangyayari. Isang dalaga’y tumalon mula sa bintana ng
kumbento. puno ng pighati, pag-asa’y minimithi ngunit ang kanyang puso ay di mapakali.
[nagpakamatay si juli]
[gabi.bulong-bulongan ng maraming tao]

Tao 1: Narinig mo ba ang nangyari kaninang hapon?


Tao 2: May dalaga daw na tumalon mula sa bintana sa kumbento. Bumagsak siya at namatay.
Tao 3: At kasabay daw niyon ay isa raw babaeng nagsisisigaw at nagtititiling parang isang baliw
na lumabas sa kumbento.

KATAPUSAN NG KABANATA XXX

Kabanata XXXI
*Pahayagan sa Manila kay busy ug print ug distribute sa mga news*
*One person na nagbasa sa news about ni Padre Camorra nga mulipat sa ibang bayan o mamalagi
muna sa kumbento ng kanilang orden sa Maynila*
Ben Zayb: Kaawa-awang Padre Camorra. Kailangan niyang lumipat muli sa ibang bayan at mamalagi sa
kumbento nito. Siya panaman ay isang taong masaya, at may mabuting kalooban.
Nakalaya ang mga mag-aaral ng dahil sa mga magulang. Unang nakalaya si Isagani at ang huli ay si
Makaraig. Ngunit ang kaawang awang Basilio ay naiwan pagkat siya’y pinaratangang nagtatago ng
mga libro
And while nag laya-laya ang mga mag-aaral, lain side is ang nagpayo kay heneral
Nagpayo sa Heneral: kinakailangan pang may maiwang isa sa bilangguan upang mapanatili ang
karangalan ng mga mamumuno. At kung hindi, maaaring masabi na gumawa tayo ng katakot-takot na
ingay gayong wala naming anumang nangyari. Kapangyarihan muna bago ang lahat. Kailangan may
maiwan.
*another scene, kay kapita n heneral and mataas na kawani*
Another person: May isang naiwan na ayon kay Padre Irene ay dating utusan ni Kapitan Tiago. Walang
maghahabol sa kanya.
Kapitan Heneral: Isang katulong at isang mag-aaral. Kung gayun sya ang maiiwan.
Mataas na kawani: Ipagpaumanhin nyo po kamahalan, may nakapagsabi po sa akin na ang batang itoy
nag-aaral ng medisina at isang taon na lang ay tapos na sya sa kanyang pag-aaral. Sinabi rin na siya’y
pinupuri ng Mabuti ng kanyang mga guro.*ngumiti si kapitan heneral (wicked smile) *
Kapitan heneral: Siya nga ba? Aba’y dapat lang na maiwan sya sa bilangguan. Ang isa pang taon ng
pag-aaral ay di makasasama sa kanya, sa halip ay makabubuti pa sa kanyang mapaglilingkuran. Ang
labis na pagsasanay ay hindi nakapagpapasama sa isang manggagamot. Sasabihin pa ng mga di-
nasisiyahang repormista na di natin pinangangalagaan ang ating bansa.
Mataas na kawani: Ngunit sa aking palagay ang binatang iyon ang walang kasalanan sa lahat.
Kapitan heneral: Nakasasama sa kanya ang mga aklat
Mataas na kawani: Oo nga, mga aklat ng medisina at mga polyetong sinulat ng mga kastila, na ang mga
pahina’y hindi pa nagugupit. Ano ang ibig sabihin nito? Bukod dito ang binata ay wala sa piging sa
pansiterya ng intsik at hindi nakialam kahit anuman. Gaya ng sabi ko, siya ang walang kasalanan sa lahat.
Kapitan Heneral: Ito ay mas mabuti pa! Para ang parusa niya ay makakatakot sa iba! Ganyan ang dapat
na pamamahala! Isakripisyo ang isa para sa ikabubuti ng lahat. Sa hakbang ko na ito, itinatama ko ang
mali ng ating mga opisyal at iba pa.
Mataas na Kawani: Pero Kapitan, hindi ka ba natatatkot na sisihin?
Kapitan heneral: Bakit ako matatakot? Hindi ba’t ako’y may kapangyrihan? Hindi ako pwedeng dalhin
sa korte ng isang-alipin. Ang pinaka importante sa akin ay ang aking konsensya at wala akong pake kung
ano ang iniisip ng iba.
Mataas na Kawani: Oo Kapitan ngunit ang bansa?
Kapitan Heneral: Aba! May responsibilidad ba ko sa bansa? May utang na loob ba ako sa bansa para sa
aking posisyon
Mataas na Kawani: Hindi po ito importante. Nandiyan ka dahil sa Espanya kaya’t mas lalong bigyan mo
nang mabuting pagtrato ang mga Pilipino para hindi sila magalit sa Espanya. Pinangako ninyo noong
dumating kayo dito na mamahala ng tama at mabuti.
Kapitan Heneral: Ano pa ba ang aking ginawa? Tinuturuan mo ba ako kung paano gawin ang aking
trabaho? Kung hindi mo ako naiintindihan, ako ba ang dapat sisihin?
Mataas na Kawani: Wala po akong sinasabing ganon. Ayaw ko mawala sa Espanya ang bansang
sinasakupan nito na puno ng mga taong masunurin at matiisin. Ayaw ko maging masama na tao dahil sa
pasasamantala sa kanila. Ayaw ko rin masabi kailanman, na bagaman hindi na ginagawa ang pagbibili ng
mga alipin, ay patuloy pa rin ang Espanya sa paggawa nito. Ang Espanya ay hindi kailangang maging
mapaniil upang maging dakila! Mas dakila pa ito noong wala pa tayong sinasakupan na bansa. Patawad
po kapitan pero pinaglalaruan po natin ang kalayaan at buhay ng mga Pilipino. Kapag hindi magbabago
ito ay siguradong maghihimagsik sila balang araw. Pinapanigan ko ang mga Pilipino kapag sila’y naapi,
kaysa magtagumpay kapanig ng isang bansa na ang hangarin ay ikasasama lamang sa sarili, kahit ang
bansang iyon ay Espanya.
Kapitan Heneral: Alam mo ba kung kailan aalis ang susunod na barkong pang-koreo?
*Nagbitiw na sa tungkulin ang Mataas na Kawani at bumalik sa Espanya
Kutsero: Patawad, ngunit hindi ko po alam.
Mataas na Kawani: Kung balang araw ay nakapagsarili na kayo, aalahanin ninyo na sa Espanya ay may
mga pusong tumibok nang dahil sa inyo at nagtanggol sa inyong karapatan!
Kutsero: Sino po?
*sumakay sa karwahe at umalis*
Mataas na Kawani: Ako’y magbibitiw sa aking katungkulan at babalik sa bansang Espanya.

KATAPUSAN NG KABANATA XXXI

Kabanata XXXII
Sa makabilang araw naman, ay pumasok sa paaralan ang mga mag – aaral.
Tadeo: Bali – balitang nagbitiw sa katungkulan ang mataas na kawani. May alam ka ba rito
Pecson?
Pecson: Hindi ako sigurado, pero mukhang ganoon na nga.
Guro: Ito na ang mga resulta sa nakaraang pasulit, marami sa inyo ang hindi nakapasa maging
sina Pecson, Tadeo, at Juanito Pelaez. Lalong – lalo na si Basilio, pagkat ito’y nasa bilangguan
hanggang ngayon. Kung mayroon kayong tanong, mararapat na lapitan ninyo ako anumang oras.
Paalam at salamat.

Tadeo: Sa wakas! Magkakaroon na ako nang walang katapusang bakasyon. Mga libro at
kwadernong wala ng saysay ay susunugin ko na kaysa sa ito’y nakatambak lamang. Bakit mukha
kang pinagbagsakan ng langit at lupa, Juanito?
Juanito: Anong rason para ako’y magdiwang, mga kaibigan?
Tadeo: Ano pa ba? Hindi na ba sapat na rason ang walang hanggang bakasyon, Juanito?
Juanito: Yan nga Tadeo, ayokong iwanan ang paaralan. Tiyak na ako’y patratrabahuin lamang
sa tindahan ni Ama. Alam niyong labis niyang hinihiling na ako’y tumulong sa kanyang
pangangalakal.
Tadeo: Wag mo muna yan alahanin, Juanito. Siguradong masisiyahan mo yan lalo na mahilig
maglakbay ang mga mangangalakal.
Isagani: Ikaw naman Makaraig, anong gagawin mo?
Makaraig: Pinayuhan ako na huwag malantad muli sa panganib lalo na’t kailangang kong
maglayag papuntang Europa.
Tadeo: Luluwas ka pala ng bansa, kaibigan? Sige at mag – ingat ka sa paglalayag mo papunta
roon.
Makaraig: Salamat, kaibigan. Ngunit anong plano niyo kaibigang Isagani at Sandoval? Pumasa
ba kayo? Hindi kasi kayo binanggit ng ating guro.
Isagani: Pareho – parehos lang tayo hindi nakapasa.
Sandoval: Sadyang nakapasa kami sa kursong tinuturo ni Padre Fernandez at ang ibang kurso ay
bagsak na.
Makaraig: May ideya ako kung bakit kaya pumasa sa kurso na iyon, dahil yun sa
napakagandang talumpati niyo.
Isagani: Marahil iyon nga.

*ulat ni Ben Zayb*


Ben Zayb: Ngayong Abril, Ang anak ni Don Timoteo na si Juanito Pelaez ay ikakasal kay
Paulita Gomez, ang dalagang tagapagmana na pinakamimithi ng mga Pilipino maging ng mga
dayuhan.
Mangangalakal 1: Sadyang may mga taong mapapalad!
Mangangalakal 2: Siya nga! Nakabili na nga ng bahay na walang bayad, naipagbibili ang
kanyang paninda sa mabuting halaga.
Mangangalakal 1: Hindi lang iyan, naging kasama niya na rin si Simoun sa pangangalakal
Mangangalakal 2: At ngayo’y ikakasal na ang anak sa isang mayamang dalaga na tanging
tagapagmana. Iyan ay magandang kapalarang hindi umaabot sa lahat ng taong mararangal.
Mamamayan 1: Ngunit totoo bang ikakasal na si Paulita? Bakit kaya’t ito’y ikakasal kay
Juanito? Hindi ba’t kasintahan nito si Isagani?
Mangangalakal 1: Tunay na ngang ikakasal si Paulita kay Juanito Pelaez. Napawi na talaga ang
kanyang pagmamahal kay Isagani. Dahilan sa pangyayari tungkol sa paskin at ang
pagkakabilanggo ang dahilan bakit nawala ang pang akit ni Juanito.
Mamamayan 2: Ang mga ginawa ni Isagani ay isang kahibangan at hindi mapapatawad ng sino
mang matinong tao sa Maynila si Isagani. At si Paulita? Hindi dapat siya mahulog sa lalaking iba
ang pagkilala sa lipunan at sinisisi ng lahat.
Mangangalakal 2: Saka, Si Juanito ay mag dugong Kastila, samantalang si Isagani ay isang
Indiong taga lalawigan. At sinunod niya ang batas na natuklasan ni Darwin at tanging si Juanito
Pelaez ang karapat-dapat.
Mamamayan 3: Alam niyo ba na ang Kapitan-Heneral ang ninong.
Mamamayan 4: At Si Simuon ang nag-ayos ng bagay na ito.
Mamamayan 3: Ang kasal ay idadaraos sa dalawang araw bago umalis ang Kamahalan. May
bulong-bulungan na ang Kamahalan ay dadalo at maghahandog ng regalo.
Mamamayan 4: Lalo na si Simuon na sabi nila na maghahandong din ng mga Brilyante at perlas
kay Juanito.
Mangangalakal: Bakit naman napakagrande ng regalo niya?
Mamamayan 3: Ito raw ang paraan niya na gulatin ang mga tao sa kanyang pamamaalam. Wala
na namang natira para sa kanya dito sa Pilipinas.
Mangangalakal: Sana, maimbitahan ako sa kasal na ito
Mamamayan 2: Pinipiliit ko na nga ang asawa ko na bumili ng bakal at zinc para kaibiganin si
Don Timoteo Pelaez
Mamamayan 1: Tama ka diyan. Hindi maaaring hindi makasama sa okasyong ito!

Sa kabilang dako, sa may bilangguan


Guardia Civil: May bisita ka, Basilio.
Sinong: Magandang araw, Ginoong Basilio.
Basilio: Salamat at dinadalaw mo pa rin ako, Sinong. Ngunit ano na ba ang balita sa labas?
Kamusta ang aking minamahal? Si Juli? Kamusta na ang aking mga kaibigan.
Sinong: Nasa magandang kondisyon po ang iyong mga kaibigan, Ginoong Basilio. Ngunit may
napakasamang balita po ako. Nawawala po si Tandang Selo.
Basilio: Ano? Kung gayon, sino ang nag aalaga sa aking minamahal? Anong nangyari kay Juli?
Kamusta na siya?
Sinong: Huminahon ka, Ginoo.
Basilio: Sinong! Si Juli! Nasaan si Juli? Juli?
Sinong: Patay na po siya, Ginoo. Paumanhin po.
Basilio: Ano? Hindi! Hindi! Juli! Juli!

KATAPUSAN NG KABANATA XXXII


KABANATA XXXIII
Sa wakas, dumating din ang pinkahihintay na araaw. Hindi na umalis ng bahay si Simoun
nang boung umaga. Siya ay abalang-abala sa pag-aayos ng kanyang mga armas at mga
alahas. Sa wakas lilisan na ang kapitan Heneral.
Mapang-uyam 1: Hindi talaga mangangahas na maiwang nag-iisa ng walang tagatangkilik si
Simoun
Mapang-uyam 2: Gusto niya talaga na may tatangkilik sa kanya.
Mapang-uyam 3: Hubad na sa mga pananim ang parang. Lilipat na sa ibang dako ang balang.
*Iilan lamang ang ngumiti at hindi umimik*
*kinahapunan*
Simoun: Kapag dumating ang isang binatang nagngangalang Basilio ay papasukin kaagad.
Katulong: Opo
*pumasok sa silid na wari'y may mahalagang bagay na dinidili-dili*
*may kumatok sa pintuan*(pangalawang beses)
Simoun: Tuloy!
*pumasok si simoun*
Basilio: Ginoong Simoun, ako po'y naging masamang anak at masama pang kapatid. Nalimot ko
ang pagkakapatay sa aking kapatid at paghihirap na dinanas ng aking sariling ina at pinarusahan
ako ng Diyos. Ngayon ay wala nang nalalabi kundi ang hangad na gantihan ng sama ang sama,
ng krimen ang krimen, ng karahasan ang karasahan.
*Tahimik na nakinig si Simoun**nakakunot ang noo*
Basilio: May apat na buwan na ang nakaraan nang kausapin ninyo ako tungkol sa inyong mga
balak. Tumanggi akong makianaib at nagkamali ako. Tama kayo. Nitong nakaraang tatlo't
kalahating buwan, bago magsimula ang himagsikan, hindi rin ako nakiisa. Nang mabigo ang
kilusan, ang kabayaran sa aking ginawa ay pagkabilanggo. At utang ko ang aking kalayaan sa
inyo. Kayo'y may matuwid noon. Ngayo'y naparito ako upang humingi ng sandata. Hayaang
magsiklab ang himagsikan. Nahahanda akong maglingkod kasama ng lahat ng mga sawimpalad.
*nawala ang pangungunot ng noo ni Simoun. Nangislap ang kanyang mga mata na may pag-asa
ng tagumpay. Parang natagpuan na niya ang kanyang hinahanap.*
Simoun: Oo, may katwiran ako. Totoong may katwiran ako. Ang katotohanan at katarungan ay
nasa panig ko., sapagkat ang ipinagtatanggol ko ay ang kapakananan ng mga sawimpalad.
Salamat, binata, salamat! PInawi mo ang aking mga pangamba at pag-aalinlangan.
*Napatindig si Simoun. Nagningning ang kanyang mukha.*
Simoun: Nabigo ang kilusan. Iniwan ako ng marami, sapagkat nakita nila ako sa aking kawalang
pag-asa. Nag urong-sulong ako nang sumapit ang lalong makapanganib na sandali. May
iniingatan pa ako sa aking puso. Hindi ako ang may-ari ng lahat ng aking damdamin. Umiibig pa
ako. Ngayon, patay na ang lahat sa aking puso at wala na ang banal na bangkay na kailangan
kong igalang sa pagkakahimlay. Wala nang pag-aalinlangan. Ikaw, isang huwarang binata, ang
kalapating walang masamang hangarin ay nakauunawa ng pangangailangan. Naparito ka upang
gisingan akong kumilos. Nahuli ang pagmumulat mo ng iyong mga mata. Ikaw at ako'y
nagkatulong sana upang maisagawa ang kahanga-hangang mga balak. Ako na nasa mataas na
lipunan ay nagsasabog ng kamatayan sa gitna ng karingalan at kayamanan, pananaigin ang
masasama o pinasama at susugpuin ang iilan-ilang mabuti. At ikaw na nasa ibaba, kasama ng
bayan, ng mga kabataan at gigisingin ang isang bagong buhay sa gitna ng dugo at luha! Ang
ating gagawin, sa halip na maging madugo at marahas ay naging banal, tunay na masining at ang
tagumpay ay tiyak na naging putong sa ating paghihirap. Ngunit walang matatalinong tao ang
nagbigay ng kanilang tulong. Natagpuan ko na takot na parang mga babae ang mga may pinag-
aralan, makasarili ang mayayaman, at walang muwang ang mga kabataan. Ngunit walang
kailangan! kung hindi tayo makalilok ng isang estatwa na makinis at malinis sa lahat ng mga
kasiraan mula sa isang batong magaspang, ang mga susunod sa atin ang gagawa nito.
*Nakikinig si basilio na di lbusang nauunawaan ang lahat. Hinawakan siya sa bisig ni Simoun
at isinama sa kanyang laboratoryo o pinagtataguan ng mga kimika*
*Sa isang mesa ay may isang malaking kahon. Binuksan iyon ni Simoun. Nalantad sa isang
pulang pelus ang isang ilawang kakaiba ang hugis. Ang sisidlan ay parang isang granada na
kasinlaki ng ulo ng isang tao, may maliit na bitak, na may maliliit na butil sa loob, na kahugis
ng mga malalaking cornalina. Ang balay ay ginto. Kuhang-kuha pati sa mga kulubot ng
bungangkahoy. Maingat na iniaangat ni Simoun ang lampara. Tumingin si Basilio kay Simoun
na nagtatanong. Wala siyang nawawatasan*
*Maingat na kinuha ni Simoun ang isang prasko sa isang lalagyan. Ipinakita niya kay Basilio
ang pormulang nakasulat sa ibabaw*
Basilio:(Binulong) Nitro-glicerina! (sumigaw) Nitro-glicerina! Dinamita!
*Naisip niya na naliliwanagan na niya ang balak ni Simoun*
Simoun: Oo! Nitro-glicerina! *ulit ni Simoun na ang ngiti ay malungkot. Nasisiyahang
pinagmasdana ng prasko*
Simoun: Ito'y higit pa sa nitro-glicerina. Ito ang mga luhang naipon, mga sinisikil na poot,
kawalang-katarungan, at mga pang-aapi. Ito ang huling matuwid ng mga manghihina, lakas
laban sa lakas, dahas laban sa dahas! Kanina'y nag-aatubili akong gamitin ito, ngunit dumating
ka at nahihikayat mo ako. Ngayong gabi, iilandang at magkakadurog-durog ang mga
mapanganib na mapaniil, ang walang pananagutan mapaniil na ginawang kanlungan ang Diyos
at pamahalaan. Ang kanilang pagmamalabis ay hindi napaparusahan, sapagkat walang
magtangkang umusig sa kanila. Ngayong gabi, naririnig sa buong Pilipinas ang pagsabog na sa
wakas ay sisira sa bulok na balangkas na pinadali ko ang kasamaan.
*Nangilabot si Basilio. Gumalaw ang kanyang mga labi, ngunit walang namulas na mga salita.
Hindi siya makapagsalita. Nanunuyo ang kanyang lalamunan. Ngayon lamang niya nakita ang
mabisang likidong ito na madalas niyang marinig na dinadalisay sa kadiliman ng mga
masasamang taong kalaban ng lipunan. Nasa harap niya ngayon ito, malinaw at manilaw-
nilaw. Maingat na isinalin ito sa marikit na lamparang hugis granada. *
Basilio: Para kang isang genio ng kuwentong " Isang libo at Isang Gabi" na nagbuhat sa ilalaim
ng dagat, lumaki na parang higante, umabot ang ulo hanggang sa langit, lumabas ka sa inyong
kinalalagyan at samnting kibot ng balikat ay nagpayanig sa buong siyudad. Ang granadang
lampara ay nag anyong isang malakng daigdig, na ang bitak sa balot ay ngisi ng demonyo na
nilalabasan ng mga apoy at baga.
*nasindak si Basilio. Saunang pagkakataon sa kanyang buhay, nawala ang kanyang
kahinahunan*
*samantala'y itinuturnilyo ni Simoun ang kakatwang mekanismo. Inilagay niya ang ang tubong
kristal at ipinatong ang isang magarang panabing sa ilawan. Pagkatapos, lumayo siya upang
tingnan ang ayos ng lampara. Pakiling-kiling pa ang kanyang ulo habang minamasdan ang
napakagarang anyo nito.*
*nakatingin sa kanya si Basilio na ang mata'y nagtatanong at naghihinala. Kaya't
nagpaliwanag si Simoun*
Simoun: Magdaraos ng isang malaking piging ngayong gabi. Ilalagay ang lamparang ito sa gitna
ng kiyoskong pagkakainan na ipinasadya ko para sa pagkakataong iyon. Ang lampara ay
magbibigay ng isang maningning na liwanag, kaya hindi na kinakailangang buksan ang ibang
ilaw. Ngunit pagkaraan ng dalawangpung minuto, ang liwanag ay lalamlam. Kapag itinaas ang
mitsa, puputok ang isang kapsulang fulminato de mercurio at sasabog ang bomba, kasama ang
silid-kainan, na sa bubog at sahig nito'y itinago ko ang mga sako-sakong pulbura ng baril kaya't
walang makaliligtas.
*Naghari ang saglit na katahimikan habang pinag-iisipang mabuti ni Simoun ang nakatagong
bomba. Si Basilio ay hindi humihinga*
Basilio: Kung gayon, hindi na po kinakailangan ang tulong ko
Simoun: Hindi (sagot ni Simoun na nag-iisip) Ikaw ay may ibang tungkuling gagampanan. Sa
ganap na ikasiyam ng gabi ang bomba ay di sasalang nakaputok na. Ang pagsabog ay maririnig
sa kanugnog na bayan, sa mga bundok, at mga yungib. Nabigo ang kilusang binalak ko kasama
ang mga artilyero sapagkat kulang sa pamamahala at walang kaugnayan. Sa pagkakataong ito,
hindi na mauulit ang gayon. Kapag narinig ang pagsabog, ang mga kulang-palad at naaapi at
mga pinag-uusig ng batas ay magsisilabas na sandatahan at magtitipon-tipon kasama si
Kabesang Tales sa labas nga bayan ng Santa Mesa upang lusubin ang siyudad. Sa kabilang dako,
ang mga militar ay pinaniwala kong ang heneral ang nagpapakana ng kunwari'yisang
himagsikan. Magsisilabas sila sa kani-kanilang kuwartel at handang paputukan ang sinumang
ituro ko. Samantala ang mga tao na lubusang takot na takot at naniniwala na ipinag-uutos ang
pagpatay sa kanila ay mag-aalsa na rin upang harapin ang kamatayan. Sapagkat, wala silang
sandata at kaayusan, ikaw at ang ilan pa ang mamumuno sa kanila. Dalhin mo sila sa bodega ni
Quiroga na pinagtaguan ko ng aking mga baril. Magtatagpo kami ni Kabesang Tales sa siyudad.
Aagawin namin ito habang sinasakop ninyo ang mga tulay sa kanugnog bayan. Pagpapatayin
hindi lamang yaong kasangkot sa pakikipaglaban kundi lahat ng lalaking tumangging
makipaglaban
Basilio: Lahat?
Simoun: Lahat! *ang marahas na ulit ni Simoun* Lahat, mga Indio, Mestiso, Instik, Kastila.
Lahat na walang lakas ng loob at matibay na pananalig. Kailangang mapalitan ng bagong dugo
ang lipi. Ang mga duwag ay magbubunga lamang ng mga alipin. Hindi makabuluhan ang
magwasak, kung bubuo rin lang mulsa sa mga bulok na kagamitan. Dalawampung libong
kasawian ang mababawas at angaw-angaw ang maililigtas mula sa kahirapan. O, nangingilabot
ka, sapagkat magwawakas sa isang gabi ang paghihirap ng napakaraming alipin, sapagkat
mamamatay ang isang bayang lumpo at nahilig sa masama upang magbigaydaan sa isang bago,
bata, masigasig, at puno ng lakas! Ano ang kamatayan? Ang kawalan o isang panaginip! Ano
ang sakit ng kamatayan? Sandaling pagkabalisa, na di mawari marahil, o kaya'y higit na kasiya-
siya gaya ng pagtulog mula sa mahabang paglalamay. Ano ang mawawasak? Kasamaan,
pagtitiis, at masasamang damo upang palitan ng malulusog na butil. Matatawag mo ba itong
pagwawasak? Matatawag ko itong paglikha, paggawa, pagbibigay ng kabuluhan, pagbibigay ng
buhay!’
Basilio: Ano ang sasabihin ng daigdig sa ganoong pagpatay?
Simoun: Papupurihan ito ng daigdig. Gaya ng dati, laging kinikilala ang karapatan ng malakas,
ng pinakamalupit. (ngiting nang-uuyam). Ang Europa ay pumapalpak nang ang mga bansa sa
Kanluran ay pumatay ng angaw-angaw na Indio ng Amerika na may maligalig na republika, may
mga mararahas na pag-aalsa, mga giyera sibil, at paghahari ng militar katulad ng kanilang Inang
Espanya. Pumalakpak ang Europa nang wasakin ng makapangyarihang Inglatera ang mga
matatandang lipi sa Pasipiko uang mabigyan ng tirahan ang mga nandayuhan sa kanila. At
papalakpan din tayo ng Europa tulad ng pagpalakpak pagkatapos ng isang dula kahit ito ay isang
trahedya. Hindi lubhang pinapansin ng mga karaniwang tao ang sanhi. Tinitingnan lamang nila
ang kaanyuan. Gawing maayos ang kabukutan. Hahangaan ito at magkakaroon ng higit na
tagapagtaguyod kaysa sa mga mabubuting gawaing isinasagawa nang may pagpapakumbaba at
mabanayad.
Basilio: San ayon po ako, ano'ng halaga sa akin kung pumalakpak o tumuligsa ang daigdig? ang
daigdig na iyon na walang pagtingin sa naaapi, sa mga mahihirap, at mga mahihina? Bakit ko
pagmamalasakitan ang lipunang walang pagmamalasakit sa akin?
Simoun: Iyang ang ibig kong marinig sa iyo. *kinuha niya ang kaniyang rebolber* Hintayin mo
ako sa ganap na ikasampu, sa harap ng Simbahan ng San Sebastian para sa mga huling tagubilin.
A! sa ganap sa ikasiyam, nararapat na malayo, malayong-malayo ka na sa Daang Analogue!
Basilio: Samuling pagkikita aking mahal!
KATAPUSAN NG KABANATA XXXIII
Si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng sedisyon at sinentensiyahan ng kamatayan. Isinasagawa ang
pampublikong pagpatay ni Rizal sa Maynila noong Disyembre 30, 1896, nang siya ay 35 taong gulang.
Ang kanyang pagpatay ay lumikha ng higit na pagsalungat sa panuntunan ng Espanya.
Ang kontrol ng Espanya sa Pilipinas ay natapos noong 1898, bagaman ang bansa ay hindi nakakuha ng
walang hanggang kalayaan hanggang pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Si Rizal ay
nananatiling isang makabayang icon sa Pilipinas para sa pagtulong sa bansa na gawin ang mga unang
hakbang patungo sa kalayaan.

You might also like