You are on page 1of 3

KABANATA 7: SI SIMOUN

Mabibigat ang mga hakbang na lalayo na sana ang binata nang may marinig siyang mga yabag
na papalapit sa kinaroonan niya. Dinig na dinig ni Basilio na huminto ang mga yabag sa harap
mismo ng punong pinagtataguan niya. Huminga siya nang malalim. Kinalabutan si basilio nang
mapansing ang kapaligiran ay nagniningning sa kaliwanagan. Kahit na kinakabahan, naglalakas
loob siyang sumilip upang malaman kung saan nanggagaling ang nasabing kinang. Kitang-kita
niya ang isang anino na naglapag sa lupa ng nakasinding lampara. Napamulagat si Basilio
nang mapagsino ang misteryong anino.

Basilio: Si Senyor Simoun yon, ang mag-aalahas na parang lagging may kaaway at may
hinahamon

Binuksan ng mag-aalahas ang balutang kinalalagyan ng piko at pala.Nang matantiya na kung


saan lugar ang pipikuhin niya, tuloy na tuloy na naghukay siya.

Parang bangungot na nagbalik kay Basilio ang mapait na kahapon. Ngayon niya nalaman na
ang mag-aalahas na si Simoun na binansagang Hindu-britanyo, Portugeso, Amerikano,
Kaluluwa ng Kapitan Heneral at Mulato ay walang iba kundi ang misteryong tao na balitang
nabaril sa pumulang lawa ng kamatayan. Pero sapagkat dalawa misteryong lalake ang nakita ni
Basilio sa gubat na ito, sino kaya sa kanila ang pinaghahanap ng may kapangyarihan na isa
raw pilibustero at mortal na kaaway ng pamahalaan?

Sa pangambang baka magalit si Senyor Simoun kung malaman nitong siya ay


nakakanlong,lumantad na ito at nagpakita sa humihingal na mag-aalahas na pawisang
nagpapala.

Basilio: Maaari po ba kayong tulungan, Senyor Simoun?


Simoun: Ha? ((nanlisik ang mga matang napaurong si Simoun. Buo ang loob na naikasa
kaagad nito ang binunot na rebolber))
Basilio: Hindi po ako kaaway. Labintatlong taon na po ngayon ang nakaraan. Kayo po ang
tumulong sa akinna mailibing ko sa lugar na ito ang kaawa-awang bangkay ng nanay ko.gusto
kop o sanang makatulong sa inyo. Napansin ko pong pawisang-pawisan na kayo. Mamarapatin
kaya ninyo ang pagtulong ko?
Simoun: Sino ka at sino sa palagay mo ako? (pagalit)
Basilio: Isa po kayong tao na bahagi ng buhay ko. Bagamat inakala ng lath na patay na kayo,
alam kong babalik kayo upang panagutin ang nagbigay ng kasiphayuan sa buhay ninyo.

Nanaig ang katahimikan sa loob ng kagubatan.Tinanggal ni Simoun ang mga bala sa


baril.Isinukbit ang sandata at inakbayan si Basilio.

Simoun: Basilio, hawak mo ang lihim na maaaring magwasak sa akin at sag a plano
ko.Pinaputok ko sana ang baril upang hindi mo maibulong kaninuman ang aking katauhan.Tiyak
na kung pinaslang kita ay matatakbuhan ko ang katarungan. Katulad ko,may dapat ka ring
singilin sa lipunan.Pinaslang ang kapatid mo at hindi nabigyan ng katarungan.Sa halip na
wasakin natin ang isa’t-isa dapat lang tayong magkasama. Tama ka, ako nga ang nakita o rito
labintatlong taon na ang nakaraan.Sinundan ko ang isang matalik na kaibigang nag-alay ng
sarili upang ako ay mabuhay.Biktiman ako ng isang tiwaling lipunan.Sa paghahanap ng
kasagutan sa marami kong katanungan, nangibang bansa ako at inikot ang daigdig.Narito ako
ngayo at nagbabalik isang mangangalakal.Sa pamamagitan ng mga dala kong ginto at
dyamante,muling mabubuhay ang kasibaan sa masasamang latak ng lipunan.Sa pamamagitan
ng dala kong Esmeralda at opalo,muling mag-uugatang kasamaan sa mga taong may mga
sungay ng kedemonyohan.Sa pamamagitan ng dala kong singsing,hikaw,kwintas at
pulseras,magugulo ang lipunan upang maghanap ng mga solusyong makapagdudulot ng
ligalig,pagkakawatak-watak at kamatayan sa lahat ng mga ganid na mamamayan.

Basilio: Kakaiba po ang pananaw ng mga kabataan na mukhang hindi umaayon sa lahat ng
inyong tinuruan.
Simoun: Alam ko at nakapanlulumong isipin na ipinakikipaglaban ninyong magtayo ng isang
paaralang magtuturo sa inyong magsalita ng kastila.At kung wika at wika rin lang ang pag-
uusapan ,nahihibang na ba kayo at papangarapin ninyong salitain ang wikng hiniram
lamang?Anong bansa mayroon kayo? Isang bayang walang laya?Alamin ninyong naglabasang
parang kabute ang mga diyalekto sa mga lungsod at lalawigan,dagdagan pa ninyo ng Kastilang
kinakabisotelang ng kabataan? Darating ang panahaong babansagan kayo na isang bansang
walang sariling wika at isa ring bansang walang kaluluwa sapagkat hindi makatindig na nag-iisa.
Basilio: Pero sa pamamagitan po ng kastila ay magkakalapit ang mga mamamayan at ang
umuugit ng pamahalaan.
Simoun: Kasinungalingan! Kapag idinagdag ninyo ang Kastila sa apat na pung
lenggwahengnsinasalitana sa kapuluan,lalo ninyong guguluhin ag bayan. Ano ang makukuha
ninyo sa wikang kastila ?oo, kayo iilan lamang !Tiyak na papatayin ninyomang kakaniyahan ng
inyong bansang sinilangan! Alam kog matatalino kayong lahat ng mga kasama mo.Basilio.May
mga oras na gusto ko sanang lapitan at kausapin sina makaraig at upang pakiusapan silang
huwag na nilang ituloy ang mga plano nila para sa bansang ito.Pero masisigasig sila.Gusto ko
sanang magpakilala na sa kanila subalit nag-aalangan akong baka hindi ako lubosna
maintindihan ng mga kabataang dapat na maging tunayna pag-asa ng bayan.
Basilio: Bakit hindi niyo po ako pinatay?
Simoun: Kailangan kita Basilio.Maimpluwensiyahan mo sana ang iba pang kabataan upang
hindi nila hangaring magkaroon lamang ng pantay na karapatan ang bayan.kailangang maging
mataas ang layunin ng mga kababaya natin.Hindi lamang pantayna karapatan ang dapat na
pangarapin,dapat na buong karapatan itong maging malayang bansa,sa isip, sa salita at sa
gawa.Kailangang-kailangan ng bansang ito ang mga kabataang nangangarap sa
kalayaan,katiwasayan at kaunlaran.Iyan ang dahilan Basilio kung bakit hindi ko maati na
patayin ka,kailangan ka ng bayan ,kailangang-kailangan kita.
Basilio: Nagpapasalaat po ako at bukas pusong ipinagtapat ninyoang inyong plano. Subalit
ang mga inaasahan ninyo sa akin ay wala po sa mga kamay ko.Hindi po ako lumalahok sa mga
politika sapagkat hindi naman po ako pulitiko.Kung lumagda man po ako sa kahilingang ituro
ang kastila,ito ay base sa matapat na paniniwala kong dapat matuto ring magsalita ang mga
kabataang Pilipino sa ispesyal na wikang ito.Masaya na po ako kung matugunan ko kahit
kaunti ang maraming depektong pisikal n gating mga kababayan,lalo na ang mga kabtaan.
Simoun: Mas matimbang pa kaya ang mga depektong pisikal sa kauukang moral?higit bang
nakakaangat ang kamatayan ng isa mong kababayan kung ikukumpara sa kamatayan ng
lipunan?
Basilio: Pero kailangang may kaniya-kaniyatayong ambag sa lipunn.Karunungan po sa
medisina ang pinagdadalubhasaan ko
Simoun: Hindi kailangang maging layunin ng taoang syensiya Basilio
Basilio: Subalit patungo po sa syensiya ang mga bansang mayayaman sa kultura
Simoun: Tama ka datapwat hagdan lamang ang syensiya upang makamtan ng tao ang
kaligayahan
Basilio: Hindi lang po hagdanan.Gabay po ang syensiya sa ating paglalakbay sa tagumpay.
Simoun : ”ikaw,Basilio na nagdusa ring katulad ko. Ank ang ginawa mo upanh maipahhiganti
ang busong kapatid at nanay mo? Sapat na ba na magpunta ka rito taun-taon,lumuha at
alalahanin na karanasan sa kamay ng mga nagpapatakno ng katarungan?”
(ACT): Biglang nanliksik ang mga mata ni Basilio nang banggitin ng kausap ang pagluha nito.
Basilio:”Bakit? Ano ang gusto nyong gawin ko? Wala akong maisip na paraan upang
maipaghiganti ko sila. Wala rin akong lakas upang makamit ang katarungan kahit hindi
nagbabayad abg kinaulan. Bakit kailangang ipaalala ninyo at ipagdiinan ang mapapait ba
bangungot ba nangyati sa pamilya ko?”
Simoun: Tutulungan kita upang makamit mo ang katarungan, Basilio. Hindi mo na maibabalik
pa ang katarungan sa mga inapi na kapangyarihan. Hayaan na nating maidlip ang mga
pinangkaitan ng kapayapaan. Kapag ikaw ay nagkibit ng balikat, isinasaisangtabi mo ang
karapatan mong panagutin ang nagkasala sa iyo. Tandaan mong nakasubaybay ka lamang ng
pagkakataon. Galit na galit sila sayo Basilio. Suko sa langit ang galit nila sa katulad mong
Pilipino. “
Basilio: “Galit? Magagalit sila sakin gayong ang may kasalanan at dapat kong panagutin?
Simoun: “likas sa tao,Basilio, na kainisan ang kaniyang inaapi.Hinayaan ko silang magpasasa
sa kanilang kaapangyarihan. Hayaan naman sana nila ako na tapusin anumang bagay na
ginagawa ko para sa bansang jto. Basilio lagj kong nakikita at natirining ang ipinaglalaban mo,
malamang na maing mapayapa rin ang pananaw ng mga anak mo. Bimabati kita sapagkat
ayaw mo pa ring kumawala sa kadena ng kaalipinan at kawalan ng kalayaan. Pero tandaan mo
Basilio naa kung ano ang kapaitan na nangyari sayo ito ang mararanasan ng mga anak mo.”
Simoun: ”Nasabi ko na sajo ang gusto kong sabihin Basilio. Alam kong nasa kamay mo ang
sikreto ko at alam kong maaring magbago ang paniniwala .kapag nagbago ang pananaw mo sa
pulitika at kapangyarihan,hanapin mo lang ako sa Escolta at hayaa na mapaglingkuran kita”
Act: Nagpasalamat si Basilio sa mga payo ni Simoun(magsalita ka dyan)-Basilio Habang
nagiisa si Simoun na nakasandal sa balata iniisip niya ang paguusap nila. UTAK: “Nagkamali
kaya ako sa lahat ng ipinagtapat ko? Naniniwala kaya siya sa akin? Gusto niya rin kayang
maghiganti ? Hindi kaya sa tagal ng kaniyang pagjihirap ay lumambot ang kaniyang kalooban? -
puno ng tanong ang kaisipan ni Simoun

You might also like