You are on page 1of 1

ABORSYON: DAPAT BANG BAWING LEGAL O HINDI?

(Isang Posisyong Papel)

Sa kasalukuyan, Legal nang maituturing ang aborsyon sa ibang parte ng mundo. Ito ay ang
sinadyang pagtatanggal ng embryo o fetus sa loob ng matres ng babae, na nagsasanhi ng kamatayan nito.
Sa ibang bansa, lalong lalo na sa Amerika, ang mga mag-asawa ay siyang magpapasiya kung
ipagpapatuloy ba nila ang kanilang pagbubuntis o tatapusin ito sa isang abortion clinic. Bagamat ito ay
pinapayagan ng kanilang mga batas tungkol sa aborsyon, ang mga tao doon ay patuloy na nagdidebate,
nagtatalo ng kanilang mga argumento tungkol sa aborsyon. Sa Pilipinas, patuloy na isang kontrobersiyal
na isyu ang aborsyon. Dahil sa pagiging konserbatibo ng mga Pilipino, at marahil dahil narin sa
namamayagpag na relihiyon sa bansa (Romano Katoliko), patuloy na hindi sinasang-ayonan ang
pagsasabatas ng legalisasyon ng aborsyon. Para sa atin, ang sanggol sa sinapupunan ng isang ina ay isang
buhay na tao na may karapatang patuloy na mabuhay. Kaya naman, ang batas tungkol sa aborsyon dito sa
Pilipinas ay patuloy na nagbabawal sa ganitong gawain. Nakalulungkot nga lang, may ilang mga kabataan
ang maaagang nakikipagtalik dahil sa kakulangan ng kaalaman at gabay ng magulang. Kapag sila ay
nabuntis ng hindi inaasahan, aborsyon ang kanilang tanging mapagpipilian.

Kung pag babasehan ang mga maaring epekto, nararapat lamang na huwag isabatas o
gawing legal ang aborsyon sa bansa, ngunit kung buhay na ng ina ang nakasalalay, maaaring ito ay
payagan.

Ang fetus sa sinapupunan ng nanay ay isa nang ganap na tao at may mga karapatan na ring tulad
ng sa atin. Naniniwala ang nakararami na ang aborsyon ay hindi maipapangatwiran dahil ito ay pagpatay
ng isang inosenteng tao. Bagamat hindi pa ganap na buo, ang walang muwang na bata ay
nangangailangan ng espesyal na proteksyon dahil hindi pa nito kayang ipaglaban ang kaniyang karapatan.
Ang karapatan ng hindi pa naisisilang na sanggol ay kapantay ng sa kanyang ina. Dagdag pa rito, ang
mga bata na may pisikal at mental na mga kahinaan ay pwede ring magkaroon ng magandang buhay sa
hinaharap. Ang aborsyon dahil sa mga kapansanan ay para naring pagsabi na ang may mga kapansanan ay
walang kwenta. Ang aborsyon ay pagpatay, ang sadyang pagkitil ng buhay ng tao. Ang mga doktor at
nurse ay sumumpang magliligtas buhay, hindi pumatay. Panghuli, ang fetus ay nakararamdam na rin ng
sakit.

Maaaring sabihin ng iba na ang aborsyon ay taliwas sa modernisasyon at liberalismo ng bansa,


ngunit kung titignan ang mga maaring epekto nito, maaaring tumaas ang kaso ng mga batang maagang
nagbubuntis. Sapagkat walang parusa ang nakapatong sa pagpapalaglag, maaari na nila gawin ang laha ng
kanilang nais gawin, at ipalaglag na lamang ang bata upang maiwasan ang kanilang responsibilidad. Ito
may maaaring mabuo bilang panibagong suliranin ng bansa. Imbes na pag-unlad ang ninanais ng lahat sa
pagsasabatas ng legalisasyon ng aborsyon, ito tuloy ang magiging tulay upang patuloy na malugmok ang
bansa sa masamang kapalaran.

You might also like