You are on page 1of 2

I.

TITLE PAGE:             ABORSYON 

II. PANIMULA 
   Ang aborsyon o pagpapalaglag ay isang sinadyang pagtatanggal ng sanggol na nasa sinapupunan pa lamang ng
kaniyang ina. Ito ay isang paraan ng pagkitil ng buhay sa isang batang hindi pa naisisilang. Maaring gamiting pamaraan
ang paginom ng mga gamot o pagpapaopera sa pagpapalaglag sa sanggol na nasa loob ng matres. Sa isyu ng
aborsyon ay may dalawang magkasalungat na posisyon ang publiko at ito ay ang pro-life at pro-choice. Ayon sa mga
pro-choice, dapat gawing legal ang aborsyon dahil pinahihintulutan nito ang isang bata na maghihirap lamang  dahil sa
lungkot at mahirap na buhay at makapagtatag ng mas ligtas at mapayapang bansa. Ang pro-life naman ay ang mga
taong hindi sumasangayon sa aborsyon. Naniniwala sila na ang pagkitil ng buhay ng isang anak ng Diyos ay masama.

A. PAGPAPAKILALA SA PAKSA
    Ang aborsyon o pagpapalaglag ng fetus sa loob ng matres ng isang babae ay isang direktang
pagtatanggal ng kanilang karapatang mabuhay sa mundo. Sa pangkalahatan, ang "pagpapalaglag" o
abortion sa Ingles ay tinutukoy sa inundyukang pagpapalaglag sa panahon ng pagbubuntis.

B. ANG SARILING PANANAW NG ISYU


    Sa panahon ngayon ang tanging iniintindi ng tao ay ang mamuhay silang masaya, matalino at ang
paghahanap ng espirituwal na bagay na naaangkop sa sarili nilang kapakanan at balewala ang kapakanan
ng iba. Hindi lang ito matatawag na isang pilosopiya dahil ito'y nagbibigay ng praktikal na epekto kundi sa
iba't ibang bagay din. Halimbawa, ang pananaw ng tao sa materyal na bagay at ang uri ng pagkakakilala
nila sa sarili at ang pagkakaunawa nila sa layunin ng buhay. Ito'y para sa kanila ay puro pagpapakasaya o
pagpapasasa lamang na naging batayan na sa anumang mga katanungan at problema. Dito rin sa
pilosopiyang ito nakabatay ang aborsyon na itinuturing ng mga tao na mayroong napakalayong epekto sa
kanilang buhay batay sa iba't ibang paniniwala sa buhay. Ang aborsyon ay ibinatay ayon sa layunin ng tao
sa buhay at kung papaano masisiyahan ang isang babaeng gumagawa ng aborsyon. Pero oras na
mabunyag ito sa batas ng tao ay mayroon itong kaukulang parusa sa mga mapapatunayang sangkot sa
ganitong gawain at ang mas nakakatakot ay ang parusa ng ating panginoon, na ayon sa kaniyang utos na
huwag kang papatay.

III. MGA ARGUMENTO SA ISYU


    Ang pagpapalaglag o aborsyon ay may mabuti at masamang dulot tulad ng pagkonti ng populasyon ngunit ito ay
isang kirmen, kung ito'y hindi ipalaglag ay baka ito ay maging swerte sa iyo at baka ito ay maging magaling na bata
hanggang sa kaniyang pagtanda.

A. BUOD NG MGA ARGUMENTO 


    Ang aborsyon ay pangmalawakang isyu ng ating bansa dahil marami na ang mga batang nagpapalaglag ng sanggol
sa sinapupunan nito dahil kaya nila ito ginawa para hindi mapahiya. At ang iba ay hindi pa handa. Para sa akin may
mabuti at masamang dulot ito. Una, ang mabuti hindi dadami ang populasyon at hindi maghihirap ang mga walang
kaya para magbayad sa mga gastusin sa hospital. Pangalawa, ang masama naman ay wala tayong karapatang
pumatay dahil ang pagpapalaglag ay isang krimen sa atin.

B. MGA IMPORMASYONG SUMUSUPORTA SA ARGUMENTO


    Talamak na ang aborsyon sa Pilipinas dahil umaabot na ang kaso sa kalahating milyon taon-taon. Pangunahing
dahilan nito ang pagbubuntis ng wala sa panahon o unwanted pregnancy. Marami sa mga babaeng nagpapaabort ay
hindi gumagamit ng contraceptivestulad ng pills. At ang pagbubuntis ay mapanganib sa kaniyang kalusugan at sa
kaniyang buhay. Wala siyang katuwang para tulungang suportahan ang bata. Gusto niyang makapagtapos ng pag-
aaral at iba pa.

C. MGA EBIDENSIYA PARA SA MGA ARGUMENTO


    Ang aborsyon sa Pilipinas sa kabuuan ay illegal at hindi pinapayagan ng Saligang batas ng Pilipinas. Ang sinumang
tumulong sa pag papalaglag ng bata sa sinapupunanay may katampatang parusa. Kung ito ay doktor o midwife ay
maaring mawalan ng lisensya kapag ito ay napatunayan.

 Ayon sa Revised Penal Code ng Pilipinas, Artikulo 256 ay naglalaman na ang katampatang parusa sa sadyang
pagpapalaglag ng bata pananakit man ang paraan o iba pa na kahit ito ay pinapayagan ng nanay o ng nagbubuntis.

Sa Artikulo 257, makatampatang parusa kahit hindi sinasadyang malaglag ang bata sa pamamagitan ng pananakit sa
nagdadalang tao.

Sa Artikulo 258, sadyang pagpapalaglag sa bata ng ina o ng magulang nito ay mabibilanggo ayon sa kaparusahan
igagawad ang itatagal.
Sa Artikulo 259, ang doktor o midwife na mag sasagawa ng aborsyon ay maaring makulong. Kahit ang pagbebenta ng
gamot na maaaring makalaglag sa bata ng isang nagdadalang tao ay may multa.

IV. SARILING POSISYON SA ISYU


A. UNANG PUNTO NG IYONG POSISYON 
1.) OPINYON SA UNANG PUNTO
   Ang pagpapalaglag ay isang gawaing hindi maganda sa mata ng diyos. Kung kaya't ang pagpapalagalag ay isang
gawaing kailan man ay hindi magiging mabuti kahit kanino man.

2.) MGA EBIDENSIYA 


   Ang ating bansa ay binubuo ng malaking bilang ng mga katoliko. At dahil tayo ay na nanampalataya na ang buhay ay
mula sa Diyos dapat lamang na ito ay bigyang halaga. Ang aborsyon ay gawaing krimen. Alam din nating sundin ang
sampung utos ng Diyos na isa dito ay huwag kang papatay.

B. PANGALAWANG PUNTO NG IYONG POSISYON


1.) OPINYON SA PANGALAWANG PUNTO
   Ang pagpapalaglag ng isang fetus sa loob ng matres ng isang babae anuman ang dahilan ay hindi maganda. Kung
ang dahilan mo ay dahil nirape ka kung kaya't ayaw mong masilayan ang bunga ng masamang pangyayari sa buhay
mo o ang pagpapalaglag ng dahil lamang sa walang sapat na salapi upang matustusan ang pang araw-araw na
gastusin ay isang napakalaking kahibangan.

2.) MGA EBIDENSIYA


    Maraming mag-asawa ang hindi nabibiyayaan ng isang anak kung kaya't bakit mo sasayangin ang pagkakataong
hindi ibinigay sa iba? Maraming mag-asawa rin ang naghahanap ng isang anak na mamahalin at bibihisan kahit pa
hindi nila ito kadugo. Mas mabuti pang ibigay sa iba o ipaalaga ang bata kahit na masakit sa iyong damdamin kesa ang
ipalaglag o patayin ito.

C. PANGATLONG PUNTO NG IYONG POSISYON 


1.) OPINYON SA PANGATLONG PUNTO
    Ang aborsyon o pagpapalaglag ay ang sapilitang pag aalis ng batang namumuo pa lamang sa sinapupunan ng isang
ina, na nagsasanhi sapag kamatay ng dinadala. Karaniwan ay mga paniniwala na maaaring maging isang katotohanan.
Marahil ang bawat isa ay may kanya-kanyang opinyon na naisipahayag ukol sa aborsyon, ang bawat isa rin ay may
kanya-kanyang pinaniniwaalaang mas makabubuti, batay sa kawastuhan ng kanilangpangangatwiran at pag unawa.
Nararapat lamang na respetuhin ang opinyonng bawat isa.

2.) MGA EBIDENSIYA


   Iba't iba ang ating pananaw tungkol sa aborsyon. Marami ang hindi sang ayon at marami ring sang ayon sa
aborsyon. Mas mabuting respetuhin na lamang ang bawat desisyon at opinyon nila sa buhay ngunit palaging tandaan
na ang aborsyon ay masama sa kalusugan man o sa mata ng diyos at sa batas.

V. KONKLUSYON 
   Ang pag aabort ay isang masamang gawain dahil ang batang nasa sinapupunan ng tao ay may buhay din at ito ay
may laman at dugo mo. At ang taong gagawa lamang nito ay walang awa sa kaniyang magiging anak dahil sa palagay
ko ang mga bata ay may sari sariling kakayahan at meron silang mga potensyal kaya dapat ipagbawal talaga ang pag
aabort.

SANGGUNIAN
https//brainly.ph/question/1372974
https://brainly.ph/question/1353036
https://.mwikipedia.org/wiki/pagpapalaglag
www.academia.edu

You might also like