You are on page 1of 3

I.

ABORSIYON

II. Panimula

A. Ang pagpapalaglag, pagpapaagas o aborsyon ay ang sinadyang pagpatay sa batang nasa


loob ng matres. Pwede itong mangyari ng biglaan tulad ng kapag ang babae ay nakunan, o ng artipisyal
sa pamamagitan ng kemikal, pagtistis at iba pa. Sa pangkalahatan, ang "pagpapalaglag"
o abortion sa Ingles ay tinutukoy sa inuudyokang pagpapalaglag sa panahon ng pagbubuntis;
sa medikal na pagtawag, tinatawag na nakunan ang babae kung ang pagpapalaglag ay nangyari bago ang
ika-dalawampung linggo ng pagbubuntis, kung saan ito ay tinuturing na hindi pa buhay.

B. Para sa akin, ang aborsyon ay kahit kailanman ay hindi tama at hindi magiging tama o
makatarungan sa kahit anong paraan sa pagkat ang bata kahit dugo, fetus o embryo palang ay may
buhay na kaagad. Lahat tayo ay tao may karapatang mamuhay sa mundong ito at para sa akin Dyos
lamang ang may karapatang bumawi nito.

III. Mga Argumento sa Isyu

A. Ang mga argumento tungkol sa aborsyon ay tumatalakay sa kabuuan ng aborsyon at


kung paano ito nakaapekto sa buhay ng mga mamamayan. Tinalakay ang pagiging biktima ng
panggagahasa at pagbubuntis. Sapat ba itong dahilan upang kitilin ang buhay ng isang inosente? Napag-
usapan din ang maaaring gawin kapag nakataya ang buhay ng ina sa pagbubuntis. Tama bang ipalaglag
ang bata para sa kapakanan ng ina? Ang aborsyon kahit ano pang dahilan ay mali at kasalanan pa rin
ngunit walang hindi napapatawad ang Diyos. 

B. Ayon kay Panopio (2013) sa ngayon sa ating bansa, marami na ding batas ang
nagbabawal sa di-makatao at makatarungang paraang ito. Ipinapasa na dito sa ngayon ang RH Bill na
kung saan nilalayon ang mag-asawa na gumagamit ng mga paraang contraceptive o family planning
ngunit ito pa din pinagaaralan at pinagtatalunan sa senado sa ngayon sa pagitan ng mga tagapagpasa
nito at ng simbahang katoliko.

C. Hindi partikular na tinukoy sa Bibliya ang isyu ng aborsyon. Gayun pa man,


napakaraming mga talata sa Bibliya ang malinaw na nagpapakita kung ano ang pananaw ng Diyos
tungkol sa aborsyon. Sinasabi sa atin ng Jeremias 1: 5 na kilala na tayo ng Diyos sa simula pa at Siya ang
humuhugis sa atin sa tiyan ng ating ina. Ito ay malinaw na nagtuturo na itinuturing ng Diyos ang sanggol
sa tiyan ng ina na gaya sa isang matanda na maroon spat na pag-iisip. Para sa mga Cristiano, ang
pagpapalaglag ay hindi maituturing ng karapatan ng ina upang mamili. Ito ay patungkol sa buhay o
kamatayan ng isang tao na ginawa ayon sa wangis ng Diyos (Genesis 1:26-27; 9:6)
IV. Ang Sariling Posisyon sa Isyu

A. Aborsyon: Kailangan na ba Talaga sa Panahong Ito?

1.   Ang unang base sa opinyon ko ay hindi ito tama. Sinumpa ito ng Bibliya at ng ating mga
paniniwala bilang mga Kristyano dahil masama ang pagpatay ng tao kahit sino paman o ano paman kahit
na ito ay dugo palamang , fetus o kahit ano paman sapagkat sa oras na ito ay mabuo maybuhay na ito at
ang Dyos lamang ang may karapatang bumawi sa buhay nito.

2. Una ay ang PMS o Pre-marital Sex. Pagkatapos, may unwanted pregnancy dahil sa karuhkhaan at


iba’t ibang rason bakit hindi makakayang sumuporta ng bata ang mga magulang. Dahil sa maraming
problema na makukuha sa pagpapalaki ng bata, magkaroon ng dalawang mapipilian – aborsyon o
adopsyon.

B. Bakit ba may mga nagpapalaglag ano-ano ang ibang pwedeng piliin maliban dito?

1. Marami ang nagpapalaglag sapagkat marami ang natatakot sa responsibilidad kaya nais nila
itong takasan ngunit kung ayaw ng mga magulang ang bata, bakit ba kailangan nilang patayin ito? May
maraming mga mag-aasawa na ibig magkaroon ng anak ngunit hindi makakaya. Ang kasawian ng isa ay
magiging kasayahan ng iba. Dapat bigyan nating ng oportunidad ang bata sa buhay dahil karapatan
niyang magkaroon ng buhay at mga magulang mag-aaruga.

2.             Kasing marami ang mga taong kontra-aborsyon tulad ko sa mga taong naniniwala na sapat at
kinakailangan ang aborsyon. Ang kanilang mga inaangkin ay sumang-ayon at sumusuporta ang Diyos sa
aborsyon, kinakailangan na raw ang aborsyon sa laki nga populasyon natin ngayon, at ayaw nilang
magkaroon ng mga batang may psychological defects dahil sa kanilang paglaki sa hindi sapat na
kundisyon tulad ng broken family o paglaki niya sa kahirapan o sa pagiging isang unwanted child.

C. Ang pagpapalaglag o aborsyon ba ay intensyonal na pagpatay (murder)?

1. Sapagkat ang salita ay aborsyon o pagpapalaglag at hindi nakunan ang aking sagot ay OO
sapagkat kung ang isang

2. Sa pagtukoy kung ang aborsyon o pagpapalaglag ay intensyonal na pagpatay, dalawang


kunsiderasyon ang dapat na isaalang-alang: Una, ang fetus ba sa sinapupunan ay isa ng aktwal na
sanggol, at ikalawa, kung ang fetus ay isang sanggol, ang pagpapalaglag ba ay hindi matatawag na
intensyonal na pagpatay dahil sa legal ito sa maraming bansa? Kung ang intensyonal na pagpatay ay
pagpatay ng hindi naaayon sa batas, lohikal na masasabi na ang pagpatay ng naaayon sa batas ay hindi
intensyonal na pagpatay. 

V. Konklusyon

A. Ang aborsyon ay isa sa mga mahahalagang isyu na dapat bigyang pansin. Dapat ba ito o hindi?
Isa ako sa mga taong hindi sumasang-ayon sa aborsyon. Sapagkat para sa akin hindi ito kalianman
magiging makatarungan sapagkat ang aborsyon ay pah kitil ng buhay na ipinagkaloob ng Dyos. Ayon rin
sa ating saligang batas lahat ay may karapatang mabuhay katulad ng nakasaad sa ating karapatang
pantao KARAPATANG MABUHAY at ito ay karapatan na nalahat ay may karapatang tumamasa. Ang Dyos
ang nagbigay ng ng buhay at ang Dyos lama gang may karapatang kumuha nito.

B. Para maiwasang mapapunta sa sitwasyon kung saan ang pagdadalang-tao ang pinagsisihan at
ang aborsyon ay pinag-iisipan, mag-family planning! gumamit ng condom, pills o iba pang proteksyon. at
umiwas sa pakikipagtalik sa hindi pa tamang panahon. kung ang desisyong pagaaborsyon ay ginagawa
para lamang sa sariling kagustuhan o upang matakpan ang dungis ng kahihiyang idudulot nito, hindi ito
sapat upang may isang batang magbuwis ng isang buhay.

VI. Sanggunian

 http://www.mulatpinoy.ph/2011/12/28/aborsyon/
 https://tl.wikipedia.org/wiki/Pagpapalaglag
 https://www.buhayofw.com/ano-ang-epekto-ng-aborsyon-emosyonal-na-epekto-makunan-
magpalaglag-ab-5ba0fc871b103
 http://www.uridu.com/fil/question/02-02-02.html

You might also like