You are on page 1of 8

I.

Panimula
A. PAGPAPAKILALA NG PAKSA
Ang paksa ay tungkol sa Euthanasia (Mercy Killing).
Ang Eutanasya (Ingles: euthanasia) o Mercy Killing ay ang pagpapatiwakal ng isang indibidwal
na nagnanais ng wakasan ang sariling buhay sa tulong ng ibang tao. Ito ay maaaring makatulong
sa isang indibidwal na wala ng pisikal na kapasidad na isagawa ang pagpapakamatay dahil sa
matinding karamdaman. Ang karaniwang tumutulong sa pagsasagawa ng isang eutanasya ay
isang miyembro ng pamilya o doktor. Ang eutanasya ay isang moral at pampolitikang isyu sa
maraming bansa, tulad ng kinasangkutang iskandalo ng doktor na si Dr. Jack Kevorkian, isang
doktor na tagapagtaguyod ng karapatan ng mga taong nagnanais magpakamatay sa pamamagitan
ng eutanasya. Dahil sa pagsasagawa ni Dr. Kevorkian ng eutanasya sa ilang pasyente, siya ay
nahatulang mabilanggo sa kulungan. Ang ganitong pamamaraan ay hindi pinapayagan o hindi
legal dito sa ating bansa. Ngunit may mga bansa na legal o pwede ang mga ganitong gawain.
Halimbawa na lamang ay ang bansang Switzerland kung saan ang bansang ito ay dinarayo ng
mga indibidwal mula sa ibang bansa na nagnanais na magpakamatay sa pamamagitan ng
Euthanasia.

B. ANG SARILING PANANAW SA ISYU


Ang isyung ito ay nararapat lamang na mapagtuunan ng pansin sapagkat buhay ng isang
tao ang pinag-uusapan. Ang tungkulin ng mga dotor ay ang buhayin at paglingin ang mga
pasiyente hindi ang tulungan silang mamatay kahit pa kagustuhan ng isang taong may
malubhang sakit na siya ay mamatay na ay mali na siya ay tulungan o konsintihin na gawin ang
Euthanasia. Kaya ang ganitong klase ng pagpatay o pagpapatiwakal ay mali sa mata ng lipunan
at lalong-lalo na sa mata ng Diyos.
Gayunpaman may mga bansa na legal ang gawaing ito ay dapat na aksyunan ng mga tao
sapagkat mali ang pumatay ng tao tanging ang Diyos lamang ang makagagawa nito walang
karapatan sila na gawin iyon. Wala iyon sa Universal Rights, Human Rights at Natural Rights.
Kaya ako, hindi ako payag sa euthanasia sapagkat sa aking tingin ay may pag-asa pa silang
gumaling kung gugustuhin nila.

II. MGA ARGUMENTO SA ISYU


A. BUOD NG MGA ARGUMENTO
Ang paksang aking tinalakay ay tungkol sa euthanasia na kung minsan ay tinatawag ding
assisted suicide, sa kadahilanang may pagnanais o motibo ang isang biktima na wakasan ang
kaniyang buhay, ngunit isang tao na may kaalaman sa kaniyang sitwasyon ang gagawa nito para
sa kaniya. Dapat na matigil ang ganitong gawain dahil ito ay maituturing na isang mabigat na
kasalanan. Hinayaan mo na ang ikaw ay patayin dahil lamang sa iyong kagustuhan a ikaw na
gagawa nito hinayaan mo ang iyong sarili na gawin ang kanyang kagustuhan na sisira sa iyong
pagkatao.

B. MGA IMPORMASYONG SUMUSUPORTA SA MGA ARGUMENTO

Ang euthanasia ay hindi maganda at maling-mali lalo na kung ito ay kagustuhan lamang
ng taong biktima. Malinaw na nakasaaan sa Bibliya ang tungkol sa katotohanan na mali ang
pagpatay at pagpapakamatay. (Exodo 20:13)
Ang katotohanan na sumusuporta sa katotohanan na ang Diyos ay laban sa euthanasia ay
ang Kanyang walang hanggang kapamahalaan. Alam natin na hindi maaaring hadlangan ng
sinuman ang pisikal na kamatayan (Awit 89:49; Hebreo 9:27). Ang Diyos lamang ang may
kapamahalaan kung saan at kailan magaganap ang kamatayan ng isang tao. Pinatotohanan ito ni
Job sa Job 30:23, "Oo, alam ko na dadalhin mo ako sa kamatayan, at sa bahay na itinalaga para
sa lahat ng nabubuhay." Idineklara sa Mangangaral 8:8a, "Walang taong may kapangyarihang
pumigil ng espiritu, ni kapangyarihan sa araw ng kamatayan." Nasa Diyos ang huling
pagpapasya sa kamatayan ng isang tao (tingnan din ang 1 Corinto 15:26, 54-56; Hebreo 2:9, 14-
15; Pahayag 21:4). Ang euthanasia ay ang paraan ng tao upang pangunahan ang Diyos.

Ang kamatayan ay isang natural na kaganapan. Minsan, pinahihintulutan ng Diyos ang isang tao
na magdusa ng mahabang panahaon bago mamatay; sa ibang pagkakataon naman ang paghihirap
ng isang tao ay maiksi lamang. Walang taong ikinatutuwa ang pagdurusa, ngunit hindi ito
nagbibigay ng karapatan sa tao upang humatol sa kahandaang mamatay ng isang tao. Kadalasan,
ang layunin ng Diyos ay nahahayag sa pamamagitan ng paghihirap ng isang tao. "Sa araw ng
kasaganaan ay magalak ka, at sa araw ng kahirapan ay magsaalang-alang ka. Ginawa ng Diyos
ang isa pati ang isa pa" (Mangangaral 7:14). Itinuturo sa Roma 5:3 na ang bunga ng kahirapan ay
pagtitiyaga. Nagmamalasakit ang Diyos sa mga taong nananalangin ng kamatayan upang
matapos na ang kanilang pagdurusa. May layunin ang Diyos sa buhay mula umpisa hanggang sa
katapusan. Ang Diyos lamang ang nakakaalam ng pinakamabuti at laging perpekto ang Kanyang
panahon, maging ang panahon ng kamatayan. 

Sa parehong paraan, hindi tayo inuutusan ng Bibliya na gawin ang lahat upang mapanatiling
buhay ang isang tao. Kung ang isang tao ay binubuhay na lamang ng mga makina, hindi imoral
na patayin na ang mga makina at hayaan na mamatay ang isang tao. Kung ang isang tao ay nasa
kalagayan na ng pagiging gulay sa loob ng mahabang panahon hindi isang kasalanan sa Diyos na
alisin ang mga tubo at makina na nagpapanatiling buhay sa katawan ng tao. Kung nais ng Diyos
na mabuhay ang isang tao, kayang kaya Niyang gawin ito kahit ng walang tulong na anumang
tubo o makina na nakakabit sa katawan ng tao.

Ang ganitong pagdedesisyon ay napakahirap at napakasakit. Hindi madaling sabihin sa isang


doktor na alisin na ang mga makinang sumusuporta sa hininga ng isang mahal sa buhay. Hindi
natin dapat na tapusin ang buhay ng isang tao ng wala pa sa panahon, ngunit gayun din naman,
hindi nararapat na gumawa tayo ng mga ekstra-ordinaryong pamamaraan upang panatilihing
buhay ang isang tao. Ang pinakamagandang payo sa kaninuman na humaharap sa ganitong
desisyon ay ang paghingi sa Diyos ng karunungan (Santiago 1:5).

C. MGA EBIDENSIYA PARA SA MGA ARGUMENTO


Ang Simbahang Katoliko. Ayon sa kanila, ang Diyos ay laban sa Euthanasia. At ang
pisikal na kamatayan ay hindi maaaring hadlangan ng sinuman. Ang Diyos lang ang may
kapamahalaan kung saan at kailan magaganap ang kamatayan ng isang tao. Walang taong may
kapangyarihang pumigil ng espiritu, ni kapangyarihan sa araw ng kamatayan. Nasa Diyos ang
huling pagpapasya sa kamatayan ng isang tao. Ang Euthanasia o Mercy killing ay ang paraan ng
tao upang pangunahan ang kapamahalaan ng Diyos. Ang kamatayan ay isang natural na
kaganapan. Minsan, pinahiuintulutan ng Diyos ang isang tao na magdusa ng mahabang panahon
bago sya mamatay; at sa ibang pagkakataon naman ang paghihirap ng isang tao ay maiksi
lamang. Walang tao ang ikinatutuwa ang pagdurusa ngunit hindi ito nagbibigay ng karapatan sa
tao upang humatol sa kahandaang mamatay ng isang tao. Kadalasan, ang layunin ng Diyos ay
nahahayag sa pamamagitan ng paghihirap ng isang tao. “Sa araw ng kasaganaan ay magalak ka,
at sa araw ng kahirapan ay magsaalang-alang ka”. Nagmamalasakit ang Diyos sa mga taong
nananalangin ng kamatayan upang matapos na ang kanilang pagdurusa. May layunin ang Diyos
sa buhay hanggang sa katapusan. Ang Diyos lamang ang nakakaalam ng pinakamabuti at laging
perpekto ang kanyang panahon, maging sa panahon ng kamatayan.

III. ANG SARILING POSISYON SA ISYU


A. UNANG PUNTO NG IYONG POSISYON
Ang euthanasia ay isang malaking kasalanan sa Diyos
1. Opinyon sa unang punto
Ang euthanasia ay isang malaking kasalanan ayon sa Bibliya sapagkat buhay ang
pinag-uusapan ditto.
2. Mga ebidensiya
Ang katotohanan na sumusuporta sa katotohanan na ang Diyos ay laban sa
euthanasia ay ang Kanyang walang hanggang kapamahalaan. Alam natin na hindi
maaaring hadlangan ng sinuman ang pisikal na kamatayan (Awit 89:49; Hebreo 9:27).
Ang Diyos lamang ang may kapamahalaan kung saan at kailan magaganap ang
kamatayan ng isang tao. Pinatotohanan ito ni Job sa Job 30:23.

B. IKALAWANG PUNTO NG IYONG POSISYON


Ang euthanasia ay isang krimen na may kaukulang kaparusahan sa batas.
1. Opinyon sa unang punto
Ang euthanasia ay illegal sa Pilipinas. Ibig sabihin, maaaring makasuhan ang
taong gagawa nito sa biktimang may sakit kahit pa ito’y kagustuhan o sapilitan.ang sinumang
mapapatunyang gagawa nito o mapapatunayang may kinalaman sa pagsasagawa nito ay
mapaparusahan. Gayunin ay may isinusulong na mayroong panuka lang batas ukol sa “mercy
killing” o ang tinatawag na Euthanasia Bill pero nalalambungan pa rin ito ng ulap dahil sa
maraming isyu emotional, legal at pangrelihiyong usapin. Ang Euthanasia ay ang pamamaraan
ng pagkitil sa isang taong may malubhang karamdaman na hindi na maaari pang gumaling o
yung mga tinatawag na “gulay” na. Ang salitang Euthanasia ay nanggaling     sa salitang “good
and death”. Kung maisasabatas ito ay lalong makakaganda ito.

2. Mga ebidensiya

[BATAS REPUBLIKA BLG. 10368]

ISANG BATAS NA NAGKAKALOOB NG REPARASYON AT


REKOGNISYON NG MGA BIKTIMA NG MGA PAGLABAG SA KARAPATANG
PANTAO NOONG REHIMENG MARCOS, DOKUMENTASYON NG NASABING
MGA PAGLABAG, PAGLALAAN NG MGA PONDO PARA DOON AT PARA SA
IBANG MGA LAYUNIN

Ipinahahayag ng Seksiyon 11 ng Artikulo II ng Saligang Batas ng 1987 ng


Republika ng Pilipinas na hinahalagahan ng Estado ang dangal ng bawat tao at tinitiyak
ang ganap na paggalang para sa karapatang pantao. Tungo sa ipinahayag na polisiyang
ito, ipinagbabawal ng Seksiyon 12 ng Artikulo III ng Saligang Batas ang paggamit ng
tortiyur, lakas, karahasan, pagbabanta, intimidasyon, o anupamang ibang pamaraan na
makasisira sa malayang loob at nag-aatas ng kabayaran at rehabilitasyon ng mga biktima
ng tortiyur o mga katulad na praktis atang kanilang mga pamilya.

Mayroong panuka lang batas ukol sa “mercy killing” o ang tinatawag na


Euthanasia Bill pero nalalambungan pa rin ito ng ulap dahil sa maraming isyu —
emotional, legal at pangrelihiyong usapin. Ang Euthanasia ay ang pamamaraan ng
pagkitil sa isang taong may malubhang karamdaman na hindi na maaari pang gumaling o
yung mga tinatawag na “gulay” na. Ang salitang Euthanasia ay nanggaling     sa salitang
“good and death”.

Isasagawa lamang ang Euthanasia kapag ang taong may mabigat na sakit ay
hiniling sa doctor ganoon din sa kanyang mga kamag-anak na kitilin na ang kanyang
buhay.

Ang active Euthanasia at mahigpit na ipi nagbabawal sa maraming bansa. Sabi ng


religious groups ito ay malinaw na pagsu-suicide o murder kaya immoral. Gayunman ma-
rami ang nagsasabing mas mabuti ang euthanasia sapagkat natatahimik na ang tao kaysa
hayaang buhay pero “gulay”.
Isa sa mga paraan ng pagsasagawa ng Euthanasia ay ang pag-aalis sa support o
ang pag-aalis ng medical treatment. Hahayaan ang pasyente na mamatay naturally at ito
ay legal sa batas.

Mahirap magdesisyon para sa pamilya ng pasyente. Nagbibigay ito ng


pagkabahala at hindi malaman ng bawat isa kung tama bang kitilin na ang buhay ng
pasyente. Mayroong  iba na hindi itinutuloy ang balak at hinahayaan na lamang ang
pasyente sa sitwas-yong nakaratay ito at hintayin ang oras.

C. IKATLONG PUNTO NG IYONG POSISYON


Ang euthanasia ay nag-aalis ng karapatan ng isang taong gumaling o mabuhay pa.
1. Opinyon sa unang punto
Ano nga ba ang sanhi ng isang doktor? Hindi ba upang pagalingin ang anomang
sakit ninyo, hindi ang magpatay? Na gawin ang lahat ng makakaya niya at gamitin ang
lahat ng posibilidad at rekurso upang masagip ang buhay ninyo? Anong ibig nyong
sabihin, ‘e…wala ka na palang pag-as’a, patayin na lang kaya natin kayo.’
parang ang nangyayari ay binibigay natin sa mga doktor ang kapangyarihan at
responsibilidad na patayin ang isang tao. Kahit na anong paraan nyong sabihin, kahit
maglaro pa kayo ng mga salita, maging ‘kamatayan na may dignidad’ man o ‘mamatay
ng tahimik’ man, hindi natin maikakaila na pagpapatay pa rin ang tawag doon. Ang
magkumuha ng buhay ng isang tao na may taglay na intensyon ay homosido at ‘yan, mga
kaibigan, ang batas.

2. Mga ebidensiya
Tulad ng kinasangkutang iskandalo ng doktor na si Dr. Jack Kevorkian, isang
doktor na tagapagtaguyod ng karapatan ng mga taong nagnanais magpakamatay sa
pamamagitan ng eutanasya. Dahil sa pagsasagawa ni Dr. Kevorkian ng eutanasya sa ilang
pasyente, siya ay nahatulang mabilanggo sa kulungan.

IV. KONKLUSYON
A. BUOD NG IYONG POSISYON

Ang euthanasia ay naghahatid ng masamang paniwala sa ating lipunan. Pinaniniwala


kayo na pati na ang Lahing Sangkatauhan ay kagaya na rin nga sa mga sakit na alagang hayop.
Palayain na lang natin sila sa kanilang kalumbayan. Ganoon nga ba ang tingin nyo sa iyong mga
mahal sa buhay? Mga Hayop? Ang buhay ay akin at ating pananampalataya bilang isang
Kristyanong bansa ay isang handog na hindi natin ari, kundi nasa ating posesyon lamang.

Ang isyung ito ay labis na nakakabahala kung di natin aaksyunan. Gawin nating malakas
ang ating loob. Palagi nating ipaalala sa mga taong may malubhang karamdaman na palaging
nariyan ang Diyos sa kanilang tabi at sila ay binabantayan.

B. PLANO NG PAGKILOS

Ang pagkilos na naaayon ditto ay dapat laging isaalang-alang ang kapakanan ng


nakararami sapagkat sila ay kabahagi rin sa mundong iyong ginagalawan. Magtiwala sa sarili at
palaging laksan ang loob. Hindi lang sa batas sumunod maging kundi higit ay sa mga kautusan
ng Diyos.

V. SANGGUNIAN
Wikipedia Philippines

Elicano(2008)

Philstar Philippines

Tranquilino, E. Jr., (February 3, 2008) Retrieved from


https://www.philstar.com/opinyon/2008/02/03/42368/euthanasia#cOOHS9pk64YkCtf
c.99

http://pilosopiyo.blogspot.com/2007/01/euthanasia.html
https://tl.wikipedia.org/wiki/Eutanasya
https://www.gotquestions.org/Tagalog/Bibliya-euthanasia-hayaang.html
https://www.gotquestions.org/Tagalog/pagpatay-awa.html
EUTHANASIA
(MERCY KILLING):
Isyung Kulang sa
Pansin

Cejay L. Lojo
SSC-10 ARISTOTLE
ESP-10

You might also like