You are on page 1of 14

Ang pananaw ng mga

Pilipino sa pagiging
mabuting mamamayan

ni Mahar Mangahas
Philippine Daily Inquirer
01:33:00 04/19/2008
Noong nakaraang lingo ay aking iniulat na tayong mga
Pilipino, kung ihahambing sa ibang nasyonalidad, ay
napakahusay sa pangangalaga ng ating karapatan sa
pagsasagawa ng civil disobedience. Ngunit, tayo ay below
average pagdating sa pangangalaga ng ating karapatan sa
minimum living standard, karapatan ng mga minorities,
karapatan para sa pantay na pagtrato,karapatan para marinig,
at ang karapatang makilahok sa
demokratikong proseso.
Hindi lamang ang paggiit ng mga karapatan ang kalakip ng
pagiging mabuting mamamayan kundi maging ang pagtupad sa
mga tungkulin.Sa lingong ito, aking iuulat, batay pa rin sa 2004
Survey on Citizenship of the International Social SurveyProgram
(www.issp.org), na ang mga Pilipino, kung ihahambing sa iba, ay
may mataas na pananaw sa kung ano ang mga dapat gawin ng
isang mabuting mamamayan. Gumawa ang 2004 ISSP Citizenship
Survey ng isang listahan ng 10 tungkulin ng mga mamamayan at
tinanong ang mga respondent na markahan ang bawat isa gamit
scale na mula sa 1 hanggang 7, kung saan ang 1 ay hindi mahalaga
at ang 7 ay napakahalaga. Narito ang bahagdan ng mga sumagot ng
6 o 7 na mga Filipinos, ang ibang nasyonalidad, at ang global
average, ayon sa pagkakasunod ng mga tungkulin ng mamamayan
na minarkahan:
1. Laging boboto sa halalan: Filipinos 88, Americans 78,
Mexicans 75, Koreans 71, global 68, Taiwanese and
Spaniards 68, Japanese 67. Sa pagbibigay ng
kahalagahan sa pagboboto, nanguna ang Pilipinas,
sinundan ng Denmark (87) at Canada (84). Ang
pinakamababa ay ang Czech Republic (37).

2. Hindi iiwas sa pagbabayad ng buwis: Japanese 85,


Americans 84, Taiwanese 80, Filipinos 79, Koreans 78,
Mexicans at Spaniards 75, global 73. Ang tungkulin sa
pagbabayad ng buwis ay ang tanging isyu kung saan
naungusan ang mga Pilipino ng ibang bansa. Ang Japan
ay No. 1, at ang United States at United Kingdom ay ang
pangalawa. Ang Pilipinas, ay pang-siyam kasama ang
Chile at Slovakia. Ang Flanders ay ang panghuli (52).
3. Laging sundin ang mga
batas at regulasyon. :
Filipinos
86, Americans 85,
Mexicans 84
Taiwanese 83,
Japanese 81, global 78,
Koreans 77, Spaniards 76.
Ang 4. Laging pagbabantay sa
pinakamatataas, lahat ay mga gawain ng pamahalaan:
88, ang Venezuela, Filipinos 79, Americans 75,
Bulgaria, Mexicans 69, Japanese 59,
Canada at Poland. Ang Taiwanese 59, global 55,
Pilipinas, ay pang-walo Koreans 53, Spaniards 50.
kasama Ang
ang Chile at Ireland. Ang Canada (81) ay ang
huli ay ang Switzerland nanguna, na sinundan ng
(51). Pilipinas
at United States. Ang
panghuli ay ang Czech
Republic
(23).
5. Ang maging epektibo sa panlipunan at politikal
na mga samahan: Filipinos 59, Mexicans 49,
Spaniards and Americans 30, Koreans 27, global
26, Taiwanese 22, Japanese 15. Ang Pilipinas ang
nanguna rito; ito lamang ang bansa kung saan
ang mayorya ng mga respondentay nagsabi na ito
ay mahalaga. Ang Mexico at South Africa ay
parehong nasa ikalawang puwesto. Finland ang
pinakahuli

6. Subuking unawain ang katuwiran ng mga taong


may ibang opinyon: Mexicans 76, Filipinos 68,
Americans 67, Spaniards 65, global 61, Koreans
59, Japanese 49,
Taiwanese 47. Ang Uruguay (85) ang nanguna,
sinundan ng Mexico. Ang Pilipinas ay pang-siyam.
Ang pinakahuli ay ang Czech Republic (35)
7. Pumili ng produkto para sa politikal,
etikal o pangkalikasang kadahilanan,
kahit na ito ay mayroong dagdag na
gastos: Spaniards 53, Filipinos 47,
Koreans 44, Taiwanese 39, Americans
37, Mexicans 35, global 34, Japanese 25.
Ang Portugal (56) ang nanguna,
sinundan ng Spain, at Australia (49).
Dalawang bansa lamang ang mayroong
mayorya ng mga taong nagsabing ang
isang mabuting mamamayan. Ang
Pilipinas ay pang-apat kasama ang
Austria. Ang pinakahuli ay ang Bulgaria
(8).
10.Handang maglingkod sa militar sa oras ng pangangailangan; :
Filipinos 62, Americans 60, Taiwanese 57, Mexicans 56 Koreans
54, global 43, Spaniards 25, Japanese 13. Ang Israel (79) ang
nanguna, kung saan ang panlahatang serbisyo militar ay bahagi
ng kanilang seguridad. Malayo ang puntos ng Russia (65) sa
Israel, Poland (63), at ang Pilipinas, na
kasama ang Venezuela sa pang-apat na puwesto. Ang mga
bansang nasa huli ay ang Flanders (12) at Japan.
Bukod sa mga Pilipino, ang mga Mexicans lamang ang laging
mas mataas sa global average. Dahil sa pagiging No. 1 ng dalawang
beses, No. 2 ng isang beses, at hindi lumalagpas ng No. 9, tayong
mga Pilipino ay may average rank na 5.3 sa pagbibigay halaga sa
tungkulin ng pagkamamamayan. Ang mga Venezuelan ay may
tatlong No. 1, ngunit may mababang average na 8.3 dahil sa tatlong
ranking na No. 14 o mas mababa. Ang mga Mexicans na naungusan
ang mga Pilipino sa tatlo mula sa sampung tungkulin ng mga
mamamayan, ay mayroong average rank na 8.6.
Marami tayong matutuhan sa ating sarili sa pamamagitan ng pag-
aaral sa ibang tao. Ipinapakita ng mga survey, na hindi sa unang
pagkakataon, na ang tingnan ang mga Pilipino na mayroong sirang
kultura ay pagbatay sa ‘parachute journalism’ sa halip sa agham
panlipunan
Mga Gabay na Tanong

1. Ano ang kahulugan ng isang mabuting mamamayan ayon sa


binasang artikulo?

2. Ano ang ranggo ng Pilipinas sa iba’t ibang tungkulin ng isang


mamamayan?

3. Alin sa mga binanggit na tungkulin ng mamamayan ang iyong


ginagawa? Bakit ito mahalagang gawin?

4. Anong konklusyon ang iyong maaaring mabuo tungkolsa


pagiging mabuting mamamayan ng mga Pilipino batay sa
survey?

You might also like