You are on page 1of 15

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang
ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-
aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na
ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag magaalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nagiisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin Natin

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa


kahalagahan ng pagkamamamayan at pakiki-lahok sa mga gawaing pansibiko tungo
sa pagkakaroon ng pamayanan at bansang maunlad, mapayapa, at may
pagkakaisa.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Nakagagawa ng pananaliksik tungkol sa


kalagayan ng pakikilahok sa mga gawaing pansibiko at politikal ng mga
mamamayan sa kanilang sariling pamayanan.

Most Essential Learning Competency

Nasusuri kung paano ang aktibong makilahok ang mamamayan sa mga gawaing
magpapabuti sa pamamalakad ng pamahalaan at ng kapakanan ng buong bayan.

Sa modyul na ito inaasahang matutunan mo ang mga sumusunod:

1. Naiisa-isa ang mga klasipikasyon ng pangangailangan sa pagboto.


2. Napahahalagahan ang aktibong pakikilahok ng mamamayan batay sa kanilang
taglay na mga karapatang pantao.

Subukin Natin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang
titik ng wastong sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa isang sektor ng lipunan na hiwalay sa estado.

a. pakikilahok c. publikong sector


b. eleksiyon d. civil society

2. Ayon sa Artikulo V ng Saligang Batas ng 1987, ang mga maaaring makaboto ay


MALIBAN sa…

a. 18 taon gulang pataas


b. mamamayan ng Pilipinas
c. diskwalipikado ayon sa isinasaad ng batas, at
d. tumira sa Pilipinas nang kahit isang taon at sa lugar kung saan niya
gustong bomoto nang hindi bababa sa anim na buwan bago mag
eleksiyon.

1
3. Sinong sosyologo ang may nagsabi ng katagang “people empowerment entails
the creation of a parallel system of people’s organizations as government partner
in decision making…”

a. Horacio Morales c. Randy David


b. Constantino-David d. James Smith

4. Ito ay NGO na nagsasagawa ng mga proyekto para sa mahihirap.


a. DJANGOs c. FUNDANGOs
b. TANGOs d. GUAPO

5. Ito ay mga POs na itinayo mula sa inisyatibo ng mamamayan at hindi ng


pamahalaan
a. DJANGOs c. FUNDANGOs
b. TANGOs d. GUAPO

Balikan Natin

A. Kumpletuhin ang diyagram sa pamamagitan ng pagtala ng pagkakatulad at


pagkakaiba ng mga karapatang pantao batay sa UDHR, Bill of Rights, at Children
Rights.

TRIPLE VENN DIAGRAM

UDHR Bill of Rights

Children’s Rights

2
Pamprosesong Tanong:
1. Batay sa diyagram, ano ang iyong konklusyon tungkol sa mga karapatang
pantao na inilahad sa tatlong dokumento?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________.

Tuklasin Natin

Larawan-Suri. Tunghayan ang dalawang larawan na makikita sa ibaba. Suriing


mabuti ang konseptong pinahihiwatig nito sa pamamagitan ng pagsagot sa
pamprosesong tanong.

https://images.app.goo.gl/KzqQFrp1xZUfLk7e9 https://images.app.goo.gl/XCFfWkZXqone5b1y9

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang ipinapakita sa mga larawan?

________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Bakit mahalagang makilahok ang mga mamamayan sa eleksiyon?

________________________________________________________________
________________________________________________________________

3. Ipaliwanag ang mga naidudulot sa buhay ng tao ang pakikilahok sa mga


pansibikong samahan o programa.

________________________________________________________________
________________________________________________________________

3
Talakayin Natin

Ang bahaging ito ng aralin ay tumatalakay sa mga paraan kung paano aktibong
makikilahok ang mamamayan sa mga gawaing magpapabuti sa pamamalakad
ng pamahalaan at ng kapakanan ng buong bayan.

Tinalakay sa unang tatlong modyul ang mga isyung kinakaharap ng mundo


sa kasalukuyan. Nararanasan natin ang iba’t ibang manipestasyon ng mga isyung
ito at kadalasan pa nga’y kabilang tayo sa sanhi o sa nagpapalala sa mga ito. Bilang
pinakamahalagang elemento ng Estado, nasa kamay natin bilang mamamayan ang
pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan na ating
kinakaharap.

Dahil nasa ating mga kamay ang susi para sa pagbabago ng ating lipunan,
nararapat lamang na kalimutan ang maling pananaw na pamahalaan lamang ang
may tungkulin na bigyang-solusyon ang mga isyung panlipunan; na sila ay ating
inihalal upang bigyang-katugunan ang lahat ng ating pangangailangan at wala na
tayong gagawin bilang mamamayan. Ang ganitong pag-iisip ay nagdudulot ng
sentimyentong paninisi sa pamahalaan kapag ang ating mga pangangailangan at
suliranin ay hindi natugunan.

Sa katunayan, ayon sa Artikulo II, Seksiyon 1 ng ating Saligang-batas, “Ang


Pilipinas ay isang Estadong republikano at demokratiko. Ang ganap na
kapangyarihan ay angkin ng sambayanan at nagmumula sa kanila ang lahat ng mga
awtoridad na pampamahalaan.” Ito ay patunay lamang na ang kapangyarihan ng
isang Estado ay wala sa pamahalaan at sa mga taong bumubuo nito, sa halip, ito ay
nagmumula sa mga mamamayan. Katulad ng nabanggit na, ang mamamayan ay
dapat aktibong nakikisangkot sa diskurso sa pamamahala upang bigyang-katugunan
ang mga hamong panlipunan. Nararapat na magkasamang buuin ng pamahalaan at
ng mga mamamayan ang solusyon sa mga suliraning kinakaharap ng lipunan.
Mangyayari lamang ito kung ang mamamayan ay may kaalaman at kamalayan sa
mga isyung panlipunan. Ang kamalayang ito ang magtutulak sa mamamayan na
aktibong makilahok sa mga hakbanging magbibigay katugunan sa maraming isyung
panlipunan.

Sa kabila ng kahalagahan ng pagiging mulat sa mga isyung panlipunan ay


mas mahalaga rito ang pagtugon mismo ng mamamayan. Isang mahalagang paraan
para matugunan ang mga isyung ito ay ang pakikilahok sa mga gawaing politikal.
Ngunit, may iba’t ibang paraan para maging kalahok dito ang isang mamamayan.
Maaaring ito ay sa paraan ng pagboto o maaaring sa mas masidhing mga aksiyon
para igiit ang pagkakaroon ng isang mabuting pamahalaan.

4
Iminumungkahing panoorin ang mga sumusunod na link na may kaugnayan sa
aralin.
https://www.youtube.com/watch?v=hDkx--E8wb8
https://www.youtube.com/watch?v=Q3Ai4V4sJTc

ARALIN 4 Politikal na Pakikilahok

ELEKSYON
Ang pakikilahok sa eleksiyon ang pinakapayak na paraan ng pakikilahok ng
mamamayan.

Ang pagboto ay isang obligasyon at karapatang politikal na ginagarantiyahan ng


ating Saligang-batas. Ayon sa Artikulo V ng Saligang Batas ng 1987, ang mga
maaaring makaboto ay:
a) mamamayan ng Pilipinas
b) hindi diskwalipikado ayon sa isinasaad ng batas,
c) 18 taon gulang pataas, at
d) tumira sa Pilipinas nang kahit isang taon at sa lugar kung saan niya gustong
bomoto nang hindi bababa sa anim na buwan bago mag-eleksiyon.

Mga Diskwalipikadong Bumoto

1. Mga taong nasintensyahan na makulong nang hindi bababa sa isang taon.


maaari siyang makaboto muli pagkaraan ng limang taon pagkatapos niyang
matapos ang parusang inihatol sa kaniya.
2. Mga taong nasintensyahan ng hukuman sa mga kasong rebelyon, sedisyon,
paglabag sa anti-subversion at firearms law at anumang krimeng laban sa
seguridad ng bansa. Maaari siyang makaboto muli pagkaraan ng limang
taon pagkatapos niyang matapos ang parusang inihatol sa kaniya.
3. Mga taong idineklara ng mga eksperto bilang baliw.

Sa pamamagitan ng pagboto, nakapipili ang mamamayan ng mga opisyal ng


pamahalaan na sa tingin nila ay makapaglilingkod nang maayos. Ito ang
pagkakataon kung saan naipakikita ng mamamayan na siya ang pinanggagalingan
ng kapangyarihan ng mga halal na opisyal; na siya ring may kapangyarihan na alisin
sila sa puwesto kung sa tingin nila ay hindi ginagampanan nang maayos ang
kanilang sinumpaang tungkulin. Sa pamamagitan ng ating pagboto, tayo mismo ang
nagtatakda ng kinabukasan ng ating bayan.

Pantay-pantay ang mga tao pagdating sa boto. Bawat isang Pilipino ay


mayroon lamang isang boto, mayaman man o mahirap. Ngunit ang iisang botong ito
ay lubhang makapangyarihan sapagkat maaari nitong baguhin ang takbo ng buhay
ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila nito ay may mga nagiging balakid sa pakikilahok ng

5
mga tao sa eleksiyon. Halimbawa, nababalitaan pa rin natin na mayroon tayong mga
kababayan na nagbebenta ng kanilang boto sa mga politiko.

Noong halalan ng 2016 sinabi ng dating Commissioner ng Commission on


Elections na si Gregorio Lardizabal na naging talamak pa rin ang insidente ng
pamimili ng boto. Ito ay sa kabila ng pagkakaroon ng automated election. Dahil dito
maaaring Sa halip na ang nakaupo sa pamahalaan ay mahuhusay at matitinong
opisyal na bumabalangkas at nagpapatupad ng mga programang may kinalaman sa
edukasyon, kalusugan at kabuhayan, maaaring ang maupo ay mga opisyal na sarili
lamang ang iniisip.

Batay sa ISSP Citizenship Survey noong 2004, pangunahin ang pagboto


bilang katangian ng isang mabuting mamamayan para sa mga Pilipino.Kasama rin
sa listahan ang wastong pagbabayad ng buwis, laging pagsunod sa batas,
pagsubaybay sa gawain ng pamahalaan at unawain ang opinyon ng ibang tao. Kung
ang survey na ito ang pagbabatayan, mababatid na malaki ang pagtingin ng mga
Pilipino sa kahalagahan ng karapatang makaboto sa kabila ng maraming balakid at
mga suliranin. Ayon nga sa constitutionalistna si Fr. Joaquin Bernas (1992), ang
layunin ng pagboto ay hindi na ang pagbibigay ng mandato sa mga opisyal para
mamuno bagkus ay ang pagbibigay ng kapangyarihan sa mga makapagpapaunlad
sa estado at malupig ang mga nagpapahirap sa bayan.

Gawain 1: Tukuyin kung ang mga sumusunod na mamamayan ay maaaring


makalahok sa eleksyon o hindi. Pangatwiranan ang sagot.

Sitwasiyon Oo/Hindi Paliwanag

1. Si Anthony na 20 taong
gulang na ginagamot sa
National Center for Mental
Health sa Mandaluyong.
2. Si Ambo na lumaya sa
kulungan sa kasong rebelyon
noong May 2020
3. Si Alexa na SK
Chairperson na magdiriwang
ng kanyang ika-18 kaarawan
sa October 2022.
4. Si Amber na dual citizen
na nakatira sa Pilipinas mula
nagsimula ang pandemya at
nagpa-rehistro sa kanyang
lugar.
5. Si Xandrei na naturalized
citizen ng New Zealand at
nagbakasyon sa Pilipinas.

6
Paglahok sa Civil Society

CIVIL SOCIETY - Ito ay tumutukoy sa isang sektor ng lipunan na hiwalay sa


estado. Ang civil society ay binubuo ng mga mamamayang nakikilahok sa mga kilos
protesta, lipunang pagkilos, at mga Non-Governmental Organizations/People’s
Organizations. Hindi naman bahagi nito ang tahanan, mga negosyo, mga partido
politikal, at mga armadong grupo na nagtatangkang pabagsakin ang pamahalaan.
Nilalayon ng civil society na maging kabahagi sa pagpapabago ng mga polisiya at
maggiit ng accountability (kapanagutan) at transparency (katapatan) mula sa estado
(Silliman, 1998).
Ayon kay Horacio Morales (1990), “people empowerment entails the creation
of a parallel system of people’s organizations as government partner in decision
making…” Ibig sabihin, mahalaga ang pagbuo ng mga organisasyon ng
mamamayan dahil ito ang magiging katuwang ng pamahalaan sa pagbuo ng mga
programa para sa ikauunlad ng bayan.
Ayon naman kay Randy David (2008), sa pamamagitan ng civil society ang
mga mamamayan ang pinanggagalingan ng soberenya ng isang estado. Sa
pamamagitan ng paglahok sa civil society, ang mga mithiin ng mga mamamayan
ang magiging batayan ng buong estado sa pamamahala ng isang bansa.
Ipinaliwanag ni Constantino-David (1998) ang mga bumubuo sa civil society.
Ito ay binubuo ng mga kilos protesta, mga lipunang pagkilos, at mga voluntary
organization. Ang huli ay nahahati sa dalawang kategorya:

a. Grassroots Organizations o People’s Organizations (POs) - Ang mga


POs ay naglalayong protektahan ang interes ng mga miyembro nito. Dito nahahanay
ang mga sectoral group ng kababaihan, kabataan, magsasaka, mangingisda, at mga
cause-oriented group.
B. Grassroot Support Organizations O Non-Governmental Organizations
(Ngos). - ang mga NGOs ay naglalayong suportahan ang mga programa ng mga
people’s organization.
Sa Pilipinas, tinatayang noong dekada 1960 nagsimulang mabuo ang mga
NGO sa kasalukuyan nitong anyo (Constantino-David, 1998).

Tungkulin ng NGO at PO

Maraming iba’t ibang uri ng NGO at PO ang makikita sa Pilipinas at bawat isa
ay may kani-kaniyang tungkulin sa bayan. (Putzel, 1998).

• TANGOs (Traditional NGOs) – nagsasagawa ng mga proyekto para sa


mahihirap
• FUNDANGOs (Funding-Agency NGOs) – ng tulong pinansiyal sa mga
people’s organization para tumulong sa mga nangangailangan

7
• DJANGOs (Development, Justice, And Advocacy NGOs)–Nagbibigay
suporta sa mga komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng ligal at medikal
na mga serbisyo
• PACO (Professional, Academic, And Civic Organizations) – binubuo ng
mga propesyonal at ng mga galing sa sektor ng akademiya
• GRIPO (Government-Run and Initiatated POs) – mga POs na binuo ng
pamahalaan
• GUAPO (Genuine, Autonomous POs) – ito ay mga POs na itinayo mula sa
inisyatibo ng mamamayan at hindi ng pamahalaan

Ayon kay Larry Diamond (1994), ang paglahok sa mga ganitong samahan ay isang
mahusay na pagsasanay para sa demokrasiya.
May tatlong mahahalagang tungkulin ang mga NGO at PO sa Pilipinas sa
kasalukuyan.
• Una, ang paglulunsad ng mga proyektong naglalayong paunlarin ang
kabuhayan ng mamamayan na kadalasan ay hindi natutugunan ng
pamahalaan.

• Pangalawa, nagsasagawa ang mga NGO ng mga pagsasanay at pananaliksik


tungkol sa adbokasiyang kanilang ipinaglalaban upang magising ang
kamalayan ng mamamayan.
• Panghuli, malaki ang papel ng mga samahang ito sa direktang
pakikipagugnayan sa pamahalaan upang maiparating sa kanila ang hinaing
ng kanilang sektor at mga naiisip na programa at batas na naglalayong
mapagbuti ang kalagayan ng mamamayan.

Sa kabuuan, ang civil society ay nakabubuti sa isang demokrasiya. Binibigyan


ng civil society ang mga mamamayan ng mas malawak na pakikilahok sa
pamamahala ng isang bansa. Sa pamamagitan ng pag-enganyo sa mga
mamamayan sa mga gawain ng civil society, masisiguro na magkakaroon ng
pananagutan ang bawat opisyal ng pamahalaan sa kanilang tungkulin (Bello, 2000).

Pagyamanin Natin

Gawain 2: Batay sa iyong natutunan sagutan ang mga sumusunod na katanungan

1. Ipaliwanag ang kahalagahan ng pakikilahok sa mga gawaing pang sibiko?

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

8
2. Kung sakaling pupunta kayo ng ibang bansa, matatapos na ba ang inyong
makikilahok sa mga gawaing pansibiko sa Pilipinas? Ipaliwanag.

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Tandaan Natin

Panuto: Magbigay ng limang mga dahilan kung bakit mahalagang makilahok


ang mga mamamayan sa mga samahang tulad ng non-governmental
organizations at people’s organizations?

Isabuhay Natin

Panuto: Sagutin ang mga tanong na makikita sa susunod na pahina na may


kaugnayan sa mga napapanahong isyu.

9
Sa taong 2022 ay muling gaganapin ang
pambansang eleksiyon, bakit mahalaga ang
pakikilahok ng mga mamamayan sa gawaing
ito?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Sa kasalukuyan ang Pilipinas ay patuloy


nakararanas ng Covid 19 pandemic, bilang isang
mamamayan paano ka makatutulong sa mga
gawaing pansibiko upang matulungan ang mga
taong higit na apektado ng Covid 19?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

10
Tayahin Natin

Tukoy-Salita: Tukuyin ang mga salitang inilalarawan sa sumusunod na


pangungusap

__________ 1. Ito ay ang sektor ng lipunan na binubuo ng mga nakikilahok sa mga


kilos protesta, mga lipunang pagkilos, at mga boluntaryong
organisasyon.

__________2. Ang samahang ito ay naglalayong protektahan ang interes ng mga


miyembro nito.

__________3. Nilalayon ng samahang ito na suportahan ang mga programa ng mga


grassroots organization.

_________4. Ipinakikita ng batas na ito ang kahalagahan ng papel na


ginagampanan ng mga NGO at PO.

_________5. Ito ang uri ng NGO na nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga POs
para tumulong sa mga nangangailangan.

_________6. Ito ang nagbibigay suporta sa mga komunidad sa pamamagitan ng


pagbibigay ng ligal at medikal na mga serbisyo.

_________7. Ito ay binubuo ng mga propesyonal at ng mga galing sa sektor ng


akademiya.

_________8. Ito ang tawag sa mga PO na binuo ng pamahalaan.

_________9. Ang layunin ng konsehong ito ay bumuo ng isang plano para makamit
ang kaunlaran ng mga lokal na pamahalaan.

________10. Dito kabilang ang mga sectoral group na kinabibilangan ng


kababaihan at kabataan.

11
Gawain Natin

Panuto: Gumawa ng poster-slogan na nagpapakita ng kahalagahan ng pakikilahok


sa mga gawaing pansibiko.

Sanggunian
Deped Learners Module
Antonio, Dallo, Imperial, Samon, Soriano (2017), KAYAMANAN: Mga
Kontemporaryong Isyu, Sampaloc Manila: Rex Printing Company, Inc.
pages 403-410

Mga Larawan
https://images.app.goo.gl/XCFfWkZXqone5b1y9
https://images.app.goo.gl/KzqQFrp1xZUfLk7e9

Mga Video
https://www.youtube.com/watch?v=hDkx--E8wb8
https://www.youtube.com/watch?v=Q3Ai4V4sJTc

12
Development Team of the Module

Writers: MS. MARLYN Q. OBANOS


MR. JAMES O. FONTANILLA
MR. FERDINAND D. AMURAO
MRS. ALMI M. CANTINA
Editors:
Content Evaluator: MR. NELSON B. AGNAS
Language Evaluator:
Reviewers: JOSEPH R. SOGUILON
FRENCEL T. PASCUA

Illustrator: RODRIGO DEL ROSARIO JR.


Layout Artist: ROBERT M. VALERA

Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS


DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
MR. FERDINAND PAGGAO, EPS - AP
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

Sa mga katanungan, maaring tumawag o sumulat sa…

Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan


Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

You might also like