You are on page 1of 24

Participatory Governance

Reporter:
Zyber John Cuyapen
Rashell Dug-As
• Ang participatory governance ay isang mahalagang paraan ng mamamayan para
maisakatuparan ang ating iginigiit na pagbabago sa pamahalaan. Ito ay isang uri ng pansibikong
pakikilahok kung saan ang mga ordinaryong mamamayan ay katuwang ng pamahalaan sa
pagbalangkas at pagpapatupad ng mga solusyon sa suliranin ng bayan. Dito ay aktibong nakikipag-
ugnayan ang mamamayan sa pamahalaan upang bumuo ng mga karampatang solusyon sa mga
hamon ng lipunan.
• Ang ganitong uri ng pamamahala ay isang tahasang pagtaliwas sa tinatawag na ‘elitist
democracy’ kung saan ang desisyon para sa pamamahala ay nagmumula lamang sa mga
namumuno. Ngunit, may mga namumuno sa pamahalaan na ang iniisip lamang ay ang kanilang
sariling interes at hindi ng buong bayan. Kung ang kapangyarihan ng isang estadoay tunay na
nagmumula sa mga mamamayan, mahalagang makisangkot ang mga mamamayan sa pamamahala
dahil mas magiging matagumpay ang isang proyekto kung malaki ang partisipasyon dito ng
mamamayan(Koryakov & Sisk, 2003). Ang participatory governance ay magdudulot ng pagbuo ng
social capital o ang pagbuo ng tiwala sa pagitan ng pamahalaan,civil societyat mga mamamayan, na
isang mahalagang elemento sa isang demokrasiya at mabuting pamamahala.
• Maraming paraan ang participatory governance na maaaring gawin upang
mapaunlad ang isang bansa. Isang paraan ng pagsasagawa ng participatory
governance ay ang pangangalap at pagbabahagi ng impormasyon sa mamamayan.
Ang mga halimbawa nito ay pagdalo sa mga public hearing at pagsasagawa ng mga
survey. Maituturing rin bilang paraan ng participatory governance ang pagsama sa
mga mamamayan sa mga consultation tungkol sa mga isyung mahalaga para sa
bayan. Dito ay hinihingi ng pamahalaan ang opinyon ng mamamayan sa
napapanahong mga isyu at sa mga programang ipatutupad nito. Ayon sa ilang mga
eksperto, mas magiging aktibo ang paraan ng pakikilahok ng mga mamamayan kung
sila ay kasama mismo sa pagbuo ng mga programa at paggawa ng mga desisyon ng
pamahalaan. Sa paraang ito, hindi lamang hinihingi ng pamahalaan ang opinyon ng
mamamayan kundi ay magkatuwang nilang ginagawa ang mga programa nito. Sa
kabila nito, maituturing na ang pinakamataas na paraan ng pakikilahok ng
mamamayan sa pamamahala ay kung kasama sila ng pamahalaan sa mismong
pagpapatupad ng mga programa nito(Koryakov & Sisk, 2003).
• Pagsasagawa ng Participatory Governance
• Ang sumusunod ay dalawang halimbawa kung paano isinasagawa ang participatory governance. Ang isa ay mula sa
Porto Alegre, Brazil at ang ikalawa naman ay kung paano ito isinasagawa sa ating bansa.
• Case Study #1: Porto Alegre, Brazil: Ang Participatory Budgeting Bilang Anyo ng Participatory
Governance(Minos, 2002)
• Ang itinuturing na nagpasimula ng participatory governance sa mundo bilang modelo ng pamamahala ay ang lungsod ng
Porto Alegre sa Brazil. Bago ipatupad ang participatory governance, nakaranas ang lungsod ng maraming suliraning
nakaaapekto sa buhay ng mga mamamayan nito. Hindi sapat ang badyet ng pamahalaan para tugunan ang kanilang
pangangailangan tulad ng serbisyong medikal at imprastruktura.
• Taong 1989 nang simulan ng pamahalaang lokal ng Porto Alegre ang pagkakaroon ng participatory governance,
partikular na ang participatory budgeting. Sa prosesong ito, isinama ng lokal na pamahalaan ang mga mamamayan ng
lungsod sa pagbalangkas ng badyet.
• Layunin ng prosesong ito na magkasamang balangkasin ng pamahalaan at ng mamamayan ang badyet ng lungsod. Sa
pamamagitan nito, naipararating ng taumbayan ang kanilang mga pangangailangangnararapat paglagakan ng sapat na
badyet. Nagiging magandang lugar ito ng pag-uusap o deliberasyon sa pagitan ng dalawang panig kung paano mas
mapagbubuti ang mga serbisyo ng pamahalaan. Nagkaroon ng boses ang taumbayan sa pamamahala. Taliwas ito sa
tradisyonal na proseso na ang mga nasa pamahalaan lamang ang nagdedesisyon kung anong mga proyekto ang dapat
paglaanan ng sapat na pondo.
• Upang maisagawa ang prosesong ito ay hinati ng pamahalaan ang lungsod salabing-anim na regional assemblies at mga
thematic assemblies. Ang una ay batay sa rehiyon ng Porto Alegre at ang huli naman ay mga asembliyang nakatuon sa
partikular na aspekto ng lipunan: pampublikong transportasiyon, kultura, pagbubuwis at kaunlaran, edukasiyon, urban at
social development, at kalusugan.
• Proseso ng Participatory Budgeting
• Maraming hakbang ang isinasagawa sa proseso ng participatory budgetingsa Porto Alegre, Brazil. Mayroon itong
tatlong mahahalagang elemento: ang Regional/Thematic Assemblies, Fora of Delegates, at Council of Participatory
Budgeting (COP).Makikita sa tatlong ito ang papel ng mamamayan sa pagbuo ng badyet ng Porto Alegre.

• Sa mga Regional at Thematic Assembliestinataya ang mga Investment Plan ng nakaraang taon. Dito rin tinutukoy
ang mga priyoridad na proyekto ng bawat regional at thematic assembly. Sa puntong din ito nagkakaroon ng mga
halalan ng magiging miyembro ng Fora of Delegates at Council of Participatory Budgeting. Ang mga nahalal na
miyembro ng Fora of Delegates ay ang magsisilbing tagapamagitan sa mga mamamayan at sa Council of
Participatory Budgeting (COP). Kanila ring susubaybayan ang pagpapatupad ng inaprubahang investment
plan.Tungkulin naman ng mga miyembro ng COP ang pagtatakda ng mga pamantayan sa pag-alam kung saan
ilalagak ang pondo ng kanilang lungsod. Ang mga miyembro ng COP ang may tungkuling makipag-negosasyon sa
lokal na pamahalaan sa pagbalangkas ng badyet ng kanilang lungsod.

• Nagdulot ang inisyatibong ito ng Porto Alegre ng pag-unlad ng antas ng pamumuhay ng kanilang mamamayan
mula sa malalang suliranin ng kahirapan sa bayan. Nakapagbigay rin ng mas maraming serbisyo ang pamahalaang
lokal sa mamamayan nito tulad nang mas maayos na pangongolekta ng basura, pagkakaroon ng malinis na tubig, at
paglalagay ng mga ilaw sa daan. Bumaba ang antas ng infant mortality at maging ang bilang ng mga batang natigil
sa pag-aaral. Sa kabuuan, nakabuti sa pamumuhay ng mga taga-Porto Alegre ang sistema ng participatory
budgeting dahil ang pondo ng bayan ay nailalagak sa mga proyektong pinakakailangan ng mamamayan. Ito ay
naging posible dahil sa mahalagang papel na ginampanan ng mamamayan sa paglalagak ng badyet .
• Case Study # 2: Participatory Governance sa Pilipinas
• Ang konsepto ng participatory governance ay hindi bago sa ating mga Pilipino. Sa katunayan, ang Local
Government Code of 1991 ay isang testamento sa pagkilala sa papel ng mamamayan sa pamamahala(Blair, 2012).
Ayon sa batas na ito, ibinaba ng pambansang pamahalaan sa mga lokal na pamahalaan ang ilang tungkulin sa
pagbibigay ng serbisyo sa mamamayan tulad ng mga may kinalaman sa kalusugan, edukasyon at iba pang
serbisyo tulad ng mga imprastruktura kung saan kabilang ang pagpapatayo ng mga kalsada at mga pampublikong
pamilihan.

• Kinikilala ng batas na ito ang kahalagahan ng papel ng mga people’s organization at non-governmental
organization sa pamamahala ng mga bayan o lungsod. Binigyang-diin ng batas na ito na ang papel ng mga
Pilipino sa pamamahala ay hindi limitado tuwing araw lamang ng eleksiyon sa halip ay isang pang-araw-araw na
tungkulin ng bawat isa sa atin. Binigyang-anyo ng LGC ang mekanismo kung paano maaaring maging aktibong
kabahagi ang mamamayan sa pamamahala.

• Isa sa magandang halimbawa ng participatory governance sa bansa ay ang Lungsod ng Naga na pinasimulan ng
dating alkalde nito, ang yumaong Kng. Jesse Robredo. Noong 1995, nagpalabas ng isang ordinansa ang lokal na
pamahalaan ng Naga na nag-aanyaya sa lahat ng mga NGO sa bayan na lumahok sa itatatag na Naga City
People’s Council (NCPC). Mula sa mga miyembro ng mga NGO na lumahok sa NCPC ay pipili ang konseho ng
mga magiging miyembro ng iba’t ibang komite ng konsehong panlungsod at labing-apat na espesyal na
kawanihan ng lokal na pamahalaan. Binubuo nito ang 25% ng mga miyembro sa mga nabanggit na sangay ng
lokal na pamahalaan, bukod
• pa sa mga konsehal na inihalal ng taumbayan. Tungkulin ng mga miyembro ng NCPC na makilahok sa talakayan,
bomoto at magpanukala ng mga batas at ordinansa sa mga komite ng konseho(Blair, 2012). Dahil sa pagkakaroon
ng papel sa lokal na pamahalaan ng mga samahang kumakatawan sa iba’t ibang interes ng mamamayan,binigyan ng
sistemang ito nang mas malawak na boses ang mga mamamayan ng Naga sa pagpapanukala ng mga ordinansa at
programa na makatutulong sa kanila.

• Naging bahagi rin ng mahahalagang sangay ng lokal na pamahalaan tulad ng Investment Board at Urban
Development and Housing Board ang mga miyembro ng NCPC. Ang Naga, katulad ng Porto Alegre, ay
nagpapatupad din ng participatory budgeting kung saan ang NCPC naman ang katuwang ng lokal na pamahalaan sa
pagpaplano at alokasiyon ng badyet ng Naga (Blair, 2012). Sa kabuuan, nagdulot ng transparency sa pamahalaan at
mutual trust sa pagitan ng mamamayan at ng mga lokal na opisyal ang sistemang ito ng participatory governance sa
Naga (ANGOC, 2006).

• Bukod dito, nagpatupad pa ang lokal na pamahalaan ng mga programang mas nagpalakas sa mekanismo ng
participatory governance sa lungsod. Ang isa rito ay ang productivity improvement programna nag-ayos sa
benepisyong nakukuha ng mga kawani ng lokal na pamahalaan. Nagpatupad din ang lokal na pamahalaan ng private
sector human resource management techniques para sa mga empleyado ng pamahalaang lungsod na may layuning
mas mapaayos ang serbisyong kanilang ibibigay sa mamamayan ng Naga. Pinatatag niya ang Merit & Promotion
Board ng lungsod upang maalis ang patronage system o ang sistemang padrino. Naging tanyag din ang lungsod
dahil sa Naga City Citizens Charter, isang gabay na aklat na nagbibigay-impormasyon sa mamamayan tungkol sa
mga serbisyong pinagkakaloob ng lokal na pamahalaan at ang kalakip nitong mga proseso(Asian NGO Coalition for
Agrarian Reform and Rural Development (ANGOC), 2006).
• Ang participatory governance ng lungsod ng Naga ay nakaangkla sa sumusunod na
prinsipyo (ANGOC, 2006):

•  Progressive development perspective – tumutukoy ito sa paniniwalang kayang


mabago ang mga lumang sistema ng pamahalaan para sa ikabubuti ng mamamayan.
Binubuo ito ng pagbuo at pagkuha ng tiwala ng mamamayan, pagpapatatag ng
kakayahan ng pamahalaan at ang pagmamalaki ng mga Nagueño sa kanilang sarili.

•  Functional partnerships – Walang monopolyo ang lokal na pamahalaan lalo na


ang mga opisyal nito sa pagbuo ng mga programa para sa mamamayan ng lungsod.
Kaya naman isinangkot ang mga NGO at PO para sa mas produktibong serbisyo sa
mga Nagueño.

•  People’s Participation – Kinikilala nito ang napakahalagang papel ng mamamayan


sa pamamahala. Hindi magiging matagumpay ang anumang programa kung walang
suporta ng mamamayan.
• ARIGATOU GOZAIMASU FOR
LISTENING AND KEEPING
SILENCE IN OUR
DISCUSSION.

 GET YOUR ONE WHOLE SHEET OF PAPER FOR A QUIZ.


Gawain 21.One Minute Essay
Layunin ng gawaing ito na matukoy ang iyong mga natutuhan tungkol sa paksang participatory governan
Isang minuto lamang ang
ibibigay sa iyo sa pagsulat ng iyong mga natutuhan. Gamiting gabay ang sumusunod na katanungan sa pa
ng iyong one-minute essay.

My One Minute Essay

Ano ang iyong natutuhan tungkol sa paksang participatory


governance?
_______________________________________________
_______________________________________________

You might also like