You are on page 1of 13

WEEKLY LEARNING ACTIVITY SHEETS

Araling Panlipunan 10
Ikaapat na Markahan, Ikapitong Linggo

Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon Ng Mabuting Pamamahala

Pangalan: ______________________________________ Antas at Pangkat: _________________

Kasanayang Pagkatuto:
Napapahalagahan ang papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng isang mabuting
pamahalaan. (MELC Week 7)

Layunin: (Unang Araw)


 Nakapagpapahalaga ng papel ng isang mamamayan sa pagkakaroon ng isang
mabuting pamahalaan. (BOW No. 1)

Pangunahing Konsepto/Nilalaman
(Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan, pahina 409-413)

Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting Pamamahala

Ang Democracy Index at Corruption Perceptions Index ay dalawa lamang sa


mahahalagang pag-aaral tungkol sa estado ng demokrasiya ng ating bansa. Ang una ay
binubuo ng Economist Intelligence Unit. Pinag-aaralan nito ang kalagayan ng demokrasiya sa
167 bansa sa buong mundo. Limang kategorya ang pinagbabatayan ng index na ito: electoral
process, civil liberties, functioning of government, political participation, at political culture.
Ayon sa Democracy Index 2016 ang Pilipinas ay pang limampu sa kabuuang 167 na
bansa. Sa kabila ng ating deklarasyon na tayo ay isang demokratikong bansa, ang Pilipinas ay
itinuturing na isang flawed democracy. Ibig sabihin, may malayang halalang nagaganap at
nirerespeto ang mga karapatan ng mamamayan nito. Ngunit, may mga ibang aspekto ng
demokrasiya ang nakararanas ng suliranin tulad ng pamamahala at mahinang politikal na
pakikilahok ng mamamayan.
Maituturing ding isa sa pinakamalaking hamong kinakaharap ng mga Pilipino sa
kasalukuyan ay ang katiwalian,ayon sa Transparency International, isang pangkat na
lumalaban sa katiwalian, “corruption ruins lives.” Tumutukoy ang korapsyon o katiwalian sa
paggamit sa posisyon sa pamahalaan upang palaganapin ang pansariling interes.
Hindi maganda ang estado ng Pilipinas kung katiwalian ang pag-uusapan. Ang
Corruptions Perception Index ay naglalaman ng pananaw ng mga eksperto tungkol sa lawak ng
katiwalian sa isang bansa. Ang isang bansa ay maaaring makakuha ng marka na 0
(pinakatiwali) hanggang 100 (pinakamalinis na pamahalaan). Noong 2016 ay nakakuha ang
Pilipinas ng markang 35/100 at ika-101 sa 176 bansa sa mundo. Hindi maganda ang markang
ito sapagkat kasama ang Pilipinas sa 120 bansa na ang marka ay hindi man lang umabot ng 50.
Hindi natin maipagkakailang malaki ang problema ng ating bansa kung demokrasiya ang
pag-uusapan. Kaya naman mahalaga ngayong kumilos ang mamamayan para tugunan ang mga
isyu at suliraning ito. Nararapat na hingin ng mamamayan sa pamahalaan ang pagbabagong
ating hinahangad.

Participatory Governance

Ang participatory governance ay isang mahalagang paraan ng mamamayan para


maisakatuparan ang ating iginigiit na pagbabago sa pamahalaan. Ito ay isang uri ng
pansibikong pakikilahok kung saan ang mga ordinaryong mamamayan ay katuwang ng
pamahalaan sa pagbalangkas at pagpapatupad ng mga solusyon sa suliranin ng bayan.

1
Dito ay aktibong nakikipag-ugnayan ang mamamayan sa pamahalaan upang bumuo ng mga
karampatang solusyon sa mga hamon ng lipunan.

Ang ganitong uri ng pamamahala ay isang tahasang pagtaliwas sa tinatawag na ‘elitist


democracy’ kung saan ang desisyon para sa pamamahala ay nagmumula lamang sa mga
namumuno. Ngunit, may mga namumuno sa pamahalaan na ang iniisip lamang ay ang kanilang
sariling interes at hindi ng buong bayan. Kung ang kapangyarihan ng isang estado ay tunay na
nagmumula sa mga mamamayan, mahalagang makisangkot ang mga mamamayan sa
pamamahala dahil mas magiging matagumpay ang isang proyekto kung malaki ang
partisipasyon dito ng mamamayan (Koryakov & Sisk, 2003)

Ang participatory governance ay magdudulot ng pagbuo ng social capital o ang pagbuo ng


tiwala sa pagitan ng pamahalaan, civil society at mga mamamayan, na isang mahalagang
elemento sa isang demokrasiya at mabuting pamamahala. Maraming paraan ang participatory
governance na maaaring gawin upang mapaunlad ang isang bansa. Isang paraan ng
pagsasagawa ng participatory governance ay ang pangangalap at pagbabahagi ng impormasyon
sa mamamayan. Ang mga halimbawa nito ay pagdalo sa mga public hearing at pagsasagawa ng
mga survey. Maituturing rin bilang paraan ng participatory governance ang pagsama sa mga
mamamayan sa mga consultation tungkol sa mga isyung mahalaga para sa bayan. Dito ay
hinihingi ng pamahalaan ang opinyon ng mamamayan sa napapanahong mga isyu at sa mga
programang ipatutupad nito. Ayon sa ilang mga eksperto, mas magiging aktibo ang paraan ng
pakikilahok ng mga mamamayan kung sila ay kasama mismo sa pagbuo ng mga programa at
paggawa ng mga desisyon ng pamahalaan.

Sa paraang ito, hindi lamang hinihingi ng pamahalaan ang opinyon ng mamamayan kundi ay
magkatuwang nilang ginagawa ang mga programa nito. Sa kabila nito, maituturing na ang
pinakamataas na paraan ng pakikilahok ng mamamayan sa pamamahala ay kung kasama sila
ng pamahalaan sa mismong pagpapatupad ng mga programa nito (Koryakov & Sisk, 2003).

Gawain 22: Punan Mo!

Punan ang mga patlang ng salita o mga salita na makikita sa tekstong binasa upang
mabuo ang pahayag tungkol sa kahalagahan ng papel ng mamamayan tungo sa pagkakaroon ng
participatory governance ng isang bansa.

1. Aktibong _____________________ ang mga mamamayan sa pamahalaan


upang bumuo ng mga karampatang solusyon sa mga hamon ng lipunan.
2. Maituturing na pinakamataas na paraan ng pakikilahok ng mamamayan sa pamamahala
ay kung kasama sila ng pamahalaan sa mismong _______________ng mga programa.
3. Magiging matagumpay ang proyekto kung malaki ang ____________________
ng mga mamamayan.
4. Sa Participatory Governance, sumasama ang mga mamamayan sa mga ________________
tungkol sa mga isyung mahalaga para sa bayan.
5. Katuwang ng pamahalaan ang mga mamamayan sa ___________________ng mga solusyon
sa suliranin ng bayan.

2
Layunin: (Ikalawang Araw)

Nakapagbibigay kung ano ang papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng isang


mabuting pamahalaan. (BOW N0.2)

Pangunahing Konsepto/Nilalaman
(Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan, pahina 413-419)

Pagsasagawa ng Participatory Governance

Ang sumusunod ay dalawang halimbawa kung paano isinasagawa ang participatory


governance. Ang isa ay mula sa Porto Alegre, Brazil at ang ikalawa naman ay kung paano ito
isinasagawa sa ating bansa.

Case Study #1: Porto Alegre, Brazil: Ang Participatory Budgeting Bilang Anyo ng
Participatory Governance (Minos, 2002)

Ang itinuturing na nagpasimula ng participatory governance sa mundo bilang modelo


ng pamamahala ay ang lungsod ng Porto Alegre sa Brazil. Bago ipatupad ang participatory
governance, nakaranas ang lungsod ng maraming suliraning nakaaapekto sa buhay ng mga
mamamayan nito. Hindi sapat ang badyet ng pamahalaan para tugunan ang kanilang
pangangailangan tulad ng serbisyong medikal at imprastruktura. Taong 1989 nang simulan ng
pamahalaang lokal ng Porto Alegre ang pagkakaroon ng participatory governance, partikular na
ang participatory budgeting. Sa prosesong ito, isinama ng lokal na pamahalaan ang mga
mamamayan ng lungsod sa pagbalangkas ng badyet. Layunin ng prosesong ito na
magkasamang balangkasin ng pamahalaan at ng mamamayan ang badyet ng lungsod. Sa
pamamagitan nito, naipararating ng taumbayan ang kanilang mga pangangailangang nararapat
paglagakan ng sapat na badyet. Nagiging magandang lugar ito ng pag-uusap o deliberasyon sa
pagitan ng dalawang panig kung paano mas mapagbubuti ang mga serbisyo ng pamahalaan.
Nagkaroon ng boses ang taumbayan sa pamamahala. Taliwas ito sa tradisyonal na proseso na
ang mga nasa pamahalaan lamang ang nagdedesisyon kung anong mga proyekto ang dapat
paglaanan ng sapat na pondo. Upang maisagawa ang prosesong ito ay hinati ng pamahalaan
ang lungsod sa labing-anim na regional assemblies at mga thematic assemblies. Ang una ay
batay sa rehiyon ng Porto Alegre at ang huli naman ay mga asembliyang nakatuon sa partikular
na aspekto ng lipunan: pampublikong transportasiyon, kultura, pagbubuwis at kaunlaran,
edukasiyon, urban at social development, at kalusugan.
Nakabuti sa pamumuhay ng mga taga-Porto Alegre ang sistema ng participatory
budgeting dahil ang pondo ng bayan ay nailalagak sa mga proyektong pinakakailangan ng
mamamayan. Ito ay naging posible dahil sa mahalagang papel na ginampanan ng mamamayan
sa paglalagak ng badyet.

Case Study # 2: Participatory Governance sa Pilipinas

Ang konsepto ng participatory governance ay hindi bago sa ating mga Pilipino. Sa katunayan,
ang Local Government Code of 1991 ay isang testamento sa pagkilala sa papel ng mamamayan
sa pamamahala (Blair, 2012). Kinikilala ng batas na ito ang kahalagahan ng papel ng mga
people’s organization at non-governmental organization sa pamamahala ng mga bayan o
lungsod. Binigyang-diin ng batas na ito na ang papel ng mga Pilipino sa pamamahala ay hindi
limitado tuwing araw lamang ng eleksiyon sa halip ay isang pang-araw-araw na tungkulin ng
bawat isa sa atin. Binigyang-anyo ng LGC ang mekanismo kung paano maaaring maging
aktibong kabahagi ang mamamayan sa pamamahala. Isa sa magandang halimbawa ng
participatory governance sa bansa ay ang Lungsod ng Naga na pinasimulan ng dating alkalde
nito, ang yumaong Kng. Jesse Robredo.

3
Noong 1995, nagpalabas ng isang ordinansa ang lokal na pamahalaan ng Naga na nag-aanyaya
sa lahat ng mga NGO sa bayan na lumahok sa itatatag na Naga City People’s Council (NCPC).
Mula sa mga miyembro ng mga NGO na lumahok sa NCPC ay pipili ang konseho ng mga
magiging miyembro ng iba’t ibang komite ng konsehong panlungsod at labing-apat na espesyal
na kawanihan ng lokal na pamahalaan. Tungkulin ng mga miyembro ng NCPC na makilahok sa
talakayan, bomoto at magpanukala ng mga batas at ordinansa sa mga komite ng konseho (Blair,
2012).

Dahil sa pagkakaroon ng papel sa lokal na pamahalaan ng mga samahang kumakatawan sa


iba’t ibang interes ng mamamayan, binigyan ng sistemang ito nang mas malawak na boses ang
mga mamamayan ng Naga sa pagpapanukala ng mga ordinansa at programa na makatutulong
sa kanila.

Ang Naga, katulad ng Porto Alegre, ay nagpapatupad din ng participatory budgeting kung saan
ang NCPC naman ang katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagpaplano at alokasiyon ng badyet
ng Naga (Blair, 2012). Sa kabuuan, nagdulot ng transparency sa pamahalaan at mutual trust sa
pagitan ng mamamayan at ng mga lokal na opisyal ang sistemang ito ng participatory
governance sa Naga (ANGOC, 2006). Bukod dito, nagpatupad pa ang lokal na pamahalaan ng
mga programang mas nagpalakas sa mekanismo ng participatory governance sa lungsod. Ang
isa rito ay ang productivity improvement programna nag-ayos sa benepisyong nakukuha ng mga
kawani ng lokal na pamahalaan. Nagpatupad din ang lokal na pamahalaan ng private sector
human resource management techniques para sa mga empleyado ng pamahalaang lungsod na
may layuning mas mapaayos ang serbisyong kanilang ibibigay sa mamamayan ng Naga.

Pinatatag niya ang Merit & Promotion Board ng lungsod upang maalis ang patronage system o
ang sistemang padrino. Naging tanyag din ang lungsod dahil sa Naga City Citizens Charter,
isang gabay na aklat na nagbibigay-impormasyon sa mamamayan tungkol sa mga serbisyong
pinagkakaloob ng lokal na pamahalaan at ang kalakip nitong mga proseso (Asian NGO Coalition
for Agrarian Reform and Rural Development (ANGOC), 2006.

Gawain 23: Compare and Contrast Matrix

Kompletuhin ang compare and contrast matrix tungkol sa paraan ng participatory


governance na ginawa sa Porto Alegre, Brazil at sa Lungsod ng Naga, Pilipinas. Gamitin ang mga
criteria na nasa unang kolum sa paghahambing sa dalawang paraan ng participatory
governance.

Porto Alegre Lungsod ng Naga


(Brazil) (Pilipinas)

Layunin

Paraan ng participatory
Government

4
Layunin: (Ikatlong Araw)
Nakapagpanayam ng isang pangulo o opisyal sa barangay o pangkat o organisasyon kung
paano nagkakaron ng isang mabuting pamahalaan. (BOW No. 3)

Pangunahing Konsepto/Nilalaman

K-12 Modyul ng Mag-aaral


Araling Pan lipunan 10 (Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong
Panlipunan) Modyul 4 Pahina 423-424

MABUTING PAMAMAHALA O GOOD GOVERNANCE

Paano matitiyak ng mamamayan kung nananaig ang good governance sa isang lipunan o
bansa? Matutunghayan sa kasunod na diyagram ang ilan sa mga katangian ng good
governance.

Sa pagkamit ng good governance, mahalagang katangian ang partisipasyon ng lahat ng


mamamayan, tuwiran man o sa pamamagitan ng mga institusyong kanilang kinakatawan. Sa
rule of law, nararapat na maipatupad ang mga batas at igalang ang karapatang pantao nang
patas at walang kinikilingan. Binibigyang-pansin din sa good governance ang equity o
pagbibigay sa bawat mamamayan ng pagkakataon na mapaunlad o mapanatili ang kanilang
kagalingan. Sa consensus orientation, sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga interes ay
pinahahalagahan ang pag-iral ng pangkalahatang kabutihan at kung ano ang pinakamabuti sa
isang organisasyon, komunidad o bansa sa kabuuan. Sa strategic vision, nakikiisa ang mga
opisyal ng pamahalaan at ng mamamayan sa pagtukoy ng malawak at long term perspective
para sa kabutihan ng lipunan at pag-unlad ng tao. Ayon sa partnership, hindi kakayanin mag-
isa ng pamahalaan ang epektibong pamamahala nang hindi kabilang ang lahat ng stakeholder
nito, mapapubliko o pribado.

Bukod sa tinalakay na mga katangian ng good governance, mahalaga ring pagtuunan ng


pansin ang dalawa sa katangian ng good governance: ang kapananagutang politikal at
katapatan. Ipinakikita ritong may pananagutan ang mga opisyal ng pamahalaan at maging ang
pribadong sektor at mga organisasyon ng civil society sa mamamayan pagdating sa mga
pagpapasyang nakaaapekto sa pangkalahatang interes ng isang pamayanan at ng bansa sa
kabuuan.

5
Binibigyang-linaw ng kapananagutang taglay na kapangyarihan at katungkulan ng mga pinuno
upang gampanan ang responsibilidad na nakaatang sa kanila. Sa pagkakataong ito, madaling
matukoy kung sino ang responsable at may pananagutan sa komunidad. Ipinahayag din ni
Bulatao na kabilang sa may pananagutang ito ang lahat ng stakeholder tulad ng mga
negosyante at community-based organization ngunit higit ang pananagutan ng mga inihalal at
hinirang na mga opisyal ng pamahalaan.
Ang katapatan naman ay tumutukoy sa malayang daloy ng impormasyon sa lahat ng
transaksiyon, proseso, desisyon, at ulat ng pamahalaan. Sa pagkakaroon ng transparency,
binibigyan ng pagkakataon ang mamamayan na magkaroon ng kamalayan sa nagaganap sa
pamahalaan at makalahok sa mga gawain nito.
Binigyang-diin ang kapanagutan at katapatan ng mga pampublikong opisyal ng
pamahalaan sa Artikulo XI ng Saligang-batas ng 1987 ng Pilipinas na pinamagatang
“Kapanagutan ng mga Pinunong Pambayan.” Nakasaad sa loob ng kahon ang tungkol sa
Seksiyon 1 ng naturang artikulo.

Gawain 24: Tsart ng Mabuting Pamamahala

Kompletuhin ang tsart sa pamamagitan ng paglalagay ng hinihinging


datos at sagot tungkol sa good governance.

6
Sanggunian:
K-12 Araling Panlipunan 10, Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong
Panlipunan 2017. Ikaapat na Modyul, Week 7. Kagawaran ng Edukasyon.
Ground Floor, Bonifacio Bldg.DepEd Complex. pp. 409-419

Key Answers:
Gawain 22: (Unang Araw) Punan Mo!
1. Nakikipag-ugnayan
2. Pagpapatupad
3. Partisipasyon
4. Consultation
5. Pagbalangkas at Pagpapatupad

Gawain 23: (Ikalawang Araw) Compare and Contrast Matrix)

Porto Alegre Lungsod Ng Naga


(Brazil) (Pilipinas)
•Magkasamang balangkasin ng •Mapalawak ang boses ng mamamayan
pamahalaan at ng mamamayan ang sa pagpapanukala ng mga ordinansa at
Layunin badyet ng lungsod upang maiparating programa na makatutulong sa kanila.
ng taumbayan ang kanilang •Maging aktibong kabahagi ang
pangangailangang nararapat mamamayan sa pamamahala.
paglagakan ng sapat na badyet
•Isinama ng lokal na pamahalaan •Pagpapalabas ng ordinansa na nag-
Paraan ng ang mga mamamayan sa aanyaya sa lahat ng mga NGO na
participatory pagbalangkas ng badyet lumahok sa itatag na Naga City People’s
Government (Participatory Budgeting) Council
•Nagpapatupad ng Participatory
Budgeting na kung saan katuwang ang
NCPC ng pamahalaan sa pagpaplano at
alokasiyon ng badyet)
• Nagkaroon ng boses ang taumbayan • Naging malawak ang boses ng mga
Epekto sa pamamahala mamamayan
• Ang pundo ng bayan ay nailagak • Nagdulot ng transparency sa
sa mga proyektong pinakakailangan pamahalaan at mutual trust sa pagitan
ng mamamayan ng mamamayan at ng mga lokal na
opisyal ang sistemang ito ng
participatory governance
• Maipararating ng taong bayan ang •Makilahok sa talakayan, bumuto at
Papel Ng kanilang pangangailangan magpanukala ng mga batas at
Mamamayan • Kasama sa paglalagak ng badyet ordinansa

Papel Ng • Isinama ng pamahalaan ang • Binigyan ng mas malawak na boses


Pamahalaan mamamayan ng lungsod sa ang mga mamamayan sa
pagbabalangkas ng badyet pagpapanukala ng mga ordinansa at
programa na makatutulong sa kanila.
•Nagpatupad ang lokal na pamahalaan
ng mga programang mas nagpalakas sa
mekanismo ng participatory governance
sa lungsod.

Gawain 24: ( Ikatlong Araw ) Tsart ng Mabuting Pamamahala (Magkakaiba ang mga sagot)

7
Tagasuri:

3. MARINA B. SANGUENZA, Ph.D


Head, Social Studies Dept.
District Quality Assurance Team

4. CARLOS C. CATALAN JR., Ph.D


Division Aral Pan Coordinator
Butuan City Division

8
WEEKLY LEARNING ACTIVITY SHEETS
Araling Panlipunan 10
Ikaapat na Markahan, Ikawalong Linggo

Pangalan_________________________________ Seksyon:__________________

MABUTING PAMAMAHALA O GOOD GOVERNANCE

Kasanayang Pagkatuto:
Napahahalagahan ang papel ng mamamayan sa pagkakaron ng isang mabuting
pamahalaan. (MELCs- Week 7-8)

Layunin: (Unang Araw)


Nakapagsasabi sa pangkat kung paano makatulong sa bayan bilang mamamayan upang
nagkakaron ng isang mabuting pamahalaan. (BOW No. 4)

Pangunahing Konsepto/Nilalaman

K-12 Modyul ng Mag-aaral


Araling Panlipunan 10 (Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong
Panlipunan) Modyul 4 Pahina 425-426

Hindi magiging posible ang pagkakaroon ng isang mabuting pamamahala kung walang
kapananagutan at katapatan sa panig ng pamahalaan at mamamayang laging mulat sa mga
gawain ng pamahalaan. Kaya naman mahalagang magsagawa ang mamamayan ng iba’t ibang
paraan ng politikal na pakikilahok: pagboto, pagsali sa civil society, at pakikilahok sa
participatory governance. Kung ang mamamayan ay laging naggigiit sa mga opisyal ng
pamahalaan na magkaroon ng kapananagutan sa kanilang tungkulin at maging bukas sa
pagpapatupad ng mga ito, malaki ang posibilidad na mabawasan kung hindi man tuluyang
mawala ang mga suliranin ng pamahalaan tulad ng katiwalian.

Gawain 25: Hagdan Patungong Mabuting Pamamahala.


Ang gawaing ito ay naglalayong tukuyin kung iyong naunawaan ang mahahalagang
konsepto ng politikal na pakikilahok. Punan ang ladder graphic organizer ng wastong titik.

9
Layunin: Ikalawang Araw
Nakapaggagawa ng isang collage tungkol sa isang mabuting mamamayan at pagkaroon
ng isang mabuting pamahalaan. (BOW No.5)

Pangunahing Konsepto/Nilalaman:
K-12 Modyul ng Mag-aaral
Araling Panlipunan 10 (Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong
Panlipunan), 2017
Modyul 4
Pahina 409-411

Ang Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Isang Mabuting Pamahalaan

Sa Modyul 4 na pinamagatang “Ang Pagkamamamayan”, sinuri ang bahaging ginagampanan ng


mamamayan para sa pagbabagong panlipunan. Naunawaan mo ang pagbabago ng konsepto ng
Pagkamamamayan mula sa tradisyonal na pananaw patungo sa lumalawak na kahulugan ng
pagkamamamayan. Binigyang-diin ng paglawak ng konsepto ng pagkamamamayan ang papel ng
mamamayan na hindi lamang bilang tagamasid sa lipunang ginagalawan kundi ang
pagkakaroon ng aktibong pakikilahok sa pagtugon sa mga isyung kinakaharap ng lipunan.
Ipinakita rin sa lumawak na konsepto ng Pagkamamamayan ang pagiging masigasig ng bawat
isa na harapin ang mga suliranin at maging aktibo sa paghanap ng solusyon sa pamamagitan
ng pakikipagdiyalogo sa pamahalaan at pakikiisa sa mga gawaing makatutulong upang
mabigyang-lunas ang mga isyung kinakaharap ng bansa.

Gawain 26: Paggawa ng Collage

Sa isang long bondpaper, bumuo ng isang collage tungkol sa isang mabuting


mamamayan at pagkakaroon ng isang mabuting pamahalaan.

Rubrik sa Pagmamarka ng Collage

Pamantayan 10 7 4 1
Nilalaman Ang mensahe ay Di-gaanong Medyo Walang
mabisang naipakita ang magulo ang mensaheng
naipakita. mensahe. mensahe naipakita
Pagkamalikhain Napakaganda at Maganda at Maganda Di maganda at
napakalinaw ng malinaw ang ngunit di malabo ang
pagkakabuo. pagkakabuo. gaanong pagkakabuo.
malinaw ang
pagkakabuo.
Kaugnayan sa May malaking Di-gaanong may Kaunti lang Walang
Paksa kaugnayan sa kaugnayan sa ang kaugnayan sa
paksa ang paksa ang kaugnayan paksa ang collage.
collage. collage. ng collage sa
paksa.
Kalinisan Malinis na Malinis ang Di-gaanong Marumi ang
malinis ang pagkakabuo. malinis ang pagkakabuo
pagkakabuo. pagkakabuo.

10
Layunin: Ikatlong Araw

Nakapag-aaral sa mga ginagampanan ng mamamayan sa pagkakaroon ng isang


mabuting pamahalaan. (BOW No.6)

Pangunahing Konsepto/Nilalaman:

K-12 Modyul ng Mag-aaral


Araling Panlipunan 10 (Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong
Panlipunan), 2017
Modyul 4 Pahina 412-432

Gawain 27: Pagsulat ng Sanaysay: Bumuo ng sanaysay tungkol sa paksang participatory


governance. Gamiting gabay ang sumusunod na katanungan.

Participatory Governance

Ano ang iyong natutuhan tungkol sa paksang participatory governance?


__________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Pamantayan Mahusay Sapat Kaunti Kulang


10 puntos 8 puntos 5 puntos 3 puntos
1.Tiyak ang Ang Ang mensahe Ang Walang
paksa/mensahe mensahe ay ay sapat mensahe ay mensaheng
mahusay na lamang na kaunti naipakita.
naipakita. naipakita. lamang na
naipakita.
2.Wasto at Napakahusa Sapat lamang Kaunti Walang
magkakaugnay y ang ang lamang ang pagkakaugnay
ang mga pagkakaugn pagkakaugnay pagkakaugn ang mga
pangungusap/ ay ng mga ng mga ay ng mga pangungusap/
simbolo pangungusa pangungusap/ pangungusa simbolo
p/simbolo. simbolo p/ simbolo
3.Malinaw na Napakalinaw Malinaw o Kaunti Walang
naiparating ang na sapat lamang lamang ang naiparating na
ideya. naiparating ang naiparating ideya.
ang ideya. naiparating na na ideya
ideya.
4.Nakahihikayat Lubusang Di-lubusang Kaunti Hindi
sa mga nakahihikay nakahihikayat lamang ang nakahihikayat
mambabasa. at sa mga sa mga pagkakahika sa mga
mambabasa. mambabasa. yat sa mga mambabasa.
mambabasa.

Rubrik sa Pagmamarka ng Sanaysay

11
Gawain 28: Pagsulat ng Repleksyon. Sumulat ng isang repleksyon tungkol sa pagiging mabuting
mamamayan at pagkakaroon ng isang mabuting pamahalaan. Gawing gabay ang pamantayan
sa pagmamarka.

Rubrik sa Pagmamarka ng Repleksyon

Pamantayan 5 puntos 3-4 puntos 2 puntos

Organisasyon Kumprehensibo at malinaw ang daloy Di-gaanong Walang


ng ideya. Maayos na naipahayag ang kumprehensibo mensahe ang
pagiging mabuting mamamayan at at malinaw ang naipakita.
pagkakaroon ng isang mabuting mga ideya.
pamahalaan.
Nilalaman Wasto at makatotohanan ang Di-gaanong Walang
impormasyon. Nakabatay ang wasto at katotohanan
nilalaman sa mga tinatalakay na makatotohanan ang
paksa. ang impormasyon.
impormasyon.

Sanggunian:
K-12 Araling Panlipunan 10, Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan 2017.
Ikaapat na Modyul, Week 1 & 2. Kagawaran ng Edukasyon. Ground Floor, Bonifacio Bldg.,
DepEd Complex. pp. 425-426.
K-12 Araling Panlipunan 10, Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan 2017.
Ikaapat na Modyul, Week 7 & 8. Kagawaran ng Edukasyon. Ground Floor, Bonifacio Bldg.,
DepEd Complex. pp. 409-432

Answer Key:

Gawain 25: Hagdan Patungong Mabuting Pamamahala

12
Gawain 26: Paggawa ng Collage (Magkakaiba ang mga sagot)

Gawain 27: Pagsulat ng Sanaysay (Magkakaiba ang mga sagot)

Gawain 28: Pagsulat ng Repleksyon (Magkakaiba ang mga sagot)

Author: JACQUELINE B. VIDAL, SST-III


School: Agusan National High School
Division: Butuan City
Email Address: jacqueline.vidal@deped.gov.ph

Tagasuri:

1. CATHERINE A. BAYOTAS
MT-II, Social Studies
District Quality Assurance Team

2. MARINA B. SANGUENZA, Ph.D


Head, Social Studies Dept.
District Quality Assurance Team

3. CARLOS C. CATALAN JR., Ph.D


Division Aral Pan Coordinator
Butuan City Division

13

You might also like