You are on page 1of 6

Civil Society Organization Mapping

Hope Worldwide Philippines Organization

Prepared by:
Jullien Mae D. Marquino
Cristine Mae D. Munoz
Maria Lolita A. Nava
Ciel M. Ragada
Aliyah Mae. E. Realubit
Jofannie M. Sevillo
Russel Franz B. Sorre
Aubrey Revo E. Trinidad
Jelaine C. Vargas

Submitted to:
Ms. Julie Ann Casuayan

Date:
March 14, 2019
II. History/Background

Ang kahirapan ay isang salita na totoong salita na napaka kumplikado, na


kadalasan ay pumapatungkol sa realidad ng buhay. Halos kalahati ng ating populasyon
ang nagsasabi na sila ay nabibilang sa isang maralitang pamilya na kung minsad ay
bunsod ng kawalan ng edukasyon, hanapbuhay o di kaya ay kapansanan. Hindi rin
mapagkakailang marami sa mga mamamayan na nabibilang sa kalagayang ito ang
madalas na nawawalan ng pag-asa ngunit a tulong ng iba’t ibang organisasyon ay tila
muling nabigyang liwanag ang madilim na daang tinatahak ng mga nakaranas ng
kahirapan. Kabilang sa mga ito ang The Center of Hope, isang non-profit agency o
isang organisasyon na nabibilang sa NGOs di lang ditto sa Pilipinas kundi maging sa
iba’t ibang panig ng daigdig. Ang Non Government Organization ay isang samahan na
malayang nakakikilos ng hindi saklaw ng pamahalaan, na may tungkulin magtaguyod
ng mga programa na magiging kapakipakinabang sa mga nakakarami, sa mga walang
oportunidad at walang kakayahan tulad na lamang ng The Center of Hope na
naglalayong magtaguyod ng mas malawak na edukasyon para sa mga mamamayan o
indibidwal na nabubuhay na may taglay na kapansanan sa pag-iisip at pisikal na
pangangatawan upang maging aktibong kalahok ng komunidad. Ang Center of Hope
Foundation ay napasimulan pa noong 1956 ni Anita Anderson.

Nasa anim na dekada na ang naalilipas taong 1956 sa buwan ng Mayo isang ina
sa sampung bata ang naglalkas loob na itayo ang Association for Retarded Children
(ARC) sa bayan ng Southern Western Company Area. Si Anita Anderson kasama ang
mga maliit na grupo ng mga magulang ay nagsimulang magsaliksik at mag-aral tungkol
sa mga taong may kapansanan o person with disabilities (PWD). Nakatatak na sa isip
ng lipunan ng mga panahong iyon na ang mga taong may kapansanan ay hindi na
mapapabuti kaya ang naisip nilang pinaka
III. Matrix

Civil Society Uri ng NGO/ PO Sektor na Adhikain/ Tungkulin


Organizatio Kinakatawan Adbokasiya
n
HOPE  Traditional Sektor ng Gawing Tungkulin ng
Worldwide NGO Serbisyo ligtas na HOPE Worldwide
Philippines  Development, lugar ang na magbigay
Incorporated Justice, and mundo para proteksiyon sa
Advocacy sa mga bata. mga bata at
NGO magbigay ng
 Professional, libreng edukasyon.
Academic, and Pinapangalagaan
Civic rin nito ang
Organization kalusugan ng mga
kabataan.
Namimigay rin ang
HOPE Worldwide
ng mga kagamitan
tuwing mayroong
mga kalamidad at
sinusuportahan
ang mga
mahihirap na
kabataan at
pamilya.
IV. Interview/Panayam

1.Aktibo pa ba ang inyong samahan sa kasalukuyan?

- Oo

2.Nakikipag-ugnayan po na ang inyong samahan sa pamahalaang


Barangay/Bayan/Lungsod?

- Sa Barangay, oo; sa Lungsod nakikipag coordinate kami, yung aming program


na Daycare ay patuloy parin at yung kurikulum na ginagamit ay sa lungsod.

3.May kinatawan po ba ang inyong samahan?

- Oo naman, tulad ng YASDO, member ang youth organization namin dito sa


Hope tapos nakikitulong kami sa tuwing may Education program. By program kasi ang
pakikipag-ugnayan namin. Isa sa amin ang umaattend para malaman namin ano ba
yung kahalagahan ng activity.

4.Kung wala po kayong kinatawan sa People’s Council, ano po ang inyong paraan
upang maiparating ang inyong adbokasiya sa mga opisyal ng pamahalaan?

- Meron kami ng ugnayan kaya aware kami kung ano ang activities outside ng
organization naming to the city. Tapos aware din ang city kung ano ang nangyayari sa
lungsod.

5.Sa paanong paraan po aktibo ang inyong patisipasyon sa pamahalaan?

- Nakikipag join kami sa mga activities lalo na sa educations at about youth


everytime na may invitation kaming natatanggap.

6. May mga pagkakataon po ban a nahihirapan ang inyong samahan na maiparating


ang inyong adbokasiya sa pamahalaan? Bakit?

- Minsan dahil ang gaming organization ay isang based-organizations at non-


politician organization. Kung baga pinapatakbo namin ito by our own, hindi namin ine-
encourage ang mga politico na pakialaman .
7. Ano po ang inyong mungkahi upang magkaroon ng boses at higit na maging akitbo
ang inyong partisipasyon sa pamahalaan?

- Sa akin, as a teacher ng Daycare, siguro participation, everytime na may


nababago may mga bagong programang ipinapatupad ang barangay. Ang
imumungkahi ko lang sana ay maging aware din ang barangay na maibaba sa mga
katulad naming NGO ang mga programs and project ang alam naming makatutulong sa
organization.

8. May mga paraan po ba kayo na mahikayat din ang iba pang miyembro ng inyong
komunidad na mapabilang sa inyong samahan at adbokasiya? Ano-ano pong paraan
ang inyong isinagawa/isasagawa?

- Dito sa amin, every year mayroon kaming tinatawag na educational program,


which is yung Daycare pati yung community program which is yung mga nag-aral
saamin, beneficiary na namin hanggang mag high school sila. Then ine-encourage
namin yung mga parents nila na time to time mag volunteer sila dito sa org. namin dahil
wala naman kaming income na ibabayad sa mga kukuning trabahador. Ang mga
magulang ay pumupunta ng 2 hours every Saturday. Ine-encourage din naming sila
about sa org. like symposium or seminars about youth.
V. Evaluation Report

Konklusyon

Ang mga NGO o Non Government Organization ay isa sa mga maaari mong
salihan na organisasyon. Dahil ang paglahok sa samahang ito ay isa sa maraming
paraan ng paglahok sa civil society. Ayon sa ulat sa HOPE Organization, meron parin
silang ugnayan sa kanilang lungsod upang malaman nila ang mga proyekto o aktibidad
na maaari nilang tulungan na may kinalaman sa pagtulong sa mga bata. Sinabi din nila
na pinapatakbo nila ang kanilang pagsisikap at hindi nila hinihikayat na tulungan pa sila
ng pamahalaan sa pag buo ng kanilang organisasyon.

Rekomendasyon

Ang mga sumusunod ay ang mga mungkahi/rekomendasyon para higit na


mapapalakas ang partisipasyon:

1. Madagdagan pa ng mas malapit na opisina para madarali silang malapitan.


2. Mas maging aktibo at progresibo pa para malaman ng mga mamamayan na
mayroon palang kumikilos.

You might also like