You are on page 1of 6

4TH QUARTER ANSWER KEY IN ARAL PAN 10 -DEPEDTRENDS.

COM
IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 10
SY 2022-2023

PANGALAN:____________________________________________ PETSA: ________________


BAITANG/ SEKSIYON:_____________________ ISKOR ________________

PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Ishade ang letra ng tamang sagot.

1. Ang sumusunod ay ang mga paraan para mawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal maliban sa isa.
A. Nawala na ang bisa ngnaturalisasyon.
B. Nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon.
C. Nanumpa ng katapatan sasaligang batas ng ibang bansa.
D. Hindi naglingkod sa hukbong sandatahan ng ating bansakapag mayroong digmaan.
2. Alin sa sumusunod ang itinuturing na isang mamamayang Pilipino ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?
A. Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
B. Yaong ang mga ama o ang mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas.
C. Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon na isinusulat ang Saligang-Batas na ito.
D. Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng
pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa tamang gulang.
3. Itinuring na “International Magna Carta for All Mankind” ang dokumentong ito, dahil pinagsama-sama ang lahat ng
karapatang pantao ng indibiduwal at naging batayan ng mga demokratikong bansa sa pagbuo ng kani-kanilang
saligang batas.
A. Bill of Rights ng Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas
B. Declaration of the Rights of Man and of the Citizen
C. Magna Carta ng 1215
D. Universal Declaration of Human Rights
4. Ang sumusunod ay mga kuwalipikadong botante ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas maliban sa isa.
A. mamamayan ng Pilipinas
B. nakatapos ng hayskul/sekondarya
C. labing-walong taong gulang pataas
D. nanirahan sa Pilipinas ng kahit isang taon at sa lugar kung saan niya gustong bumoto nang hindi bababa sa 6
buwan bago maghalalan.
5. Ito ay ang sektor ng lipunan na hiwalay sa estado kung saan maaaring maiparating ng mamamayan ang kaniyang
pangangailangan sa pamahalaan.
A. Civil Society C. Non-Governmental Organizations
B. Grassroots Organizations D. People’s Organizations
6. Sino sa sumusunod ang hindi maituturing na isang mamamayang Pilipino batay sa Saligang Batas ng 1987 ng
Pilipinas?
A. Si Maria na sumailalim sa proseso ng expatriation.
B. Si Kesha na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon.
C. Si Edward na ang mga magulang ay parehong mga Pilipino.
D. Si Jade na ipinanganak noong Enero 16, 1970 na ang ina ay Pilipino at piniling maging Pilipino.
7. Alin sasumusunod na situwasiyon ang hindinagpapakita ng lumawak na konsepto ng pagkamamamayan?
A. Si Edna na sumasali sa mga kilos-protesta laban sa katiwalian sa pamahalaan.
B. Si Rowel na nagtatrabaho para matugunan ang kaniyang mga pangangailangan.
C. Si Angelo na kalahok sa proseso ng participatory budgeting ng kanilang lokal na pamahalaan.
D. Si Michael na lumahok sa isang non-governmental organization na naglalayong bantayan ang kaban ng bayan.
8. Ayusin ang mga dokumentong nasa loob ng kahon batay sa pagkabuo ng mga karapatang pantao mula sinaunang
panahon hanggang sa kasalukuyan.

1. Magna Carta
2. First Geneva Convention
3. Cyrus’ Cylinder
4. Universal Declaration of Human Rights
A. 1324
B. 3124
C. 3214
D. 1234
P a g e 1|6
4TH QUARTER ANSWER KEY IN ARAL PAN 10 -DEPEDTRENDS.COM
9. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong iginigiit ang kaniyang karapatan bilang mamamayan?
A. Ipinauubaya niya sa mga opisyal ng barangay ang pagpapasya sa mga proyektong dapat isagawa sa kanilang
komunidad.
B. Aktibo siya sa isang peace and order committeeng kanilang barangay.
C. Nakikinig siya sa mga hinaing ng mga taong naaapi.
D. Nanonood siya ng mga serye ng kuwento tungkol sa karapatang pantao.
10. Alin sa sumusunod ang hindi akma sa nilalaman ng Bill of Rights na nakapaloob sa Saligang Batas ng 1987 ng
Pilipinas?
A. Karapatan ng taumbayan ang kalayaan sa pananampalataya.
B. Karapatan ng taumbayan ang magtatag ng unyon o mga kapisanan.
C. Karapatan ng taumbayan ang mabilanggo sa pagkakautang o hindi pagbabayad ng sedula.
D. Karapatan ng taumbayan ang hindi gamitan ng dahas at pwersa sa kaniyang malayang pagpapasya.
11. Si Celestina ay isang mag-aaral na mulat sa mga nangyayari sa ating lipunan. Nais niyang lumahok sa isang
samahang magtataguyod ng karapatan ng kababaihan. Alin sa sumusunod ang nararapat niyang salihan?
A. Funding-Agency NGOs
B. Grassroot Support Organizations
C. Non-Governmental Organizations
D. People’s Organizations
12. Tingnan ang diyagram sa ibaba at sagutin ang tanong.

Anong proseso ang ipinapakita ng diyagram?


A. Participatory Budgeting ng Lungsod ng Naga
B. Participatory Governance ng Lungsod ng Naga
C. Participatory Budgeting ng Porto Alegre
D. Pagbuo ng Council of Fora of Delegates ng Porto Alegre
13. Basahin ang sumusunod na mensahe:
“Ask not what your country can do for you, ask what you can do for your country.”
Ano ang nais ipaabot ng pahayag ni Pangulong John F.Kennedy?
A. Ang pamahalaan at ang mga mamamayan ay may kani-kaniyang karapatan at tungkulin.
B. Ang mga mamamayan ay dapat na palaging mulat sa mga polisiya at proyekto ng pamahalaan.
C. Ang pagiging isang mapanagutang mamamayan ay makatutulong sa pag-unlad ng isang bansa.
D. Ang isang bansang malaya ay may sariling pamahalaan at pamantayan sa pagkamamamayan.
14. Bakit kailangang masiguro ng isang tao ang ligalidad ng kanyang pagkamamamayan sa isang bansa?
A. Upang magkaroon siya ng pagkakakilanlan
B. Upang matiyak ang kaniyang mga tungkulin at pananagutan
C. Upang mabatid niya ang kaniyang mga karapatan at tungkulin
D. Upang maigawad sa kaniya ang mga pribilehiyo na dapat niyang matamasa
15. Suriin ang bahagi ng awiting pinamagatang “Pananagutan”:
Walang sinuman ang nabubuhay
Para sa sarili lamang
Walang sinuman ang namamatay
Para sa sarili lamang
Koro:
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't-isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling N'ya

Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng awitin patungkol sa mga mamamayan ng isang bansa?
A. Pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan anuman ang estado sa buhay.
B. Ang mga mamamayan ang siyang tagapagtanggol ng Saligang Batas ng bansa na kaniyang kinabibilangan.
C. Makakamit ang kabutihang panlahat at maisusulong ang pambansang interes kung may pagtutulungan
D. Nararapat na magtulungan ang pamahalaan at ang mga mamamayan upang makamit ng bansa ang kaunlaran.

P a g e 2|6
4TH QUARTER ANSWER KEY IN ARAL PAN 10 -DEPEDTRENDS.COM
16. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng “kamalayan, aktibo, at malayang pagtatanggol sa mga karapatang pantao ng
mga mamamayan”?
A. Paghanda sa mga darating na kalamidad tulad ng bagyo at lindol
B. Pag-anib sa mga people’s organization tulad ng samahang Gabriela
C. Pamamasyal sa mga lokal na tourist spot bago ang pangingibang bansa
D. Pagbili ng mga produktong Pilipino at pagwaksi sa mga produktong dayuhan
17. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kaugnayan ng karapatang pantao sa isyu at hamong pangkapaligirang
kinakaharap ng tao sa kasalukuyan?
A. Ang karapatan sa pagkakapantay-pantay ang simula sa pagharap ng suliraning pangkapaligiran
B. Ang karapatan sa pamamahinga at paglilibang ang dahilan kung bakit kailangang tugunan ang mga isyung
pangkapaligiran.
C. Ang karapatan sa edukasyon ang nagbibigay-daan upang matutunan ang kahalagahan ng pagsusumikap
ng bawat tao na pangalagaan ang kapaligiran.
D. Ang karapatang mabuhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng ligtas na kapaligiran ang pundasyon sa paggawa ng
mga hakbang upang matugunan ang isyung pangkapaligiran.
18. Bakit mahalagang gamitin natin ang ating karapatang bumoto?
A. Upang hindi mawala ang ating pagkamamamayan kung hindi tayo boboto.
B. Upang maiwasan nating masangkot sa gulo o karahasan tuwing eleksyon.
C. Upang mailuklok natin ang mga opisyal na magbibigay sa atin ng iba’t ibang kagamitan.
D. Upang ating mailuluklok ang mga opisyal na sa tingin natin ay ipaglalaban angkarapatang pantao at
kabutihang panlahat.
19. Bakit mahalaga ang pagsasagawa ng participatory governance?
A. mas maraming sasali sa civil society
B. mawawalan ng silbi ang mga opisyal ng pamahalaan
C. maiiwasan ang pagtutol sa mga proyekto ng pamahalaan
D. mas magiging matagumpay ang proyekto ng pamahalaan
20. Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga nangyayari sa kanilang
paligid?
A. sapagkat mapaaktibo man o hindi, makalalahok pa rin ang mga mamamayan sa mga nangyayari sa bansa
B. sapagkat kakikitaan ng mga karapatang pantao ang mga mamamayan batay sa itinakda ng saligang-batas
C. sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan na makatugon sa mga isyu at hamong
panlipunan
D. sapagkat mas magiging makapangyarihan ang mga opisyal ng pamahalaan kung magiging aktibo ang mga
mamamayan sa bansa
21. Ito ay non-governmental organization. Ito ay isang pambansang grupo ng mga human rights lawyer na nagtataguyod
at nangangalaga ng mga karapatang pantao. Itinatag ito noong 1974 nina Jose W. Diokno, Lorenzo Tanada Sr. at
Joker Arroyo.
A. Free Legal Assistance Group (FLAG)
B. Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA)
C. Philippine Human Rights Information Center (PhilRights)
D. KARAPATAN: Alliance for the Advancement of People’s Rights
22. Ito ay isang pandaigdigang kilusan na may kasapi at tagasuportang umaabot sa mahigit pitong milyong katao. Ang
motto nito ay “It is better to light a candle than to curse the darkness.”
A. Human Rights Action Center (HRAC) C. Asian Human Rights Commission (AHRC)
B. Amnesty International D. African Commission on Human and People’s Rights
23. Itinatag ito noong 1984 ng mga tanyag na grupong aktibo sa pakikipaglaban para sa karapatang pantao sa Asya.
Layunin ng samahang ito ang magkaroon ng higit na kamalayan tungkol sa karapatang pantao at pag-sasakatuparan
nito sa buong Asya.
A. Human Rights Action Center (HRAC) C. Asian Human Rights Commission (AHRC)
B. Amnesty International D.African Commission on Human and People’s Rights
24. Itinatag ito ni Jack Healey na isang kilalang human rights activist. Naging tagapagtaguyod ito ng mga karapatang
pantao sa buong daigdig at nagsilbing-boses ng mga walang boses at tagapagtaguyod ng karapatang pantao sa buong
daigdig.
A. Human Rights Action Center (HRAC) C. Asian Human Rights Commission (AHRC
B. Amnesty International D. African Commission on Human and People’s Rights
25. Ang samahang ito ay naglalayong protektahan ang interes ng mga miyembro nito.
A. PO’s C. FUNDANGO
B. NGO’s D. DJANGO
P a g e 3|6
4TH QUARTER ANSWER KEY IN ARAL PAN 10 -DEPEDTRENDS.COM
26. Ipinakikita ng batas na ito ang kahalagahan ng papel na ginagampanan ng mga NGO at PO.
A. Civil Society C. PACO
B. Local Government Code D. Local Development Council
27. Ito ang uri ng NGO na nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga POs para tumulong sa mga nangangailangan.
A. PACO C. FUNDANGO
B. NGO’s D. DJANGO
28. Dokumentong naglimita sa kapangyarihan ng hari ng England noong 1215 at nagbigay ng ilang karapatan ng mga
taga-England.
A. Magna Carta C. Bill of Rights
B. Cyrus’ Cylinder D. The First Geneva Convention
29. Tinawag itong “International Magna Carta for All Mankind” dahil naglalahad ang dokumentong ito ng mga
karapatang pantao ng bawat indibidwal at tinanggap ng UN General Assembly noong 1948.
A. Bill of Rights C. Universal Declaration of Human Rights
B. Magna Carta D. Preamble
30. Ito ang pinakamataas na antas ng kamalayan sa pag-unawa at pagsakatuparan ng mga karapatang pantao ng isang
mamamayan.
A. Limitadong Pagkukusa C. Kawalan ng pagkilos at Interes
B. Pagpapaubaya at Pagkakaila D. Militance, Pagsasarili, at Pagkukusa
31. Sa dokumentong ito mababasa ang mga karapatang pantao na maigting na pinahahalagahan ng Republika ng
Pilipinas.
A. Artikulo III ng Saligang-batas ng 1987 ng Pilipinas C. UDHR
B. Artikulo I ng Saligang-batas ng 1987 ng Pilipinas D. Preamble, Saligang-batas ng 1987 ng Pilipinas
32. Ang sumusunod na pahayag ay mga karapatan ng mga bata maliban sa pagkakaroon ng ___ (D)
A. ligtas at malusog na buhay.
B. proteksiyon laban sa lahat ng pang-aabusong pisikal, seksuwal, at mental.
C. mabuting pangangalagang pangkalusugan.
D. sariling pagpapasya sa lahat ng nais niyang gawin
33. Anong Artikulo sa 1987 Saligang Batas ng Pilipinas nakapaloob ang mga batayan ng pagiging isang mamamayang
Pilipino?
A. Artikulo I B. Artikulo II C. Artikulo III D. Artikulo IV
34. Ang dayagram sa ibaba ay nagpapakita ng isang prosesong may kaugnayan sa pagkamamamayan ng isang tao.
Anong ligal na proseso ito?

A. ekspatrasyon B. naturalisasyon C. pagtatakwil D. repatrasyon


35. Batay sa Facilitator’s Manual on Human Rights Education (2003), ano ang pinakamataas na antas ng kamalayan sa
pag-unawa at pagsakatuparan ng mga karapatang pantao ng mga mamamayan?
A. kawalan ng pagkilos C. militance at pagkukusa
B. limitadong pagkukusa D. pagpapaubaya at pagkakaila
36. Si Patrick ay nagdiwang ng kaniyang ikalabingwalong taong kaarawan. Bilang regalo sa kaniyang sarili, nagtungo
siya sa tanggapan ng COMELEC (Commission on Elections) sa kanilang siyudad upang magpatala at makilahok sa
pagpili ng mga susunod na mamumuno sa kanilang lugar. Anong tungkulin ng mamamayang Pilipino ang kaniyang
ginampanan?
A. Magparehistro at bumoto C. Pakikipagtulungan sa mga may kapangyarihan
B. Pagiging matapat sa Republika ng Pilipinas D. Gumawa ng mga kapaki-pakinabang na gawain
37. Ito ay uri ng boluntaryong organisasyon ng civil society na ang layunin ay tumulong sa mga programa ng mga
grassroots organization.
A. civil society C. people’s organization
B. non-governmental organization D. trade union
38. Sino sa sumusunod ang maituturing na isang mamamayang Pilipino batay sa Saligang-batas ng 1987 ng Pilipinas?
A. Si James na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon.
B. Si Samantha na ang kaniyang mga magulang ay parehong mga Pilipino.
P a g e 4|6
4TH QUARTER ANSWER KEY IN ARAL PAN 10 -DEPEDTRENDS.COM
C. Si Ramon na ipinanganak noong Pebrero 2, 1969 na ang ina ay Pilipino at piniling maging Pilipino.
D. Lahat ng nabanggit
39. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng lumawak na konsepto ng pagkamamamayan?
A. Si Michael ay lumahok sa HARIBON Foundation.
B. Si Rowel na naging pangulo ng kooperatiba ng kanilang barangay.
C. Si Edna na nagpakita ng matinding pagtutol sa mga katiwalian sa pamahalaan.
D. Si Angelo na kasama ng mga opisyal ng pamahalaan na bumabalangkas ng mga programa para sa bayan.
40. Ano ang pinakaangkop na interpretasyon sa larawan sa ibaba?

A. Kabilang ang mga bata sa pagbalangkas ng UDHR.


B. Sila ang mga batang nakinabang sa mga karapatang pantaong
nakatala sa UDHR.
C. Nakapaloob din sa UDHR ang pagpapahalaga nito sa mga
karapatan ng mga bata.
D. Limitado ang mga binalangkas na karapatan ng mga bata batay
sa UDHR.

41. Ano ang pinakaangkop na konklusyon batay sa diyagram?

A. Dapat tahakin ng bawat Pilipino ang


aktibong pagtatanggol sa karapatang pantao.
B. Mas mapayapa ang pamumuhay ng tao kung
nasa antas ng pagpapaubaya sa paglabag ng
karapatan.
C. Pantay ang antas ng pag-unawa ng kanilang mga
karapatang pantao.
D. Madaling tahakin ang daan tungo sa aktibong
pagtatanggol sa karapatang pantao.

42. Si Lina ay isang magsasaka na mag-isang nagtataguyod sa kaniyang tatlong anak. Nais niyang lumahok sa isang
samahan na magtataguyod ng karapatan ng mga magsasakang katulad niya. Alin sa sumusunod ang nararapat niyang
salihan?
A. Funding-Agency NGOs C. Non-Governmental Organizations
B. Grassroot Support Organizations D. People’s Organizations
43. Basahin at unawain ang talata sa ibaba:
Dahil mahal ko ang Pilipinas, diringgin ko ang payo ng aking magulang, susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
tutuparin ko ang tungkulin ng mamamayang makabayan: naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal ng buong katapatan
Ang talata na iyong binasa ay halaw mula sa bagong version ng Panatang Makabayan. Anong katangian ng isang
mamamayang Pilipino ang inilalarawan dito?
A. produktibo C. mapanagutan
B. makatao D. malikhain
44. Bakit kailangang matiyak ng isang tao ang ligalidad ng kaniyang pagkamamamayan sa isang bansa?
A. Upang magkaroon siya ng pagkakakilanlan
B. Upang matiyak ang kaniyang mga tungkulin at pananagutan
C. Upang mabatid niya ang kaniyang mga karapatan at tungkulin
D. Upang maigawad sa kaniya ang mga pribilehiyo na dapat niyang matamasa
45. Nabasa mo sa isang pahayagan ang patuloy na paghihirap ng mga pamumuhay sa isang pamayanan. Karamihan sa
mga mamamayan ay hindi tumutupad sa kanilang mga tungkulin at pananagutan, mataas din ang bilang ng paglabag
ng karapatang pantao. Dahil dito, hindi naisusulong ng mga mamamayan ang kabutihang panlahat at ang
pambansang interes. Kung ikaw ang magiging pinuno ng pamayanan na ito, ano ang iyong gagawin?
A. Magpapatupad ng mga mabibigat na parusa upang mapasunod ang nasasakupan.
B. Hihikayatin ang mga mamamayan na maging maging produktibo at makiisa sa mga produktibong gawain.
C. Magsasagawa ng pag-aaral ukol sa mga paglabag sa karapatang pantao na nagaganap sa lugar.
D. Magbibigay ng mga proyektong pangkabuhayan upang may mapagkakitaan ang mga mamamayan.

P a g e 5|6
4TH QUARTER ANSWER KEY IN ARAL PAN 10 -DEPEDTRENDS.COM
46. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nangangailangan ng pagtugon at aktibong pagtatanggol sa karapatan pantaong
patungkol sa isyung pang-ekonomiya?
A. Pagbigay sa mga manggagawa ng karapatang magtatag ng unyon upang mapangalagaan ang kanilang
kondisyon sa trabaho.
B. Pagkaloob sa mga piling lalaking kawani ng isang kompanya ng karapatang makamit ang promosyon.
C. Pagtanggi sa mga Pilipinong makapagtrabaho sa ibang bansa sa kabila ng pagiging ligal ang paraan ng pagkuha
ng trabaho.
D. Pagbigay ng karapatang magsawalang-kibo laban sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan
47. Ano ang taglay ng isang bansang may mamamayang aktibo at malayang nagtatanggol sa kanilang karapatang
pantao?
A. Taglay ng bansang ito ang mamamayang may karahasan sa lipunan dahil sa pagiging aktibo sa lipunan.
B. Taglay ng bansang ito ang mamamayang may hangaring kontrolin ang pamahalaan.
C. Taglay ng bansang ito ang mamamayang may mataas na pagpapahalaga sa sarili at katarungang panlahat.
D. Taglay ng bansang ito ang mamamayang patuloy na naghahangad na mahigitan ang karapatan ng pamaha-laang
mangasiwa sa bansa.
48. Ang sumusunod ay mga mabuting dulot ng paglahok sa civil society MALIBAN sa isa.
A. Mas nagiging mulat ang mamamayan sa kalagayan ng lipunan.
B. Naipararating natin ang ating mga hinaing at pangangailangan sa pamahalaan.
C. Nabibigyang pansin ang kapakanan ng iba’t ibang pangkat sa ating lipunan.
D. Maaaring palitan ng civil society ang ating pamahalaan kung ang huli ay naging mapang-abuso.
49. Gaano kahalaga ang accountability at transparency sa pamamahala?
A. Magkakaroon pa rin ng mabuting pamahalaan kahit wala ang dalawang ito.
B. Ang dalawang ito lamang ang mahalagang element upang magkaroon ng isang participatory governance.
C. Ang dalawang ito lamang ang mahalagang elemento upang magkaroon ng isang mabuting pamahalaan.
D. Imposible ang pagkakaroon ng isang mabuting pamahalaan kung walang transparency at accountability.
50. Bakit mahalaga ang pakikilahok ng mamamayan sa pamamahala ng isang komunidad?
A. Nabibigyan nang higit na kapangyarihan ang mamamayan upang tuwirang mangasiwa.
B. Nagiging katuwang ng pamahalaan ang mamamayan upang makabuo ng mga karampatang solusyon sa
hamon ng lipunan.
C. Binibigyang-diin nito ang “elitist democracy” kung saan nagmumula ang pasya sa mga opisyal ng pamahalaan.
D. Magkasamang binabalangkas ng pamahalaan at ng mamamayan ang badyet ng komunidad.

“If any of you lacks wisdom, you should ask God, who gives generously to all
without finding fault, and it will be given to you”.
-James 1:5

P a g e 6|6

You might also like