You are on page 1of 7

LARAP NATIONAL HIGH SCHOOL

Ikaapat na Markahang Pagsusulit


SY 2017-2018
ARALING PANLIPUNAN – 10 (Mga Kontemporaryong Isyu)

Pangalan: ___________________________ Taon at Pangkat: _____________ Iskor: _____________

PANUTO: Basahing mabuti, piliin at isulat ang titik ng wastong sagot sa patlang bago ang bilang.

_____ 1. Ang konsepto ng pagkamamamayan o ang katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang
pamayanan ay maaaring iugat sa kasaysayan ng daigdig. Sa anong panahon umusbong ang konsepto ng
citizen?
a. Panahon ng kabihasnang Romano c. Panahon ng kabihasnang Sumer
b. Panahon ng kabihasnang Griyego d. Panahon ng kabihasnang Nile
_____ 2. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang samahang pampolitika at may karapatang sibil at
politikal.
a. Pagkatao b. Pagkamamamayan c. Miyembro d. Kasapi
_____ 3. Sa anong artikulo ng ating Saligang Batas ng 1987 ang nagpapahayag ng tungkol sa
pagkamamamayan?
a. Artikulo IX b. Artikulo V c. Artikulo IV d. Artikulo VI
_____ 4. Basahin at unawain ang susunod na talata ‘Dahil mahal ko ang Pilipinas, diringgin ko ang payo ng
aking magulang, susundin ko ang tuntunin ng paaralan, tutuparin ko ang tungkulin ng mamamayang
makabayan, naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal ng buong katapatan’. Anong katangian ng isang
mamamayang Pilipino ang inilalarawan dito?
a. Produktibo b. malikhain c. may pananagutan d. makatao
_____ 5. Si Cardo ay isang sundalo at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkaroon ng digmaan sa ating
bansa. Ano sa tingin mo ang mangyayari kung siya ay tatakas sa hukbong sandatahan dahil sa sobrang
takot?
a. Aasenso siya dahil sa kanyang pangingibang bayan
b. Mawawalan nang lakas ng loob ang ibang sundalo sa pakikipag-laban
c. Mawawala ang pagkamamamayan niya dito sa ating bansa
d. Mananalo sa digmaan ang ibang bansa
_____ 6. Ang kabihasnang Griyego ay binubuo ng mga lungsod-estado na tinatawag na __________.
a. Bayan c. Polis
b. Paaralan d. Pulis
c. Si Carlo na ipinanganak noong Enero 16, 1970 na ang ina ay Pilipino at piniling maging Pilipino
_____ 7. Anong Saligang Batas ang pinapatupad ngayon sa buong Pilipinas?
a. Biak-na-Bato c. Saligang Batas ng 1973
b. Commonwealth d. Saligang Batas ng 1987
_____ 8. Responsableng mamamayan, may pagmamahal sa kapwa, may disiplina, kritikal at malikhaing pag-
iisip. Anong konklusyon ang iyong mabubuo sa mga detalyeng nabanggit?
a. Ito ay mga katangian ng isang mamamayan ayon sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan
b. Ito ay mga katangian ng isang mamamayan ayon sa ligal na pananaw ng pagkamamamayan
c. Ito ay mga katangian ng lahat ng mamamayan ng ating bansa
d. Ito ay mga katangian ng lahat ng mayayamang mamamayan sa ating bansa
_____ 9. Ang cyrus cylinder ay kilala rin sa katawagang __________.
a. Baked-clay cylinder c. Baked cylinder
b. Clay cylinder d. Round cylinder
_____ 10. Isa itong mahalagang dokumentong tinanggap ng U.N. General Assembly noong 1948 na naglalahad
ng mga karapatang pantao ng bawat indibiduwal tulad ng karapatang sibil, politikal, ekonomiko, sosyal
at kultural.
a. Bill of Rights c. Universal Declaration of Human Rights
b. Cyrus Cylinder d. Magna Carta
_____ 11. Itinadhana ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas ang naturalisasyon ng isang dayuhan. Pagsunod-
sunurin ang legal na paraan ng pagsasagawa nito kaugnay sa pagkamamamayan ng isang tao.
I = Pagsasaayos ng mga kailangang dokumento ng isang dayuhang nasa hustong gulang
II = Pagdulog sa isang Regional Trial Court hinggil sa kahilingan ng isang dayuhang mamamayan
III = Pagsusuri ng hukuman sa ligalidad at ‘authenticity’ ng mga isinumiteng dokumento
IV = Pagpapalabas ng kautusan ng hukuman na kumikilala sa dayuhan bilang mamamayan ng
Pilipinas
a. I, II, III, IV b. III, I, II, IV c. II, I, III, IV d. II, III, I, IV
_____ 12. Ayon sa ginawang survey noong 2004 ang Citizenship of the International Social Survey Program, na
ang Pilipino ay nangunguna sa pagtupad ng tungkulin bilang mamamayan sa larangan ng __________.
a. Laging bumuboto sa halalan c. Sumusunod sa mga batas at regulasyon
b. Hindi umiiwas sa pagbabayad ng buwis d. Nagbabantay sa mga gawain ng pamahalaan
_____ 13. Alin sa mga sumusunod ang hindi relihiyon?
a. Anayism b. Buddhism c. Hinduism d. Kristiyanismo
_____ 14. Tumutukoy sa mga karapatan ng mga mamamayang Pilipino na makikita sa Artikulo III ng 1987
Saligang Batas ng Pilipinas.
a. Petition of Rights c. Magna Carta ng 1215
b. Bill of Rights d. Declaration of the Rights of Man and the Citizen
_____ 15. Anong dokumento ang nilagdaan ni John I, hari ng England na naglalahad ng ilang karapatan ng mga
taga-England, na hindi maaaring dakpin, ipakulong at bawiin ang anumang ari-arian ng sinuman nang
walang pagpapasiya ang hukuman?
a. Magna Carta c. Cyrus Cylinder
b. The First Geneva Convention d. Bill of Rights
_____ 16. Siya ang naging daan upang mabuo ang Universal Declaration of Human Rights, nang maluklok siya
bilang tagapangulo ng Human Rights Commission ng United Nations?
a. Corazon Aquino c. Margaret Thatcher
b. Eleonor Roosevelt d. Gloria Arroyo
_____ 17. Suriin ang mga sumusunod na pahayag:
Pahayag I = Ang pagkamamamayan sa kasalukuyan ay hindi lamang bilang isang katayuan sa lipunan
naisinasaad ng estado, bagkus ito ay maituturing na pagbubuklod sa mga tao para sa ikabubuti
ng kanilang lipunan.
Pahayag II = Ayon sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan, kailangang igiit ng isang
mamamayan ang kaniyang karapatan para sa ikabubuti ng bayan
a. Pahayag I ay tama, pahayag II ay mali c. Lahat ng pahayag ay tama
b. Pahayag I ay mali, pahayag II at tama d. Lahat ng pahayag ay mali
_____ 18. Suriin ang bahagi ng awiting pinamagatang ‘Pananagutan’.
“Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang, walang sinuman ang namamatay para sa sarili
lamang… Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa, tayong lahat ay tinipon ng diyos na kapiling
nya”.
Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng awitin patungkol sa mga mamamayan ng isang bansa?
a. Ang mga mamamayan ang siyang tagapagtanggol ng saligang batas ng bansa
b. Makakamit ang kabutihang panlahat at pambansang interes kung may pagtutulungan
c. Nararapat na magtulungan ang pamahalaan at mga mamamayan para sa kaunlaran ng bansa
d. Pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan anuman ang katayuan sa buhay
_____ 19. May tatlong uri ng karapatan ang bawat mamamayan sa demokratikong bansa. Si Tonyo bilang
isang Pilipino ay nagtataglay ng lahat nang ito. Paano mo patutunayan na meron siyang karapatan na
taglay na niya kahit hindi ipagkaloob ng estado?
a. Hindi ako naniniwala dito, dahil lahat ng karapatan ay nakasulat sa Saligang Batas
b. Hindi ako naniniwala dito, dahil lahat ng karapatan ay nakasulat sa binagong batas ng Pilipinas
c. Naniniwala ako dito, dahil ang Natural Rights ay hindi na kailangang ipagkaloob ng estado
d. Naniniwala ako dito, dahil nakatira siya sa demokratikong bansa tulad ng Pilipinas
_____ 20. Anong non-governmental organization sa Pilipinas ang may layunin na matulungan ang mga politikal
prisoner?
a. Free Legal Assistance Group c. Philippine Alliance of Human Rights Advocates
b. Task Force Detainees of the Philippines d. Philippine Human Rights Information Center
_____21. Ang komisyong itinadhana ng saligang batas na maging malaya sa tatlong sangay ng pamahalaan ng
Pilipinas, na may tungkuling kilalanin at pangalagaan ang mga karapatang pantao ng lahat ng
indibiduwal sa bansa kabilang ang mga Pilipinong nasa ibang bansa.
a. Civil Society c. Asian Human Rights Commission
b. Commission on Human Rights d. Universal Declaration of Human Rights
_____ 22. Alin sa mga sumusunod ang layunin ng ‘The First Geneva Convention’?
a. Pag-alaga sa mga sugatan at may sakit na sundalo
b. Pag-alaga sa mga kabataan
c. Pag-alaga sa mga matatanda
d. Pag-alaga sa mga taong nakatira sa Geneva
_____ 23. Ang ahensyang ito sa Pilipinas ang may pangunahing tungkulin na pangalagaan ang mga karapatang
pantao ng mga mamamayan. Ano ang ibig sabihin ng CHR?
a. Commission on Human Rights c. Company of Human Rights
b. Cooperation of all Human Rights d. Collection of Human Rights
_____ 24. Maraming organisasyon sa iba’t ibang panig ng daigdig ang binuo upang itaguyod ang karapatang
pantao at tuluyang wakasan ang pagmamalabis sa mga ito. Anong tanyag na pandaigdigang
organisasyon na ang layunin ay magsagawa ng mga kampanya upang labanan ang pang-aabuso sa mga
karapatang pantao sa daigdig at mabigyan ng katarungan ang mga biktima ng paglabag sa karapatang
pantao?
a. Global Rights c. Human Rights Action Center
b. Amnesty International d. Asian Human Rights Commission
_____ 25. Ayusin ang mga dokumentong nasa ibaba, batay sa pagkakabuo ng mga karapatang pantao mula sa
sinaunang panahon hangang kasalukuyan.
1 = Magna Carta
2 = First Geneva Convention
3 = Cyrus Cylinder
4 = Universal Declaration of Human Rights
a. 1, 3, 2, 4 b. 3, 1, 2, 4 c, 3, 2, 1, 4 d. 1, 2, 3, 4
_____ 26. Paano mo ipapakita na isa kang Pilipinong iginigiit ang iyong karapatan bilang isang mamamayan?
a. Aktibo akong sasali sa isang peace and order committee ng aming barangay
b. Ipinapaubaya ko sa mga opisyal ng barangay ang pagpapasiya sa mga proyekto nito
c. Nanonood ako ng mga serye ng kuwento tungkol sa karapatang pantao
d. Nakikinig ako sa mga hinaing ng mga taong naaapi
_____ 27. Si Marjorie ay sumali sa Gabriela, isang ‘people’s organization’. Naniniwala ka ba sa kanyang ginawa,
kahit sa tingin mo ito ay napakadelikadong bagay?
a. Hindi, dahil maaari syang mapahamak dito
b. Hindi, dahil isa siyang babae na walang kakayahang ipaglaban ang karapatang pantao
c. Oo, dahil marami siyang magiging kaibigan sa grupong ito
d. Oo, dahil ito ay aktibo at malayang pagtatanggol sa mga karapatang pantao
_____ 28. Isa itong mahalagang dokumentong naglalahad ng mga karapatang pantao. Ano ang ibig sabihin ng
UDHR?
a. Universal Declaration of Harmonious Relationship
b. Universal Declaration of Human Rights
c. Universal Department of Human Rights
d. Unknown Declaration of Human Rights
_____ 29. Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng ‘No one has the right to torture you’?
a. Walang sinuman ang nabubuhay ng mag-isa c. Walang makapipigil na pahirapan ka
b. Walang sinuman ang pwede kang pahirapan d. Karapatan ng lahat na pahirapan ka
_____ 30. Ito ay isa sa umpisa ng pagtatamasa ng karapatan ng isang bata.
a. Magkaroon ng rehistradong pangalan d. Pagboto sa panahon ng halalan
b. Lumahok sa mga organisasyon c. Mapigilan sa paghahanap-buhay
_____ 31. Ang mga karapatang ito ay kailangan upang magkaroon ng mabuti at ligtas na buhay ang mga
indibiduwal na may gulang na 17 at pababa.
a. Karapatan ng mga nasasakdal c. Karapatan ng mga bata
b. Karapatan ng mga sundalong sugatan d. Karapatan ng mga matatanda
_____ 32. Naniniwala ang Amnesty International na “It is better to light a candle than to curse the darkness”.
Ano sa iyong palagay ang mangyayari kung lahat tayo ay susunod sa paniniwalang ito?
a. Maraming problema sa lipunan ang magagawan ng solusyon
b. Maraming mamamayan ang patuloy na makakaranas ng kahirapan
c. Lalong maghihirap ang mahihirap na mamamayan
d. Lalakas ang bentahan ng kandila sa pamilihang bayan
_____ 33. Isa sa non-governmental organization sa Pilipinas ay ang KARAPATAN o ‘Alliance for the
Advancement of People’s Rights’. Kung ikaw ang pinuno ng nasabing organisasyon, anong hakbang o
solusyon ang iyong isasakatuparan?
a. Wakasan ang pang-aabuso ng mga military
b. Matulungan ang mga political prisoner
c. Mapangalagaan ang karagatan at kagubatan sa buong Pilipinas
d. Itaguyod at pangalagaan ang mga karapatang pantao sa Pilipinas
_____ 34. Mayroong dalawang prinsipyo ng pagkamamamayan, ito ay ang ‘jus sanguinis’ at ‘jus loci’. Paano
mo ipagkukumpara ang dalawang prinsipyong ito?
a. Ang ‘jus sanguinis’ at ‘jus loci’ ay magkatulad, pareho silang ipinapatupad dito sa Pilipinas
b. Ang ‘jus sanguinis’ at ‘jus loci’ ay magkaiba, pareho silang ipinapatupad sa Amerika
c. Ang ‘jus sanguinis’ ay nakabatay sa magulang, samantalang ang ‘jus loci’ ay sa lugar
d. Ang ‘jus sanguinis’ ay ipinapatupad sa Amerika, samantalang ang ‘jus loci’ ay sa Pilipinas
_____ 35. Alin sa mga sumusunod ang diskwalipikadong bumoto sa panahon ng halalan?
a. Mga taong idineklara ng mga eksperto bilang baliw c. Mamamayan ng Pilipinas
b. Mga taong nagbebenta ng boto sa mga politiko d. 18 taon gulang pataas
_____ 36. Mamamayan ng Pilipinas, hindi diskwalipikado ayon sa isinasaad ng batas, 18 taong gulang pataas,
tumira sa Pilipinas nang kahit isang taon at sa kanyang lugar nang hindi bababa sa anim na buwan. Ang
naturang mga detalye ay kailangan upang __________.
a. Makapagboto b. Makapagkumpisal c. Tumira sa Pilipinas d. Makapag-asawa
_____ 37. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagkapantay-pantay ng mga mamamayan?
a. Pagboto c. Pagbili ng lupang titirhan
b. Pagbili ng sasakyan d. Pagbili ng bagong bahay
_____ 38. Sa pamamagitan nito, nakapipili ang mamamayan ng mga opisyal ng pamahalaan na sa tingin nila ay
makapaglilingkod nang maayos.
a. Pagboto c. Pagbebenta ng kanilang boto sa mga politiko
b. Pangungumpisal d. Pangangampanya sa opisyal ng pamahalaan
_____ 39. Isa ito sa dahilan kung bakit mas lalong naghihirap ang ating bayan.
a. Pagboto c. Pagbebenta ng kanilang boto sa mga politiko
b. Pangungumpisal d. Pangangampanya sa opisyal ng pamahalaan
_____ 40. Ang mga indibiduwal na may gulang 17 at pababa ay kailangang pangalagaan ang kanilang mga
karapatan. Paano mo ipapakita ang saloobin mo sa bagay na ito?
a. Sa pamamagitan ng pagsuporta dito, dahil binabayaran tayo para gawin iyun
b. Sa pamamagitan ng pagsuporta dito, dahil sila ang yaman ng bansa sa hinaharap
c. Sa pamamagitan ng pagtutol dito, dahil kaya na nilang pangalagaan ang kanilang mga sarili
d. Sa pamamagitan ng pagtutol dito, dahil paano sila matututo kung lagi silang papangalagaan
_____ 41. Maraming bata ang hindi nakapag-aaral, hindi rehistrado ang pangalan, at pinaghahanap-buhay.
Ano ang pinakamatalinong hakbang na dapat isagawa upang matigil ang mga ito?
a. Gawin ang matalinong pagboto c. Itaguyod ang mga karapatan ng mga bata
b. Pabayaan silang makapaghanap-buhay d. Itaguyod ang mga karapatan ng matatanda
_____ 42. Bilang isang mamamayan nasa ating mga kamay ang susi para sa pagbabago ng ating lipunan. Paano
mo gagamitin ang iyong karapatang politikal upang baguhin ang iyong bayan?
a. Pangangampanya sa maperang opisyal ng pamahalaan
b. Pagboto sa kapamilya lamang
c. Gamitin ng tama ang karapatan sa pagboto
d. Hindi pagboto dahil wala namang maayos na pagpipilian
_____ 43. May taong mahirap, may taong mayaman, mayroong nakapag-aral, mayroong kulang sa pinag-
aralan. Paano mo patutunayan ang pagkapantay-pantay ng bawat Pilipino?
a. Bawat isang Pilipino ay maaaring bumili ng mamahaling sasakyan
b. Bawat isang Pilipino ay maaaring tumira sa mamahaling subdibisyon
c. Bawat isang Pilipino ay maaaring pumili ng iba’t ibang relihiyon
d. Bawat isang Pilipino ay mayroon lamang isang boto
_____ 44. Alin sa mga sumusunod ang karapatang kaloob ng binuong batas at maaaring alisin sa pamamagitan
ng panibagong batas?
a. Constitutional Rights b. Human Rights c. Natural Rights d. Statutory Rights
_____ 45. Ito ay binubuo ng mga mamamayang nakikilahok sa mga kilos protesta, lipunang pagkilos at mga
Non-Governmental Organizations / People’s Organizations.
a. Militanteng grupo c. Civil society
b. Samahan ng mga LGBT d. People’s Choice
_____ 46. Kung ang ibig sabhin ng NGOs ay Non-Governmental Organizations, alin sa mga sumusunod ang
isang halimbawa ng NGOs?
a. Department of Education b. DILG c. Operation Smile Foundation d. PNP
_____ 47. Alin sa mga sumusunod ang kapangyarihan ng mamamayan na makilahok sa pangangasiwa ng
pamahalaan?
a. Karapatang Politikal c. Karapatang Sosyo-ekonomiko
b. Karapatang Sibil d. Karapatan ng akusado
_____ 48. Alin sa mga sumusunod ang pinakamataas na pagsasakatuparan ng karapatang pantao?
a. Kawalan ng pagkilos c. Pagsasarili
b. Limitadong pagkukusa d. Pagpapaubaya
_____ 49. ‘The state encourage non-governmental, community based, or sectoral organization to effective and
reasonable participation at all levels of social, politikal, and economic decision making’. Anong
konklusyon ang iyong maibibigay patungkol sa seleksiyong ito?
a. Kinikilala ng batas ang kahalagahan ng mga samahang ito sa pagtataguyod ng kaunlaran
b. Walang kinikilala ang batas sa anumang samahang magtataguyod ng kaunlaran
c. Hindi pinapayagan ng pamahalaan ang pagbuo ng anumang samahan
d. Lahat ay maaaring bumuo ng samahan kahit ang hangarin nito ay hindi naaayun sa batas
_____ 50. Ang Pilipinas ay isang Estadong republikano at demokratiko, ang ganap na kapangyarihan ay angkin
ng sambayanan at nagmumula sa kanila ang lahat ng mga awtoridad na pampamahalaan. Anong
paniniwala ang iyong mabubuo na ipinapahiwatig nito?
a. Ang kapangyarihan ng isang Estado ay wala sa pamahalaan, sa halip, ito ay nagmumula sa mga
mamamayan
b. Ang pamahalaan ang magdedesiyon sa lahat ng aspeto ng Estado
c. Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay ipapatupad sa mga sumusunod at hindi sumusunod sa batas
d. Ang Pilipinas ay may Estado ngunit walang awtoridad ang pamahalaan
ARALING PANLIPUNAN – 10 (Mga Kontemporaryong Isyu)
Mga Sagot:
1. Lipunan 16. isyung panlipunan
2. Mooney 17. solid waste
3. kultura. 18. No Segregation, No Collection
4. Pamilya 19. kawalan ng disiplina
5. Relihiyon 20. tahanan ng iba’t ibang mga nilalang
6. Social group 21. pagbaha at soil erosion
7. Secondary group 22. pagkawala ng sustansya ng lupain
8. Ascribed status 23. mabilis na pagtaas ng populasyon
9. Achieved status 24. fuel wood harvesting
10. Gampanin (roles) 25. ilegal na pagmimina
11. Materyal 26. climate change
12. Hindi materyal 27. carbon dioxide
13. Paniniwala (beliefs) 28. disaster management
14. Sociological imagination 29. hazard
15. Isyung personal 30. Human-Induced Hazard
31. institusyon 36. primary group 41. norms
32. paaralan 37. ascribed at achieved status 42. simbolo
33. ekonomiya 38. materyal at hindi materyal 43. yamang gubat
34. pamahalaan 39. paniniwala 44. global warming
35. relihiyon 40. pagpapahalaga 45. climate change

Isyung personal -Ang mga isyung personal ay sinasabing nagaganap sa pagitan ng isang tao at ilang
malalapit sa kanya. Ang solusyon sa isang isyung personal ay nasa kamay ng indibiduwal.

Isyung panlipunan -ay isang pampublikong bagay. Karaniwang kaugnay ito ng krisis o suliranin sa mga
institusyong panlipunan. Mga suliranin ito na nakakaapekto hindi lamang sa isang tao kundi sa lipunan sa
kabuuan.

Pagkakatulad - Mahalagang malaman mo na sa kabila ng pagkakaiba ng isyung personal at isyung


panlipunan, ang dalawang ito ay magkaugnay. Isang halimbawa nito ay ang mga hamon at isyung
pangkapaligiran. Ang makalat na bakuran ay isang halimbawa ng isyung personal subalit kung ang isang
barangay o bayan ay magiging makalat dulot ng kawalan ng maayos na sistema ng pagtatapon ng basura, ito ay
maituturing na isyung panlipunan. Idagdag pa rito ang masamang epekto sa kalusugan at ekonomiya ng isang
lugar kung ito ay mabaho, makalat, at walang maayos na sistema ng pagtatapon ng basura.

Rubric sa pagmarka ng kasagutan:


5 puntos – Wasto at kumpleto ang nilalaman ng kasagutan
4 puntos – Wasto ngunit kulang ang nilalaman ng kasagutan
3 puntos – Wasto ngunit walang nilalaman ang kasagutan
2 puntos – Mali ngunit may nilalaman ang kasagutan
1 punto – Mali at walang nilalaman ang kasagutan

You might also like