You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal
TANAY NORTH NATIONAL HIGH SCHOOL

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA


ARALING PANLIPUNAN10-MGA KONTEMPORARYONG ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN

PANGALAN:_________________________________ GR.&SEC.:_________________ ISKOR:_______

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot mula sa
mga pagpipilian.

1. Ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado.
A. Pagkamamamayan B. Pagboto C. Pagkamakabansa D. Pagkamakabayan

2. Aling artikulo ng Saligang Batas ng 1987 ang nagsasaad ng pagkamamamayan?


A. Artikulo I B. Artikulo II C. Artikulo III D. Artikulo III

3. Alin sa sumusunod ang itinuturing na isang mamamayang Pilipino ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng
Pilipinas?
A. Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
B. Yaong ang mga ama o ang mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas.
C. Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon na isinusulat ang Saligang-Batas na ito.
D. Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng
pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa tamang gulang

4. Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng kanyang mga magulang.B.


A. jus soli B. jus sanguinis c. de jure d. de facto

5. Ang pagkamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak.


A. jus soli B. jus sanguinis c. de jure d. de facto

6. Isang legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na nais maging mamamayan ng isang bansa ay
sasailalim sa isang proseso sa korte
A. Naturalisasyon B. Lokalisasyon C. Ispesyalisasyon D. Kontekstwalisasyon

7. Si Yumi ay naipanganak sa Estados Unidos. Ang kanyang mga magulang ay parehong Pilipino. Batay sa
Republic Act 9225. Maari siyang maging ____________ sa eded na 18.
A. Dual Person B. Dual Citizen C. Dual Alien D. Dual Merchant

8. Ang sumusunod ay ang mga paraan para mawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal maliban sa
isa.
A. Nawala na ang bisa ngnaturalisasyon.
B. Nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon.
C. Nanumpa ng katapatan sasaligang batas ng ibang bansa.
D. Hindi naglingkod sa hukbong sandatahan ng ating bansakapag mayroong digmaan.

9. Ano ang tawag sa mga gawaing nakatutulong sa pagpapaunlad ng pamayanan at bansa para sa ikabubuti
ng nakararami?
A. gawaing pampolitika B. gawaing pampubliko C. gawaing pang-ekonomiya D. gawaing pansibiko

10. Alin ang halimbawa ng gawaing pansibiko?


A. Pagsasabi ng "po at opo" sa mga nakatatanda C.Pagtawid sa tamang tawiran
B. Pagtangkilik sa mga produkto ng China D.Panonood ng mga gawaing pansibiko sa YouTube

11. Bakit mahalaga ang pagtupad sa mga gawaing pansibiko?


A. Nakaiiwas tayo sa negatibong sasabihin ng ibang tao kung ginagampanan natin ang mga ito.
B. Nakatutulong ito hindi lamang sa pag-unlad ng ating bansa, pati na rin sa pag-unlad ng ating mga sarili.
C. Nakasusunod tayo sa mga kinauukulan kaya dapat tuparin na lamang upang hindi na mapuna.
D. Nakasanayan na nating ginagawa ang mga ito kaya nagiging makabuluhan na ang pagtupad.

12. Ano ang maaaring mangyari kung hindi natin tutuparin ang mga gawaing pansibiko?
A. Maaaring mahadlangan ang pag-unlad. C. Walang magiging epekto.
B. Maaaring magalit ang mga mamamayan. D. Maaaring sapilitang ipaako sa iba.
13. Nakaaapekto o nakaiimpluwensiya ba ang gobyerno sa pagtupad ng mga mamamayan sa kanilang
gawaing pansibiko?
A. Oo, dahil kung nakikita ng mga tao na tapat at mahusay ang gobyerno, mas gaganahan silang tuparin ang
kanilang mga gawaing pansibiko.
B. Hindi, dahil ang mga opisyales ng pamahalaan mismo ay hindi rin tumutupad ng kanilang mga gawaing
pansibiko.
C. Oo, dahil kapag natatakot sila sa gobyerno, napipilitan silang gampanan ang kanilang mga gawaing
pansibiko.
D. Hindi, dahil hindi naman kasali ang gobyerno sa pagtupad ng mga gawaing pansibiko kaya wala itong
epekto sa mga mamamayan.

14. Alin ang mga katangian ng isang mabuting mamamayan?


A. May disiplina sa sarili at sumusunod sa mga batas
B. Aktibo sa pagtupad ng mga gawaing pansibiko
C. Masipag at may kusang-palong gawin ang mga bagay
D. May positibong pagtanggap at pananaw sa mga pangyayari

15. Alin ang mga katangian ng isang aktibong mamamayan?


A. Matapat sa paglilingkod at pagsunod sa mga gawain
B. May mga kasanayan sa pagpaplano, pamumuno, at pangangasiwa
C. Mulat sa mga isyu at gawaing panlipunan
D. May pakialam, nakaiimpluwensiya, at nakahihikayat ng kapwa

16. Ang sumusunod ay mga kuwalipikadong botante ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas maliban sa
isa.
A. mamamayan ng Pilipinas
B. nakatapos ng hayskul/sekondarya
C. labing-walong taong gulang pataas
D. nanirahan sa Pilipinas ng kahit isang taon at sa lugar kung saan niya gustong bumoto nang hindi bababa sa
6 buwan bago maghalalan.

17. Alin sasumusunod na situwasiyon ang hindinagpapakita ng lumawak na konsepto ng pagkamamamayan?


A. Si Edna na sumasali sa mga kilos-protesta laban sa katiwalian sa pamahalaan.
B. Si Rowel na nagtatrabaho para matugunan ang kaniyang mga pangangailangan.
C. Si Angelo na kalahok sa proseso ng participatory budgeting ng kanilang lokal na pamahalaan.
D. Si Michael na lumahok sa isang non-governmental organization na naglalayong bantayan ang kaban ng
bayan.

18. Paano tayo napagkalooban ng mga karapatan?


A. Ito ay itinakda ng mga batas. C. Ito ay pinagtibay ng ating mga Pangulo.
B. Ito ay simbolo ng pamahalaan. D. Ito ay ipinaglalaban ng bawat mamamayan.

19. Paano naiiba an gating likas na karapatan sa ating karapatang konstitusyonal?


A. Ito ay kaloob ng Diyos hindi ng tao. C. Ito ay maaring mabago o mapigil ng batas.
B. Ito ay kaloob ng tao at hindi ng Diyos. D. Ito ay tanging para sa mga mamamayan lamang.

20. Bakit mahalaga ang mga karapatang nakasaad sa Katipunan ng mga Karapatan ng ating Saligang Batas?
A. Nakasaad dito ang karamihan sa ating mga karapatan.
B. Nakasaad dito ang kabuuan ng ating mga likas at konstitusyonal na karapatan.
C. Nakasaad dito ang mga karapatan natin bilang malayang mamamayan ng isang demokratikong estado.
D. Ang labag sa mga nakasaad dito ay mapaparusahan sa ayon sa batas.

21. Bakit may mga karapatan maging akusado o nasasakdal sa isang kaso?
A. Ito ay nakatadhana sa Saligang Batas
B. Ito ay ipinagkaloob sa kanila ng pamahalaan
C. Sila ay mga malayang mamamayan katulad ng bawat isa
D. Sila ay itinuturing na inosente hanggang mapatunayang nagkasala

22. Paano maaring malabag ng mga magulang o nakatanda ang ating mga karapatan?
A. Kung sila ay nagiging pabaya sa kanilang mga trabaho
B. Kung sila ay nagiging masamang halimbawa sa kanilang kilos at salita
C. Kung sila ay nang-aabuso o nagtutulak sa ating gumawa ng hindi mabuti
D. Kung sila ay umiiwas pagtupad ng kanilang tungkulin bilang mamamayan

23. Paano pinapangalagaan ng pamahalaan ang mga karapatan ng mga mamamayan?


A. Ipinapaalam nito sa mga mamamayan ang kanilang mga karapatan
B. Pinaparusahan nito ang sinumang lumabag sa karapatan ng kapwa mamamayan.
C. Dinadagdagan nito ang mga karapatan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng batas
D. Tinatanggalan nito ang mga karapatan ng mga mamamayang lumalabag sa batas ng estado

24. Bakit mahalaga ang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao?


A. Iniiwasan nito ang diskriminasyon
B. Itinataguyod nito ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao
C. Pinapangalagaan nito ang maliliit na bansa tulad ng Pilipinas
D. Sinisiguro nitong walang magaganap na paglabag sa karapatang pantao

25. Itinuring na “International Magna Carta for All Mankind” ang dokumentong ito, dahil pinagsama-sama ang
lahat ng karapatang pantao ng indibiduwal at naging batayan ng mga demokratikong bansa sa pagbuo ng
kani-kanilang saligang batas.
A. Bill of Rights ng Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas C. Magna Carta ng 1215
B. Declaration of the Rights of Man and of the Citizen D. Universal Declaration of Human Rights

26. Ayusin ang mga dokumentong nasa loob ng kahon batay sa pagkabuo ng mga karapatang pantao mula
sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan.

1. Magna Carta 3. Cyrus’ Cylinder


2. First Geneva Convention 4. Universal Declaration of Human Rights

A. 1324 B. 3124 C. 3214 D. 1234

27. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong iginigiit ang kaniyang karapatan bilang
mamamayan?
A. Ipinauubaya niya sa mga opisyal ng barangay ang pagpapasya sa mga proyektong dapat isagawa sa
kanilang komunidad.
B. Aktibo siya sa isang peace and order committeeng kanilang barangay.
C. Nakikinig siya sa mga hinaing ng mga taong naaapi.
D. Nanonood siya ng mga serye ng kuwento tungkol sa karapatang pantao.

28. Alin sa sumusunod ang hindi akma sa nilalaman ng Bill of Rights na nakapaloob sa Saligang Batas ng
1987 ng Pilipinas?
A. Karapatan ng taumbayan ang kalayaan sa pananampalataya.
B. Karapatan ng taumbayan ang magtatag ng unyon o mga kapisanan.
C. Karapatan ng taumbayan ang mabilanggo sa pagkakautang o hindi pagbabayad ng sedula.
D. Karapatan ng taumbayan ang hindi gamitan ng dahas at pwersa sa kaniyang malayang pagpapasya.

29. Sino sa sumusunod ang hindi maituturing na isang mamamayang Pilipino batay sa Saligang Batas ng
1987 ng Pilipinas?
A. Si Maria na sumailalim sa proseso ng expatriation.
B. Si Kesha na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon.
C. Si Edward na ang mga magulang ay parehong mga Pilipino.
D. Si Jade na ipinanganak noong Enero 16, 1970 na ang ina ay Pilipino at piniling maging Pilipino.

30. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng “kamalayan, aktibo, at malayang pagtatanggol sa mga karapatang
pantao ng mga mamamayan”?
A. Paghanda sa mga darating na kalamidad tulad ng bagyo at lindol
B. Pag-anib sa mga people’s organization tulad ng samahang Gabriela
C. Pamamasyal sa mga lokal na tourist spot bago ang pangingibang bansa
D. Pagbili ng mga produktong Pilipino at pagwaksi sa mga produktong dayuhan

31. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kaugnayan ng karapatang pantao sa isyu at hamong
pangkapaligirang kinakaharap ng tao sa kasalukuyan?
A. Ang karapatan sa pagkakapantay-pantay ang simula sa pagharap ng suliraning pangkapaligiran
B. Ang karapatan sa pamamahinga at paglilibang ang dahilan kung bakit kailangang tugunan ang mga isyung
pangkapaligiran.
C. Ang karapatan sa edukasyon ang nagbibigay-daan upang matutunan ang kahalagahan ng pagsusumikap
ng bawat tao na pangalagaan ang kapaligiran.
D. Ang karapatang mabuhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng ligtas na kapaligiran ang pundasyon sa
paggawa ng mga hakbang upang matugunan ang isyung pangkapaligiran.

32. Ang bawat tao ay may likas na karapatang mabuhay nang maayos, malaya, at mapayapa. Sa ano/aling
dahilan ng pangangalaga sa karapatang pantao ito kabilang?
A. legal B. moral C. sosyal D. ekonomikal

33. Alin sa mga pangungusap ang hindi tamang gawain ng media sa pagsulong ng karapatang pantao?
A. pag-uulat tungkol sa abang kalagayan ng mga katutubo sa kanayunan
B. pagpapalabas ng dokumentaryo tungkol sa pang-aabuso ng mga pulis sa karapatang pantao
C. pagbabalita ng mga karumal-dumal na krimen nang hindi patas para sa akusado
D. paghahayag ng mga karapatan ng mga kapus-palad na bata sa lungsod

34. Alin ang totoo sa kalagayan ng karapatang pantao sa Pilipinas?


I. Mataas ang antas ng pagpapahalaga ng mga Pilipino sa karapatang pantao.
II. Patungo ang Pilipinas sa pagpapaunlad ng kamalayan ng mga mamamayan tungkol sa karapatang
pantao.
.
A. I B. II C. Parehong I at II D. Wala sa I at II

35. Ano ang tawag sa mga aksiyong ginagawa sa pamamagitan ng Internet bilang pagsuporta sa kagalingang
pampolitika o panlipunan na nangangailangan lamang ng kaunting panahon o pakikilahok?
A. political efficacy B. blogging C. slacktivism D. relativism

36. Alin ang hindi kasama sa tatlong antas ng pakikilahok sa mga gawain at usaping pampolitika?
A. aktibong pakikilahok B. pagwawasto C. pagsangguni D. kaalaman

37. Ano ang karaniwang tawag sa pag-upload ng mamamayan ng mga larawan o video ukol sa mahahalagang
pangyayari at mga politikal na kaalaman sa social media.
A. citizen publication B. citizen journalism C. citizen action D. citizen account

38. Alin ang aktibong pakikilahok?


A. Pangangampanya at pagboto tuwing halalan
B. Pakikinig ng balita sa radyo at pagbabasa ng diyaryo
C. Pangungolekta ng mga larawan ng community services
D. Paglalahad ng opinyon sa Twitter at iba pang social media

39. Alin ang hindi pagsangguni o pagkonsulta?


A. Gumawa si Leo ng isang Facebook post ukol sa napipisil niyang kandidato.
B. Sumasali si Cherry sa isang survey para sa mga ina na isinasagawa ng DILG at DSWD.
C. Nag-iwan si Jose ng komento sa comment dropbox ng BIR pagkakuha niya ng ITR.
D. Kinikunan ni Lina ng larawan ang mga pulubi para i-post sa Twitter.

40. Ipagpalagay na naglabas ang Kagawaran ng Edukasyon ng isang bagong grading system nang walang
konsultasyon sa mga guro. Kung nagkaroon sana, masasabi ng mga guro na mas maganda pa rin ang lumang
sistema dahil ito ay mas epektibong pansukat ng kakayahan at husay ng mga mag-aaral. Ano ang negatibong
epekto ng kawalan ng pagsangguni?
A. Mahihirapan ang mga gurong magbigay ng akmang marka sa mga bata.
B. Gagawa na lamang ang mga guro ng sarili nilang grading system.
C. Hindi magbibigay ng mga marka ang mga guro sa buong taon.
D. Huhulaan na lamang ng guro ang mga marka upang hindi na magtuos.

41. Ito ay ang sektor ng lipunan na hiwalay sa estado kung saan maaaring maiparating ng mamamayan
ang kaniyang pangangailangan sa pamahalaan.
A. Civil Society C. Non-Governmental Organizations
B. Grassroots Organizations D. People’s Organizations

42. Si Celestina ay isang mag-aaral na mulat sa mga nangyayari sa ating lipunan. Nais niyang lumahok
sa isang samahang magtataguyod ng karapatan ng kababaihan. Alin sa sumusunod ang nararapat niyang
salihan?
A. Funding-Agency NGOs C. Non-Governmental Organizations
B. Grassroot Support Organizations D. People’s Organizations

43. Anong proseso ang ipinapakita ng diyagram?

A. Participatory Budgeting ng Lungsod ng Naga


B. Participatory Governance ng Lungsod ng Naga
C. Participatory Budgeting ng Porto Alegre
D. Pagbuo ng Council of Fora of Delegates ng Porto Alegre

44. Basahin ang sumusunod na mensahe:


“Ask not what your country can do for you, ask what you can do for your country.”
Ano ang nais ipaabot ng pahayag niPangulong John F.Kennedy?
A. Ang pamahalaan at ang mga mamamayan ay may kani-kaniyang karapatan at tungkulin.
B. Ang mga mamamayan ay dapat na palaging mulat sa mga polisiya at proyekto ng pamahalaan.
C. Ang pagiging isang mapanagutang mamamayan ay makatutulong sa pag-unlad ng isang bansa.
D. Ang isang bansang malaya ay may sariling pamahalaan at pamantayan sa pagkamamamayan.

45. Bakit kailangang masiguro ng isang tao ang ligalidad ng kanyang pagkamamamayan sa isang bansa?
A. Upang magkaroon siya ng pagkakakilanlan
B. Upang matiyak ang kaniyang mga tungkulin at pananagutan
C. Upang mabatid niya ang kaniyang mga karapatan at tungkulin
D. Upang maigawad sa kaniya ang mga pribilehiyo na dapat niyang matamasa

46. Suriin ang bahagi ng awiting pinamagatang “Pananagutan”:


Walang sinuman ang nabubuhay
Para sa sarili lamang
Walang sinuman ang namamatay Para sa sarili lamang
Koro:
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't-isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling N'ya
Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng awitin patungkol sa mga mamamayan ng isang bansa?
A. Pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan anuman ang estado sa buhay.
B. Ang mga mamamayan ang siyang tagapagtanggol ng Saligang Batas ng bansa na kaniyang
kinabibilangan.
C. Makakamit ang kabutihang panlahat at maisusulong ang pambansang interes kung may pagtutulungan
D. Nararapat na magtulungan ang pamahalaan at ang mga mamamayan upang makamit ng bansa ang
kaunlaran.

47. Bakit mahalagang gamitin natin ang ating karapatang bumoto?


A. Upang hindi mawala ang ating pagkamamamayan kung hindi tayo boboto.
B. Upang maiwasan nating masangkot sa gulo o karahasan tuwing eleksyon.
C. Upang mailuklok natin ang mga opisyal na magbibigay sa atin ng iba’t ibang kagamitan.
D. Upang ating mailuluklok ang mga opisyal na sa tingin natin ay ipaglalaban angkarapatang pantao at
kabutihang panlahat.

48. Bakit mahalaga ang pagsasagawa ng participatory governance?


A. mas maraming sasali sa civilsociety
B. mawawalan ng silbi ang mga opisyal ng pamahalaan
C. maiiwasan ang pagtutol sa mga proyekto ng pamahalaan
D. mas magiging matagumpay ang proyekto ng pamahalaan

49. Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga nangyayari sa
kanilang paligid?
A. sapagkat mapaaktibo man o hindi, makalalahok pa rin ang mga mamamayan sa mga nangyayari sa
bansa
B. sapagkat kakikitaan ng mga karapatang pantao ang mga mamamayan batay sa itinakda ng saligang-
batas
C. sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan na makatugon sa mga isyu at
hamong panlipunan
D. sapagkat mas magiging makapangyarihan ang mga opisyal ng pamahalaan kung magiging aktibo ang
mga mamamayan sa bansa

50. Bakit mahalagang sumali sa mga gawaing pansibiko at pampolitika?


A. upang mapaunlad ng ekonomiya
B. upang maging muat sa mga isyu ng lipunan
C. upang masiguro ang mabuting pamamahala ng mga opisyal
D. upang makabuo ng mga bagong programa ang pamahalaan

Inihanda ni: Binigyang pansin:

CHRISTIAN RONEL F. AUSTRIA EDEN S. MATAWARAN, MAED


Guro, Araling Panlipunan 10 Teacher-In-Charge

You might also like