Professional Documents
Culture Documents
Teacher
Belinda Marjorie L. Pelayo Quarter Unang Markahan
A. Pamantayang Pangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa sanhi at implikasyon ng mga lokal at
pandaigdigang isyung pang-ekonomiya tungo sa pagkamit ng pambansang kaunlaran.
B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng programang pangkabuhayan (livelihood project)
batay sa mga pinagkukunang-yaman na matatagpuan sa pamayanan upang makatulong
sa paglutas sa mga suliraning pangkabuhayan na kinakaharap ng mga mamamayan
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto/ Most Essential Learning Competencies
MELC No. 2 - Naipaliliwanag ang iba’t ibang uri ng kalamidad na nararanasan sa
komunidad at sa bansa (AP10IPE-Ib-3)
D. Layunin
1. Nailalarawan ang aspektong heograpikal at kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas
2. Nabibigyang-kahulugan ang salitang kalamidad
3. Nailalarawan ang iba’t ibang uri ng nararanasang kalamidad
4. Nabibigyang-halaga ang geohazard mapping sa paghahanda laban sa kalamidad o
sakuna
III. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin (Subukin):
Bago ka magsimula sa pagbabasa ng araling ito, balikan muna natin ang nakaraang
paksa na iyong nabasa at natutunan.
Nahirapan ka ba sa pagsagot? Huwag kang mag-alala ang mga pahayag na iyong nabasa
sa panimulang gawain ay iyong matutunghayan at matututunan sa mga susunod pang
pag-aaral.
Page 2 of 10
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
Sagutin mo ang pamprosesong tanong na nasa ibaba na may kaugnayan sa
Gawain 1. Isulat ang sagot sakwaderno.
“Sa iyong palagay, ano ang naganap bago, habang at pagkatapos ng
pangyayari na nasa larawan?”
Sa puntong ito, tatalakayin natin ang iba’t ibang kalamidad na nararanasan ng mga tao
sa Pilipinas.Kung bakit nagdudulot ito ng malaking pinsala sa buhay ng tao, hayop at
kalikasan. Hand aka na ba? Kung handa ka na simulan na natin!
Page 3 of 10
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 (Paglinang/
Alamin Mo/Paunlarin)
https://www.youtube.com/watch?v=d5Ick13bGww
Page 4 of 10
Bakit nga ba ang Pilipinas ay bansang hazard prone sa mga kalamidad?
Ayon sa Wikipedia (ang malayang ensiklopedya), Ang Pilipinas, kasama ang ilang mga
bansa sa rehiyong Asya Pasipiko, ay nakalatag sa isang malawak na sona na kung
tawagin ay Ring of Fire o singsing ng apoy ng Pasipiko, o Circum-Pacific Seismic Belt.
Ang mga lugar na ito ay nagtataglay ng maraming hanay ng mga bulkan, kasama na ang
mga Bulkang Mayon, Pinatubo, Taal, Kanlaon at Krakatoa. Ang pagsabog ng mga bulkan
ay kadalasang nagdudulot ng paglindol o paggalaw ng lupa na nagbubunsod naman ng
mga pagbabago sa pisikal na porma ng anyong lupa at anyong tubig. Tinatayang 81% ng
pinakamalakas na lindol sa mundo ay nagaganap dito.
Ito ay bunga ng natural na proseso ng kalikasan, subalit may kinalaman din ang mga tao
sa madalas at sa hindi maipaliwanag na pagtama nito.
Bagyo
Ang Pilipinas ay isang kapuluang nakaharap sa Karagatang Pasipiko. Malaki ang
kinalaman ng lokasyon nito sa nararanasan nitong palagiang pagbagyo.
Ang bagyo ay ang namumuong sama ng panahon, may isang pabilog o spiral na sistema
ng marahas at malakas na hangin at may dalang mabigat na ulan, karaniwang daan-
daang kilometro o milya sa diyametro ang laki.
Kadalasang nabubuo ang bagyo sa gitna ng karagatan kung saan nagtatagpo ang mainit
at malamig na hangin. Ang mainit na hangin ay pumapailanlang dahil sa init ng dagat at
habang ito ay umaakyat, nagkakaroon ng Low Pressure Area (LPA) sa paligid. Dahil sa
low pressure na nabuo sa paligid, naaakit nito ang ibapang malamig sa hangin sa
ibanglugar hanggang sa ang malamig na hangin ay iinit din at bubuo ng mga ulap.
Page 5 of 10
Ang Pilipinas ay karaniwang nakararanas ng 20 bagyo kada taon. May apat na uri ng
pagbagyo depende sa bilis ng hangin. Ang PAGASA ang tumututok at nagpapangalan ng
bagyo sa Pilipinas at mauulit kada tatlong taon.
Ilan sa mga bagyong hindi malilimutan ng mga Pilipino ay ang mga bagyong Ondoy
(2009) at Yolanda (2013) na nagdulot ng matinding pinsala sa mga bayan at
lalawigang tinamaan nito.
Baha
Kaalinsabay ng malakas na pagbagyo at ng pag-iral ng hanging habagat ay ang malawak
at malubhang pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ang baha ay ang umaapaw at tumataas na lebel ng tubig na dulot ng malakas at walang
tigil na pag-ulan sa komunidad.
Ang pagbaha sa Pilipinas ay pinalalala ng mga baradong daluyan ng tubig.
Sa mga panahong ito, kahit kaunti o sandaling pag-ulan lamang ay agad nang bumabaha.
Ordinaryo na itong nararanasan sa Metro Manila at ilang malalaking lungsod sa Pilipinas,
gayundin sa ilang mabababang lugar o sa mga lugar na malapit sa anyong tubig.
Labis ding nakapipinsala ang pagbaha dahil sinisira nito ang mga gamit at ari-arian.
Nagdudulot din ito ng mga sakit gaya ng leptospirosis (nakukuha kapag nababad ang
sugat sa maruming tubig na may ihi ng daga).
Lindol
Ang Pilipinas ay nasa Pacific Ring of Fire, ang paikot na hanay ng mga aktibong bulkan sa
Pasipiko. Ito ang dahilan kung bakit nakararanas ang bansa ng mga paglindol.
Pagputok ng Bulkan
Ang Pilipinas ay nasa Pacific Ring of Fire kaya nakararanas ang bansa ng palagiang
seismic and volcanic activities. Nangyayari ang maraming mahihinang paglindol dahil sa
pagtatagpo ng mga pangunahing tectonic plates sa rehiyon.
Ang bulkan ay isang puwang o siwang sa ibabaw ng lupa, karaniwang nasa anyong
bundok o burol.
Ang puwang o bunganga (crater) ay nagsisilbing daanan ng iniluluwang materyales tulad
ng abo at lava na nagmumula sa ilalim ng lupa.
Maaaring maging tahimik ang bulkan sa mahabang panahon ngunit hindi
nangangahulugang payapa ito. Sasabog ang bulkan kapag nagsimula nang gumalaw ang
lupa malapit dito. Makaririnig ng dumadagundong na ingay mula sa ilalim ng lupa at
makakikita ng maitim na usok galing sa bunganga ng bulkan.
Ang pagputok ng bulkan ay nagaganap kapag ang magma (nagbabagang tunaw na mga
bato at iba pang materyales) na nagmumula sa ilalim ng lupa ay umaangat patungo sa
bunganga ng bulkan dahil na rin sa pagkapal nito at sa pressure sa ilalim ng lupa
Ang pinakamalakas na pagputok ng bulkan na naranasan sa Pilipinas ay ang pagputok ng
Bulkang Pinatubo noong 1991. Ang Bulkang Pinatubo ay isang aktibong stratovolcano na
matatagpuan sa Kabundukang Cabusilan sa Luzon, malapit sa Zambales, Tarlac, at
Pampanga.
Naging labis na mapaminsala ang pagputok ng bulkang ito. Nagbuga ito ng sulfur dioxide,
isang nakalalasong kemikal. Nagdulot din ito ng ash fall o pag-ulan ng abo na umabot sa
iba’t ibang parte ng Pilipinas. Umagos din ang lahar (volcanic mudflow).
Page 6 of 10
Malawak ang inabot na pinsala ng pagputok ng Bulkang Pinatubo. Tinatayang umabot sa
800 ang namatay habang 100,000 katao naman ang nawalan ng tirahan at kabuhayan sa
Gitnang Luzon.
Sa taong ito 2020, pumutok naman ang bulkang Taal. Marami din angnaapektuhan sa
lugar ng Laguna at Batangas.
Pagguho ng Lupa
Maaring dulot ng pagbuwal ng bundok, pag-ulan na nagreresulta sa paghina ng lupa at
lindol ang landslide o pagguho ng lupa.
Ang pagbagsak ng lupa, putik o malalaking bato ay nangyayari nang mabilisan at
minsa’y walang babala.
Ang tsunami o mga seismic sea wave ay serye ng malalaking alon na nililikha ng
pangyayari sa ilalim ng dagat tulad ng paglindol, pagguho ng lupa, pagsabog ng bulkan, o
pagbagsak ng maliit na bulalakaw. Ito ay maaaring kumilos ng daan-daang milya kada
oras sa malawak na karagatan at humampas sa lupa dala ang mga alon na umaabot ng
100 talampakan o higit pa.
Ang paghampas ng tsunami ay mapanganib din sa buhay, ari-arian, at kabuhayan ng mga
nakatira sa malapit sa dagat.
Naranasan ito sa Japan noong 2011 at nagdulot ng malaking pinsala.
Nangyari ang isang mapaminsalang tsunami sa Pilipinas noong 1994, sa pagitan ng
Batangas at Mindoro, kung saan umabot sa anim na metro ang taas ng mga alon na dulot
ng 7.1 magnitude na lindol sa ilalim ng dagat.
Sunog
Ang buwan ng Marso ay itinalagang Fire Prevention Month, Ganunpaman, talamak pa rin
ang mga insidente ng sunog sa iba’t ibang parte ng bansa, lalo na sa panahon ng tag-
init (MarsoMayo). Ang mga light materials na ginagamit sa kabahayan (yero, plastic,
kahoy) ay nakadaragdag din sa mabilisang paglaki ng apoy, lalo na sa kabahayang dikit-
dikit at may makipot ang daan.
Aksidente
Kalimitan ang mga gawain at kagamitang likha ng tao ang nagiging sanhi ng isang
malaking sakuna na lumilikha ng panganib sa kalikasan at sa tao.
Noong 2006 ay nangyari ang Guimaras Oil Spill kung saan mahigit 2 milyong litro ng
langis ang tumapon sa Panay Gulf. Naging sanhi ito ng malaking pinsala sa yamang-dagat
at kabuhayan ng mga naninirahan doon lalo nang mga mangingisda. Naaapektuhan ang
mahigit na isang libo hektarya ng bakawan at bahura, at nanganib ang balance sa
ecosystem sa ilalim ng dagat. Iba’t ibang lokal at internasyunal na ahensiya ang tumulong
sa paglilinis nito.
Page 7 of 10
Epidemya
Ito ay mabilis na pagkalat ng nakakahawang sakit sa komunidad.
Deforestation
Ito ay ang pagkaubos ng mga katutubong puno sa isang kagubatan. Ilan sa mga
dahilan nito ay ang pagkuha ng mga troso (lumber, timber) para maibenta sa merkado,
maging lokal man o sa labas ng bansa. Nawawala din ang kagubatan kung ito ay
lilipatan ng tao at lilinisin niya ang kapaligiran. Maaari itong pagtayuan ng bahay,
gawing sakahan o alagaan ng mga hayop gaya ng baka, baboy at manok. Kasabay ng
DEPORESTASYON ang paglaki ng populasyon ng tao.
Polusyon
Ang pagkakaroon ng karumihan o pagiging hindi malinis ng kapaligiran. Maaari ito na
maging polusyon sa hangin, polusyon sa tubig, at gayundin ay polusyon sa lupa. Ibig
sabihin mga maduduming bagay o kapaligiran na maaaring magsapanganib sa
kalusugan at buhay natin.
Digmaan
Ang digmaan o giyera (mula sa salitang Kastila na guerra) ay isang palitan at marahas
ng paglalapat ng lakas sa pagitan ng magkalabang pampolitika na entidad na
naglalayong matamo ang minimithing huling kondisyong pampolitika sa pamamagitan
ng sandatahaang sagupaan. Sa gawa ni Carl Von Clausewitz na On War (Sa
Digmaan), tinatawag ang digmaan bilang ang "pagpapatuloy ng pampolitika na
pagsama-sama, na ginagawa sa ibang kaparaanan. Interaksiyon sa pagitan ng dalawa
o higit pa na mga militar ang digmaan na mayroong "pagsisikap ng mga kagustuhan".
Kapag nararapat na tawagin bilang isang digmaang sibil, tunggalian ito na likas sa
isang lipunan, at ang kalikasan nito'y nasa sa paraan ng pamamahala sa halip na
kalayaan. Hindi tinuturing na digmaan ang pagsakop, pagpatay, o pagpatay ng lahi
dahil sa tumbasang kalikasan ng marahas na pagsasagupa, at ang organisadong
kalikasan ng mga tauhang sangkot.
Kalamidad
__________________________________
___________________________________ _________________________________
Page 8 of 10
Halimbawa Halimbawa
__________________________________ ________________________________
Sa yugtong ito natapos mo na ang ang pagtutuklas sa paksang “Sa Harap ng Kalamidad” at
ang mga gawain na nakapaloob dito. Sa pagtatapos ng ating aralin, narito ang mga ilang
puntos na dapat mong tandaan.
Binabati kita! Matagumpay mong nagawa ang lahat ng mga gawain. Patunay ito na
handa ka na sa maikling pagsusulit na iyong gagawin.
I. Isulat ang FACT kung ang pangungusap ay Tama at BLUFF kung ito ay mali. Isulat ang
sagot sa kwaderno.
3. Ang geohazard map ay ginawa upang mabawasan ang masamang epekto ng mga
sakuna o kalamidad.
4. Ang bagyo, baha, lindol, landslide, tsunami, daluyong at volcanic eruption ay mga Man-
Made Disaster.
Page 9 of 10
II. Anong uri ng kalamidad ang inilalarawan sa hanay A? Sipiin mo ang letra ng sagot sa
hanay B. Isulat ito sa iyong kwaderno.
A B
Page 10 of 10